You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

PRE TEST SA FILIPINO GRADE 9


P.T. 2021-2022

Pangalan:_________________________________ Iskor:__________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin ang mga akda/ aytem at sagutin ang mga tanong.Piliin ang malaking titik ng
tamang sagot.at isulat sa sagutang papel.

Sa bahay, kung umuwi sa gabi ang amang pasigaw-sigaw at padabog –dabog,tiyak na walang
pagkain,at ang mga bata’y magsisiksikan,takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit
sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha`

At noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang
trabaho,nadatnan niya si Mui Mui sa kanyang mahahabang halinhing.Walang ano-ano ang kamao ng ama ay
bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabilang kuwarto.Pagkaraan ng dalawang araw si
Mui Mui ay namatay.

halaw sa kwentong ‘ Ang Ama’salin sa Filipino ni Mauro R.Avena

1.Ang sinalungguhitang pahayag na umakit sa malaking kamay nito sa unang talata ayon sa pahiwatig nito ay
nangangahulugang

A.bubuhatin sila ng ama C.pakakainin sila ng ama

B.kakargahin sila ng ama D.pagbubuhatan sila ng kamay ng ama

2 Base sa mga piling pangyayari sa loob ng kahon, alin ang maituturing na tagpuan ng kwentong binasa?

A.gabi sa bahay C.tanghali sa lagarian

B.madaling araw sa bahay D.umaga sa lagarian

3. Saang bahagi ng banghay ng maikling kwento makikita ang ikalawang talata ?

A.panimula C.kasukdulan

B.papataas na aksyon D.pababang aksyon

Pag-isahin ang dalawang pangungusap sa ibaba, gamit ang mga sumusunod na pang-

ugnay. A.dahil C.sapagkat

B.kaya D.subalit

Sa panahon ng bagong normal, pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral 4._____siya ay nakakuha ng matataas
na marka 5.___dito labis na natuwa ang kanyang mga magulang.

Dahil sa katagalan nang hindi pag-uwi, nakadama ang babae ng kalungkutan at pagkabagot, umibig
siya sa lalaking mas bata sa kanya.

halaw sa nobelang Isang Libo’t Isang Gabi


6. Anong uri ng tunggalian ang masasalamin sa bahagi ng akdang binasa
A.tao laban sa kalikasan C.tao laban sa tao

B.tao laban sa lipunan D.tao laban sa sarili

7. Ang pagkakasala ng babae sa kanyang asawa ay nagpapakita ng kalapastanganan sa sagradong relasyon


bilang mag-asawa. Ang pahayag na ito na kaugnay ng pangyayari sa nobela ay nagpapakita ng ___

A.kabutihan C.kalutasan

B.kagandahan D.katotohanan

8. Alin ang angkop na pahayag na nangangahulugang “Tayo ay may kaniya-kaniyang katangian at

kakayahan” A.”Ang bawat isa ay may pagkakabukod-tangi”

B. ”Ang bawat tao ay may sariling pagpapasiya”

C. ”Ang buhay ay sariling pagpili ng tao”

D. ”Ang tao ay may rasyonal na pag-iisip “

9. Sa iyong sariling opinyon, Alin sa mga sumusunod na isyung panlipunan na kinkaharap ng mga
Pilipino ngayon ang maituturing mong MAKATUWIRAN?

A. Dapat na paimbestigahan ng senado ang anomalya sa Social Amelioration Program.

B. Lahat ng mangagawang Pilipino ay sasailalim sa balik probinsya program

C. Ang mga kasapi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program ang bibigyan lamang ng

ayuda

D. Kulong agad ang sinumang mahuhuling walang facemask at face shield.

Ang kultura’y pinayayabong nang may halong sigla at tuwa

Nang maykasalong pagsubok at paghamon, Kulturang sinusuyod ng kapuri-puring ugali at marangal na


kilos

Kulturang inihahain ng pagsamba’t prusisyon, Kulturang sinasalamin ang pasko’t pistang

bayan Kulturang patuloy na sumisibol at ipinapupunla ng tradisyon

halaw sa tulang Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan,Regalo ng


kasalukuyan at Buhay ng Kinabukasan ni Pat V. Villafuerte

10. Ano ang nais ipakahulugan ng nakasalungguhit sa una at ikatlong taludtod ng tula?

A.mabunga’t masaya ang ating kultura C.masalimuot ang ating kultura

B.marangal ang ating kultura D.masining ang ating kultura

11. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan

A.Ayon kay Santiago et al. (2000) ang kahirapan ng Pilipinas ay bunga ng katamaran ng mga

Pilipino B.Para sa maraming Pinoy, hindi na kailangan ang pagsusuot ng face shield

C.Para sa akin mabuting dumistansiya na muna sa maraming tao upangmaiwasan ang pagkalat ng
virus.

