You are on page 1of 33

9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 6
Salamin ng Lipunan

ii
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Salamin ng Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Epimaco M. Paster, Jr.
Editor: Charie S. Bato, Filma B. Catalan, Ed. D.
Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Ivy A. Samson, Charie S. Bato
Tagaguhit:
Tagalapat: Liezel R. Capitanea, RL
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Dr. Jeanely A. Aleman, CESE
Evelyn F. Importante
Rosemarie Diocares, Ed. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Nandito ito upang tulungan
kang maging bihasa sa Salamin at Lipunan.

Ang saklaw ng modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t-ibang


sitwasyon.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mahahalagang tanong na:
1. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa?

Subukin

PANUTO: Basahing mabuti at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na


sagot at isulat ang titik lamang sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa pinaka maliit na yunit ng komunidad?


a. pamilya
b. simbahan
c. paaralan
d. bansa

2. Paano makatulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moral sa mga


kabataan?
a. Udyuking sumali sa mga paligsahang local.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw
sa buhay.
c. Udyukin na mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para pampolitikang adhikain.

3. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?


a. institusyong pinapairal ng batas
b. institusyong binubuo nga prinsipyong political
c. isang pangkat na nag-uugnayang tao
d. isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan

1
4. Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?
a. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
b. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
c. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng
pagkakaisa.
d. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.

5. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?


a. ng pagtulong sa paaralan
b. ang pagpatayo ng mga pampublikong gusali
c. ang pag kupkop sa mga dukha
d. ang pagtulong ng pamahalaan sa Pamayanan

6. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin para sa mga Out of School
Youth?
a. Hikayatin silang mag-aral sa pamamagitan ALS program.
b. Imungkahi sa kanila na makilahok sa panlipunang protesta.
c. Hikayating mag apply ng trabaho sa ibang bansa.
d. E suggest na makilahok sa pang komunidad na Gawain.

7. Alin ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan?


a. kabuuan ng dignidad
b. kabutihang panlahat
c. kaangkupan sa iba
d. may takot sa batas

8. Anong dahilan bakit manatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang__
a. kontribusyon
b. gampanin
c. pagmamahalan
d. katalinuhan

9. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabubuting kasapi ng lipunan? Iniisip


ang ___________.
a. kabutihan para sa sarili
b. kabutihan para sa iba
c. kakainin sa susunod na araw
d. maka-mundong Gawain

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?


a. paaralan
b. pamilya
c. bahay aliwan
d. simbahan

2
Aralin LIPUNANG PAMPOLITIKA,
PRINSIPYO NG
1 SUBSIDIARITY AT
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA
Ang modyul na ito ay ginawa upang mapahusay ang kaalaman at kakayahan sa
Salamin at Lipunan na naaayon sa pamantayan ng araling Edukasyon sa
Pagpapakatao sa ika-9 na baitang.
Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na nasa
tekstong nasa ibaba.

Balikan

Iyong natutunan ang kahalagahan ng mga Elemento Ng Kabutihang


Panglahat sa unang aralin. Ang kabutihang panglahat ay naaayon sa moralidad
ng tao at Likas na Batas Moral.
Sa kasalukuyan, paano mo naipakikita ang paggalang sa iyong mga magulang o sa
mga nakatatanda sa iyo? Nagagawa mo ba ang pagmamano at pagsagot ng may “po”
at “opo”? Paano mo naipakikita na ikaw ay may paggalang sa iyong lipunang
kinabibilangan? Sinusunod mo ba ang mga alituntunin at mga batas na pinaiiral ng
ating pamahalaan? Sa anong paraan? Paano ka nakatutulong sa pagpapalaganap at
pagpapanatili ng kapayapaan? Sa anu-anong paraan mo naipapakita ang mga
gawaing ito?
Ito ang mga paraan upang napatuyan mo na iyong isinasaalang-alang ang mga
kabutihang panglahat.

3
Tuklasin

Gawain 1
Panuto: Sa isang malinis na kwaderno isulat ang iyong mga sagot.

Pagkamamayan Bansa Lipunan Pagkakaisa Subsidiarity

1. Mayroong limang salita na nasa kahon sa itaas. Pumili ng tatlo sa mga salita
mula rito at sikaping magbigay ng paliwanag sa mga mapipiling salita.
2. Maaaring isa hanggang dalawang pangungusap lamang ang paliwanag. Ibatay
ang paliwanag sa iyong sariling pagdanas ng konseptong na nasa kahon.
3. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Saan maiuugnay ang mga salitang nasa kahon?
b. Nagkaroon ka na ba ng karanasang tungkol sa mga konseptong ito? Sa
paanong paraan?
c. Ano ang mga salitang hindi pamilyar para sa iyo?

