You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Administratibong Rehiyon ng Caraga
Sangay ng Agusan del Sur

MATAAS NA PAARALANG NASYONAL NG LABNIG


Labnig, Talacogon, Agusan del Sur

Banghay - Aralin sa Filipino 9

I. LAYUNIN:

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:
Naipamamalas ng mga mag-aaral angpag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal
ng Silangang Asya.

B. PAMANTAYANG PAGGANAP:
Ang mga mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda ng nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagiging isang Asyano.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:


Naipakikita ang kakaibang katangian ng pabula sa pamamagitan ng isang
pasalitang pagtatanghal.; (F9PS - IIc - 48)

D. MGA TIYAK NA LAYUNIN:


1. nailalahad ang mga pangyayari sa akda;
2. nailalapat sa sariling ang katangian ng bawat tauhan
3. nakapagsusulat ng isang pabula gamit ang modal
4. nailalahad ng masining ang isinulat na pabula
5. natutukoy ang mga modal sa pabula at nagagamit ito sa
pangungusap.
II. NILALAMAN:
Paksa: Ang Hatol ng Kuneho
Pabula - Korea
(Modal)

III. KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


A. Sanggunian:
1. Panitikang Asyano 9, pp. 108-113
2. www.slideshare.net
B. IBA PANG KAGAMITANG PANTURO:
Video clip, LCD projector, laptop, speaker

IV. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain
1. Pagbati ng guro sa mga mag-aaral
2. Pagpapanatili sa kalinisan ng silid-aralan
3. Pagtatala ng mga liban sa klase

B. Pagbabalik-aral

Panuto: Gumawa ng Timeline sa pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”

Pagkahulog sa butas Pagtulong sa Ang Pino Ang Baka Ang Kuneho


leon

Mga Tanong:
1. Ano ang aral na hindi niyo makakalimutan sa tinalakay natin
kahapon na pabula?
2. Kung kayo nag kuneho, gagayahin niyo ba ang naging desisyon
niya?
3. Kung kayo ay magsusulat ng pabula ano ang magiging
pamagat nito at bakit?

C. Pangganyak

Pangkatang Gawain:
Panuto: Ilarawan sa isang salita ang katangian ng tauhan na inyong mabubunot at ilapat
ito sa iyong buhay. Ibahagi ang magiging kalakasan at kahinaan nito sa iyong
paglalarawan.

Pamantayan:
Pagiging matatas sa paggamit ng Wikang Filipino - 10
Nilalaman ng salaysay - 10
Pagpapakita ng kumpyansa - 5
Pagkakabuo ng kanilang pangungusap - 5
30

D. Paglalahad

1. Pagpapakilala sa bagong aralin


Isa ang pabula sa mga kayamanang pinahahalagahan natin. Sapagkat ang mga
akdang ito ay nagagamit natin upang magturo ng aral o magandang asal sa ating kabataan.
Kaya ngayon, ipagpapatuloy natin ang ating talakayan sa Hatol ng Kuneho.

2. Pamantayan
Subalit bago tayo magsimula sa ating talakayan, ano ang dapat ninyong gawin
bilang isang mag-aaral?

E. Pagtatalakay

1. Pangkatang Gawain
G- Makapagsusulat at makapagsusuri ng mahusay na pabula.
R- Pagganap ng mga mag-aaral bilang isang emplayado ng
Human Resource Department
A- Guro at iba pang mag-aaral
S- Isa kang pinuno ng isang kompanya. Magdaraos ka ng Team
Building Workshop upang mapaunlad ang pagkakaisa sa loob ng
kompanya. Magsasagawa ka ng pangkatang pagsulat ng pabula
bilang isa sa inyong Gawain. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang hayop na
sumisimbulo sa kanilang pagkatao.
P- Pangkatang pagsulat ng pabula
S- a. Orihinalidad.......................................................25 %
b. Pagiging malikhain .......................................... 25 %
c. Pagkakabuo ng kuwento.................................. 25 %
d. Malinaw na pagkakalahad ng mensahe ...........25%
Kabuuan ...................................................... 100 %

Masining na presentasyon ng pabula.

c. Pagnilayan at Unawain
1. Bakit kailangang pag-aralan ang pabula?
2. Nakakatulong ba ang pabula sa pamumuhay ng tao araw-araw?
Bakit?

V. PAGTATAYA/ EBALWASYON

Panuto: Natutukoy ang modal na ginamit sa ibinigay na pabula at nagagamit ito sa isang
pangungusap.
“Ang Pabula ng Banga”
MODAL PANGUNGUSAP
1. -
2. -
3. -
4. -
5. -

V. Takdang Aralin

1. Basahin ang sanaysay ng Taiwan na “Ang Kababaihan ng Taiwan” na salin ni


Shiela C. Molina sa pahina 116-127.
2. Magsaliksik sa pagkakaiba at pagkakatulad ng kababaihan ng Taiwan at
Pilipinas.

Inihanda ni:

MA. CAROLIN IRIS T. CEPIDA


Guro sa Filipino

Sinuri ni:

MA. MEDY A.
CASTROMAYOR
Head Teacher I

You might also like