D.Sa aking palagay kailangang magpatingin kaagad sa doctor sa oras na tayo ay


lagnatin.

Boy: Sasama kang magsisimba sa amin Tiyo Simon?

Tiyo Simon: Oo Boy,ang simbahan ay hindi masamang bagay,kaya huwag mong tatanggihan ang
pagsama sa iyo ng iyong mama. Hindi makabubuti sa iyo ang pagtanggi, ang pagkawala ng pananalig.
Nangyari na sa akin iyon at hindi ako naging maligaya.

halaw sa dulang Tiyo Simon ni NPS Toribio

12. Alin sa mga kulturang Pilipino ang nailarawan sa akda?

A.mahigpit na relasyon ng magpapamilya

B.pagkakaroon ng malaking pananalig sa Diyos

C.sabay –sabay na pagdarasal ng buong pamilya

D.sabay-sabay na pagsisimba ng buong pamilya

13.______ ni Boy ang pag-asa ni Tiyo Simon na ang bawat tao ay may karapatang magbago. Piliin ang
angkop na istruktura ng salita na makapagpapabuo sa kaisipan ng pangungusap.

A.binuhay C.buhay na buhay

B.buhay D.sumakabilang-buhay

Tanka Haiku

Payapa at tahimik Matandang sapa

Ang araw ng tagsibol Ang palaka’y tumalo

Maaliwalas Lumalagaslas

Bakit ang Cherry blossoms

Naging mabuway

mga siniping tula mula sa bansang Japan

14. Pinapaksa ng mga tulang ito mula sa bansang Japan ang tungkol sa ____

A.kalikasan C.pag-ibig

B.pagbabago D.pag-iisa

15. Paano hinati ang pantig ng bawat taludtod ng tulang Tanka sa itaas?
A.7-7-7-5-5 C.7-7-5-7-5
B.5-7-5-7-7 D.5-5-7-7-7
16. “Sino, siya? Gamit ang suprasegmental na hinto o antala Ano ang nais iparating ng
pahayag?
A.Ipinakikilala sa kanya ang kausap C.Tinatanong ang kanyang pangalan
B.Pinaninindigan na siya ang may gawa D.Tinatanong kung siya talaga ang may
gawa .

17. Sa panahon ngayon, napagtanto kong napakahalaga talaga ng buhay ng tao. Paano binibigkas ang
salitang nakasalungguhit sa pangungusap base sa wastong diin?
A.BUhay C.BUHAY
B.buHAY D. buhay?
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob? Tanong ng puno ng Pino Bakit ang mga dahon at
sanga naming ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga
pagkain? Mga taon ang binibilang naming upang lumaki.Kapag kami ay malaki na pinuputol ninyo.Ginagamit
nyo kami sa pagpapatayo ng bahay at pagpapagawa ng inyong kasangkapan..At isa pa,tao rin ang humukay
ng butas na iyan..Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip,Tigre,,Sige pawiin mo ang iyong gutom”
halaw sa akdang’ Ang Hatol ng Kuneho ( Korea ) isinalin sa Filipino ni Vilma C.Ambat

18. Bigyan ng hinuha kung ano ang damdaming ipinamamalas ng tauhang nagsasalita sa
tektsto` A.naiinis C.nanunuya
B.nag-aalala D.nanunumbat
19. Kinakatawan ng puno ng Pino sa tunay na buhay ang____
A.kalawakan C.mga insekto
B.kalikasan D.mga ta0

20. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng tekstong binasa?


A.Ito ay kwento ng kababalaghan
B.Ito ay kwento ng kabayanihan
C.Ito ay kwento na ang tauhan ay hayop na naglalarawan sa katangiang taglay ng
tao
D.Ito ay kwento na ang tuon ay ang mga madudulang pangyayari.
21. Alin sa mga sumusunod na salita ang may pinakamataas o pinakamasidhing antas ng
damdamin? A.paghanga C.pagmamahal
B.pagliyag D.pagsinta

22_____!.Mayroon ng bakuna para sa COVID-19. Gamitin ang angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng


damdamin.na nasa ibaba upang mabuo ang pahayag.
A. Aray ! C.Grabe!
B.Awwww! D.Yehey!

