You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
PANGASINAN DIVISION II
San Manuel District
NARRA ELEMENTARY SCHOOL

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:___________________________________________________________Iskor:_____________

I. Talasalitaan: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagmamadaling tumakbo si Lorna upang umabot sa bangko bago ito magsara. Hangos na
hangos siya nang makarating. Nahuli siya ng ilang minuto. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. pagod na pagod C. hingal na hingal
B. Durug na durog D. inis na
2. Hindi lingid sa lahat ang mabuting layunin ng pangulo. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. sagot B. alam C. lihim D. pagbabago
3. Ano ang tawag sa bodega o imbakan ng magsasaka ng mga palay o bigas?
A. bartolina B. kwadra C. Kulungan D. kamarin
4. Huwag dapat maglaro ng apoy sapagkat ito ay delikado. Alin ang tinutukoy na nasa likas na uri ng
pangngalan sa pangungusap?
A. apoy B. computer C. bag D. lapis
5. Alin dito ang pangngalang nasa basal o di-kongkreto ang gamit?
A. celpon B. grupo C. wika D. aklat
6. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa sa loob ng silid-aralan. Anong uri ng pangngalan ang mag-
aaral?
A. pambalana B. pantangi C. pambabae D. wala
7. Sa kuwentong “Matatag na Bata, Laging Handa,” sino ang batang bida sa teksto?
A. Yenyen B. Katkat C. Bekbek D. Isko
8 . Anong ugali mayroon ang bidang bata?
A. salbahe B. malakas ang loob C. duwag D. masama

Pag-aralan ang bar graph. Sagutin nag mga sumusunod na tanong.


9. Anong taon ang may pinakamaraming sako ng bigas ang naani ng Pamilyang Reyes?

A. 2009 B. 2008 C. 2010 D. 2011

10. Ilang sako ng bigas ang kanilang nakuha noong taong 2009?

A. 120 B. 100 C. 80 D.110

11. Anong taon ang may pinakakaunti ani ang kanilang nakuha?

A. 2007 B. 2009 C. 2008 D. 2010

12. Anong angkop na pamagat para sa sumusunod na talata?

Maraming dahilan kung bakit maraming naaakit na manirahan sa Pilipinas. Maganda at kaakit-
akit ang kanyang tanawin. Sagana ito sa pinagkukunang-yaman. Ito’y lupain ng pag-asa. Dahil ditto,
inaanyayahan ko ang lahat ng manlalakbay sa Pilipinas. Kalian ka kaya makakarating dito?

A. Halina na sa Pilipinas
B. Maganda ang Pilipinas
C. Pag-asa ng Pilipinas
D. Malayo ang Pilipinas
13. Sa pangungusap na “saan kaya ang tirahan nila?,” anong panghalip pananong ang ginamit?

A. kaya B. ang C. Saan D. nila

14. Alin sa mga ito ang halimbawa ng Form maliban sa isa?

A. Library card B. Cedula C. Bio-data D. Birth Certificate

15. Kung ang hinihingi ng datos sa form ay ang iyong address, ano ang iyong ilalagay?

A. Marina Andres C. Barangay Narra, San Manuel, Pangasinan

B. Barangay Flores, San Manuel, Pangasinan D. 8

16. Ang mga magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawaing bahay. Anong kailanan ng pangngalan ang
nasalungguhitan?

A. Isahan B. Dalawahan C. Maramihan D. Di-konektado

17. Ang mga mag-aaral ay nagbabasa sa loob ng silid-aralan. Anong uri ng pangngalan ang mag-aaral?

A. pambalana B. pantangi C. pambabae D. wala

PAG-UNAWA SA BINASA

Basahin ang talata. Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

May naiibang kaugalian ang mga taga-Bontoc. Ito ay tinatawag na ulog. Bawal matulog nang
nagkakasama sa iisang bubong ang magkapatid na lalaki at babae. Ito ang dahilan kaya dinala ng mga
katutubo ang kanilang anak na babae sa ulog at ang anak na lalake sa ato. Ang ulog ay nagsisilbing
tulugan ng mga babaeng walang asawa. Ang ato ay para sa mga lalaking walang asawa. Anim na taon pa
lamang ang mga bataang lalaki ay dinadala na sa ato. Ang mga babae naman ay dinadala sa ulog sa
pagsapit nila ng 13 o 14 na taon. Kinaumagahan, ang mga lalaki at babae ay umuuwi sa kani-kanilang
tiraha

18. Tungkol saan ang binasang kuwento?

A.Kaugalian ng mga taga-Banaue B. Kaugalian ng mga taga-Bontoc

C. Kaugalian ng mga taga-Pangasinan D. Kaugalian ng mga taga-Iba


19. . Saan dinadala ng mga katutubo ang kanilang anak na babae?

