You are on page 1of 3

FIL 9 MAIKLING KWENTO AT NOBELANG FILIPINO

MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

1. Tauhan

•Ang mga taong may kaugnayan sa isa’t-isa, ang pangunahing tauhan at iba pang nasasangkot sa
mga pangyayari sa kuwento. (Jose A. Arrogante)

•Kaunti lamang ang mga tauhan sa maikling kuwento. Ang iba ay tumutulong lamang sa lalong
ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya
at ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng
kanilang panlabas na kaanyuan – pisikal at pananamit, kilos at pili ng mga salita. (Rosemelyn)

2. Tagpuan

•Tumutukoy sa pook at panahong pinangyarihan ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng


ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan. Inilalarawan ito nang buong linaw pati na ang
kaugalian ng mga nasa kapaligiran. (Rosemelyn)

•Ang pinangyarihan ng kuwento, kabilang dito ang kalagayan ng panahon sa loob at labas ng sarili
ng tauhan. (Jose A. Arrogante)

•Dito nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insedente. Kasama din dito ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento. (Pinoycollection.com)

3. Banghay

•Ang pagkakabalangkas ng mga pangyayaring dapat na maging maayos ang pagkakaugnay.


(Baloydi Lloydi)

•Ang mga pangyayaring nagaganap o magaganap sa kuwento, umpisa sa simula hanggang


wakas. (Jose A. Arrogante)

•Ito ay ang mga pangayayari sa kuwento. (Pinoycollection.com)

•Tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at


magkakaugnay upang maging matatag at kapani-paniwala. (Rosemelyn)

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO

1. Panimula

•Dito matatagpuan ang tauhan, tagpuan kasama na rito ang panahon at ang suliranin, kung saan
iikot ang kasaysayan ng kuwento. Ito ay maaaring naglalarawan, usapan, patumbalik,
pagsasalaysay, o matawag-pansing kilos. (Jose A. Arrogante)

•Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa sa isang kawili-wili at kapana-
panabik na akda: a. Pagpapakilala sa mga tauhan; b. pagapapahiwatig ng suliraning kahaharapin
ng tauhan; c. pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento; at
d. paglalarawan ng tagpuan. (Rosemelyn)

•Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang ipinakikilala ang iba sa
mga tauhan ng kuwento. (Pinoycollection.com)

•Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na
gagampanan ng bawat isa. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan. (Wikakids)

Hal. “Si Maya ay isang anak ni Lea na nasa kinder at nagtapos nang may gantimpala… Mag isang
itinataguyod ni Lea ang kaniyang anak sa kabila nang kawalan nito ng hanapbuhay. Matagal nang
itinatagong sikreto ni Lea ang kawalang bisa ng kanilang kasal ni Ogie”

2. Saglit na Kasiglahan

•Mga kawili-wiling pangyayari patungong kasukdulan. (Jose A. Arrogante)

•Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin.


(Pinoycollection.com)

•Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa mga susunod na pagsubok na haharapin ng
mga tauhan. (France, 2018)
Hal. “Sa muling pagkikita nina Lea at Ogie ay hiniling nito ang muling pagbabalik ng tamis sa
kanilang nasirang relasyon, ngunit isinakorte na ni Ogie ang kaniyang apila sapag-ako sa kustudiya
ni Maya.

3. Solusyon sa Suliranin

•Bahagi o nasasaklaw ng kasukdulan.

•Dito binibigyang solusyon ang suliraning kinahaharap ng pangunahing tauhan sa akda.

•Ang problema at solusyun ang nagbibigay buhay sa kuwento kung saan nagkakaroon ng interes
ang mambabasa. Solusyon: ito ang resolusyon o kakalasan kung saan binibigyang kalutasan ang
nagiging problema sa kuwento. Dito nagaganap ang pag-aayos o paglutas ng mga suliranin.
(“Problema at Solusyon”, Scribd.com)

Hal. “Matapang na inilaban ni Lea ang kaniyang karapatan bilang ina kay Maya. Sa Tulong ng
pampublikong abogado ay humarap si Lea sa korte”

4. Kasukdulan

•Ang bahaging ito ang pinakamasidhing kinapapanabikan ng mga mambabasa dahil dito nila
malalaman ayon narin sa pinakamaselang pangyayaring inilalarawan sa kuwento, ang tunguhin ng
tauhan, tagumpay o kabiguan. (Jose A. Arrogante)

•Sa kasukdulan nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang


ipinaglalaban. (Pinoycollection.com)

•Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhi ang pananabik na madarama ng mga


mambabasa sa bahaging ito. (Baloydi Lloydi)

Hal. “Hindi na pumayag si Ogie na muli pang bumalik sa piling ni Lea sapagkat siya ay
kasalukuyang may kinakasama na, igiinit nito ang pag-ako sa kustudiya ni Maya, at ilalayo ang
bata sa kaniyang tunay na ina, at isiniwalat nito ang matagal nang kawalang trabaho ni Lea. Bigo
namng masuportahan ni Lea ang kanyang hinaing.”

5. Wakas

•Maaaring ipaloob dito ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa
halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa. (Baloydi Lloydi)

•Binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ay ang bahaging nagpapakita ng unti-unting


pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaaring masaya o malungkot,
pagkawagi o kabiguan. (Pinoycollection.com)

•Ang nagpapahiwatig na bahagi hinggil sa damdamin at kahatulang igagawad ng mambabasa,


kung masaya o malungkot, at iba pa. (Jose A. Arrogante)

•Maari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan.
(Rosemelyn)

Hal. “Bigong maipanalo ni Lea ang laban sa Kustudiya ni Maya sapagkat napatunayang wala nga
siyang kakayahang tustusan ang pag-aaral ng bata. Babawiin kita – iyan ang huling katagang
naisambit ni Lea sa huling pagkikita nila ni Maya”

***** WAKAS *****

Inihanda ni:
Danreo M. Sinta

Mga Hanguan:
1. “Ano ang Maikling Kwento? Kahulugan, Elemento, at Halimbawa”, France, 2018. www.gabay-
ph.cdn.ampproject.org
2. “Ano ang Maikling Kwento at mga Salik at Bahagi nito”, Baloydi Lloydi. www.myph.com.ph
3. “Mapanuring Pag-aaral ng Panitikang Filipino”, Arrogante, Jose A.
4. “Maikling Kwento”, Rosemelyn. www.slideshare.net
5. “Maikling Kwento”, Big-Asan, Ivy U., Digan, Daisy P., Espada, Merlie.
6. “Maikling kwento: Mga Elemento, Bahagi, Uri at Halimbawa”, www.Pinoycollection.com
7. “Problema at Solusyon”, www.Scribd.com

You might also like