Ngayon nabago na ang tungkulin ng mga kababaihan, at ito ay nagging kumplikado. Sa bahay ng mga
Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing bahay, Ngunit sa larangan ng trabaho,
inaasahang magagawa nila,kung ano ang nagagawa ng mga kalalakihan
halaw mula sa ‘Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong Nakalipas na 50 Taon:isinalin sa Filipino ni
Sheila C.Molina

23 Ang kaisipang nakapaloob sa matalinong pagkukuro ng may-akda ay ang _____


A.Gawaing bahay lang ang kayang gampanin ng mga kababaihang Taiwanese
B.Higit na binibigyang -pansin ang kanilang pagtatrabaho ngayon
C.Mas naging mahirap ang kalagayan nila ngayon, dahil bukod sa pagtatrabaho, sa kanila nakaatang
ang gawaing bahay.
D. Tanging ang mga kababaihan sa Taiwan ang may karapatang magtrabaho

Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa
na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.

24. Lubos na naniniwala ang may –akda sa pagwawakas ng kanyang sanaysay na ___
A.Maipagkaloob ang kalayaang inaasam ng mga kababaihan
B.Magkaroon sila ng karapatan na makapag-aral.
C.Maipagkaloob ang karapatang makapagtrabaho.
d. Matatamasa ng tao (anuman ang kanyang kasarian) ang patas na paggalang at karapatan

25. Gustong lumaban ni Li Huiquan, pero wala siyang lakas,kaya nagpapanggap siyang tanga,umiiwas sa mga
nagmamasid at nagmamatiyag. Ano ang imaheng inilalarawan sa pangunahing tauhan sa kwento?

A.kahinaan ng loob C.kawalan ng tiwala sa sarili


B.katatagan D.pag-asa

Tagpo: Mapapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira si Borte.


Temujin: Nais ko sanaaaannng…(magkakandautal)sa…sanang ikaw ang babaeng mapangasawa ko,(mababa
ang tono).
Borte: Siraulo ka ba? Niloloko mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temujin: Seryoso ako .Ano payag ka ba?
Borte: Ganon-ganon lamang ba iyon?
halaw sa dulang “Munting Pagsinta”ng Mongolia

26. Alin sa sumusunod ang angkop na lugar sa tanghalan ng bahaging ito ng dula?
A. sa bakuran nina Borte C.sa kagubatan
B.sa dampa nina Borte D.sa malayong pook

“ Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating,samantalang maghapon kaming nagtrabaho at
nagtiis sa nakapapasong init ng araw,bakit naman pinagpare-pareho ninyo ang aming upa “?Sumagot ang
may-ari ng ubasan,” Kaibigan hindi kita dinadaya,Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?Wala ba
akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan?Kayo ba ay naiinggit at ako’y namamagandang
loob sa iba?

At sinabi ni Jesus, ”Ang nahuhuli ay mauuna at ang nauuna ay mahuhuli” (Mateo20:1-16) halaw
sa ‘Ang Talinghaga tungkol sa May-Ari ng Ubasa

27. Base sa pagkakagamit sa teksto, ng salitang may-ari ng ubasan , ano ang espiritwal na
pagpapakahulugan nito?

A.amo C.manidyer

B. kapitalista D.Panginoon

28. Bigyan ng pakahulugan ang ang sinalungguhitan pahayag sa huling bahagi ng teksto.

A.Ang nahuhuli, kadalasan ang unang umaalis.

B.Kung sino ang naunang dumating ay siya rin ang unang aalis.

C. Lahat ay may pantay-pantay sa karapatan

D.Mahalaga ang oras sa paggawa

29. Base sa paliwanag ng may –ari ng ubasan sa mga nagrereklamo, kung ikaw ang isa sa mga dumating na
isang oras lamang gumawa, ano ang gagawin mo?

A.hindi pakikinggan ang reklamo ng ibang kasama

B.ibibigay ang sobrang upa sa nagrereklamo

C.pababayaran lang ang nararapat na oras ng paggawa

D.tatanggapin ang ibinigay na upa.