A. sa ulog B. sa ato C. ikalawag palapag D. sa kubo

20. Ilang taon ang dapat na pagdala sa ulog ng mga katutubo ang walang asawa na babae

A. 6 na taon B. 15 o 16 taon C. 10 o 11 taon D. 13 o 14 taon

21. Bakit dinadala ng katutubo ang kanilang anak na babae sa ulog at anak na lalaki sa ato?

A. Dahil bawal ang magkatabi

B. Dahil bawal matulog nang nagkakasama sa iisang bubong ang magkapatid na lalaki at babae.

C. Dahil mamamatay silang magkakapatid

D. Dahil magagalit ang kanilang mga magulang.

22. Sa inyong palagay, makakabuti kaya sa mga katutubong ito ang hiwalay na tulugan ng mga lalaki at
babae?

A. Hindi B. Walang kasiguraduhan C. Oo D. Minsan

23. Ano ang tamang panghalip na bubuo sa pangungusap?

____ ay may kanya-kanyang gawain.

A. Lahat B. Ako C. Ikaw D. Bawat

24. Magdadala kami ng mga pagkain para sa mga kapus-palad. Anong uri ng panghalip ang
nasalungguhitan?

A. Panao B. Panaklaw C. Pamatlig D. Pananong

25. Sa pangungusap na “Saan kaya ang tirahan nila?,” anong panghalip pananong ang ginamit?

A. kaya B. ang C. Saan D. nila

26. Mabilis na nag-unahang tumakbo ang mga bta papunta sa batis. _____ ay maliligo sa malamig at
malinis na daloy ng tubig ng batis. Anong wastong panghalip ang gagamitin?

A. Nila B. Kami C. Ikaw D. Sila

27. Alex, Bert at Lito ay magsisimba sa Linggo. Palitan ng wastong panghalip ang nasalungguhitang
pangngalan.

A. Kayo B. Namin C. Sila D. Sina

28. Anong angkop na panghalip pananong ang bubuo sa mga sumusunod na pangungusap?

_______ang paborito mong pagkain?

A.Sino B. Saan C. Ano D. Kanino

29. ______kayo nagsisimba ng inyong pamilya?

A. Sino B.Ano C. Saan D. Bakit

30. ___sa mga ito ang nais mong isuot?

A. Alin B. Kailan C. Ilan D. Ano

31. Punan ng wastong datos ang hinihingi ng form o pulmonaryo.

A. Marina C. Santos Narra


B. Narra Elementary School 11

C. Leo B. Aquino Urdaneta City

D. Shella V. Viray 11

32. Ano ang isaalang-alang sa pagsagot ng isang Form o Pulmonaryo?

A. Gawing magulo ang pagsagot

B. Gawing marumi ang form

C. Gawing malinis at malinaw ang mga sagot

D. Lukutin ang form

33. Ano ang isang halimbawa ng pulmonaryo?

A. catalog card B. pahayagan C. magasin D. papel

34. Alin sa mga sumusunod ang may wastong datos sa pagsagot ng isang form?

A. Tirahan: Narra San Manuel, Pangasinan Edad: Marso 3, 2012

B. Pangalan: Ana C. Santa Lugar ng Kapanganakan: Mayo 4, 2011

C. Pangalan: Lyza B. Reyes Edad: 11

D. Edad: 12 Tirahan: Narra Elementary School

35. Tingnan ang datos na nasa kanan. Ano ang dapat na

isasagot sa lugar ng kapanganakan?

A. Marina A. Sanchez B. Mayo 10, 2011

C. 8 taong gulang D. San Manuel, Pangasinan

Anong angkop na pamagat ang mga sumusunod na talata? Piliin sa loob ng kahon ang titik ng sagot.

36. Masayang-masaya ang lahat ng mga dumalo sa birthday ni Tony. May iba’t ibang palaro, mga lobong
sarisaring kulay. Masarap na kendi, sopas sandwich, pansit at ice cream. Walang anu-ano’y nagulat ang
lahat. Sumisigaw na palabas si Rudy mula sa kusina. Tutop ang kaliwang palad ang kanyang bisig. Isang
kaserola ng kumukulong sopas ang lumigwak. Nabanlian ang kanyang bisig.

A. “Isang Sorpresa”
B. “ Nagulat ang Lahat”
C. “Halina sa Pilipinas”
D. “Bibigyang-Lunas”

37. Nagdiriwang ang pamayanan ng mga dukhang mangingisda sa Balagtas, Bocaue at Guiguinto sa
Bulacan. Inatasan ng Pambansang Komisyon sa Pagsugpo ng Polusyon na magsara ang isang malaking
pabrika, Ang Tecson Chemical Company. Napag-alaman ang duming nanggagaling sa pabrika ay
nakakalason sa maliliit na isda sa ilog. Nakakaapekto rin ito sa mga palayang malapit sa pabrika

