You are on page 1of 55

Sanaysay

Ano ba ang SANAYSAY?


 nagmula sa 2 salita, ang sanay at pagsasalaysay
 ay isang akdang nagpapahayag ng kuru-kuro ng may-akda hinggil
sa isang bagay.
 Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.
 isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista
(pananaw) ng may katha
 pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-
araw-araw na pangyayari, alaala ng nakaraan at pagmumuni-muni
ng isang tao
 komposisyon na prosa na may iisang diwa at pananaw
 sistematikong paraan upang maipaliwanag ang isang bagay
o pangyayari
 uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng
lathalain na may layuning maihatid ang nais na maipabatid
sa kapwa tao
 Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasusukat sa
anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga
kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng
aral at aliw ng mga mambabasa. Komposisyon itong taglay
ang tatak ng panlasa at hilig, reaksyon at palagay, saloobin
at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at
kaalaman ng bawat may-akda.
Ang sanaysay ay hango sa pahayag na “Pagsasalaysay
ng isang sanay” kung saan ito ay kakikitaan ng
dalawang sangkap ang “Salaysay” at “Sanay”-
dalawang salita na pinaghanguan ng salitang
sanaysay. Ito ay bunga ng pagkahilig ng mga Pilipino
sa pagsasalaysay bilang isang anyo ng
pagpapahayag, samatalang ang sanay naman na
binanggit sa aklat ni Lilia Antonio, ay maiuugnay sa
pagiging sanay ng mananaysay sa paksang
tinatalakay, lalo na, ang paggamit ng kasanayan sa
wika at gamit ng wika. (Alejandro G. Abadilla)
Ang sanaysay ay isang uri ng akda na
nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga
bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng
aral at aliw ng mambabasa. Komposisyon
itong taglay ang tatak ng panlasa at hilig,
reaksyon at palagay, saloobin at paniniwala,
kalagayan at katauhan, karanasan at
kaalaman ng bawat may-akda (Arrogante,
2007)
Ang sanaysay ay may paglilinaw ng mga
bagay-bagay, paglalatag ng paninindigan
upang humikayat o mangumbinsi sa iba ukol
sa isang punto. Maaaring maglaman ito ng
pagsusuri at pagmumuni, pag-uulat at
pagpapaliwanag o pangangaral o sermon.
(Pagtalakay ni Lilia Santiago 2006)
Sa tradisyong Europeo, na pinagmulan ng
anyo ng pagsulat ng essay, “pagtatangka” o
attempts o eksplorasyon ang unang ibig
sabihin nito. Ayon ito sa French writer ng
1500s na si Montaigne ng gumamit ng
katagang ‘Essais’ bilang pamagat ng kanyang
sulatin tungkol sa personal at trivial na danas
sa bias ng impormal na wika at asta
(Santiago, 2006)
Magmula kay Francis Bacon,
magagamit ang essay upang
magpamansag ng malalim na kabatiran,
palaisipan at katuturan ng pag-iral. Kaya
naisulat ng mga makatang sina John
Milton at Alexander Pope ang mga
pormal/impersonal na essay.
Michael de Montaigne

 Ang lumikha ng sanaysay.


 Pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan
ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring
makipagtalastasan sa kanino mang kaibigan
o kakikilala.
 Kungang liriko ay para sa panulaan, ang
prosa ay para sa sanaysay.
Alejandro G. Abadilla

 Kilalang makata at mananaysay.


 Ang sanaysay at kahulugan ng pagsasalaysay na
isang sanay o nakasulat sa karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay.
 Idinugtong pa niya na walang iniwan sa tulang
liriko sa larangan ng panunugma o pagtula at
madalas ay sentido komon at nasa awtor.
Genoveva E. Matute

 Isang premyadong manunulat at mananaysay.


 Ang sanaysay sa makitid na kahulugan ay pagtataya sa
isang paksa sa paraang tuluyan at malayang paraang
maglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at ng
kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw, magbibigay
kaalaman o magturo.
 Idinugtong pa niya na ang sanaysay ay sa na sa mga anyong
higit na nagpapaisip, nagpapalawak ay nagpapalalim sa
pang-unawa, bumubuo at nagpapatibay sa isipa’y
damdaming-bayan.
Gonzales.et al., 1978

Ang sanaysay ay tumutukoy sa kathang


pampanitikan na naglalahad ng mga kaisipan,
damdamin at kuro-kuro ng sumulat tungkol sa
isang paksa.
Salazar. Et al., 1995

Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kuro-kuro o


opinyon na may akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari.
Pinagmulan ng Sanaysay
Ethics ni Aristotle at Characters ni Theoprastus

Ito ang unang lumabas at pinag-ugatan ng


sanaysay. Ang mga ito ay nagsilbing inspirasyon sa
mga sumunod na mananaysay. Ang dalawang
materyla na ito ay naglalarawan ng iba’t ibang
katangian ng tao: mabait, mapanlinlang, galante,
madaldal, magreklamo at iba pa.
1580

 Nagsimula ang tinatawag na sanaysay dahil sa


katipunan ng mga palagay at damdamin ni Michael
Montaigne isang Pranses na pinamagatang Essais.
 Sa mga nakabasa ng Essais ipinalagay nila na ang ito ay
kinapapalooban ng mga pagtatangka, mga pagsubok at
mga pagsisikap ng may-akda.
Bagamat kung ating pagbabatayan ang Banal na
Aklat o Bibliya kung saan binubuo ng mga tula,
awit at mga prosa na nasa hugis pasalaysay at
sanaysay, masasabing kasintanda na rin ng
sanaysay ang panahon kung gayon. Mapapansin
din na ang tema ng Bibliya ay nasa tonong seryoso
o may pagkadidaktibo kung saan maihahambing sa
gawa ni Montaigne na magaan lamang.
1597

 Nagsimulang magsulat ng mga sanaysay si


Francis Bacon na naglalaman ng mga
saloobin at kaisipang punong-puno ng
buhay.
 Ito ang dahilan upang kilalanin siya bilang
“Ama ng Sanaysay na Nasusulat sa Ingles”.
1700

 Kakaunti lamang ang naisulat na sanaysay. Ngunit


maraming naghangad na sundan ang mga yapak ni
Bacon. Isa na rito sina:
Sir Thomas Izaak Walton-ang sumulat ng aklat na
pinamagatang The Compleat Angler. Naging paksa
niya ang tungkol sa pamimingwit at
pakikipagkaibigan.
 Sir Thomas Browne-ang paksa niya ay tungkol
sa mga katutubong kaugalian. Masusi niyang
inilarawam sa Religio Medici at Urn Burial.
 John Dryden-ang kanyang mga opinyon tungkol
sa panitikan at sining ay kinalugdang basahin ng
mga nagpapahalaga sa dalawang disiplinang
nabanggit. Itinuturing na pinakamahusay na
sanaysay ni Dryden ang An Essay of Dramatic
Poesy.
1800

Sumigla ang pagsulat ng sanaysay nina:


 Richard Steele
 Joseph Adison
 Samuel Johnson
 Oliver Goldsmith
1900

 Patuloy na namulaklak ang paglaganap ng


sanaysay.
 Bukod sa panitikan at sining naging malaganap
ang paksang panlipunan at panrelihiyon.
 Sumikat sina: John Ruskin, Thomas Henry
Huxley at Matthew Arnold.
Sa Pransya
 Hindi gaanong lumaganap ang sanaysay sa Pransya ang
sinilangang bansa ni Montaigne. Binigyan lang ito ng
pansin noong ika-17 dantaon ang tinuturing na Gintong
Panahon ng Panitikang Pranses.
 Ang mga sanaysay na isinulat ni Francois de
Rochefouldcauld tungkol sa mga sawikai ay
mananaysay na Pranses. Isa sa naimpluwensyahan ay si
Voltaire.
 Noong ika-19 dantaon sumikat ang mga pangalang
Sainte Beauve, Jules Lemaitre, Ferdinand Brunetiere at
Anatole France.
Sa Estados Unidos
 Napatunayan ang mga sanaysay ni Washington Irving sa Sketch
Book na nailathala noong 1819 ay katulad ng mga sanaysay na
naisulat ng mga mananaysay sa Ingles. Nagkakaiba lamang ang
estilo sapagkat higit na matimpi ang estilo ni Irving.
 Nakilala rin ang mga sanaysay nina Ralph Waldo Emerson, John
Burroughs at iba pa. At higit sa lahat si Edgar Allan Poe na hindi
lamang mahusay sa makata’t manunulat kundi isa ring institusyon
sa larangan ng pagsulat ng sanaysay.
 Kinilala ring mahusay na manunulat sa panahong
ito sina Oliver Wendell Holmes at James Russel.
 Lumaganap din sa panahong ito ang dalawang
magaling na naglathala ng mga sanaysay ng
ilang piling manunulat, ang The Atlantic
Monthly at ang Harper’s Magazine.
Sa Pilipinas
 Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, nagsikap ang mga
mananakop sa tulong ng mga pari na magsulat ng mga sanaysay
ukol sa relihiyon at wika na maaaring ituro sa mga katutubo.
 Ilan sa mga ito ay:
 Dedaracion de losmandamientos de la ley de dios-isang paliwanag
ukol sa Sampung utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na
nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng wikang Tagalog.
 “Collecion de Semones en Tagalo” ni Padre Modesto de Castro-ito
ay ang pagsusulatan ng dalawang binibini na sina Urbana at Feliza
at ang “Platicas”.
Pag-aaralan nang mga Tagalog nang
Uicang Castila ni Tomas Pinpin
 Maituturing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino.
 Dito ay sunod-sunod nang natuto ang mga tap ng mga prosa,
tulad ng apuntes (memoirs) at informes (accounts).
 Kahit na pampersonal ang mga ito kadalasan ay mababasa din
dito ang ilang mga isyu sa politika, relihiyon at ekonomiya.
Sa panahon ng propaganda, dito nangingibabaw ang mga naisulat na
sanaysay kasabay ang paggamit ng panudyo at parody.
 Sa panahon ng Samahang Repormista, nagsimula ang mga
manunulat na magsulat ng mga sanaysay na naglalabas ng mga
pang-aabuso ng mga mananakop.
 Ilan sa mga nakilalang manunulat noon ay sina Fr. Jose Burgos,
Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar.
 Caiingat Cayo at Dasala at Tocsohan ni Marcelo H. del Pilar
 Si Jose Rizal ay nagsulat din ng mga sanaysay na naging batayan
sa kanayang pampublikong pananalita kasabay din nito na
lumabas ay ang La Solidaridad na naglimbag ng mga sanaysay at
artikulo ng mga repormista.
 Sa panahon ng Rebolusyon, naiba ang hangarin ng mga
manunulat patungo sa pagkakaisa ng mga Pilipino sa paglaban ng
mga Kastila.
 Nagsimulang isulat ang mga sanaysay gamit ang katutubong
wika.\
 Ilan dito ay:
 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog, Sa Aking mga Kababayan
at Katungkulang Gagawin ng mga Anak ng Bayan-ni Andres
Bonifacio
 Liwanag at Dilim at Kartilya ng Katipunan-ni Emilio Jacinto
 Sa pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit
ng mga wikang Ingles bilang wika sa pagsulat ng mga
sanaysay.
 Madalas itong impormal at sentimental, ngunit ang iba
ay nanatili sa pagsulat tungkol sa kalayaan ng bansa.
 Nakilala sina Carlos Romulo, Fernando Marang, Maria
Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario.
 Pagkatapos ng digmaan ng Amerikano laban sa mga
Hapon, marami sa mga naisulat na sanaysay ay ginagamit
sa pagsulat ng balita o artikulo sa dyaryo.
 Nakilala noong panahon na ito sina Nick Joaquin, Kerima
Polotan, Gilda Fernando at Renando Constantino.
 Ang mga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang
kritisismo sa Amerika at ang nasyonalismo na laganap
bago pa ang pagdating ng Martial Law.
 Sa panahon ng Pangulong Marcos, nasikil ang mga
sanaysay na ito at nauso ang mga satirikong pagsusulat o
mga sanaysay na personal ang tema.