30. Surriin ang nakasalungguhit na pahayag sa unang bahagi ng teksto sa itaas. Ano ang sitwasyon sa tunay
na buhay ang maihahalintulad sa naging pahayag ng mga gumagawa sa may –ari ng ubasan.?

A.May mga manggagawa na may may magandang performance sa opisina na nabibigyan ng

pagkilala.

B.May mga manggagawa sa isang opisina na nagrereklamo sa kanilang natatanggap na sahod

C. May trabahador na maagang pumapasok at ikinukumpara sa late na pumapasok


D. May mga nagtatrabahong nag-o-overtime sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita

Hindi napapanahon!

Sa edad na dalawampu’t isa,isinugo ang buhay

Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw

Una sa dami ng aking kilala taglay ang di mabigkas na pangarap

Di maipakitang pagmamahal

At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga

Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak

halaw sa ‘Elihiya sa Kamatayan ni Kuya’ Isinalin sa Filipino ni Pat V.Villafuerte

31. Ang nakasalungguhit na taludtod ay nagpapahiwatig ng-----

A.pag-alis ng walang paalam C. pagpanaw ng isang tao

B. pagdurusa sa pag-iisa D.pagtungo sa ibayong dagat

32. Anong damdamin ang lumutang sa naging pahayag ng persona sa tula?

A.kalungkutan C.kasiyahan

B.galit D.pagdaramdam

Ilang barya ang nalaglag sa kanyang palad,hindi inilagay kundi inilaglag,sapagkat ang mga palad na
nagbibigay ay nandidiring mapadikt sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis
ang malinis..Dali-daling inilagay ni Adong ang mga barya sa kanyang lukbutan. Nang biglang dumating si
Bruno.

Adong ! Siunundan iyon nang papalapit na mga yabag.Napahindik si Adong.ang basag na tinig ay
naghati sa kanya ng lagim.Ibig niyang tumakbo.Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglayo.Ngunit ang mga
kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig,niluluray ang munting lakas na
nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom,sa pangamba at kabangisan,Bitawan mo ako
Bruno! Bitawan mo ako !

halaw sa Maikling Kwentong ‘Mabangis na Lungsod ni Efren Reyes Abueg

33. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian mayroon ang kwento base sa naging sitwasyon ng pangunahing
tauhan?

A.tao laban sa kalikasan C.tao laban sa sarili

B. tao laban sa lipunan D.tao laban sa tao

34. Alin sa mga pangyayaring naganap sa tauhan na totoong nangyayari sa

kasalukuyan? A. natututong lumaban bagama’t hindi kaya ng katawan

B. natututong lumaban sa kahirapan ng buhay

C. sa pamamalimos patuloy na tintanggap ang pangmamata ng lipunan


D.lahat nang nabanggit

35. Pawang magaganda at masisipag ang mga pamangkin ko. Ang salitang pamangkin mula sa mga
salitang ____

A.para namang akin C.para naman sa iyo

B.para namang iyo D.para namang tayo

36. Ang mga Pilipino ay magiliw sa pagtanggap sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa. Ang pariralang
nakasalungguhit ay halimbawa ng ___

A.gawi C.kilos

B.karakter D.pananaw

37. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng di makatotohanang pangyayari

A.Isang araw nakita ni Prahnbun ang pitong kinnaree kalahati tao, kalahati sisne) na masayang
nagtatampisaw sa ilog.

B.Agad –agad siyang naakit sa kagandahan ni Prinsesa Manorah

C.Naisip niya kung mahuhuli niya ang prinsesa, dadalhin niya ito kay Prinsipe

Suton

D.Tiyak na matutuwa ang prinsipe at tuluyang mapapaibig ito sa prinsesa.

38. Itinali nang mahigpit ni Prahnbun ang pakpak ni Prinsesa Manorah. Ang nakasalungguhit na pang-bay ay
nasa uring___.

A.pamanahon C.panlunan

B.pamaraan D.pang-ugnay

39. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang na layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng nobelang NOli Me
Tangere?

A.mahikayat ang mga kabataan na maging bukas ang isip sa mga pangyayari sa pamahalaan ngayon

B.maihayag ang maling paggamit ng relihiyon na ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng


masama

C.maiulat ang kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga karaingan at kalungkutan

D.matugunan ang paninirang puring ipinaratang ng mga kastila sa mga Pilipino at sa

bansa.

40. Ano ang maaring pagpapaliwanag sa isa sa mga kondisyong panlipunan sa ating bansa bago isulat ni
Rizal ang nobela :’kawalan ng kalayaan sa pananalita at panulat’?

