You are on page 1of 4

GERONA JUNIOR COLLEGE

Poblacion 3, Gerona, Tarlac

PAGPAPAKILALA
SA
PAMAMAHAYAG

Inihanda nina:
Arlene Manayan
Roie Miguel Corpuz

Inihanda kay:
Rolan D. Galamay
Guro
Pagpapakilala sa Pamamahayag

❖ Ano ang pamamahayag?

✔ Ang pamamahayag ay isang estilo ng pagsusulat ng tuwirang pag-uulat ng mga

kaganapan.

✔ Ang pamamahayag ay isang paglalahad at pagpapakalat ng impormasyon. Ito ay

maituturing na kaalaaman at pakikipagtalastasan na ginagamit ng tao sa kanyang

pamumuhay.

❖ Ang Layunin ng Manunulat

✔ Maipahayag ng sariling saloobin, opinyon, kaisipan at mithiin.

✔ Mapukaw ang interes, maglibang at makapag-bigay aliw sa mga mambabasa.

✔ Makapag bigay impormasyon at paalala ukol sa mga napapanahong isyu.

✔ Maibahagi ang kanyang karanasan sa buhay sa pamamagitan ng pagsusulat.

✔ Maghatid ng aral.

✔ May kakayahang bumuo ng mga ideya.

✔ Mag-analisa at magbuo ng malinaw na pananaw.


PAHAYAGAN
⮚ Ito’y isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magpalimbag ng mga pahayagan at
magasin
⮚ Isang uri ng hanapbuhay na ang gawain ay magsulat ng mga bagay na maipalilimbag
sa mga pahayagan at iba pang mga peryodiko (diksyunaryong Webster)
⮚ Isang gawaing pangangalap ng imformasyon, pagsusulat, pag-eedit at paglilimbag o
pangangalap ng mga balita, maaring sa pamamagitan ng mga pahayagan at magasin,
o kaya’y sa pamamagitan ng radyo at television (diksyunaryong Webster)
⮚ Ang pahayagan ay isang babasahin na nagbibigay sa mga tao ng balita may
patungkol sa mga pangyayari at iba't ibang kaganapan sa araw araw sa loob at labas
ng bansa.
⮚ Ang pahayagan ay isang inilimbag na publikasyon ng mga balita na inilathala at
ibinebenta. Ang pangunahing layunin ay upang makapaghatid ng balita sa mga
mambabasa. Pinipilit na ipaliwanag ang laman ng balita, ang pamamaraang ginamit
gayon din ang mga puna at opinion. Ang iba pang layunin ay upang manlibang at
magturo. Ito ay may mga larawan, karikatura at iba pang mahalagang lathala.

SA KABUUAN: Mabubuo rito batay sa katuturang nabanggit na ang pamahayagn ay


isang uri ng gawaing kinapapalooban ng:
(1) Pagpapalimbag ng mga pahayagan, magasin, polyeto, aklat, atb., at
(2) Pagbabalita sa radyo at/o televisyon, na tumatalakay hinggil sa mga bagay na
bukod sa nakalilibang sa madla ay nagsasaad pa ng mga pangyayaring tunay na
nagaganap di lamang sa sariling pook o bansa kundi gayon din sa buong daigdig.

● Ang pahayagang inilathala sa araw-araw ay tinatawag na pang-araw-araw


napagayagan. Ang pahayagang inilathala minsan sa isang lingo ay tinatawag na
lingguhang pahayagan. Ang pambansang pahayagan ay madaling mabili kahit na
saang panig ng ating bansa. Ang pahayagang inilathala sa mga paaralan at
pinamatnugutan ng mga mag-aaral ay tinatawag na Pahayagang Pampaaralan o
Pangkampus.
TALASANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/maeleizelgaso20/pamahayan-pahayagan
https://brainly.ph/question/482181
https://www.coursehero.com/file/43963116/PAMAHAYAGANG-PANGKAMPUSdoc/

You might also like