You are on page 1of 31

KAALAMAN NG MGA PILING MAMAMAYAN NG BAYAN NG STA.

CRUZ
LAGUNA PATUNGKOL KAY HENERALA AGUEDA Y INIQUINTO
KAHABAGAN

Isang pananaliksik na iniharap para kay


G. John Ernest Monserrat

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Nina:
Malate, Jayson A.
Osuna, Crystal C.
Ramos, Trixie U.
Reancho, Christine Grace C.

Setyembre 2019
2

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, ang

pananaliksik na ito ay pinamagatang, “KAALAMAN NG MGA PILING

MAMAMAYAN NG BAYAN NG STA CRUZ, LAGUNA PATUNGKOL KAY

HENERALA AGUEDA Y INIQUINTO KAHABAGAN”. Inihanda at iniharap

ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si G. John

Ernest Monserrat ng mga mananaliksik na nagmula sa 12-Nobility ng

Maranatha Christian Academy – Sta. Cruz Chapter, SY 2019-2020.

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik,

inayos, at inihanda ng mga mananaliksik.

____________________________ _________________________
Christine Grace C. Reancho Trixie U. Ramos
(Mananaliksik) (Mananaliksik)

____________________________ _________________________
Crystal C. Osuna Jayson A. Malate
(Mananaliksik) (Mananaliksik)

____________________________
G. John Ernest Monserrat
(Tagapayo)
3

PASASALAMAT

Taas pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na

indibidwal at sa iba pang mga naging bahagi ng aming pag-aaral para sa

walang humpay na suporta, tulong at kontribusyon upang maisagawa at

maging matagumpay ang pagaaral na ito.

Sa Sangguniang Bayan ng Sta. Cruz, para sa paglalaan ng kanilang

mga oras upang maibahagi ang mahahalagang impormasyon na aming

nagamit sa aming buong pananaliksik.

Sa mga Respondente na naglaan ng kanilang oras na masigasig na

nakilahok sa pagsasagot nang tapat sa kanilang mga kwestyuner at serbey.

Sa aming mga Kapwa mag-aaral na nasa ika-labing dalawang

pangkat para sa pagtutulungan, pagbibigay inspirasyon at pagsuporta upang

matapos ang aming pananaliksik.

Kay G. John Ernest Monserrat, ang aming minamahal na guro sa

asignaturang ito, ipinaaabot namin ang aming pasasalamat dahil sa inyong

walang sawang pagsuporta, pagtulong, paggabay, at pag unawa samin

habang isinasagawa naming ang pananaliksik at lalong lalo na sa

pagbabahagi ng inyong mga kaalaman ukol dito.

Sa mga Magulang na tumulong at umintindi samin sa mga panahong

abala kami sa paggawa ng pag-aaral na ito at sa pagbigay ng moral at

pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon sa amin.

Sa Poong Maykapal, sa pagbigay sa aming grupo ng determinasyon,

kaalaman at pagdinig sa aming panalangin upang maisakatuparan ang

pagaaral na ito.

Mga Mananaliksik
4

PAGHAHANDOG

Inihahandog ng mga mananaliksik ang pagaaral na ito sa kanilang mga

magulang, kamag-aral, kapwa mananaliksik, guro, sa mga mamamayan, sa

darating pang mga henerasyon at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos.

- J.A.M

- C.C.O

- T.U.R

- C.C.R
5

ABSTRAK

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid ang

kaalaman ng mga mamamayan ng bayan ng Sta Cruz, Laguna patungkol kay

Henerala Agueda Y Iniquinto Kahabagan. Ang sinabing pananaliksik ay

sumailalim sa qualitative method at ginamitan ng random sampling. Gumamit

ng interbyu na may close ended and open ended questionaires. Ang bilang ng

mga respondent ay talumpu (30), na naninirahan sa bayan ng Sta. Cruz

Laguna. Ang lumabas na resulta ay nakuha sa pagkuha ng mean level ng

mga datos.

Sa pananaliksik na ito nalaman na ang mga piling mamamayan ng

Bayan ng Sta. Cruz, Laguna ay mababa ang kaalaman at pagkilala patungkol

sa unang henerala na nagmula sa Sta Cruz, Laguna na si Henerala Agueda Y

Iniquinto Kahabagan. Ang bayan ng Sta Cruz, Laguna ay maaaring gumawa

ng isang pagpupulong o seminar para sa mga mamamayan upang kanilang

malaman at mabigyang-pansin ang pagkilala sa ating bayani. Sapagkat ang

karangalan na kaniyang natamo ay ating karangalan narin.