A.Hindi maaring magsulat o magsalita ang mga Pilipino.

B.Limitado ang kalayaang kumilos ng mga Pilipino

C. May busal ang bibig at putol ang kamay ng mga Pilipino.

D.Walang karapatan ang mga Pilipino na magbahagi ng kanilang saloobin.


41. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto sa mga Pilipino nang mabuo ang NOLI Me

Tangere?

A.Nabigyang-linaw ang isip ng mga Pilipino sa mga pang-aalipin ng mga kastila.

B.Nakatulong ito upang imulat ang mata ng mga Pilipino na lumaban sa kastila.

C.Naging instrumento ito upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang

pagkakakilanlan.

D.Nagkaroon ng pag-ibig sa bansa ang mga Pilipino.

42.” Mamamatay ako na ‘di makikita ang pagbubukang liwayway sa aking bayan ! Kayong makamamalas sa
kaniya,batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga nangabulid sa dilim ng gabi.”Ang kontekstuwal na
pahiwatig ng ‘ang pagbubukang liwayway sa aking bayan’ ay_____

A. kaapihan ng bayan C. kinabukasan ng bayan

B. kalayaan ng bayan D. kinabukasan ng bayan

43. Gamitin ang angkop na ekspresyon nang pagpapatunay upang mabuo ang pahayag.

___________sabay na natapos ni Rizal ang medisina at pilosopiya sa Unibersidad ng Santo Tomas at


Unibersidad Central de Madrid.

A.Ayon sa nabasa kong datos C.Pinatutunayan ng

B.Batay sa D.Tinutukoy sa

44. Habang naglalakad si Maria Clara patungo sa liwasang bayan,nakita niya ang ketongin. Mabilis na lumapit
ang dalaga, inihulog sa bakol ng ketongin ang relikaryong ginto na binili pa ng kanyang ama sa ibang bansa.
Alin sa mga sumusunod na salitang naglalarawan na angkop gamitin upang mailarawan ang pangunahing
tauhan?

A.maaasahan C.magiliw

B.maawain D.matiisin

45. Paano pinatunayan ni Elias ang kanyang kahalagahan sa buhay ni Crisostomo

Ibarra? A.Naging kakampi siya ng mga tulisan.

B.Naging tagapagligtas siya ni Ibarra sa sa tiyak na kamatayan.

C.Naging tagapagtanggol ni Ibarra kay Ma.Clara.

D.Nanatiling kaibigan ni Ibarra.

46. Nagtungo sina Ibarra at Ma.Clara sa asotea at doon masaya nilang binalikan ang mga alaala noong sila ay
bata pa, gayon din nang bago umalis si Ibarra upang mag-aral sa Europa. Ano ang masasalamin sa tagpong
ito?

A.Hindi na dapat balikan ang nakaraan.

B. Kahanga-hanga ang pagdalaw ng binatang si Ibarra.

C.Masayang balikan ang mga nakaraang alaala at pag-iibigan.

D.Walang nagbago sa pakikitungo nila sa isa’t isa.


47. Petmalu talaga ang lodi kong si Vice Ganda? Ang petmalu at lodi ay mga salitang ___
A.balbal C.lalawiganin
B.kolokyal D.pampanitikan

48. Alin sa sumusunod na mga halimbawa ang salitang nabibilang sa antas na wikang
pampanitikan?

A.balay C.mabulaklak ang dila


B.kelan D.yosi

49. Sinisiyasat ng abogado ang magkabilang panig sa mga katibayang ipinakikita at humihiling ng desisyong
pabor para sa kanila. Sa pagsulat ng iskrip ng mock trial ito ay nasa hakbang / nilalaman na ______

A.pagtimbang sa kaso ng akosado C.pagtatapos na pahayag


B.pag-uusig sa kaso ng akusado D.pambungad na pahayag

50. “Tunay po na hindi ako maaring umibig ni lumigaya sa sariling bayan, ngunit nakahanda akong magtiis at
mamatay ditto.Hangad ko na ang lahat ng Inang Bayan ay maging kasawian ko rin“ (Elias ). Ang naging
pahayag o ekspresyon ng nagsasalita ay nagpapahiwatig ng kanyang______

A. emosyon C.sariling pagpapaliwanag


B. matibay na paninindigan D. sariling pananaw

You might also like