Mga Tala para sa Guro

Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang mag-


aaral pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga Gawain.

Krayterya Puntos
Nilalaman 10
Kalinisan ng Paggawa 5
Konsepto 5
Pagsagawa ng Maaga 5
Kabuuan 25

4
Suriin

Narinig mo na ba ang kasabihang, “Ang tanging kailangan upang magtagumpay ang


kasamaan ay ang hindi pagkilos ng mga mabubuting tao.” (All that is necessary for
the triumph of evil is that good men do nothing)? Kung minsan, hindi naman
sinasadya ng mga tao na wala silang gawin. Kung minsan, hindi lamang nila alam
kung ano ang papel nila at kung paano sila makatutulong. Kung minsan, akala nila
ay may iba nang gagawa. Sa takot na makagulo pa, lumalayo na lamang sila sa
eksena.
Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano
matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan,
pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng
Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?
Kung pagpapatakbo ng lipunan ang pag-uusapan, sino nga ba ang dapat manguna
dito? Ano ba ang inaasahan sa iyo bilang mabuting mamamayan? Ano ba ang
inaasahan ng taumbayan sa pamahalaan?
PAMILYA
- Pangunahing yunit ng lipunan
- Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa
bisa ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o
paninirahan sa isang tirahan.

PAARALAN
- Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang
ang kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.

LIPUNAN
- Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa
mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon.
- Ang Lipunan din ay isang pangkat ng mga taong nagtutulungan at
nagkakaisa. Mas malawak, isang ekonomika, panlipunan at
imprastrakturang industriyal ang lipunan, na binubuo ng isang
magkakaibang maraming tao.

PAMAYANAN/KOMUNIDAD
- Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na nabubuhay
na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan.
- Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na
panlipunan o pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa
isang tahanan, mag-anak, o pamamahay (kabahayan) na may
pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may matibay na
pagsasamahang panlipunan (kohesyong panlipunan). Ang kataga ay

5
maaari ring tumukoy sa pambansang pamayanan o sa pandaigdigang
pamayanan (pamayanang internasyunal). Ang pangalawang pangunahing
kahulugan ng pamayanan ay ang pagiging isang pangkat ng
mga organismo, maaaring ibang hayop na bukod pa sa tao, na
may interaksiyon o ugnayan na namumuhay at nagsasalo ng
isang kapaligirang may populasyon.

BANSA

- bansa (mula sa Sanskrito: वंश [vanśa]) ay isang pagkakahating pampolitika ng


isang entidad pang-heograpiya, isang soberanyang sakop, na mas
karaniwang kumakabit sa mga kaisipang estado o nasyon at pamahalaan.
Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng
teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado
ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng
ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.

PRINSIPYO NG PAGKAKAISA AT SUBSIDIARITY


- Ang prinsipyo ng pagkakaisa ay nagbibigay diin sa kabutihang panlahat,
tungkulin, kooperasyon, at pagkakapantay-pantay. Ito ang mag-aakay sa
estado upang itaguyod ang kabutihang panlahat kahit na kung minsan ay
maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilang indibidwal.
- Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagbibigay diin sa katauhan ng isang
indibidwal, karapatan, privacy, at kalayaan. Ito ang mag-aakay sa estado na
igalang at pangalagaan ang mga likas na karapatan ng bawat indibidwal at
ng pamilya na naaayon sa kabutihang panlahat. Dagdag pa niya, mahalagang
panatilihin ang balanse ng dalawang ito upang higit na mabigyang pansin ang
pagkakamit ng kabutihang panlahat at pagkilala sa dignidad ng tao.
-

Pagyamanin

Gawain 2:
Panuto:
1. Gumawa ng profile ng samahang kinabibilangan. Pumili ng isa sa mga
sumusunod: a. pamilya b. klase sa paaralan c. barkada d. organisasyong
kinaaaniban, at iba pa.
2. Ang magiging anyo ng profile na bubuuin ay isang pahina ng scrapbook,
magasin, o iba pang malikhaing disenyo.
3. Kakailanganin mo ng mga sumusunod na kagamitan: (lumang magasin, mga
larawan na may sukat na 2x2, gunting, panulat, malinis na papel, pandisenyo
(gamit ang recycled materials), pandikit, Pangkulay)