6

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina ng Pamagat …………………………………………………………………1

Dahon ng Pagpapatibay ……………………………………………………………2

Pasasalamat …………………………………………………………………………3

Paghahandog ………………………………………………………………………..4

Abstrak ……………………………………………………………………………….5

Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………...6

KABANATA 1: Ang Suliranin at Kaligiran nito

Panimula ……………………………………………………………………………..8

Kaligiran ng Pag-aaral ……………………………………………………………...9

Layunin ng Pag-aaral ………………………………………………….................10

Saklaw at Limitasyon ……………………………………………………………...11

Depenisyon ng mga Terminolohiya ……………………………………………..11

KABANATA 2: Ang mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ……………………………………………..13

KABANATA 3: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik ………………………………………………………….15

Respondente ……………………………………………………………………….15

Instrumento ng Pananaliksik ……………………………………………………..16

Tritment ng mga Datos ……………………………………………………………17


7

KABANATA 4: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos ………………………………...18

KABANATA 5: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Lagom ………………………………………………………………………………21

Konklusyon …………………………………………………………………………22

Rekomendasyon …………………………………………………………………..23

MGA PANGHULIHANG PAHINA

Listahan ng mga Sanggunian ……………………………………………………24

Apendiks A …………………………………………………………………………25

Apendiks B …………………………………………………………………………26

Apendiks C …………………………………………………………………………27
8

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

I.PANIMULA

Isang malaking bahagi ng bansa ang pagkakaroon ng mga taong

kayang ibuwis ang buhay nila para sa lupang sinilangan. Bawat lugar sa

Pilipinas ay may kanya kanyang taong pinag mamalaki, marami tayong

naririnig tungkol sa mga ito ngunit alam ba natin kung anong iniwan nilang

historya sa bansa. Hindi madaling isa alang-alang ang buhay mo para sa

bayan kayat nararapat lang na bigyan natin sila ng pagtingala. Ang

pagkakaroon ng mga ganitong tao ay isang malaking karangalan sa bawat isa

gayon paman hindi dapat natin talikuran kung anong ginawa nila para sa

nasasakupan. Ang ating mga bayani ay sadyang matatapang sa

kadahilanang likas na matatatag at malalakas ang mga Pilipino. Malaking

tulong ang pagkakaroon ng pag-aaral o pananaliksik ng mga mag-aaral sa

panahon ngayon tungkol sating mga bayani, Lalo na’t maraming bayani parin

ang hindi kilala sa panahon ngayon. Kailangan nating bigyang halaga ang

ginawa nila kaya’t tama lang na bigyan din natin sila ng oras na makilala sa

bansa o kahit man lang sa nasasakupan nila dati. Ang pagkakaroon ng pag-

aaral sa kanila ay isang magandang layunin upang manatili parin kung anong

iniwan nila at ginawa para sa bayan. Alam nating maraming tumatak na

bayani sa atin ngunit bigyang oras din nating ang mga bayaning hindi pa

lubos na kilala upang bigyang halaga rin ng iba. Alam nating kokonti nalang

ang nag bibigay halaga sa mga taong ibinuwis ang buhay ngunit wag nating

hayaang lamunin tayo ng ganitong mentalidad sa kadahilanang hindi

masisilayan ng susunod na henerasyon kung gaano kaganda ang ating


9

nakaraan, hindi man nila nailigtas ang kanilang sarili ngunit nag iwan sila ng

magandang bakas sa lupang sinilangan ng Pilipinas.

II. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Si Agueda y Iniquinto Kahabagan ay kilala bilang si "Henerala

Agueda". Siya ay nagmula sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna. Kinikilala si

Henerala sa kanyang katangi-tanging katapangan. Siya ay nakikitang

nakadamit ng puti at may dalang Gulok at Riple sa magkabilang kamay

habang nakikipaglaban. Si Henerala ay kinomisyon ni Heneral Miguel Malvar

upang pamunuan ang isang kawan ng mga sundalo noong Mayo 1897. Siya

ay isa sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa pagsalakay ng

Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897.

Pinaniniwalaan na si Heneral Pio del Pilar ang nagrekomenda na mabigyang

Titulo bilang Honoraryang Henerala si Henerala Agueda. Siya ang nag-iisang

naitalang Henerala sa listahan ng mga Heneral ng Republika ng Pilipinas.