 Sa modernong panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga
sanaysay na lumabas.
 May mga nakilala sa mga sanaysay na pambalitaan, tulad
ng kay Barbara Gonzales, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon.
 Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman ay nakilala sa mga
sanaysay ukol sa kanyang paglalakbay, at sina Doreen
Fernandez at Ediberto Alegre ay nagsulat tungkol sa
pagkain.
 Sina Paz Latorena, N.V.M Gonzalez at Ildefonso Santos ay
lumipat sa pagsulat sa wikang Filipino.
 Nauso din ang mga akdang pang-talambuhay at mga
sanaysay ukol sa mga kontemporaryong isyu, tulad ng HIV-
Aids.
 Dahil sa nagbabagong panahon, umunlad ang pagsulat ng
sanaysay bunga na rin ng pagdami ng pwedeng maging
paksain.
 Hindi mananatiling ganon na lamang kalimitado ng
pagsusulat at sulating sanaysay katulad ng sa panahon nila
Montaigne, Emerson, Hazlitt at Bacon.
 Maging sa pamamaraan nina Padre de Castro, del Pilar,
Bonifacio, Rizal atbpa.
 Sumulpot ang maraming anyo ng pagpapahayag tulad ng
liham, lathalain sa peryodiko, komposisyon sa klase,
panunudyo, pananaliksik, pamumuna at pagpupuri.
Sa mga nakaraang dekada, naging
magandang pagkakataon ng mga makabagong
mananaysay ang pagkakataong Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature. Marami na
ang naparangalang mga akda at mananaysay
sa bawat taong nagdaan sa kategoryang
Filipino-Sanaysay.
 Ang kasaysayan ng sanaysay sa Tagalog bilang sangay
ng panitikan ay nagsimula sa mga isinulat nina Jose
Rizal sa kanyang The Indolence of the Filipino People
at the Philippines.
 Ang A Century Hence ni Marcelo H. del Pilar ang
naging patnugot at tagapaglathala ng La Solidaridad at
itinuring na nanguna sa pangkat ng mga panghihimagsik
na mananaysay kabilang sina Graciano Lopez Jaena,
Jose Burgos, at Apolinario Mabini.
 Mga sanaysay sa Tagalog ay pinamulaklak nina
Pascual Poblete, Lope K. Santos, Julian Cruz
Balmaceda, Inigo Ed. Regalado, at iba pa. ang
lumaganap sa panahong iyon ang magasing
Liwayway na naglathala ng maikling kwento at
sanaysay.
 Bagomakidigma ang mga mananaysay ay nina
Pedro S. Dandan, Pablo Bautista ang kinagawian
ng mga tao.
 Marami ding mga katipunan ng sanaysay ang nailimbag kabilang
na dito ang Mga Piling Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla,
Sanaysay ni Gemiliano Pineda, Buhat sa Aming Sulok ni
Paraluman Aspillera at Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza.
 Sa mga aklat ng pampaaralan mayroon na ring mangilan-ngilan
na nalathala na sa sanaysay tulad ng Diwang Ginto, Diwang
Kayumanggi at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan.
 Sa mga magasin na nalathala ay ang Panitikan ni
Alejandro G. Abadilla at Free Press na naglalaman ng
mga sanaysay ang B.S Medina Jr. sa pitak na
pinamagatang “Lubos na Sumasainyo”
 Si Direktor Ponciano ng Surian ng Wikang Pambansa ay
may aklat na naipalimbag, ang bato sa Katedral na
katipunan ng kanyang ilang piling sanaysay na nag
karamihan sa paksa ay tumatalakay sa mga araling
pangwika..
 Naging masigla ang mga manunulat nang masama sa
taunang patimpalak ng Carlos Memorial Awards for
Literature ang pagsulat na nagwagi ay yaong mga
patungkol sa mapanuring pampanitikan ng iba’t ibang
sangay ng panitikan. Kilalang mahuhusay na
mananaysay ng “Palanca” sina Pedro L. Ricarte, Virgilio
Almario, Ruel Aguila, Rosario Torres abpa.
Dalawang Uri ng Sanaysay Ang
sanaysay ayon sa panlahat na pag-
uuri ay dalawa: Pormal at di-
Pormal.
PORMAL
 Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa
 naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang
ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng
bumabasa
 ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may
mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang
ginawan ng pananaliksik
 Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-
akda.
 Ang tono nito ay seryoso, painetlektwal, at walang halong
pagbibiro.
 ay maaaring mapanuligsa, makasaysayan, sosyolohikal at
may pilosopiya.
 ang paksa nito ay hindi karaniwan at nangangailangan ng
matiyagang pag-aaral at pananaliksik.
 tinatawag din itong impersonal kung ito’y maimpormasyon.
 Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng
mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay.
 Maingat na pinipili ang pananalita kaya mabigat basahin
Ang maanyo o pormal na sanaysay ay nangangailangan
ng mga sumusunod:

 maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita


 maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan
 lubos na kaalaman sa paksa
 mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga pangungusap
DI-PORMAL
 Tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-
araw-araw at personal
 karaniwang nagtataglay ng opinyon, kurukuro at
paglalarawan ng isang may akda
 naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t
ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at
nararanasan ng may akda
 ito’y karaniwang himig nakikipag-usap lamang.
 Ang mga pananalita ay karaniwan at hindi na
nangangailanaan ng masusing pag-aaral upang
makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.
 Ito ay sanaysay na mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-
araw-araw at personal.
 Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan at mga
isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay
maaaring kasangkutan ng mambabasang medya.
 Ang pananalita ay parang pinag-uusapan lamang, parang usapan
lamang ng magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at
mga mambabasa at ang tagapakinig, kaya magaan at madaling
maintindihan.
 Palakaibigan ang tono nita kaya pamilyar ang tono dahil ang
pangunahing gamit ay unang panauhan.
 Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng
may-akda ang pananaw.
 Ang malaya odi-pormalna sanaysay ay higit na madali
at magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang
natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang dahilan
kung bakit waring pamilyar o malapit ito sa damdamin
ng mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang
nakikipag-usap lamang.
Dalawang Uri ng Sanaysay Ang sanaysay
ayon sa panlahat na pag-uuri ay dalawa:

PORMAL DI-PORMAL
 Maimpormasyon –  Pamilyar o palagayan naman
naghahatid o nagbibigay ng ito kung mapang-aliw—
mahalagang kaisipan o nagbibigay-lugod sa
kaalaman sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagtalakay
makaagham at lohikal na sa mga paksaing karaniwan,
pagsasaayos ng mga pang-araw-araw at personal.
materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling
paksang tinatalakay. May
paksang seryoso
 Idinidiin dito ang mga
 Pampanitikan kasi
bagay-bagay, mga
makahulugan, karanasan at mga isyung
matalinghaga, bukod sa kababakasan ng
matayutay. personalidad ng may-
akda ay maaaring
empatiyahan o
kasangkutan ng
mambabasang madla.
 Obhetibo sapagkat  Subhektibo sapagkat
kailangan nitong pumapanig sa damdamin
makalikha ng isang at paniniwala ng may-
talakayang magtatanghal akda ang pananaw. May
ng isang impormasyong malayang anyo
isinusulong ng disiplina
at kaalamang
pinagbabatayan ng mga
isinasagawang pagsusuri.
 Maanyo rin ito kung turingan  Ang pananalita ay parang
sapagkat mahigpit itong pampaguusap lamang, at ang
pinagaralan. Maingat na mambabasa ang tagapakinig,
pinipili ang pananalita kaya kaya magaan, madaling
mabigat basahin. maintindihan, nahahaluan
paminsan ng kolokyal.
 Ang modo nito ay seryoso,
 Palakaibigan ang tono dahil
paintelektuwal, walang ang panauhang ginagamit ay
halong pagbibiro. Mapitagan unang panauhan.
ang tono dahil bukod sa
ikatlong panauhan ang
pananaw ay obhektibo o
dikumikiling sa damdamin ng
mayakda.
 “hindigaanong  sinusulat sa
masining” malikhaing paraan
Apat na Uri ng Pagsulat ng Sanaysay
(Purdue University ng Estados Unidos)

1. Sanaysay na Naglalahad
 isang uri ng sanaysay na nangangailangan ng pagsusuri ng ideya,
pagtataya ng mga patunay, pagpapalawak ng kaisipan, at
pagtakda ng pangangatwiran ukol sa ideya o kaisipan sa malinaw
at tiyak na paraan.
 Ito ay ginagamitan ng paghahambing at pagkokontrast,
paglalahad, pagbibigay ng halimbawa, pag-aanalisa ng sanhi at
bunga.
2. Sanaysay na Naglalarawan
 Sanaysay na ginagamit sa paglalarawan ng isang tao,
bagay, lugar, pangyayari, damdamin at sitwasyon.
 Ito ay uri ng sanaysay na humihimok sa kakayahan ng
mga mag-aaral na sumusulat batay sa partikular na
karanasan.
 Higit pa rito, hinahayaang ang mga manunulat na
gamitin ang kalayaan sa paglikha, layunin nitong
magkintal ng imahe sa isip ng mga mambabasa.
3. Sanaysay na Nagsasalaysay
 Maaaring isipin nito ay isang uri ng pagkukwento, ang
ganitong uri ng sanaysay ay malimit na gumagamit ng
anekdota, karanasan at may pagkapersonal-hinayaan
nitong ang mga mag-aaral ay ihayag ang kanilang
saloobin gamit ang pagiging malikhain.
4. Sanaysay na Nangangatwiran
 Isanguri ng sanaysay na matamang nagsusuri sa
isang paksa, nangongolekta ng datos, nakalilikha
at nakapagsusuri ng mga ebidensya at
nakapagpapatibay ng tindig o panig ng isang
paksa sa tiyak na paraan sa pagbuo ng argumento
o pangangatwiran.

You might also like