You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara I District
Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Pangalan:______________________________________________________Iskor: ____________

I. PAKIKINIG. PANUTO: Pakinggang mabuti ang kwento na babasahin ng guro. Pagkatapos ay


bilugan ang titik ng wastong sagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang kwento.

1. Ano ang pamagat ng napakinggang kwento?

A. Ang Pangarap ni Boyet


B. Ang Alkansya ni Boyet
C. Ang Masipag na Bata
D. Ang Mapagmahal na Bata

2. Sino ang masipag at mapagmahal na bata?

A. Si Boyet
B. Si Mika
C. Si Bona
D. Si Juan

3. Ano ang ginawa ni Boyet tuwing bakasyon?

A. naglalaro sa mga kaibigan.


B. nagtitinda ng mga prutas sa palengke
C. nanunuod ng TV.
D. nagbabakasyon sa kanyang lolo at lola

4. Bakit hindi makapag-aral si Boyet?

A. tamad mag-aral
B. nagtrabaho sa malayo
C. nawala ang inaasahan nilang pangangailangan ng pera
D. nakulong si Boyet

5. Paano nakapag-aral si Boyet?

A. ginamit ni Boyet ang naipon niya sa kanyang alkansya


B. nangutang ang kaniyang magulang
C. nagtrabaho sa malayo
D. nagnakaw si Boyet

PANUTO: Basahin ang kuwento na pinamagatang “Lakas ng Loob” . Pagkatapos, sagutin


ang mga tanong tungkol sa kaniyang buhay. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ulirang lubos si Dennis. Binigyan siya ng pera ng kaniyang ina upang gamiting
puhunan. Binalak na gamitin ni Dennis sa pagtitinda ng prutas ang puhunan ngunit nag-atubili
siya. Nag-aalala siya na baka hindi maubos ang kaniyang ibebentang prutas. Ang ginawa niya
ay nagtanong tanong siya sa mga kapitbahay, kakilala at kaibigan kung nais nilang
magparasyon ng prutas. Sa bandang huli nagpasya na rin siyang magtinda.

6. Ano ang binalak ni Dennis? Magtinda ng _____________.

A. tubig
B. prutas
C. diyaryo
D. kakanin

7. Bakit siya nag-alala?

A. wala siyang puhunan


B. uutangin lang ang prutas
C. hindi mauubos ang panindang prutas
D. walang bibili ng kaniyang panindang prutas

8. Ano ang kaniyag naging pasiya?

A. ituloy ang pagtitinda


B. ituloy ang pagtitinda ng kakanin
C. huwag nang ituloy ang pagtitinda
D. ituloy ang pagtitinda ng mga diyaryo

9. Paano inalam ni Dennis kung mauubos nga ba ang kanyang balak itinda?

A. Hinulaan na lamang niya


B. Nagtanong-tanong siya sa mga kapitbahay, kakilala at kaibigan kung nais nilang
magparasyon ng prutas
C. Naghanap ng murang pagkukunan ng kanyang ititinda.
D. Nagtanong sa mga nagtitinda rin ng ganoon kung nauubos ba ang kanilang benta.

Piliin ang letra na ginamit sa wastong pangngalan at panghalip sa iba’t ibang sitwasyon.

10. Alin dito ang pangngalang Pantangi?

A. Shaun B. bata C. pumunta D. sili-aklatan

11. Paburito ko uminom ng gatas. Alin ang salitang Pangngalang Pambalana?

A. Paburito B. bata C. gatas D. uminom

12. Kanya ang bimpong yan. Alin sa salita ang tumutukoy sa panghalip panao?

A. Ang B. yan C. kanya D. bimpo

13. ___________ ang lumang libro iyon. Ano ang angkop na gagamitin sa panghalip na paari?

A. amin B. akin C. iyon D. kanila

14. Alin ang hindi kasama sa Panghalip Panaklaw.

A. iba B. pawa C. madla D. iyo

Basahin at ibigay ang kahulugan ng mga kilos o pahayag ng mga hayop sa sumusunod na
pangungusap? Bilugan ang tamang sagot.