A. “Isang Sorpresa”
B. “ Nagulat ang Lahat”
C. “Halina sa Pilipinas”
D. “Bibigyang-Lunas”
38. Nagsimula ang pagdiriwang ng aking kaarawan sa isang mahalagang paghahanap. Sa harap ng
masaganang agahan, nakangiting iniabot sa akin ni Daddy ang isang kakatwang mapa. Sa loob ng ilang
sandali’y nagging palaisipan para sa akin ang kakatwang mapa. Walang anu-ano’y nagliwanag sa akin
ang lahat. Dali-dali akong tumakbo sa silid ni Mommy at Daddy. Isang sorpresa ang naghihintay sa akin.
Sa ibabaw ng kanilang kama ay naroroon ang isang napakagandang rosas na bestida

A. “Isang Sorpresa”
B. “ Nagulat ang Lahat”
C. “Halina sa Pilipinas”
D. “Bibigyang-Lunas”
39.
1996 ay ang taon upang simulan ang Coconut festival ng San Pablo City, isang paraan ng
kanilang mga positibong paraan sa kanilang mga kultura para alam nito ang pagpapahayag ng
kalayaan ng paniniwala at pagpapahayag. Sa pamamagitan ng pagdiriwang na ito isang
kaalaman ng kanilang lugar ay nalaman, kung saan ang kanilang mga paniniwala at mga halaga
ay naipapakita.

A. Festival B. Kulturan sa San Pablo city

C. Pagdiriwang ng San Pablo City D. Coconut Festival ng San Pablo City

40. Sabik na sabik si Julia na pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na
niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo,
mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. “Julia,
mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan.” ang bati ng kanyang nanay. “Opo! Sabik na po
akong pumasok!” ang sagot ng bata

A. Si Julia B. Sa Paaralan

C. Unang Araw ng Pagpasok ni Julia D. Sa Nayon

Pag-aralan ang pie graph at sagutin ang katanungan sa ibaba.

41. Anong impormasyon ang inilalahad ng circle o pie graph?

A. Araw-araw na Gawain ni Miko B. Mahabang Gawain Ni Miko

C. Gawain Ni Miko sa Maghapon D. Gawain ni Miko sa 2 Araw

42. Ano ang gawaing umuubos ng mahabang oras ni Miko?

A. Pagkain B. pagtulog C. Pagpasok sa Eskuwela d. Gawaing Bahay

43. Gaano kalaking bahagdan ang ginigugol ni Miko sa Paglilibang?

A. 25% B. 30% C. 16% D. 12%

44. . Ilang bahagdan ang inilalaan ni Miko sa Pagpasok sa Eskuwela?


A. 16% B. 14% C. 15% D. 25%

45. Gaano kalaking bahagdan ang ginigugol ni Miko sa libreng oras?

A. 30% B. 14% C. 15% D. 16%

46. Anong angkop na pamagat sa maikling tulang isinulat ni Andres Bonifacio?

A. Pag-ibig B. Pag-ibig sa Kapwa

C. Pag-ibig sa Wika D. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

47. Piliin ang angkop na salita upang mabuo ang mga taludtod ng tula.
Ang dating ______,
Sa mga labi,
Ay napalitan ng luha,
Na pumapatak sa mata.
A. pula B. ngiti C. lungkot D. lipstick
48. Nais ni Rose na magsulat ng tulang “Ang Mabuting Bata.” Alin sa mga sumusunod na saknong ang
maaaring bahagi ng kanyang tula?

A. Tambal ng aliw
na sasayaw-sayaw
sa tuwing ako’y
naninimdim. . .
Bukang-liwayway
ng isang pagsintang
walang maliw!

B. Aking Ama’t !na, salamat sa lahat


"Utang na loob ko aking buong buhay‘
Di man kasing talino ni Jose Rizal
Sisikaping makasungkit ng parangal

C. Lahat kinakain,
daming sinisira;
Maraming kaaway,
lalo na ang pusa.

D. Ganyang ang kawangis ng mabuting bata


Sa ama't sa ina'y isang gantimpala:
Isang maginoo sa pagkabinata
Mamamayang dapat gawing halimbawa.

49. Sa pagsulat ng tula, ano ang mga dapat isaalang-alang maliban sa isa?

A. Sukat- Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong
B. Saknong- Ang saknong ay isan grupo sa loob ng isang tula na dalawa o maraming
linya(taludtod).
C. Tugma- Ito ang nagbibigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.
D. Ayos – Hanay ng mga salita

50. Alin sa mga sumusunod na taludtod ang angkop sa tulang naumpisahan ni Jane upang makabuo siya
ng isang saknong?

Sa lahat ng hayop,
ayaw ko sa daga,
_____________
_____________

A. Masustansiyang gulay
Pampahaba ng buhay
B. Kumain ng itlog
Ikaw ay bibilog

C. Salot sa tahanan,
maging sa tumana.
D. Bukang-liwayway
ng isang pagsintang walang maliw!

Prepared by:

MARICEL C. BAGUILOD

Checked by:

CHRISTOPHER R. ESTIMADA, Ed. D.


Head Teacher III

You might also like