You are on page 1of 8

MALAGUIP INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSUSULIT SA FILIPINO 5

Name: ____________________________________ Score:__________________

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Liliman ang titik ng


tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Nagdarasal nang tahimik si Icah para sa mga biktima ng bagyo. Ano ang
pangabay na ginamit sa pangungusap?
A. bagyo B. biktima C. nagdarasal D. nang tahimik

2. Malumanay na kinausap ng guro ang bata dahil sa pasong nabasag. Anong


pang-uri ang ginamit sa pangungusap?
A. kinausap B. guro C. bata D. Malumanay

PANUTO: Para sa aytem bilang 3,4,18,19,28,29,37. Makinig na mabuti sa maikling kuwento


na babasahin ng guro. Liliman ang titik ng tamang sagot.

3. Pagkagising sa umaga ni Maria, ano ang una niyang ginagawa?


A. nagdarasal B. kumakain C. namamasura D. naliligo

4. Pagkatapos niyang ligpitin ang kanyang higaan, ano ang susunod niyang gagawin?
A. magdarasal B. kakain C. magluluto D. maliligo

5. Si Maria ay sampung taong gulang. Alin ang tanong ang aangkop sa pangungusap?
A. Sino si Maria? B. Ilang taon si Maria?
C. Saan nakatira si Maria? D. Ano ang katangian ni Maria?

6. Naglalayon siyang makapasa ng eksamin. Ang kasalungat ng salitang may salungguhit ay?
A. nagnanais B. nagbabalak C. nag-iisip D. nagbabalewala

7. Isang kapaki-pakinabang na bagay ang pagbabasa. Napagyayaman nito ang ating


talasalitaan. Natutulungan tayo ng pagbabasa na maging mapanuri. Nalalaman natin ang
mga pangyayari sa ating paligid sa pamaamgitan ng pagbabasa. Anong pamagat ang
pinakabagay para sa teksto?
A. Ang Aklat B. Isang Libangan
C. Ang Mabuting Libangan D. Ang Kahalagahan ng Pagbabasa

8. Sa sandaling tumaas ang presyo ng langis, tataas ang pamasahe. Tataas din ang halaga
ng iba’t ibang produkto. Sadyang malaki ang epekto ng halaga ng langis sa ating kabuhayan.
A. Ang Pagtaas ng mga Bilihin
B. Ang Pagtaas ng Presyo ng Langis
C. Ang Epekto ng Pagtaas ng Langis
D. Pagtaas ng Halaga ng mga Produkto

9. Sa napanood na kwento na Ang Munting pangarap, sino ang pangunahing tauhan?


A. Si Ana B. Si Tatay C. Si Nanay D. Wala sa nabanggit

Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte


Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
10. Ano ang hanapbuhay ng gumanap na tatay sa maikling pelikula ?
A. Drayber B. Naglalako C.Mangingisda D. Wala sa nabanggit

11. Sa pagsasalaysay ng mga pangyayari, mahalaga na matukoy ang __________________sa


kuwento upang mailatag ang kaugnay na mga pangyayari.
A. pangunahing pangyayari B.Pinangyarihan ng kuwento C. Tauhan D. tema

Panuto: Pag-aralan ang timeline tungkol sa mga naging Pangulo ng Pilipinas at sagutin ang
tanong.
12. Sino ang naging pangulo ng bansa natin sa taong 1953?
A. Elpidio Quirino
B. Corazon C. Aquino
C. Ramon Magsaysay
D. Disodado Macapagal

13. Ang tubig ____ mainit ay isasalin ko sa termos. Alin ang angkop na pang-ugnay sa
pangungusap?
A. na B. -ng C. -g D. ñ

14. Ang magaling _______ manggagamot ay dinarayo ng marami.


A. na B. -ng C. -g D. ñ

15. Sa pagsagot ng mga forms, sa iyong palagay ano ang pinakamahalagang isaalang-alang?
A. kailangan mong sulatan ng tamang impormasyon o datos
B. kailangan mong gandahan ang pagsulat
C. kailangan mong galingan sa pagsagot
D. wala sa nabanggit

16. Nagmamadaling kinuha ni Josh ang kanyang lumang gamit para ibigay sa
nangangailangan. Anong bahagi ng pananalita ang sinalungguhitan?
A. pandiwa B. pang-abay C. pang-angkop D. pang-uri

