`
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipapaliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon sa radyo o iba pang anyo ng media.
Nabibigyang-reaksiyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang
pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa
sanaysay.
Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan.
Natatalakay ang mga bahagi ng pinanood na nagpapakita ng mga isyung
pandaigdig.
Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung
pandaigdig.
Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.
GREECE/GRESYA: ATING LAKBAYIN
SAANG KONTINENTE KABILANG?
ASYA
EUROPA
AFRICA
HILANG AMERICA
TIMOG AMERICA
AUSTRALIA & OCEANIA
ANTARCTICA
GREECE/GRESYA: ATING LAKBAYIN
NASAAN KA?
GREECE/GRESYA: ATING LAKBAYIN
ANONG KABISERA MO?
GREECE/GRESYA: ATING LAKBAYIN
KAMANGHA-MANGHA BA?
GREECE/GRESYA: ATING LAKBAYIN
ANG PAGKAKAKILANLAN
REAKSIYON MO! I-SHARE MO!
REAKSIYON MO! I-SHARE MO!
ANO ANG SANAYSAY?
Ito ay isang sulatin o gawain na kung saan ito’y
kadalasang naglalaman ng mga pananaw, o opinion ng
isang awtor o akda. Maiapapahayag ng may akda ang
kaniyang damdamin sa mga mambabasa. Ito rin ay
isang uri ng pakikipagkomunikasyon na ang ukol nito
ay maipabatid ang inyon saloobin sa isang paksa o isyu.
BAHAGI NG SANAYSAY
1. Simula – pinakamahalagang bahagi dahil dito ang inaasahan
kung ipagpapatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa sulatin.
Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng
mambabasa.
2. Gitna/Katawan – Dito mababasa ang mga mahalagang puntos
o ideya ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin
natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng
maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o binibigyang
pansin.
BAHAGI NG SANAYSAY
3. Wakas – Dito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa
gitna o katawan ng isinulat niya. Dito din naghahamon ang
akda sa mga isip ng mga mambabasa na maisakatuparan ang
mga isyung tinatalakayan niya.
ELEMENTO NG SANAYSAY
1. Tema – Dito hango ang gawang sanaysay.
2. Anyo o Estruktura – maayos na pagkakasunod-
sunod na mga pangyayari
3. Kaisipan – mga ideyang nagpapalinaw sa tema
4. Wika at Estilo – paggamit ng mga salita
ELEMENTO NG SANAYSAY
5. Larawan ng Buhay
6. Damdamin
7. Himig
DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
1. Huwag pabago-bago – ang pagbabago ng paraan ng
pananalita o kaya wika ay nagbibigay-hudyat sa mga
mambabasang magbago, kaya huwag magsulat nang
taliwas sa paksa kung wala naming bagong
sasabihin. Sa madaling sabi, huwag baguhin ang
iyong estilo maliban na lamang kung naaayon ito sa
iyong layunin.
DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
Maging konsistent sa:
Panauhan – una (ako, tayo); ikalawa (ikaw); ikatlo (siya,
sila)
Bilang – isahan o maramihan
Kapanahunan – pangnakaraan, pangkasalukuyan,
panghinaharap
Pananalita – pormal o di-pormal
DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
2. Pagkakaugnay – ugnay
-----akma sa iyong paksa at layunin
Huwag basta-basta magsulat ng ibang ideya dahil lamang
bigla itong sumagi sa iyong isipan
Kahit ang maliliit na bagay ay mahalagang naayon pa rin sa
wastong pagkakasunod-sunod ng ideya
Maglagay ng palatandaan sa bawat paksa na magiging
hudyat sa mga mambabasa ng kaugnayan nito
DAPAT TANDAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY
2. Pagkakaugnay – ugnay
Gumamit ng mga transitional devices upang
maipakita ang ugnayan ng talata sa panibagong talata.
SUBUKIN: TAMA O MALI
1. Ang sanaysay ay nahahati sa iba’t ibang mga
kabanata.
2. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa
isang paksa.
3. Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa
pagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
SUBUKIN: TAMA O MALI
4. Ang estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang
sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagkaunawa ng
mga mambabasa.
5. Hindi kinakailangan ng kasanayan sa pagsulat ng
sanaysay.
ALEGORYA
Isang kuwento na kung saan ang mga tauhan, tagpuan at
kilos nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong
kahulugan.
Paglalarawan ng abstrakto o espiritwal na kahulugan sa
pamamagitan ng kongkreto o material na anyo.
MAY-AKDA: PLATO
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PANANAW
1. Ayon, batay, alinsunod, sang – ayon sa
-ginagamit natin ang mga ekspresiyong ito kung mayroong
matibay na batayan na pahayag, pangyayaring napatunayan at
tanggap ng lahat ng tao.
A. Sang-ayon sa Memorandum Order No. 20: Series of 2013
B. Batay sa Konstitusyon 1987: Artikulo XIV, Seksyon 6
C. Alinsunod sa itinakda ng batas
D. Ayon sa tauhang si Simoun sa El Filibusterismo
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PANANAW
2. Sa paniniwala, akala, paningin, tingin, palagay, inaakala,
iniisip ni/ng
-gingamit ang mga eskpresyong ito batay sa sariling paniniwala,
ideya, saloobin at perspektibo. Samakatuwid opinyon ang
isinasaad nitop na hindi maaaring mapatunayan.
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY PANANAW
2. Sa paniniwala, akala, paningin, tingin, palagay, inaakala,
iniisip ni/ng
-gingamit ang mga eskpresyong ito batay sa sariling paniniwala,
ideya, saloobin at perspektibo. Samakatuwid opinyon ang
isinasaad nitop na hindi maaaring mapatunayan.
MAY NATUTUNAN KA BA?
1. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang
taong nag-uusap. Ang marunong na si ___________ at si
___________.
A. Socrates at Plato
B. Plato at Glaucon
C. Socrates at Glaucon
D. Glaucon at Pluto
MAY NATUTUNAN KA BA?
2. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang
liwanag?
A. Elemento ng kalikasan
B. Edukasyon at katotohanan
C. Kabutihan ng puso
D. Kamangmangan at kahalagahan
MAY NATUTUNAN KA BA?
3. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.”
Paano binigyang-kahulugan ang salitang kadena sa loob ng
pangungusap?
A. Nagtataglay ng talinghaga
B. Maraming taglay na kahulugan
C. Taglay ang literal na kahulugan
D. Wala sa nabanggit
MAY NATUTUNAN KA BA?
4. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang
panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang
_______________.
A. Amo
B. Bathala
C. Diyos
D. Siga
MAY NATUTUNAN KA BA?
5. Alin sa sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?
A. Nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan
B. May mga talinghaga o nakatagong mensahe
C. Nagpapahayag ng damdamin
D. Nagpapahayag ng kabayanihan
MAY NATUTUNAN KA BA?
1. ___________ tauhang si Psyche sa Mitolohiya, “Kapag mahal
mo ang isang nilalang, ipaglaban mo ito.”
A. Ayon sa
B. Sang-ayon sa
C. Sa tingin ko
D. Sa paniniwala ko
MAY NATUTUNAN KA BA?
2. _______________ Ordinansa, upang maiwasan ang pakalat-
kalat na mga alagang hayop, nagpanukala ang bayan na “aso mo,
itali mo.”
A. Sang-ayon sa
B. Alinsunod sa
C. Batay sa
D. Dahil sa
MAY NATUTUNAN KA BA?
3. ______________, kahit maraming problema sa pamilya, hindi
ito ang hadlang upang makamit ang tagumpay sa buhay.
A. Sa paniniwala ko
B. Inaakala ko
C. Batay sa
D. Ukol sa
MAY NATUTUNAN KA BA?
5. _____________________, kailangan ang pagkakaisa ng
mamamayan upang mapalago at mapaunlad ang pamumuhay ng
indibidwal sa isang lipunang kinagagalawan o kinabibilangan.
A. Sa tingin ko
B. Inaakala ko
C. Batay sa
D. Ukol sa