Natamo niya ang ranggo noong Enero 4, 1899. Inilarawan siya bilang Pinay

version ni “Joan of Arc" dahil sa kanyang katapangan. Hindi siya kasing sikat

nina Gabriela Silang o Gregoria de Jesus pero sino itong Katipunera na

naitala bilang una at nag-iisang heneral na babae noong panahon ng

himagsikan. Inilarawan si Agueda Kahabagan na babaeng walang

kinatatakutan. Nakasuot ng puting damit-- armado ng bolo at riple—nakikita

siyang nakikipaglaban sa mga sundalong Espanol at Amerikano noong

panahon ng himagsikan. Nakapailalim noon si Kahabagan sa pamumuno ni

General Artemio Ricarte na umatake sa Spanish San Pablo garrison noong

Oktubre 1897. Si General Pio del Pilar naman ang nagrekomenda na

gawaran ng ranggong heneral si Kahabagan noong Enero 1899. Ang pag-

aaral na ito ay isinagawa upang tukuyin at sukatin ang kaalaman ng mga


10

piling mamayan patungkol kay Agueda Kahabagan, upang maipaalala at

mabigyang pagbabalik-tanaw sa kaniyang kagitingan. (Mula sa Sangguniang

Bayan ng Sta. Cruz, Laguna)

III. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Layunin naming mga mananaliksik na pag aralan ang at makauha ng

impormasyon patungkol sa unang Henerala ng Bayan ng Sta.Cruz, Laguna

na si Henerala Agueda Kahabagan Y Iniquinto. Layunin naming ipapaalala at

ipaalam sa mga piling mamamayan ng bayan ng Sta.Cruz, ang buhay at

nakaraan ni Agueda Kahabagan, sapagkat alam naman natin na ang

karamihan sa atin ay hindi sya kilala o walang ideya sa kanyang ginawa.

Kaya narito kami mga mananaliksik, upang mag bigay ng kaunting kaalaman

patungkol sa ating bayani. Layunin din naming na ipakilala sa mga

mambabasa at ikwento ang kaniyang ginawa at ipinaglaban. Kaya bilang mga

mananaliksik at mag-aaral sa lugar kung saan lumaki at nagka-isip ang ating

bayani, sabay-sabay nating alamin ang buhay at sakripisyong kaniyang

ginawa. Maaaring alam natin ang kaniyang pangalan ngunit hindi ang

kaniyang nakaraan, kaya naman narito kami upang magbalik-tanaw sa buhay

ng ating bayani at manaliksik ng mga impormasyong maaari naming

maibahagi sa bawat isa.

Isa pang layunin ng aming pag-aaral ay ang paglawigin ang kwento ni

Agueda Kahabagan at ang kaniyang pakikipagsapalaran sa labanan para sa

bayan na kinalakihan, para din sa mga nais magsaliksik pa sa kaniyang

buhay ay makapag-bahagi at makatulong sa mga impormasyon patungkol sa

kaniyang nakaraan.

Upang ipaalala na lahat tayo ay maaaring maging bayani, walang

pinipiling kasarian ang pagtanggol at paglilingkod sa bayan na iyong


11

nasasakupan. Kahanga-hanga ang katapangan na ipinakita ni Henerala

Agueda na itinuturing bayani ng bayan ng Sta. Cruz, kaya narito kami upang

magbigay pugay para sa kaniyang ginawa.

IV. SAKLAW AT LIMITASYON

Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang kaalaman ng mga piling

mamamayan ng Bayan ng Sta. Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda

Y Iniquinto Kahabagan. Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na makakuha

ng mga respondent mula sa piling mamamayan ng Bayan ng Sta Cruz,

Laguna. nais makabuo ng mga mananaliksik ng talumpong (30) respondent,

na siyang magiging tulay upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Ang Pag-aaral na ito ay naglalayon na malaman ang kaalaman ng mga

mamamayan ng Bayan ng Sta. Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda

y Iniquinto Kahabagan, upang mabigyang pansin din ang kahalagahan ng

pagbabalik-tanaw sa mga makasaysayang pangyayari noong unang panahon

maging ang mga tao na naging saksi, at lumaban para sa kalayaan ng ating

bansa.

V. DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Para sa higit na pagka-unawa sa pag-aarala na ito, ang mga

sumusunod na salita ay binigyan kahulugan.

Bayan – grupo ng tao na naninirahan sa iisang lugar, at isang sentralisadong

lugar.

Bayani – mga taong ibinuhos ang sariling buhay para lamang maprotektahan

ang mga nasasakupan.

Bolo – isang malaking kagamitan para sa pagputol na nagmula sa Pilipinas at

katulad ng machete.
12

Digmaan – ay isang palitan at maraha na paglalapat ng lakas sa pagitan ng

kalaban.

