Siya ay nagtapos nang Master of Arts in Education (MAEd) sa
Filipino (wika at panitikan) sa taong 2012, sa MMSU-Paaralang Gradwado (MMSU-GS). Kumuha siya ng Batsilyer sa Sining ng Edukasyong (BSE),Medyor sa Filipino at Maynor sa Araling Panlipunan sa pampamahalaang Pamantasan ng MARIANO MARCOS-Kolehiyo ng edukasyong pangguro (MMSU-CTE) sa taong 1993;nag aral ng sekundarya sa pambansang mataas na Paaralan ng San Nicolas sa taong 1989;at elementarya sa mababang paaralan ng Filipinas (main campus) sa taong 1985.
May dalawampung taong karanasan na siya sa larangan ng
pagtuturo, mula sa iba’t-ibang paaralang pribado at publiko sa kalapit na lugar na kanyang kinalakihan kung kaya’t naging bahagi na ng kanyang buhay at tungkuling sinumpaan ang humubog ng kinabukasan ng mga mag-aaral na kanyang tinuturuan.Naranasan na rin niyang dumalo sa International,National,Regional,Local at Institunional na pagpupulong,Kumperensya,Gawaing-kapulungan at pagsasanay na pinangasiwaan ng Comission on Higher Education (CHED),Komisyon sa Wikang Filipino (KWF),Departamento ng Edukasyon ( DepEd ) at maging ang mga pribadong ahensya na nagsusulong sa pagkaroon ng mataas na kalidad ng edukasyon at natatanging kasanayan ng mga guro sa pagtuturo.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo sa Filipino 1 at Filipino 2 sa
Pampamahalaang Pamantsan ng Mariano Marcos State University,Kolehiyo ng Sining at Agham na may istatus na permanent at kabilang sa tatlumpot dalawang fakulti na bumubuo sa Departamento ng Lenggwahe at Literatura .Sa kanyang pananatili sa Kolehiyo,naranasan niyang maging Tagapayo sa loob ng apat na taon mula hunyo 2011 hanggang abril 2015 ng kapisanan ng mga mag-aaral sa Filipino at Literatura (KAMFIL),ang opisyal na organisayon ng mga mag-aaral na naka enrol sa Filipino at Literatura sa MMSU-Batac Kampus Siya ay tubong San Nicolas,Ilocos Norte at pinalad na makapag-asawa ng taga-lungsod ng batac sa katauhan ni Ginoong Basilio M. Pungtilan.Sila ay biniyayaan ng isang anak na babae,si Jobelle Iona D. Pungtilan.Malugod ko pong ipinakikilala sa inyong lahat Dr. Djoanna Pungtilan