You are on page 1of 2

Tula Bilang 1:

SANDAANG HAKBANG PAPUNTANG MALAKANYANG


Ang tulang ito ay maaaring suriin gamit ang Teoryang Sosyolohikal.
Sapagkat ang mas ipinapakita sa akda ay ang kalagayang panlipunan at
pampulitika. Nangibabaw ang emosyon ng persona sa akda na puno ng galit
at pagkadismaya sa pamahalaan sapagkat maaaring para sa kanya, marami
pa ring mamamayan sa bansa ang patuloy na nakararanas ng kahirapan at
pasakit dahil sa pamahalaan. Ang tula ay tungkol sa mga mamamayang
naghihinagpis o umaalma sa hindi pantay-pantay at hindi tamang pagtrato ng
nakatataas na administrasyon o gobyerno. Sandaang Hakbang Papuntang
Malakanyang ang pamagat ng tula sapagkat para sa akin, ipinakita sa tula na
may mga hakbang na ginawa upang ipaalam ang kanilang mga hinaing sa
pamahalaan.

Ngunit kahit ipinakita ng persona na may mga hakbang na ginawa ang


mga mamamayan upang masolusyonan ang kanilang mga hinaing sa
pamahalaan, sadyang ang hustisya sa bansa ay parang wala lang.
Pinatunayan linyang ito mula sa akda “ Rumaragasang kapulisang sindarang
ang pulutang maanghang. Pinagbabatuta’ng magsasakang nakadala’ng
sundang,” na walang puwang ang mga mahihirap sa lipunan. Ang
pamahalaang demokratiko ngunit wala na man talagang kalayaan ang mga
mababang uri ng mamamayan sa lipunan. Na tayo ay kontrolado ng mga
taong mas naka-aangat sa atin.

Ginamit ko ang Teoryang Sosyolohikal upang suriin ang tulang ito dahil
bukod sa ipinapahayag ng tula, makikita rin natin na may kaugnayan ito sa
panahong isinulat ang tulang ito. Ang bansang Pilipinas ay kilala na ngayon
bilang isa sa mga bansang mahihirap. At ang isang dahilan ng kahirapang ito
ay ang maling pamamalakad ng mga taong nakatataas sa gobyerno.
Korupsyon ang nananaig sa bansang kanilang ginagalawan. Marahil ginawa
ang tulang ito upang gisingin ang kamalayan ng mga mamamayan sa mga
nangyayari sa bansang kanilang tinitirihan. Pinamulat ng akda ang mga
karapatan ng bawat indibidwal sa pamahalaang kumukontrol sa kanilang
kanya kanyang buhay.
Tula Bilang 2:
PITIK
Alma Sierra
Sa tulang ito mas nangibabaw ang teoryang realismo na siyang aking
gagamitin upang suriin ang akda. Ipinakita sa tula ang hindi pagkapantay-
pantay ng mga tao sa realidad. May mga taong likas na ipinanganak na
mayaman at may mga tao namang nasilayan ang mundo ngunit kailangan pa
ring magtiis at magdildil ng asin para lamang mabuhay. Ipinakita sa tula na
may mga klase ng tao sa lipunan na kayang ibenta ang sarili nilang mga
katawan para lamang may maulam. At karamihan sa mga taong gumagawa
nito ay mga kababainhan. Ika nga nila, “mga kalapating mababa ang lipad.”

Ang tulang ito ay may kaugnay din sa teoryang feminismo. Sapagkat


nananaig ang mga kababaihan na nagiging tauhan sa mga ganitong
kalakaran sa lipunan. Ngunit sa panahon ngayon, hindi na lamang mga
kababaihan ang gumaganap sa mga ganitong trabaho. Kaya mas pinili ko ang
teoryang realismo upang suriin ang akdang ito. Mas ipinapakita nito ang
katotohanang nangyayari sa lipunan na unti-unti ng tinatanggap ng karamihan
kaysa sa kagandahan ng pangyayari.

Nakapokus ang tula sa reyalidad ukol sa mga karahasan nangyayari.


Makatotohanan ang ginawang paglalahad sa tula na tumatalakay sa isang
malaking isyu na dapat pagtuunan ng karamihan. Gaya ng unang tula, isa rin
itong tulang gumigising sa kamalayan ng karamihan. Maraming paraan upang
mabuhay sa mundong ito, ngunit gaya nga ng sinabi ko, may mga taong mas
pinipiling gumawa ng labag sa kanilang kalooban sapagkat sila’y may
mababang lipad lamang.

MARIELL J. PAHINAG
BA COMMUNICATION II

You might also like