Estado – isang uri ng kaayusan ng pamahalaan na binubuo ng isang

pamayanang pampolitika na nakatira sa ilalim ng iisang sistema ng

pamahalaan.

Henerasyon – “panibagong siglo o panahon”

Mamamayan – tumutukoy sa mga taong naninirahan sa lupang sakop ng

isanf estado.

Organisasyon – pangkat o grupong panlipunan ng mga tao na

nagpapamahagi ng mga Gawain para sa isang layuning pagsasama o tinipon.

Rebolusyon – tumutukoy sa pag-aalsa o pagrerebelde ng taumbayan laban

sa pamamalakad dahil sa pagtutol o pagtanggi sa pamamalakad ng mga

awtoridad o mga may katungkulan.


13

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Carrie S., 2019 na may pamagat na

“Kickass Women in History: Agueda Kahabagan and the Women of the

Philippine Revolution”. Ang Republika ng Pilipinas ay isang bansa na may

7000 isla at higit pa. Isa itong estado na kinailangang talunin ang dalawang

makapangyarihang bansa (Spain at United States of America) upang makamit

ang kalayaan, maging ang malakas na paglalaban noong World War II. Sa

panahon ng digmaan, hindi lamang ang mga kalalakihan ang nakipaglaban at

nakipasapalaran sa labanan ngunit maging ang mga kababaihan ay

nakipaglaban din. Ang pinaka-sikat na si Agueda Kahabagan, kinilala ng mga

Espanyol bilang, “The Tagalog Joan of Arc.”

Ang rebolusyon sa Pilipinas ay isang giyera sa pagitan ng Pilipinas at

ng Espanya na nagsimula noong 1896. Ang rebolusyon ay nagging mas

komplikado noong nagkaroon ng kagustuhan ang Amerika sa ekonomiya ng

Pilipinas, na nagkaroon ng digmaan sa Espanya noong 1898 kilala bilang

“The Spanish-American War”, na pinangunahan nina William Randolph

Hearst at teddy Roosevelt. Hindi na sinoportahan ng Amerika ang Pilipinas

nang sila ay manalo laban sa Espanya. Hindi nakuha ng Pilipinas ang totoong

kalayaan hanggang dumating ang WWII.

Ang katipunan na nabuo noong Hulyo 7, 1892 ay isang pang

rebolusyong grupo. Ang rebolusyon ay nagsimula noong nabunyag ng

Spanish Government ang organisasyon. Ang organisasyon ay binuksan para

lamang sa mga kalalakihan na nais ipaglaban ang kalayaan ngunit sa huli

madami nadin ang kababaihan na sumapi.


14

Agueda Kahabagan, isang tanyag na kinikilala sa kasaysayan ng

Pilipinas. Siya lamang ang babaeng heneral sa grupo ng pangdigmaan ng

katipunan. Siya ay nagging heneral noong Hulyo 4,1899 – ang una at

nagiisang babaeng heneral. Ang hindi malilimutang pakikipaglaban na

kaniyang kinabibilangan ay ang “Seige in San Pablo Garrison” noong 1897.

Naging kilala siya sa kaniyang pagsakay sa kabayo na may dala-dalang rifle

at bolo.

Ang pakikipagdigmaan at pakikipagsapalaran ni Agueda ay hindi lahat

ang nakakaalam, wala siyang kwento kung saan siya nagmula, at ano ang

nagging dahilan upang siya lumaban, maging ang kung ano na ang nangyari

sakaniya pagkatapos ng labanan.

“We know she was a real person. We also know that she was not

alone” - ayon kay Dr. Robert L. Yoder na nagsulat ng isang akda na

pinamagatang “Philippine Heroines of the Revolution”.


15

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo ng pananaliksik,

Pagtatakda ng Pananaliksik, at ang paggamit ng mga kasangkapan sa

pananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa pagkuha ng mga kaalaman ng

mga piling mamamayan ng bayan ng Sta.Cruz, Laguna patungkol kay

Henerala Agueda Kahabagan at isang diskriptibong pamaraan ng

pananaliksik. Ang pananaliksik ding ito ay gagamit ng close-ended at open-

ended questions upang makakalap ng mga datos mula sa mga respondent na

magagamit at makatutulong sa nasabing pag-aaral. Upang alamin ang resulta

ng nasabing pag-aaral ang mga taga-panaliksik ay gagamit ng pamamaraan

upang makuha ang mean level ng bawat sagot ng mga respondente.

