You are on page 1of 8

Pagsasalaysay

Likas na hilig ng tao ang magkuwento at makinig sa mga kuwento.


Noong pa mang panahon ng ating mga ninuno,mayroon na tayong mga
salaysay tulad ng kuwentong-bayan,alamat, pabula, at parabula na
nagpapalipat-lipat sa bibig ng mga tao.
Layunin:

 Naipaliliwanag ang kaligirang impormasyon kaugnay ng batayang diskursong


pagsasalaysay kaugnay ng: Kahulugan, Katangian at Kahalagahan.

 Paraan upang gawing kasangkapan sa pagbuo ng akademikong sulatin


 Nakapagsusuri ng bisa at kahalagahan ng diskursong pagsasalaysay sa pagiging
komprehensibo at epektibo ng sinuring akademikong sulatin kaugnay ng:
 -pagkakasunod-sunod
 -linaw ng mensahe
 -inspirasyong hatid ng sulatin
 Nakapagsasalaysay ng karanasan kaugnay ng akademikong sulating halaw sa
napanood, nabasa at napakinggan
Ano ang kahalagahan ng diskursong
pagsasalaysay sa buhay ng isang tao?
 Ang pagsasalaysay ay diskurso na naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay
tapos na. Masasabing ang pagsasalaysay ang pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko, at mga kuwentong-
bayan. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay, gaya ng
pagkukuwento ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
 Isang paraan ng pagpapahayag na nagkukuwento ng pangyayari o kawil ng mga
magkakaugnay na pangyayaring maaaring totoo o dili kaya’y mga pangyayaring
bunga ng imahinasyon o guniguni.
Katangian

 1. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunud-sunod.


 2. Ginagawa ang pagsasalaysay nang may malinaw at may tiyak na kaayusan.
 3. Ang binibigyang pansin lamang ay ang mga pangyayaring totoong mahalaga.
 4. Naghahatid ng mahalagang mensahe.
 5. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.
Kahalagahan ng Pagsasalaysay

 Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid, at mapahalagahan ang


impormasyon nang may maayos na pagkakasunud-sunod.
Sulating Akaademiko na Maiuugnay sa
Pagsasalaysay
 Dyornal – ayon kay Bisa at Sayas (1995), ang dyornal ay pansariling tala na
naglalaman ng mga obserbasyon,kaisipan,at damdamin ng manunulat.

 Talaarawan – ito ay pang-araw-araw na tala ng mga pansariling


karanasan,damdamin, at kaisipan ng isang tao.

 Talambuhay – pansariling tala ng mga panryayari sa buhay ng isang nilalang.

 Repleksyon- ito ay personal na pagpapahayag ng tao ng kaniyang mga saloobin.

You might also like