15. “Maya! nais kong mapatunayan kung sino talaga sa atin ang pinakamagaling!” Si Uwak ay
_______.
A. mabait
B. magalang
C. mayabang
D. malungkot

16. “Ahhhhh! Yon bah?” Ano gusto mong magsubukan tayo ng tapang o kakayahan?” Si Maya
naman ay _____________.

A. palaban
B. masipag
C. maalaga
D. mapagmahal

17. Nagpaikot-ikot ng lipad si Uwak. Siya ay lumipad _______________.

A. palayo
B. palapit
C. taas-baba
D. pabalik-balik

18. “Anong gagawin natin Uwak? Dapat magkasundo tayo sa paligsahan ito.” Sabi ni Maya. Si
Maya ay humihingi ng ____________.

A. pagdamay
B. pagdaramdam
C. pag-aalinlangan
D. pag-uusap nang maayos

19. Sa isip ni Uwak,dapat matalo niya si Maya, dapat mag-iisip siya kung ano ba ang ikatatalo
ni Maya. Si Uwak ay _______________.

A. tuso
B.masaya
C. mahinahon
D. maalalahanin

Ibigay ang tunay na kahulugan ng mga Sawikain.

20. Butas na bulsa

A. walang pera B. mayaman C. mahirap D. natapon ang pera

21. Ilaw ng tahanan

A. bombilya B. tatay C. nanay D. ate at kuya

22. Bukas ang palad

A. madamot B. matulungin C. masipag D. mapagmahal

Lagyan ng bilang 1-3 ang mga bituin sa ilalim nito. (23-25).

Nadapa ang batang pulubi.

Nagpunta ang magkakaibigan sa parke.

Iniuwi ng magkakaibigan ang sugatang bata.


26. Kumuha ng palanggana si Aling Alice, hiniwalay ang mga damit na puti sa may kulay na
mga damit. Nilagyan ng tubig at sabon ang palanggana. Ano kaya ang susunod na gagawin ni
Aling Alice?

A. babanlawan ang mga puti at may kulay na damit.


B. isasampay ang mga damit
C. unang lalabhan ang puting damit
D. maglalaba ng may kulay na damit

27. Naghahanda ng ilulutong almusal si Jose, ang mga sangkap ay itlog, asin, mantika,
sibuyas, at kamatis. Ano kaya ang lulutuin niya?

A. Pan Cake
B. Scramble na itlog
C. Nilagang itlog
D. Sunny side-up na itlog

Para sa bilang 28-29. Basahin ang pangyayari at ibigay ang kalalabasan ng bawat
pangyayari . Isulat ang iyong sagot sa patlang.

28. pagputol ng mga puno sa kagubatan

29. paggamit ng dinamita sa pangingisda

30. Inutusan ka ng iyong nanay na bumili ng mantika sa tindahan ni Aling Alice. Ano ang iyong
isasagot?

A. Opo, Inay
B. Sandali lang, Inay
C. Ayoko, Inay
D. Mamaya na, may ginagawa pa po ako.

31. Nais mong hiramin ang aklat ng iyong kamag-aral. Paano mo ito sasabihin?

A. Ibigay mo sa akin ang iyong aklat.


B. Maaari ko bang mahiram ang iyong aklat?
C. Akin na muna ang iyong aklat, bilis!
D. Ipahiram mo sa akin ang aklat.

32. Nakita mong hindi wasto ang proyekto ng iyong ibang kagrupo at ikaw ang nakakaalam ng
wastong paggawa nito. Paano mo ito sasabihin?

A. Mali kayo, hindi ganiyan ang paggawa ng proyekto


B. Ihinto niyo yang ginagawa niyo kasi mali naman.
C. Dapat sana sinabihan ninyo ako bago kayo gumawa.
D. Maaari ba akong magbahagi sa inyo ng wastong paggawa ng proyekto?