PAGTATAKDA SA PANANALIKSIK

Ang paksa ng pananaliksik ay matatagpuan sa bayan ng Sta. Cruz,

Laguna habang ang pagsisiyasat at mga katanungan na ibinigay at nasagot

ng mga piling mamamayan ng baying ito. Upang makuha ang mga

kinakailangang mga datos at impormasyon na kinakailangan para sa pag-

aaral na ito.

Bilang isang mamamayan ng Sta Cruz, Laguna ay kinakailangan sa

kanila mamulat at magkaroon ng kamalayan at kaalaman patungkol sa bayani

na sa bayan ng Sta Cruz nagmula na si Henerala Agueda Y Iniquinto

Kahabagan at maging ang iba pang makasaysayang pangyayari na naganap


16

sa bayan na ito. Maganda na sa bawat isa ay may kaalaman at bukas ang

kaisipan ukol dito.

INSTRUMENTASYON

Ang Katanungan ay ginawa ng mga mananaliksik ito ay isa sa pinaka-

mahalagang kasangkapan na ginamit sa pag-aaral sa tulong ng lahat ng mga

respondente sa mga tuntunin ng kanilang antas ng kamalayan patungkol kay

Henerala Agueda Y Iniquinto Kahabagan. Sa pamamagitan ng pamamahagi

ng mga katanungan, kami ay nangalap ng mga mahahalagang datos na

kinakailangan para sa pag-aaral. Ang mga nilalaman sa mga tanong sa

pagsisiyasat ang lahat ay patungkol sa pagtuklas ng kanilang kaalaman

patungkol kay Henerala Agueda Y Inquinto Kahabagan.

PAGPAPATUNAY NG INSTRUMENTO

Upang makalikom ng kinakailangan na datos, ang mga mananaliksik ay

gumagamit ng mga sumusunod na instrumento.

Kuwestyonaryo

Para sa mga datos na iipon sa mga layunin, ang mga mananaliksik ay

gumamit ng isang hanay ng mga palatanungan na magtampo na

kinakailangan na impormasyon tungkol sa mga usapin na tumutukoy sa

paksa sa ilalim ng pag-aaral.

Pakikipanayam

Ang mga pakikipanayam ay ginagamit ng mga mananaliksik sa respondente

upang makakuha ng impormasyon na kinakailangan sa ibinigay na pag-aaral.

Ito ay para madagdagan ang pangunahing pinagmumulan ng data na ang

palatanungan na maaaring malinaw na pag-papaliwanag.


17

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang mga datos na nakalap ng may-akda mula sa mga piling

mamamayan ng Sta. Cruz, Laguna na tumugon sa talatanungan ay

ipinagsama-sama o itinally upang makuha ang tama at eksaktong bilang ng

mga piling mamamayan ukol sa kanilang persepsyon. Ang mga datos na ito

ay magsisilbing kasagutan sa mga katanungan inilahad ng pag-aaral. Ang

mga resulta ay inalisa at ikinumpara ayon sa pagkakaiba ng mga tumugon.

Ang mga datos na nakalap ay isasalarawan gamit ang pagta-tally upang

makamtan ng may kaayusan ang tamang resulta at upang makapagbigay ng

malinaw at madaling pag-unawa sa mga nag nanais na makabasa ng

nasabing pag-aaral. Ang pormularyong ginamit sa pagkuha ng porsyento ng

tugon sa bawat tanong ay:

Porsyento = Bilang ng Tugon Kabuuan ×100


Bilang ng Respondente
18

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagsusuri at pagpapahalaga ng

mga datos na nakalap tungkol sa antas ng kaalaman ng mga piling

mamamayan ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda

Iniquinto Kahabagan. Ang pagtatalakay sa mga sagot ay ibinatay sa

pagkakaayos ng mga katanungan sa unang kabanata.

Kasarian ng Respondente Kalimitan Bahagdan (%)


Babae 15 50 %
Lalaki 15 50%
Kabuuan 30 100%

Suliranin 1: Si Agueda Kahabagan ang unang Henerala na nagmula sa

Bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Kaalaman Kalimitan Bahagdan (%)


Oo 10 33.33
Hindi 20 66.67
Kabuuan 30 100%

Mas marami ang hindi nakakaalam na si Henerala Agueda Kahabagan

ang unang Henerala na nagmula sa Bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Suliranin 2: Sa bayan ng San Pablo, Laguna nakipaglaban si Henerala

Agueda Kahabagan.

Kaalaman Kalimitan Bahagdan (%)


Oo 3 10.00
Hindi 27 90.00
Kabuuan 30 100%

Higit na nakararami ang hindi nakaka-alam na sa bayan ng San Pablo,

Laguna nakipaglaban si Henerala Agueda Kahabagan laban sa mga

Espanyol.
19

Suliranin 3: Nakipaglaban si Henerala Agueda Kahabagan gamit ang

kakayahan sa pagsusulat ng mga akda laban sa mga Espanyol.