17. Mabilis na sinalubong ng bata ang ina. Tukuyin ang pang abay sa pangungusap?
A. Mabilis B. bata C. ina D. sinalubong

18. Alin ang ginagawa ni Maria bago umalis ng bahay?


A. nagdarasal B. kumakain C. namamasura D. naliligo

19. Saan pupunta si Maria, pagkatapos kumain?


A. magdarasal B. kakain C. mamasura D. maliligo

20. Alin sa mga sumusunod na tanong ang itatanong kung gusto mong malaman ang mga
tauhan sa napakinggang salaysay?
A. Sino ang mga tauhan sa salaysay?
B. Saan nakatira ang mga tauhan sa salaysay?
C. Ano ang tema ang napakinggang salaysay?
D. Anong katangian mayroon ang mga tauhan?

21. Mag-aral kayong mabuti sapagkat mahirap ang maging mangmang. Alin ang kasalungat
ng nasalungguhitan na salita?
A. masipag B. mariwasa C. mabait D. matalino
Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte
Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
22. Si Jean ay may baong miryenda at tanghalian. Hindi niya ginagastos ang perang baon
niya. Hindi rin siya basta-basta bumibili ng kung ano-ano sa cafeteria. Hinuhulog niya sa
alkansya ang natitira niyang pera. Ano ang maaaring pamagat ng tekstong nabasa?
A. Ang alkansya C. Ang matipid na bata
B. Ang baon sa paarala D. Si Jean

23. Tuwing umuulan nasa bahay lang ako. Masarap uminom ng mainit na tsokolate at
kumain ng sinigang. Naglalaro kami ng aking mga kapatid ng Monopoly, at minsan naman ay
iPad dahil hindi kami makakapaglaro sa labas. Masaya pa rin kahit umuulan!
A. Sa Loob ng Bahay C. Mga Pagkain sa Tag-ulan
B. Tuwing umuulan D. Masaya Kahit Umuulan

24. Bakit nagsasakripisyo si Ana na nagtitinda?


A. Para magkaroon siya ng maraming pera.
B. Gusto niyang bumili ng iphone na cellcphone.
C. Pinaghahandaan niya ang nalalapit niyang kaarawan.
D. Gusto niyang matulongan ang kaniyang ama na makabili ng sarili niyang Jeep.

25. Ilarawan ang katauhan na Ana sa napanood na maikling pelikula.


A. Bugnutin na bata. C. Masipag, responsable at may malasakit sa pamilya.
B. Maarte at sinungaling D. Wala sa mga nabanggit

26. _____________ tumulong ang mga mag-aaral ng Ateneo de Manila sa mga mag-
aaral sa pampublikong paaralan. Ano ang pang-abay na pamaraan ang
pinakaangkop mong gamitin sa pangungusap?
A. tipid B. masayang C. malumanay D. mabilis

27. Paano mo gagamitin ang pang abay na pamanahon sa pangungusap?


A. Madalang bumisita ang mga bata sa kanilang lola.
B. Masayang dumadalaw ang mga bata sa kanilang lola.
C. Dumadalaw ang mga bata sa kanilang lola sa probinsya.
D. Buwan-buwan na namamasyal ang mga bata sa kanilang lola.

PANUTO : Basahin at unawain ang teksto. Ayusin ang mga pangungusap sa pagkakasunud-
sunod ayon sa nangyari. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Paghuhugas ng Pinggan
Nakatakdang maghugas si Lina ng pinggan tuwing tanghalian.Lagi niyang tinatandaan ang
bilin at turo ng kanyang ate Lora sa paghuhugas ng pinggan. Kailangan niyang tanggalin ang
mga tira-tirang pagkain. Laging bilin sa kanya na ibabad muna sa tubig ang mga matigas na
kanin na naiwan sa plato para lumambot at mas madaling matanggal. Dapat unahin sa
pagsabon ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidor, mga tasa at pinggan.
Banlawang mabuti at patuyuin sa pamamagitan ng malinis na basahan.
A. Unahing sabunan ang mga baso, kasunod ang mga kutsara at tinidoor, mga tasa at
pinggan.
B. Tanggalin ang mga tira-tirang pagkain. Ibabad muna sa tubig ang mga matigas na kanin
na naiwan sa plato para lumambot at mas madaling matanggal.
28._________ 29._________

30. Si Maria ay masipag at responsableng bata. Anong tanong ang iyong gagamitin na
sasagot sa pangugusap ?
A. Sino si Maria? C. Bakit masipag si Maria?
B. Saan nakatira si Maria? D. Anong katangian mayroon si Maria?

Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte


Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
31. Si Jose Rizal ay isang huwaran. Ano ang kasingkahulugan na pipiliin mo sa salitang may
salungguhit?
A. kalaban B. kapangyarihan C. modelo D. katunggali

32. “Iba’t ibang damdamin ang nararamdaman ng mga Pilipinong wala sa sariling bayan.
Minsan, siya’y nalulungkot at nagungulila. Minsan naman, siya ay masaya. Sa kabila ng
lahat, hangad niyang makapiling na muli ang mga mahal niya sa buhay na nasa sariling
bansa.” Kung bibigyang pamagat ang nabasang salaysay, Ano ang ipapamagat mo?
A. Pamamasyal B. Pagpapakasakit C. Paghahanapbuhay D. Pangingibang Bayan

33. “ Isang magandang tourist attraction sa Masintoc ang pagsakay ng 4x4. Isa itong
karanasan na di makakalimutan ng kahit sino man na makararanas dito. Isa itong pagsakay
sa isang klaseng off road na sasakyan mula sa kabahayan ng baryo paakyat sa Culili Point.
Lima hanggang anim na katao lamang ang kayang isakay ng 4X4. Pinapapirma ang bawat isa
ng waiver bago payagang sumakay. Binabayaran nang isang 4X4 ng 2500 na piso sa kada
biyahe.Anong pamagat ang pipiliin mo sa napakinggan/nabasang salaysay?
A. Ang Culili Point
B. Ang Pagsakay ng 4x4
C. Ang Malawak na Sandunes
D. Ang Tourist Attraction sa Masintoc

34. Malaking bagay ang pagsasakripisyo para sa ikau-unlad ng buhay. Kagaya ng ginawa ni
Ana. Bilang bata ano ang magagawa mo para sa pamilya?
A. Mag-aral na Mabuti
B. Tumulong sa mga gawaing bahay.
C. Sumunod at respetuhin ang mga magulang.
D. Lahat ng mga nabanggit.

35. Paano mo ilarawan ang katauhan na tatay sa Munting Kahon ng Pangarap.


A. Basagulero C. Masipag at responsableng ama
B. Malambing na Ama D. Wala sa mga nabanggit.

36. Alin ang pang-abay sa pangungusap na, “Sabik na yumakap si Ana sa kanyang ama. “?
A. sabik B. yumakap C. ama D. Ana

37. Anong mga pagbabago ang iyong gagawin upang baguhin ang araw araw na ginagawa ni
Maria?
A. Maglaro B. Magpahinga C. makipagkwetuhan D. wala lang

38. Piliin ang angkop na tanong sa pangungusap na. Sa murang edad ay natuto na si Maria
sa gawaing bahay at maghanap buhay.
A. Ano ang trabaho ni Maria?
B. Paano maghanap buhay si Maria?
C. Bakit kailangang maghanap buhay si Maria?
D. Ano ang natutunan ni Maria sa murang edad?

39. Alam mo ba? Ang dami nating bayani dito sa Pilipinas! Ilan sa mga iyon ay sina Dr. Jose
Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo, at Lapu-Lapu. Iba-iba man ang kanilang paraan
sa pagtatanggol sa ating bansa, sila parin ang mga bayani na ipinaglaban ang ating kalayaan.
Ano ang maaaring pamagat ng tekstong nabasa?
A. Ang mga Bayani C. Si Jose Rizal
B. Ang Ating Kalayaan D. Pagtatanggol

Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte


Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
40. Naging makatotohanan ba ang mga tauhan sa pagganap sa mga kilos o reaksiyon?
A. Oo ang mga tauhan ay magagaling.
B. Oo ang mga tauhan ay naging totoo sa kanilang pagganap.
C. Oo damang-dama nila ang katauhan ng papel na kanilang ginampanan.
D. Lahat ng mga nabanggit

41. Ikaw ay naatasang magbahagi ng iyong nasaksihan pangyayari, ano gagawin mo?
A. magkwento ng maikli lang
B. magbigay ng kuro-kuro lang
C. magbigay ng magandang istorya base sa oinyon
D. magbigay ng impormasyon na magkakaugnay at sunod-sunod

42. Ano ang unang hakbang na dapat gawin sa pagbabahagi ng isang pangyayaring
nasaksihan?
A. Magbigay ng opinyon sa pangyayari.
B. Tandaan ang mga detalye ng pangyayari..
C. Magbigay ng konklusyon sa pangyayari
D. Magpakita ng damdamin hinggil sa pangyayari.