33. Hindi ka sang ayon sa sinabi ng kapwa kamag-aral mo tungkol sa kagandahang epekto na
maidudulot ng larong Mobile Legend. Paano mo ito sasagutin ng tama? Isulat sa patlang ang
iyong ideya.
Para sa bilang 34-38. Basahin ang mga pangungusap. Piliin sa loob ng kahon kung alin ang
angkop na panghalip sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

kami ito dapat sila lahat sinuman kanya

34. “Tingnan mo ang hawak kong bag. Regalo sa akin _________________ ng aking matalik na
kaibigan.
35. Nawawala ang payong ni Macy. Sa _________________ kaya ang paying na napulot natin?
36. Matatalino ang lahat ng mga anak nina Mang Arturo at Aling Fely. _______________ sila ay
mga lalaki.
37. Walang ____________________ ang maaaring manghusga sa kanyang kapwa.
38. Si Kristelle, Lisa, at Ana ay aking kapitbahay. ____________ ay nakatira sa Fifth District.

39. Ang manika ni Nena ay maganda. Mahaba ang buhok niya. Malaki ang mga mata ng
manika. Ang pangalan niya ay Nika. Puti ang damit nito. Ano ang angkop na pamagat ng talata?

A. Ang Pangalan Niya ay Nika


B. Ang Manika
C. Si Nika Manika
D. Maganda ang Manika

40.Ngayong Linggo ang araw ng pamilihan. May dalang paninda ang mga tao. May sitaw, bataw,
kasoy, at patola. May patani, upo, at kalabasa. Ang mga gulay na ito ay masustansya. Ano ang
pamagat ng talata?

A. Ang Araw ng Pamilihan


B. Ang Mga Gulay
C. Mga Masustansyang Gulay
D. Ang Mga Tindero at Tindera

41. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming


suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay
ang pagsasamahan ng isa’t-isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling
buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos an gating pamilya kaya’t patuloy mong
ingatan. Piliin mo sa ibaba ang angkop na pamagat ng talata.

A. Ang Pamilyang Pilipino


B. Ang Pamilya
C. Ang Problema sa Pamilya
D. Biyaya ng Diyos ang Pamilya

42. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa
ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa isang Gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong
tradisyon lalo na sa mga lalawigan. Ano sa iyong palagay ang paksa ng talata?

A. Tradisyon ng mga Pilipino


B. Kapistahan ng mga Pilipino
C. Ang Bayanihan
D. Mga Kapistahan sa lalawigan

43. Gusto ni Elsa na malaman ang kahulugan ng mga salita, tamang pagpapantig ng salita,
pagbigkas, pagbabaybay at pagbabantas. Anong sanggunian ang angkop na gagamitin dito?

A. Diksiyonaryo
B. Almanac
C. Ensayklopidiya
D. Atlas
44. Kalendaryo ng mga impormasyong astronomiko at prediksyon tungkol sa panahon ang
hangad mong makita. Ano ang sanggunian ang angkop na gagamitin?
A. Ensayklopidya
B. Almanac
C. Atlas
D. Tesawro

45. Nais ni Nena na makita ang impormasyon tungkol sa iba’t-ibang paksa na nakaayos ng
paalpabeto.
A. Diksiyonaryo
B. Almanac
C. Ensayklopidiya
D. Atlas

Para sa bilang 46-50. Basahin ang talata at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ang hangin ay isang kahaluan ng mga gas na binubuo ng 78% na Nitroheno, 1%


ng Argon, humigit-kumulang 20% ng Oksiheno, at humigit-kumulang 1% ng gas ng
Asidong Karboniko, at maaari ring maglaman ng maliliit na mga dami ng mga gas na
bihira. Nagiging marumi ang hangin kapag nahahaluan ito ng organiko at mineral,
alikabok, pollen,karbon, at sari-saring mga mikrobyo. Ang dami ng mga bagay na ito ay
mataas sa mga siyudad, mga minahan, mga tibagan (mga quarry) mga pagawaan o
talyer.

46. Anong uri ng talata ang iyong binasa?


A. nagsasalaysay
B. nagpapaliwanag
C. naglalarawan
D. nangangatuwiran

47. Bakit nagiging marumi ang hangin?


A. Dahil ito ay nahahaluan ng organiko at mineral, alikabok, pollen, karbon, at sari-saring mga
mikrobyo
B. Dahil sa nahaluan ng mga gas tulad ng nitroheno at oksiheno
C. A at B
D. Wala sa nabanggit

48. Ano sa iyong palagay kung ang hangin ay wala sa ating mundo?
A. Ang buhay ay possible pa rin
B. Mamamatay ang mga tao at hayop sa ating mundo
C. A at B
D. Wala sa nabanggit

