You are on page 1of 3

Sa mga nabanggit na kaugnay na literatura at pag-aaral may iisa lamang itong

layunin, ang pagsusuri. Hindi lubos na mauunawaan ang isang akda kung hindi ito

sinusuri, walang saysay ang pagbabasa kung hindi ito lubos na naiintindihan. Ang mga

pag-aaral at literaturang nakalap ng mananaliksik ay lubos na sumuporta sa pag-aaral

na ito. Binigyang diin ang kahalagahan ng pagsusuri partikular na sa mga akdang

pampanitikan.

Sa mga naunang pag-aaral ang pinakamalapit sa pag-aaral na ito ay kina

Balbacal et. al, (2013) na may pamagat na “Kakayahan sa Pagsusuri ng maikling

kuwento at tula ng mga piling mag-aaral sa ikatlong antas ng mataas na paaralan ng

Lungsod ng Cabuyao,” at ang pag-aaral ni Vega (2017) na may pamagat na “Pagsusuri

ng mga akdang Tuluyan tungo sa pagbuo ng panuwang na kagamitan ng/sa

Pagkatuto.” Kapuwa nakapokus ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral partikular sa

kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan. Binigyang-diin sa pag-aaral na

ito ang mga paraan kung paano lilinangin ang kanilang kakayahan sa pagsusuri. Ang

dalawang nasabing pananaliksik ay maiuugnay sa pag-aaral na ito dahil ang pokus

lamang ay kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, at

kapuwa’y tutukuyin ang mga paraan kung paano ito lilinangin. Ang pagkakaiba ng

pananaliksik na ito ay tutukuyin ng mga mananaliksik kung ano-ano ang mga suliraning

kinakaharap nila sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan, dahil para sa mga

mananaliksik marahil marami ang kanilang kinakaharap na suliranin sa oras na sila ay

nagsusuri at ito ang nagiging epekto sa kanilang performans sa pagsusuri ng mga

akda. Nagiging yunik ang pag-aaral na ito dahil hindi lang isang uri ng panitikan ang

pinagtuunan ng pansin kundi lima, ito ay ang maikling kuwento, tula, dula, nobela at
sanaysay. Sa limang uri ng panitikan iikot ang kanilang pagsusuri. Tutukuyin kung sila

ba ay mahusay sa pagsusuri sa lahat ng ito o ilan lamang, at kung sila ba ay mahina sa

pagsusuri.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy ang kakayahan sa pagsusuri ng

maikling kuwento at tula ng mga mag-aaral sa Lungsod ng Cabuyao. Lumabas sa pag-

aaral na mahina ang kakayahang pang-kognitibo ng mga mag-aaral sa larangan ng

pagsusuri partikular sa maikling kuwento at tula. Sa pag-aaral nila binigyang-diin ang

mga paraan na maaaring gamitin ng mga Guro sa pagtuturo ng panunuring

pampanitikan.

Ang kaibahan ng pag-aaral na ito sa nasabing naunang pananaliksik ay tutukuyin ng

mananaliksik ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa pagsusuri at

tutukuyin ang mga paraan ng mag-aaral kung paano sila magsuri.


Ang mga nabanggit na pananaliksik ay naglalaman ng mga impormasyong nakatulong

sa kasalukuyang pag-aaral upang mapagbuti ang mga natuklasan tungkol sa

kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng mga mag-aaral.

You might also like