43. Dahan-dahan____ naglakad ang bata palabas ng bahay. Alin ang angkop na pang-ugnay
sa pangungusap?
A. na B. -ng C. -g D. Ñ

44. Nabuwal ang puno dahil sa malakas na hangin. Bakit na ang ginamit na pang angkop sa
pangungusap?
A. Na ang ginamit kasi magandang pakinggan
B. Na ang ginamit sapagkat madaling bigkasin.
C. Na ang ginamit sapagkat ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig.
D. Wala sa mga nabaggit

45. Sa panahon ngayon, ang search engine na Google ay maituturing ding pangkalahatang
sanggunian. Sa iyong palagay, bakit?
A. kasi ito ang pinakamagandang gamit at trending
B. kasi ito pinakamabuting sanggunian lalo na sa mga games
C. kasi ito ang pinakamabilis na sanggunian gamit ang internet
D. kasi ito ang pinakamahusay na site

46-50 Ayusin ang email na nagmumungkahi ayun sa tamang pagkakaayos.

Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte


Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
Tungo sa isang mas maunlad na paaralan,

Ako ay sumulat sa iyo upang ibahagi ang isang mungkahi


na maaaring makatulong sa pagpapabuti ng ating
paaralan.
Napakalawak po ang ating paaralan, napansin ko na
maraming mga hindi na ginagamit na espasyo sa paligid.
Ang mga basura ay hindi rin nasesegregate at may ilang
ideya akong nais iparating sa iyo:
1. Pagtatayo ng isang komunal na hardin sa mga
hindi ginagamit na espasyo.
2. Paglikha ng waiting area ng mga magulang
3. Pag-kakaroon ng segregation sa basurahan
Maraming salamat sa iyong oras at pagtutok sa mga
mungkahi kong ito. Nawa'y maging matagumpay ang ating
mga pagsisikap para sa pagpapaunlad ng ating paaralan.

Mahal kong Kapitan Eric,

reynerio.sadumiano@gmail.com

Liham na Nagmumungkahi

Para sa aytem bilang 3,4,18,19,28,29,at 37. Pakinggan ang seleksyon at sagutin ang mga
tanong ukol dito.
Ako si Maria, sampung (10) taong gulang at ulilang lubos. Ipinanganak na mahirap lamang subalit
sa kabila ng kahirapan ay pinalaki ako ng aking mga magulang na responsable at may takot sa
Diyos. Sa murang edad ay natuto na ako ng mga gawaing bahay at maghanap buhay para may
makain sa araw-araw.
Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal at nililigpit ko ang aking hinigaan. Matapos kong
magligpit ay nagluluto na ako ng aking almusal pati na rin ng baon ko sa pangangalakal. Bago ako
umalis ng bahay ay kumakain muna ako saka dumeretso sa lugar kung saan maraming basura, na
puwede kong pagkakitaan. Subalit ngayong araw ay kaunti lamang ang aking nakalakal kaya
nagpasya akong umuwi, naglaba ng mga damit at naghanda na ng aking panghapunan.

Inihanda ni:

EMELYN L. GALANO
Teacher III
Sinuri at Pinagtibay ni:

REYNERIO T. SADUMIANO
Pinunongguro
Ninotahan ni:

JERRY G. TABRILLA, EdD


Tagamasid Pampurok ng Pampublikong Paaralan
Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte
Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
MALAGUIP INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

SUSI SA PAGWAWASTO
No. Answer No. Answer
1 C 26 B
2 D 27 D
3 A 28 B
4 C 29 A
5 B 30 D
6 D 31 C
7 D 32 D
8 C 33 B
9 A 34 D
10 A 35 C
11 A 36 A
12 C 37 B
13 A 38 D
14 A 39 A
15 A 40 D
16 B 41 D
17 A 42 B
18 B 43 C
19 C 44 C
20 A 45 C
21 D 46
22 D 47
p23 B 48
24 D 49
25 C 50

Inihanda ni:

EMELYN L. GALANO
Teacher III
Sinuri at Pinagtibay ni:

REYNERIO T. SADUMIANO
Pinunongguro

Ninotahan ni:

JERRY G. TABRILLA, EdD


Tagamasid Pampurok ng Pampublikong Paaralan

Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte


Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”
Brgy. 19, Paoay, Ilocos Norte
Contact no.: 0925-741-3421
Email: 500345@r1.deped.gov.ph “Ragsak ken rag-omi ti napudno nga
agserbi.”

You might also like