49. Ang hangin ay binubuo ng iba’t-ibang uri ng gas. 1% nito ay Argon, humigit-kumulang 20%
nito ay Oksiheno, at humigit-kumulang 1% naman nito ay Asidong Karboniko, ilang porsyento
naman ang Nitroheno na siyang kokompleto sa 100%?
A. 67%
B. 78%
C. 76%
D. 79%

50. Ano ang dapat isaalang- alang sa pagsulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at
nagsasalaysay?
A. Dapat may kaisahan ang mga ideyang ilalahad mula simula hanggang hulihan nito.
B. Kaunting kaalaman sa paksang isusulat
C. Magkaroon ng simula at walang wakas
D. Hindi pagkakaroon ng kaakit-akit na simula at wakas
Inihanda ni/nina:

MARICIZ D. CABATBAT

DEMI T. DION

Iwinasto nina:
_________________________
_________________________
_________________________
District Quality Assurance Team

Address: Poblacion Sur, Sta. Barbara, Pangasinan Document Code: P1SBA1-FR-019


Email: dso.stabarbara1@gmail.com Page No.: Page 1 of 1
Effectivity Date: 01-23-2020
Ang Alkansya Ni Boyet

Mahirap lamang ang pamilya ni Boyet. Ang ama niyang si Mang Delfin ay isang magsasaka
subalit walang sariling lupa. Inuupahan lamang nito ang tinatamnan ng palay. Ang ina naman
niyang si Aling Pacing ay simpleng maybahay lamang. Sampung taon na si Boyet. Siya ang
panganay sa kanilang apat na magkakapatid. Sa pasukan ay nasa ika-apat na baitang na siya
ng mababang paaralan.

Kapag ganitong bakasyon ay sinasamantala ni Boyet ang pagkakataon. Gumagawa siya ng


alkansiyang kawayan. Panahon ng pamumunga ng bungangkahoy sa kanilang bakuran, dahil
maluwang ang kanilang bakuran ay maraming punong namumunga. Pinipitas nila ng kanyang
inay ang ay mga bunga at itinitinda iyon sa palengke.

Mabili ang kanilang mga tindang prutas. Kapag nakaubos sila ng paninda ay agad siyang
binibigyan ng pera sa kanyang inay.

“Salamat po, inay. Mayroon na naman akong panghulog sa aking alkansiya.” masayang sabi ni
Boyet.

“Hayaan mo anak, bago siguro maubos ang mga bunga ng ating mga puno ay mapupuno na ang
alkansiya mo,” sabi ng kanyang inay.

Napuno nga ang alkansiya ni Boyet. Masipag kasi siyang mag-ipon.

Nang malapit na ang pasukan ay nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga tanim na
palay ng tatay ni Boyet. Kakaunti lang ang kanilang inani. Nagkautang ang kanyang itay. Nag-
alala naman ang inay ni Boyet. Malapit na ang pasukan at nawala ang inaasahan nilang
panggagalingan ng pera.

“Baka hindi ka makapag-aral ngayong taong ito, anak,” malungkot na sabi ng kanyang inay.

“Nasira ang mga pananim natin dahil sa bagyo at may utang pa tayo.”

“Makakapagaral po ako, inay. Puno na po ang alkansiya ko. Ito ang gagamitin ko sa aking pag-
aaral,” nakangiting sabi ni Boyet.

Nakapag-aral si Boyet ng pasukang iyon. Salamat at naisipan niyang mag-impok para sa


darating na pangangailangan.

KEY ANSWER:
1. B
2. A
3. B
4. C
5. A
6. B
7. C
8. A
9. B
10. A
11. C
12. C
13. B
14. C
15. C
16. A
17. D
18. D
19. A
20. A
21. C
22. B
23. 2
24. 1
25. 3
26. C
27. B
28-29. ANSWERS MAY VARY
30. A
31. B
32. D
33. ANSWERS MAY VARY
34. ITO
35. KANYA
36. LAHAT
37. SINUMAN
38. KAMI
39. B
40. A
41. A
42. A
43. A
44. B
45. C
46. B
47. A
48. B
49. B
50. A

You might also like