6
4. Bigyan ng espasyo sa pahina ang bawat kasapi. Isulat ang kanilang mga
pangalan, at idikit ang kanilang mga larawan sa espasyong nakalaan.
5. Sumulat ng maikling paglalarawan sa bawat isa. Mahalagang maipakita sa
paglalarawan kung paanong namumubukod-tangi ang bawat isa sa pangkat.
6. Kailangang isa-isahin ang (a) pagkakapare-pareho ng mga katangian (ano ang
katangiang taglay ng lahat) at (b) pagkakaiba-iba ng bawat isa (ano ang
nagpapabukod-tangi sa bawat isa).
7. Tiyaking maipakikita ang pagkamalikhain sa isasagawang gawain.
8. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod: a. Paano nakakatulong ang
inyong pagkakapare-pareho sa pagiging isang matatag na samahan? b. Paano
naman ninyo/mo hinaharap ang pagkakaiba-iba upang mapanatili ang
magandang samahan?

Isaisip

Gawain 3:
PANUTO. Piliin ang titik ng may tamang kahulugan na nasa kahon at isulat sa
patlang ng bawat aytem.
a. Paaralan c. Pamayanan e. Lipunan
b. Prinsipyo ng subsidiarity d. Bansa f. Pamilya

____1. Lipon ng dalawa o higit pa sa dalawang tao na magkaugnay sa dugo, sa bisa


ng sakramento ng kasal o sa pamamagitan ng pag-aampon o paninirahan sa
isang tirahan.
____2. Nagbibigay diin sa katauhan ng isang indibidwal, karapatan, privacy, at
kalayaan.
____3. Isang organisasyon, institusyon o lugar kung saan hinuhubog at nililinang
ang kaisipang moral, pisikal at spiritual ng mga mag-aaral.
____4. Isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya,
isang soberanyang sakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga
kaisipang estado o nasyon at pamahalaan.
____5. Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o paglalarawan sa mga
huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon.

7
Gawain 4: Graphic Organizer

Panuto: Sa isang pang aktibidad na gawaing kwaderno; gawin ang sumusunod. Sa


bawat concept map magbigay ng mga angkop na salita na maituring na hiyas ng
kaalaman.

LIPUNAN
PAMILYA

Lipunang
Pampolitika,
Prinsipyo ng BANSA
PAARALAN Subsidiarity
At Prinsipyo

SUBSIDIARITY

Tayahin

Gawain 5:
PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pangugusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinaka angkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.
1. Ano ang prinsipyo ng subsidiarity?
a. ang pagtulong sa paaralan
b. ang pagpatayo ng mga pampublikong gusali
c. ang pag kupkop sa mga dukha
d. ang pagtulong ng pamahalaan sa Pamayanan

2. Bakit tinaguriang mas higit pa sa kayamanan at salapi ang lipunan?


a. Ito’y dahil sa natatanging nakabaon na mga ginto sa mga lupain.
b. Ang mga tao ang siyang nagbigay buhay sa panlipunang pagkakaisa.
c. Nakasalalay ang adhikaing pang ekonomiya sa katatagan ng
pagkakaisa.
d. Adhikaing moral ang nagbigay buhay sa malakas na lipunan.

8
3. Ano ang tawag sa pinaka maliit na yunit ng komunidad?
a. pamilya b. simbahan
c. paaralan d. bansa
4. Paano makatulong ang institusyong paaralan sa paghubog ng moral sa mga
kabataan?
a. Udyuking sumali sa mga paligsahang local.
b. Magsagawa ng mga adbokasiyang naglalayon sa positibong pananaw
sa buhay.
c. Udyukin na mag-aral sa semenaryo.
d. Hubugin ang mga mag-aaral para sa pampolitikang adhikain.

5. Alin sa mga salita ang nagpapakita sa tunay na kahulugan ng pamayanan?


a. institusyong pinapairal ng batas
b. Institusyong binubuo ng prinsipyong politikal
c. isang pangkat na nag-uugnayang tao
d. isang pinaka importanteng institusyon sa lipunan

6. Alin sa mga sumusunod ang hindi masasabing katuwang sa lipunan?


a. paaralan
b. pamilya
c. bahay aliwan
d. simbahan

7. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabubuting kasapi ng lipunan? Iniisip


ang _________.
a. kabutihan para sa sarili
b. kabutihan para sa iba
c. kakainin sa susunod na araw
d. maka-mundong Gawain