Kaalaman Kalimitan Bahagdan (%)


Oo 12 40.00
Hindi 18 60.00
Kabuuan 30 100%

Marami ang hindi nakakaalam na hindi ang kakayahan sa pagsusulat

ng mga akda ang ginamit ni Henerala Agueda kahabagan ang kaniyang

ginamit panlaban sa mga Espanyol.

Suliranin 4: Si Agueda Kahabagan ang babaeng lumaban ng nakaputing

damit gamit ang rifle at bolo laban sa mga Espanyol at Amerikano.

Kaalaman Kalimitan Bahagdan (%)


Oo 24 80.00
Hindi 6 20.00
Kabuuan 30 100%

Higit na mas nakararami ang nakakaalam na si Henerala Agueda

Kahabagan ang babaeng naka puti na may rifle at bolo na lumaban sa mga

Espanyol at Amerikano.

Suliranin 5: Si Agueda Kahabagan ang inilalarawan na babaeng walang

kinatatakutan.

Kaalaman Kalimitan Bahagdan (%)


Oo 25 83.33
Hindi 5 16.67
Kabuuan 30 100%

Marami ang nakakaalam na si Henerala Agueda Kahabagan ang

inilalarawan na babaeng walang kinatatakutan.


20

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng buod, konklusyon, at

rekomendasyon ng pananaliksik sa kaalaman ng mga piling mamamayan ng

bayan ng Sta.Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda Kahabagan.

Lagom

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa kaalaman ng mga piling

mamamayan ng bayan ng Sta. Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda

Iniquinto Kahabagan. Napili ang paksang ito ng mga mananaliksik upang

mapalawig ang kaalaman ng piling mamamayan ng Sta. Cruz patungkol kay

Henerala Agueda Kahabagan dahil isa itong makasaysayang bahagi ng

bayan ng Sta. Cruz.


21

Konklusyon

Batay sa mga inilahad ng mga datos ang mga mananaliksik ay

nagbigay ng mga pagpapatunay ng mga konklusyon.

Sa isinagawang survey ng mga mananaliksik aming napagalamanan

na higit na mas nakararami ang hindi pa lubos na nakakakilala kay Henerala

Agueda Kahabagan, 62.67 % ang hindi nakakakilala samantalang 37.33 %

naman ang nakakakilala sakaniya. Nakakalungkot lamang isipin na hindi pa

ganon ka tanyag sa isipan ng mga piling mamamayan ng Sta. Cruz ang

pagkilala sa unang Henerala na nagmula sa kanilang bayan. Hindi sakop ng

kanilang mga kaalaman ang ginawang pakikipaglaban ni Henerala Agueda

Iniqinto Kahabagan noon sa bayan ng San Pablo, Laguna laban sa mga

Espanyol at Amerikano sa “San Pablo Seige”, noong panahon ng himagsikan.

Ngunit batay pa sa aming pagsusuri mayroon silang kaunting kaalaman

sapagkat nagtayo ang Sangguniang Bayan ng Sta. Cruz sa plaza, ng rebulto

ni Henerala Agueda Kahabagan ngunit ito’y bago pa lamang sapagkat ito’y

napag alamanan lamang ng bayan ng San Pablo na si Agueda Kahabagan ay

tunay ngang nagmula sa Bayan ng Sta. Cruz, Laguna.

Rekomendasyon

Kaugnay ng aming nakuhang konklusyon ang mga mananaliksik ay

nakabuo ng rekomendasyon na makakatulong upang mas mapalawig ang

kaalaman ng mga mamamayan ng Bayan ng Sta. Cruz patungkol kay

Henerala Agueda Iniquinto Kahabagan.

Ang Sangguniang Bayan ng Sta. Cruz ay dapat magkaroon ng isang

seminar o kahit maikling pagpupulong patungkol sa mga makasaysayang

bahagi ng Bayan ng Sta. Cruz at sa usaping ito ay mas bibigyang pansin ang

pagkilala kay Agueda Kahabagan sapagkat ito ay kinikilala bilang isang


22

bayani. Nawa’y mas mapalawig ito lalo’t higit na sa mga kabataan dahil sila

ang magsasalin nito sa mga susunod pang henerasyon. - Christine

Mahalagang bigyang pansin at malaman ng mga mamamayan ng Sta.

