You are on page 1of 12

PAGSULAT

KAHULUGAN
 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa
anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga
nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning
maipahayag ang nasa kanyang kaisipan
(Sauco, et al., 1998).
KALIKASAN,KAHULUGAN
AT PROSESO
 Ang pagsulat,di tulad ng pagsasalita ay
pormal na pinag-aaralan.
 Ayon kay Lalunio, na ang pagkatuto ay
batayang panlipunan at isang prosesong
interaktibo.
KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT (AROGANTE)
1. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita
ay mahilig sumulat para mailabas lamang
ang nasa kalooban may babasa man o
wala. Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat.
Para bang naibsan sila ng isang mabigat
na dalahin.
Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang
katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa
isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon.
Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran
ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang
ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang
ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin
tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.
Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan


para siya’y mabuhay, sa madaling
salita ito’y nagiging kanyang
hanapbuhay. Pang-araw-araw na
gawain niya ang pagsusulat at ang
paghahanap ng mga dapat isulat, lalo
na kapag may hinahabol na deadline.
Kahalagahang
Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa
pagreserba ng ating kasaysayang
pambansa at ang mga
naisasatitik ay nagsisilbing
dokumento para sa mga
sumusunod na henerasyon.
PROSESO NG PAGSULAT
Bilang isang proseso, ayon kina
Graves (1982), Murray (1985), at
Arrogante (2000), ang pagsulat ay
binubuo ng mga sumusunod na
hakbang: (A) Bago Sumulat; (B)
Pagsulat ng Burador; (C) Pagrebisa;
(D) Pag-eedit; at (E) Paglalathala.
Bago Sumulat (Prewriting)
Ito’y isang estratehiya tungo sa
pormal na pagsulat. Ito ang unang
hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang
isusulat. Ang gawaing ito ay
maaaring ginagawa nang isahan o
nang pangkatan.
Pagsulat ng Burador (Draft
Writing)
Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-
tuloy na hindi isinasaalang-alang ang
maaaring pagkakamali.
Matapos maisagawa, maaaring
balikan at suriin ng estudyante ang
natapos na sulatin upang maaayos at
malinaw ang ginagawang paglalahad.
Pagrebisa
Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa
sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa guro,
kamag-aral, editor o mga nagsuri.
Pangunahing konsern ng rebisyon ang
pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang
suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang
kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na
madaling maunawaan ng babasa.
Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang
kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.
Pag-eedit
Ang bahaging ito ay pagwawasto sa
gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap,
wastong gamit ng salita at mga mekaniks sa
pagsulat.
sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang
matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit,
ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay
muling isinusulat upang higit na maipakita ang
kaugnay na mga ideya.

You might also like