8. Anong dahilan kung manatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang
____________.
a. kontribusyon
b. gampanin
c. pagmamahalan
d. katalinuhan

9. Alin ang higit na mahalaga sa lahat kapag lipunan ang pinag-uusapan?


a. kabuuan ng dignidad
b. kabutihang panlahat
c. kaangkupan sa iba
d. may takot sa batas

10. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong tungkulin para sa mga Out of School
Youth?
a. Hikayatin silang mag-aral sa pamamagitan ALS program.
b. Imungkahi sa kanila na makilahok sa panlipunang protesta.
c. Hikayating mag apply ng trabaho sa ibang bansa.
d. E suggest na makilahok sa pang komunidad na Gawain.

9
Karagdagang Gawain

Gawain 6
Panuto:

1. Panoorin ang GMA News TV Special na “Bayan Ko”. Maaari itong mapanood sa
youtube sa mga sumusunod na url: Kabanata
a. http://www.youtube.com/watch?v=u-a3qSXv4hg
b. http://www.youtube.com/watch?v=DCAiZClTPlg
c. http://www.youtube.com/watch?v=5UUY1RFVunA
d. http://www.youtube.com/watch?v=p1e7mna_2j8
e. http://www.youtube.com/watch?v=aw0IrE6IJdg
f. http://www.youtube.com/watch?v=cBDG3V-LaxI

2. Itala sa iyong kwaderno ang kapansin-pansin na eksena sa bawat kabanata na


nagpapakita ng pag-iiral o pag-labag sa Prinsipyo ng Subsidiarity at Solidarity.
Maaring gamitin ang pormat na nasa ibaba

Pag-iral Paglabag
Kabanata Eksena
Subsidiarity Solidarity Subsidiarity Solidarity

3. Matapos maisagawa ang mga ito, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
a. Nagkaroon ba ng pagkakataon na tunay mong nasaksihan ang ilan sa
mga eksenang nakita sa dokumentaryo? Ibahagi ang iyong karanasan.
b. Ano sa mga eksenang iyong napanood ang kayang magawa ng isang
kabataang katulad mo?
c. Nagawa mo na ba ang alinman sa mga eksenang iyong napanood sa
dokumentaryo? Ibahagi ang karanasan.
d. Alin sa mga napanood ang mahalagang masimulan mo nang gawin?
Ibahagi at ipaliwanag.
e. Paano matiwasay na iiral ang isang lipunan?
f. Paano matitiyak na mananaig ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo
ng Pagkakaisa?

10
11
Tayahin: Isaisip: Subukin:
1. C 1. F 1. A
2. B 2. B 2. B
3. D 3. A 3. C
4. B 4. D 4. B
5. A 5. E 5. D
6. C 6. A
7. B 7. B
8. A 8. A
9. B 9. B
10.A 10.C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

1) Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Modyul ng Mag-aaral, pahina 25-29


2) Edukasyon Sa Pagpapakatao 9 Manwal ng Guro, 33-41
3) https://commons.deped.gov.ph

12
9

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 7:
Liwanag sa Dilim
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Liwanag sa Dilim
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jocelyn L. Marquez, Marlyn A. Caloñge, Annabelle V. Magdula


Editor: Carlos G. Magdula Jr., Charie S. Bato, Filma B. Catalan, Ed. D.
Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Julie Cris P. Baltazar, Charie S. Bato,
Tagaguhit:
Tagalapat: Gemma B. Malicay
Tagapamahala: Dr. Isabelita M. Borres, CESO III
Eugenio B. Penales, Ed. D.
Sonia D. Gonzales
Dr. Jeanelyn A. Aleman, JD, CESE
Evelyn F. Importante
Rose Marie Diocares, Ed. D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region IX


Office Address: Regional Center, Balintawak, Pagadian City
E-mail Address: region9@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay dinesenyo at sinulat para sa iyo. Narito ito upang tulungan kang maging
bihasa sa Lipunang Pampolitiko, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa upang
makapagtaya o makapanghusga kung umiiral ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng
Pagkakaisa ay umiiral o nilabag sa pamilya, Paaralan, Pamayanan, lipunan at bansa.