Cruz ang katapangan at kabutihang ginawa ng ating bayani at mga programa

na may kinalaman sa ating bayani upang ang bawat indibidwal ay magkaroon

ng pananaw at galang tungkol sa katapangan na isinakripisyo n gating bayani

na si Henerala Agueda. - Jayson

Maraming mamamayan ang hindi nakakakilala kay Henerala Agueda

ngunit wag nating kaugalian ang limutin ang mga nakaraan lalo na sa at ito’y

malaking bahagi ng kasaysayan. Napagalaman ng aming grupo na bilang

lang sa kamay ang nakakatanda sakaniya. Kinakailangan na magkaroon ng

motibasyon ang bawat na isa na ipakilala si Henerala Agueda, sa paraang ito

maiimulat natin sa mga mamamayan ng sta. cruz laguna ang kabayanihang

ginawa at iniwang kasaysayan ng isang babaeng bayani sa bayan natin. –

Trixie

Napagalaman ng aming grupo na kakaunti pa lamang ang nakakakilala

kay Henerala Agueda kaya naman nais naming gumawa ng programa na

patungkol kay Agueda upang maimulat ang mamamayan ng Sta. Cruz sa

ginawa ng ating Henerala, at magbigay o maglabas ng libro na nakapaloob

kung paanong binuwis ni Henerala ang kaniyang buhay at lakas ng loob sa

pakikipagdigma, at ibigay ito ng libre sa mga mamamayan, sa paraang ito

maaaring madagdagan ang kaaalaman at maimulat ang bawat isa sa taong

dapat bigyan ng parangal. - Crystal


23

MGA SANGGUNIAN

INTERNET LINKS

Paolo Vergara (2019). “Agueda Kahabagan was our first woman general. But

do you know her? ”https://www.scoutmag.ph/culture/first-woman-general-

agueda-kahabagan-paolov-20190329

Biograpiya. (2012). “Talambuhay ng mga Tanyag na Filipino”

https://biograpiya.blogspot.com/2012/11/agueda-kahabagan.html?m=1

GMA News Online (2007). “Unang Pinay na Heneral”

https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/27563/unany-pinay-na-

heneral/story/

NHCP (2016). “NHCP unveils the ‘Agueda Kahabagan’ historical marker”

http://nhcp.gov.ph/nhcp-unveils-agueda-kahabagan-historical-marker
24

Carrie S. (2015). “Kickass Women in History: Agueda Kahabagan and the

Women of the Philippine Revolution”

Maranatha Christian Academy


1000-A 4781 Purok Bigayan, Brgy. Calios Sta.Cruz,Laguna
SY 2019-2020

“KAALAMAN NG MGA PILING MAMAMAYAN NG BAYAN NG STA.CRUZ,


LAGUNA PATUNGKOL KAY HENERALA AGUEDA Y INIQUINTO
KAHABAGAN”

Pangalan: (opsiyonal) _____________________________


Kasarian: __________________
Gulang:____________________
Lugar ng Pinanggalingan: _____________________

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa iyong kaalaman.


Bilugan ang OO kung tama ang pahayag at HINDI naman kung mali.
25

1. Si Agueda Kahabagan ba ang unang Henerala na nagmula sa Bayan


ng Sta.Cruz,Laguna?
OO HINDI
2. Sa Bayan ba ng San Pablo nakipaglaban si Kahabagan?
OO HINDI
3. Nakipaglaban nga ba si Henerala Kahabagan gamit ang kakayahan sa
pagsusulat ng mga akda laban sa mga Espanyol?
OO HINDI
4. Si Agueda Kahabagan ba ang babaeng lumaban ng nakaputing damit
gamit ang riple at bolo laban sa mga Espanyol at Amerikano sa
panahon ng himagsikan?
OO HINDI
5. Si Agueda Kahabagan ba ang inilalarawan na babaeng walang
kinatatakutan?
OO HINDI

APENDIKS B

Maranatha Christian Academy


1000-A 4781 Purok Bigayan, Brgy. Calios Sta.Cruz,Laguna
SY 2019-2020

Mahal naming mga Respondente,

Isang mainit na Pagbati Po!

Kami po ay ang mga mag-aaral ng Maranatha Christian Academy Sta.

Cruz, Laguna na nasa ika-labing dalawang baitang. Kami po ay nagsasagawa

ng pananaliksik na may paksang “Kaalaman ng mga Piling Mamamayan ng

Bayan ng Sta. Cruz, Laguna patungkol kay Henerala Agueda y Iniquinto

Kahabagan”. Nais po naming humingi ng pahintulot upang makapagsagawa


26

ng serbey, hinihingi po naming ang inyong kooperasyon at konsiderasyon

para sa aming pananaliksik. Amin pong ipinapangako na ang mga datos na

aming makakalakip ay mananatiling pang-pribado lamang.