Sa modyul na ito ay inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano


matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang
pangkabuhayan, pangkultura at pangkapayapaan? Bakit mahalaga ang pag-iral
ng Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa

Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
Napapatunayan na:
a. May mga pangangailangan ang tao bilang indibidwal na makakamit lamang
niya sa pamahalaan o organisadong pangkat tulad ng mga pangangailangang
pangkabuhayan, kultural, at pangkapayapaan.

b. Kung umiiral ang prinsipyo ng Subsidiarity, mapananatili ang pagkukusa,


kalayaan at pagkukusa, kalayaan at pananagutan ng pamayanan o pangkat
na nasa mahabang antas at maisasaalang-alang ang dignidad ng bawat
kasapi ng pamayanan.

c. Ang pakikibahagi ng bawat tao sa mga pagsisiskap na mapabuti ang uri ng


pamumuhay sa lipunan/ bansa, lalo na sa pag-angat ng kahirapan, dahil ang
kanyang pag- unlad ng lipunan (Prinsipyo ng Pagkakaisa).

Narito ang kraytirya ng pagtataya ng output mo sa kasanayang


Pampagkatuto 2.4.
1. Pagbabasa ng may pag- unawa at pagpapalalim
2. Pagsagot sa “Tayahin ang iyong Pag- unawa”
3. Pagbuo ng Batayang Konsepto
Ready ka na ba? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan?

1
Subukin

PANUTO. Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin
ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa kwaderno.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
c. itaguyod ang karapatang- pantao
d. ingatan ang interes ng marami

2. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa


karapatan ng bawat mamamayan?
a. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga
karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
b. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales
ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
c. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na ssagot sa
pangangailangan ng bawat mamamayan
d. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas

3. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


a. magdudulot ito ng kasiyahan
b. makapagpapabuti sa tao
c. ito ay ayon sa mabuti
d. walang nasasaktan

4. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay


nakikilahok?
a. pag-unlad
b. pagkakaisa
c. kabutihang panlahat
d. pagtataguyod ng pananagutan

5. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?


a. pangulo
b. mamamayan
c. pinuno ng simbahan
d. kabutihang panlahat

2
6. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang
kaniyang sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula
sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi
naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang
ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na
sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong paraan
niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
d. Lahat ng nabanggit

7. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating


magpatulong sa iba?
a. iba-iba ang ating kakayahan
b. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
c. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag- isa

8. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
a. batas
b. pinuno
c. kabataan
d. mamamayan

9. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak


na ___________
a. walang nagmamalabis sa lipunan
b. Ang lahat ay magiging masunurin.
c. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
d. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

10. Bakit nagkukusa tayong mag- organisa at tugunan ang pangangailangan


ng nakararami?
a. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
c. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
d. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

3
Aralin Lipunang Pampulitika,
1 Prinsipyo ng Subsidiarity at
Prinsipyo ng Pagkakaisa

Balikan

Panuto:
1. Ibigay ang mga kahulugan ng mga acronym sa ibaba.
2. Isangguni sa guro kung tama ang iyong sagot at ibahagi sa klase.
3. Mga katanungan:
a. Saan maiuugnay ang mga acronyms na ito?
b. May karanasan ka ba sa ganitong mga pangyayari?
c. Anu-ano ang mga natutunan mo sa mga kaganapang ito?

Mga Tala para sa Guro

Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang mag-aaral


pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga Gawain. Kung ang
resulta ng pagsusuri ay mababa pa sa 100%, hingkayatin ang mag-aaral na
ulitin hanggang maabot ang 100% kahusayan.

4
Tuklasin

Bayanihan to Heal as One Act

Isa sa mga pinakamahalagang tulong ng pamahalaan na pinangungunahan


ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno ay napasailalim sa Bayanihan to Heal as One
Act. Ito ay upang matulungan ang mga pangangailangan sa mga taong nawalan ng
trabaho ng dahil sa pandemya COVID-19.
Bukod sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang Department of
Social Welfare and Development (DSWD) ay inatasan ng pamhalaan at iba pang mga
ahensiya upang maipaabot ang tulong sa mga vulnerable sectors sa pamamagitan
ng Social Amelioration Program (SAP). Ang SAP ay isang programa sa ilalim ng
Bayanihan to Heal as One Act na isinasagawa sa kalagitnaan ng COVID-19 crisis.
Sa programang ito ang mga benepisyaryo ng SAP aid ay makakakuha ng emergency
cash subsidy.
Mga departamento at iba pang ahensya na nagtutulungan ay DOLE,
Agriculture, DOH,, DILG, Deped at iba pang ahensyang nakibayanihan upang
makatulong kahit papaano. Katulad ng grupo ng mga guro sa Distrito ng Mabuhay,
nagbigay ng kontribusyon para makatulong ng konti sa mga kababayan tulad ng
bigas, noodles, canned goods at iba pa. Para sa mga frontliners namimigay din ang
mga guro dito ng facemask at mineral water.
Karamihan sa mga Probinsya ng bansa ay namimigay din ng mga relief goods
at itoy malaking tulong sa atin at marami pang mga pribadong sector ng bansa ang
tumutulong. Dito natin makikita ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino.
Ang pamahalaan ang nagpapatupad ng batas upang matiyak at mapanatili
ang siguridad ng ating bansa ngunit ang mga ibat ibat ahensiya at departamento
ang kailangan upang maisagawa at maisakatuparan ito.
Tungkulin nating magtulungan tungo sa pag-unlad ng ating lipunan.