Kalakip po ng liham na ito ay ang mga katanungan para sa inyo.

Maraming Salamat po at nawa’y makamit naming ang positibong tugon ninyo

kaugnay ng kahilingang ito.

Lubos na gumagalang,

Christine Grace C. Reancho

Trixie U. Ramos

Crystal C. Osuna

Jayson A. Malate

APENDIKS C

Maranatha Christian Academy


1000-A 4781 Purok Bigayan, Brgy. Calios Sta.Cruz,Laguna
SY 2019-2020

“KAALAMAN NG MGA PILING MAMAMAYAN NG BAYAN NG STA.CRUZ,


LAGUNA PATUNGKOL KAY HENERALA AGUEDA Y INIQUINTO
KAHABAGAN”

KASARIAN 1 2 3 4 5

√ x √ x √ x √ x √ x
BABAE 6 9 2 13 8 7 1 14 13 2
27

4 11 1 14 4 11 5 10 12 3
LALAKI

KABUUAN 30 30 30 30 30

CHRISTINE GRACE C.
REANCHO
Georgia St. Lynville 10. Brgy. Duhat, Sta.Cruz,Laguna

PERSONAL INFORMATION:
Nickname: Tine
Civil Status: Single
Place of Birth: Malolos, Bulacan
Citizenship: Filipino
Religion: Christian (PMCC 4th Watch)
EDUCATIONAL ATTAINMENT:
San Pablo Elementary School (2012-2013)
28

Brgy. San Pablo, Malolos Bulacan


2nd Honorable Mention
Banca-Banca Integrated National High School (2017-
2018)
Brgy. Banca-Banca, Victoria Laguna
With Honors
Maranatha Christian Academy (2019-2020)
Brgy. Calios, Sta. Cruz Laguna
SKILLS:
Microcomputer Applications using Microsoft Word, Excel,
Powerpoint
Writing Filipino and English Literature

“I hereby certify that the above information are true and correct
according to my knowledge and beliefs.”

________________
Signature

TRIXIE U. RAMOS
Brgy. Balite, Victoria Laguna

PERSONAL INFORMATION:
Nickname: Chuchay
Civil Status: Single
Place of Birth:
Citizenship: Filipino
Religion: Roman Catholic
EDUCATIONAL ATTAINMENT:
29

Banca Banca Elementary School (2012-2013)


Brgy. Banca Banca, Victoria Laguna
Graduated
Banca-Banca Integrated National High School (2017-
2018)
Brgy. Banca-Banca, Victoria Laguna
With Honors
Maranatha Christian Academy (2019-2020)
Brgy. Calios, Sta. Cruz Laguna
SKILLS:
Baking
Cooking
Computer Skills

“I hereby certify that the above information are true and correct
according to my knowledge and beliefs.”

________________
Signature

CRYSTAL C. OSUNA
Brgy. Bangyas, Calauan Laguna

PERSONAL INFORMATION:
Nickname: Tala
Civil Status: Single
Place of Birth: Sta. Cruz, Laguna
Citizenship: Filipino
Religion: Roman Catholic
30

EDUCATIONAL ATTAINMENT:
Bay Central Elementary School (2012-2013)
Bay Laguna
Top 10
Banca-Banca Integrated National High School (2017-
2018)
Brgy. Banca-Banca, Victoria Laguna
Graduated
Maranatha Christian Academy (2019-2020)
Brgy. Calios, Sta. Cruz Laguna
SKILLS:
Baking
Cooking
Computer Skills

“I hereby certify that the above information are true and correct
according to my knowledge and beliefs.”

________________
Signature

JAYSON A. MALATE
Brgy. Banca Banca, Victoria Laguna

PERSONAL INFORMATION:
Nickname: Jay
Civil Status: Single
Place of Birth: Taytay, Rizal Hospital
Citizenship: Filipino
31

Religion: Roman Catholic


EDUCATIONAL ATTAINMENT:
Banca Banca Elementary School (2012-2013)
Brgy. Banca – Banca, Victoria Laguna
Graduated
Banca-Banca Integrated National High School (2017-
2018)
Brgy. Banca-Banca, Victoria Laguna
Graduated
Maranatha Christian Academy (2019-2020)
Brgy. Calios, Sta. Cruz Laguna
SKILLS:
Dancing
Computer Skills

“I hereby certify that the above information are true and correct
according to my knowledge and beliefs.”

________________
Signature

You might also like