Mga Pagpapahalagang Kaugnay ng Solidarity at Subsidiarity

1. Pakikipagkapwa tao
Binubuo hindi ng isang indibidwal lmang kundi ng mga samasamang tao ang
isang komunidad. Mahalagang isagawa at isapuso ang pagpapahalagang ito
upang makasiguro ng matibay na samahan.

2. Pagkakaisa
Paano nga makapagtatagumpay ang isang samahan kung walang
pagkakaisa? Isa rin itong mahalagang salik na makapgsasabi kung
magtatagumpay ang isang pamayanan.

3. Interest
Kailangang maging malinaw ang layunin o hangarin hindi lang ng isang
indibidwal kundi maging ng buong pamayanan.

4. Pagiging Responsable
Mahalaga ito upang mapabilis ng pag-unlad ng pamayanan. Kung ang bawat
isa ay magiging responsable sa kanilang mga gampanin bilang bahagi nito,
tiyak na magtatagumpay.

5
5. Matatag Na Samahan
Mawawalang saysay din ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity kung hindi
rin matatag and samhang magkakapitbahayan. Kung namumuno sa kanilang
pagitan ang napakatibay na bigkis, na di basta-bastang mapapatid, ay
magiging epektibo ang lahat ng mga layuning maganda ng bawat isa na
makatutulong sa pagpapanday ng maunlad at masaganang pamaynan.

Suriin

Gawain 1:
Panuto:
1. Basahin at Intindihin ang sumusunod na liriko ng isang awitin.
2. Sagutin ang mga katanungan.
Ilugmok man tayo nang bagong pagsubok
Mga puso nati’y di mapapagod
Abutin ang kamay na handang dumamay
Mga puso nati’y di mapapagod
Nasa puso ng bawat Pilipino
Pagmamahal sa kapwa at Serbisyong totoo
Isang bayan, tayo’y aahon, walang maiiwan sa pagbangon
Isang lakas, isang pag-asa, patungo sa bagong umaga…

Ang mababasa sa itaas ay liriko ng awiting inawit ni Julie Ann San Jose,
tungkol sa pagharap ng mga Pilipino sa mga pagsubok. Ipinapakita sa awiting ito
kung paano harapin ang mga pagsubok, at pairalin ng bawat isa ang pagtutulungan,
pagdadamayan at tatag, kasama sa pag ahon sang lakas at pag-asa. (“halaw sa
awiting “Pagbangon”)

Sa iyong pananaw, sa krisis (COVID-19) at kalamidad (Bagyo at hidwaan) na


kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan:

1. Paano ito hinaharap ng mga Pilipino? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. May pagtutulungan bang naganap sa kinakaharap na mga pagsubok?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Nilalaman – 10 puntos
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

GAWAIN 2:
Panuto:
1. Suriin ang mga tulong o ayuda na ipinamahagi sa inyong komunidad. Anu-
ano ito? Isa-isahin.

2. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba.

Mga Ahensiyang
Mga Aytem/s na Dami ng
Namahagi ng Mga Benepisyaryo
Ipinamahagi Aytem/Halaga
Ayuda
DSWD SAP 5,000 Senior Citizen
Face masks at
DEPEd 2 bawat isa, 2 bote Frontliners
Mineral Water

Mga Tala para sa Guro

Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang mag-aaral


pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga Gawain. Kung ang
resulta ng pagsusuri ay mababa pa sa 100%, hingkayatin ang mag-aaral na
ulitin hanggang maabot ang 100% kahusayan.

7
Pagyamanin

Gawain 3:
Panuto:

1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


2. Batay sa Gawain #1 at #2 at mga sanaysay na inyong nabasa anong
mahahalagang konsepto ang iyong nabuo? Gumamit ng metastrips upang
ipahayag ang inyong saloobin.

A. Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Anu-ano ang mga bagay na dapat kong tandaan at gawin upang maging isang
mabuting mamamayan?

MGA PAMANTAYAN SA PAGGAWA

Nilalaman – 10 puntos
7
Organisasyon-10 puntos
Presentasyon-5 puntos
Kabuuan - 25 puntos

Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang


gawain at babasahin? Gamit ang graphic organizer, ipakita kung paano
naaabot ng lipunang pampolitika na tunguhin ang kabutihang panlahat.

B. Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang


kabahagi ng Lipunan.
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Anu-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto
sa modyul na ito?

8
Pamantayan sa Pagpapaliwanag ng Batayang Kosepto Gamit ang
Graphic Organizer
Krayterya 4 3 2 1
Paghihinuha Nahinuha ang Nahinuha Nahinuha Nahinuha
ng batayang batayang ang batayangang ang
konsepto konsepto nang konsepto batayang batayang
hindi nang may konsepto konsepto sa
ginagabayan kaunting ngunit paggabay ng
ng guro. paggabay ng kailangan ng guro sa
guro. labis na kabuuan
paggabay ng nito.
guro.
Pagpapaliwang Malinaw na May isang May May tatlo o
ng konsepto naipaliwanag konsepto na dalawang higit pang
ang lahat ng hindi konsepto na konsepto na
mahahalagang malinaw na hindi hindi
konsepto naipaliwanag. naipaliwanag naipaliwanag
Paggamit ng Nakalikha ng Ginamit ang Nakalikha Ginamit ang
graphic sariling graphic ng sariling graphic
organizer graphic organizer na graphic organizer na
organizer na nasa modyul organizer nasa modyul
ginamit upang at maayos na ngunit hindi ngunit hindi
maibigay o naibigay ang malinaw na malinaw
maibahagi ang batayang naibigay o naibigay ang
batayang konseptong naibahagi batayang
konsepto. gamit ito. ang konseptong
batayang gamit ito.
konsepto na
gamit ito.

9
Isaisip

Gawain 4:

Panuto:

1. Ipaliwanag ang teksto na nasa kahon.

Mga Tala para sa Guro

Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang mag-aaral


pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga Gawain. Kung ang
resulta ng pagsusuri ay mababa pa sa 100%, hingkayatin ang mag-aaral na
ulitin hanggang maabot ang 100% kahusayan.

10
Isagawa

Panuto: Gawin ang mga sumusunod:

1. Panoorin ang Edsa 20 ’Isang Larawan”-An inquirer Documentary.


Maaari mo itong mapanood sa youtube sa sumunod na url:
https://youtu.be/UdcuiXOytPo

2. Sumulat ng maikling repleksyon tungkol sa nakitang palabas.

PAMANTAYAN SA PAGGAWA

10 7 4 1
Nilalaman Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Kaugnayan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa paksa
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
kabuuan pagkakabuo
Kabuuan

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga tanong. Piliin ang titik
na may pinakaangkop na sagot at isulat sa papel.
1. Sa ating lipunan, alin ang nagpapatunay na naitatali na ng tao ang kaniyang
sarili sa bagay?
a. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula
sa pamahalaan, kahit na kaya naman niya itong bilhin o kaya ay hindi
naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang
nagbabayad ng buwis.
b. Hindi mabitawan ni Sheila ang kanyang mga lumang damit upang
ibigay sa kamag-anak dahil mayroon itong sentimental value sa kanya.
c. Inuubos ni Jerome ang kanyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na
sa ibang bansa lamang mahahanap. Ayon sa kanya, sa ganitong
paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
d. Lahat ng nabanggit

11
2. Alin ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong
sa iba?
a. Iba-iba ang ating kakayahan
b. nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba
c. magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin
d. hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo ng mag- isa

a. Sino ang may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at


kinabukasan ng pamayanan?
a. batas
b. pinuno
c. kabataan
d. mamamayan

3. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na


___________.
a. Walang nagmamalabis sa lipunan.
b. Ang lahat ay magiging masunurin.
c. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
d. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

4. Bakit nagkukusa tayong mag- organisa at tugunan ang pangangailangan ng


nakararami?
a. Sa ganitong paraan natin maipapakita ang ating pagkakaisa.
b. Hindi sapat ang kakayahan ng pamahalaan upang tumugon.
c. Ang sama-samang pagkilos ay nagpapagaan sa gawain.
d. Walang ibang maaring gumawa nito para sa atin.

5. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang


panlahat. Alin sa sumusunod ang hindi tunay na diwa nito?
a. protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan
b. kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan
c. itaguyod ang karapatang- pantao
d. ingatan ang interes ng marami

6. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa


karapatan ng bawat mamamayan?
a. sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga
karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan
b. sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales
ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
c. sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sagot sa
pangangailangan ng bawat mamamayan
d. sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas

7. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya?


a. magdudulot ito ng kasiyahan
b. makapagpapabuti sa tao
c. ito ay ayon sa Mabuti
d. walang nasasaktan

12
8. Ano ang makakamit ng Lipunan kung ang lahat ng mamamayan ay
nakikilahok?
a. pag-unlad
b. pagkakaisa
c. kabutihang panlahat
d. pagtataguyod ng pananagutan

9. Sa isang lipunang pampolitika, sino/ alin ang kinikilalang tunay na boss?


a. Pangulo
b. Mamamayan
c. pinuno ng simbahan
d. kabutihang panlahat

10. Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na


___________.
a. walang nagmamalabis sa lipunan
b. Ang lahat ay magiging masunurin.
c. Matugunan ang pangangailangan ng lahat.
d. Bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan.

Karagdagang Gawain

Panuto:

1. Magsaliksik ng mga pangyayari sa iyong lugar kung saan makikita


ang pagtutulungan at pagkakaisa ng mga tao upang makamit ang
adhikain ng gawain na iyon. (Hal: 52nd Araw ng Mabuhay 2020).
Ilarawan kung anu-ano ang mga kaganapan.
2. Isulat ang kasagutan sa iyong EsP notebook kung saan nakikita
mo na may naiambag ka sa tagumpay ng gawain na iyong iniisp.
3. Maglista ng lima hanggang sampung aktibidad.

Mga Tala para sa Guro

Suriin ang sagot ng mag-aaral. Bigyan agad ng komento ang


mag-aaral pagkatapos makompletong masagot at magawa ang mga
Gawain. Kung ang resulta ng pagsusuri ay mababa pa sa 100%,
hingkayatin ang mag-aaral na ulitin hanggang maabot ang 100%
kahusayan.

13
14
Subukin Tayahin
1. b 1. a
2. a 2. d
3. b 3. d
4. c 4. d
5. b 5. c
6. a 6. b
7. d 7. a
8. d 8. b
9. d 9. c
10.c 10. b
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Baliao and Parcon (2012), Society and Culture in a Changing World, Quezon
City: Rex Bookstore

Blackburn, S. (2005), Oxford Dictionary of Philosophy, New York: Oxford


University Press

Dinio and Cuano (2011), Ang Pagsasabuhay, Quezon City: Rex Bookstore

Dy, M B. (2013) Contemporary Social Philosophy, Makati City: Katha


Publishing Co., Inc.

Glenn, PhD, STD, Paul J. (1965). Ethics A Class Manual in Moral Philosophy,
London: B. Herder Book Co.

Law, Stephen (2007). Philosophy, Strand, London: Dorling Kindersley Limited

Panopio and Raymundo (2004), Sociology Focus on the Philippines, Quezon


City: Ken Inc.

Plattel, M.G. (1965) Social Philosophy. Translated by Henry J. Koren.


Pittsburgh: Duquesne University Press

Punsalan et al., Kaganapan sa Paggawa, Quezon City: Rex Bookstore, 2007

Contemporary Social Philosophy. Edited by Manuel B. Dy, Jr. Quezon City:


JMC Press, Inc., 1994.

Rorty, R. (1998). Truth and Progress: Philosophical Papers. Vol. 3.


Cambridge:Cambridge University Press

Scheler, M. (1973) Formalism in Ethics and Non-Formal Ethics of Values: A


New Attempt toward the Foundation of an Ethical Personalism. Translated by
Manfred S. Frings and Roger L. Funk. Evanston: Northwestern University
Press

Walgrave, J. (c1965). Person and Society: A Christian View. Pittsburgh,


Duquesne University Press

Website:
http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm

http://www.inquisition.ca/en/polit/artic/solidarite.htm

lexchristianorum.blogspot.com

http://www.federalunion.org.uk/subsidiarity-man/
https://www.google.com.ph/search?q=subsidiarity&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ei=uvqC

UttT5JaIB6qrgagH&sqi=2&ved=0CAcQ_AUoAQ&biw=1366&bih=665#q=solid
arity&tbm=isch

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like