You are on page 1of 19

ELIZABETH SETON SCHOOL-SOUTH

Anabu II-D, Imus City, Cavite

Senior High School Division

Pagsusuri Ukol sa mga Spoken Word Poetry

ni Juan Miguel Severo

Isang Panukalang Pananaliksik

para sa IkalawangTermino (T.P. 2019-2020)

Ipinasa nina:

Jerico Joir V. Bernasol

Heidee Janelle R. Calasang

Jesper R. Calo

Ipinasa kay:
Ms. Anna Lyn A. Lara

I. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Kilala ang mga Pilipino sa larangan ng masining nang pagtutula. Matuturing na

pinakamatandang sining ang tula sa kulturang pilipino. Ayon kila Baisa-Julian, del

Rosario at Lontoc (2015, pahina 161), Ang tula ang pinagmulan ng iba pang mga sining

tulad ng pag awit, sayaw, at dula. Simula pa nuong sinaunang panahon makikita na natin

ang masining at malikhaing pagtutula. Kung babalikan natin ang kasaysayan sa

pagtutula, maraming batikang manunulat ang sumikat dahil sa pagsusulat ng tula, tulad

ni Francisco Balagtas nakilala sa kanyang gawa tulad ng Florante at Laura, na kung saan

ay hanggang ngayon ay pinag-aaralan sa paaralan, at tulang isinulat niya para kay Celia.

Isa pang batikan manunulat ay si Jose Rizal na nilikha ang Mi Ultimo Adios o Last Poem

Of Rizal, Kundiman at marami pang iba. Bago pa dumating ang mga Espanyol ang

Pilipino ay may sarili tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura. Subalit ang tulang

Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa

(Mahilom, 2011). Mapapansin na sa ating kasaysayan ay patuloy na kinilala ang husay

ng mga Pilipino sa mga tula na nakapagpapatalas ng isipan at nagsilbing pampalipas

oras at aliwan na rin ng mga Pilipino. Sa paglipas ng panahon ay umunlad ang paraan

ng pagtutula at mapapansin rin ang pagiging malikhain ng pilipino sa paggawa ng tula.

Makikita sa mga unang pilipino ang likas na kakayahan na magpahayag ng kanikanilng

kaisipan o ideya sa paraang inaayos ang mga salita sa pamamagitan ng paraang

kinakitaan ng sukat at tugma (Baisa-Julian A., del Rosario M. G. , et al, 2015. pahina 161
). Ayon kay Abadilla “ Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at may

katuturan”. Sa ibang salita, sa bawat salita at pahayag ay may kaakibat na kahulugan.

Ang tula ay isang akdang pampanitikan na naglalalarawan ng buhay hango sa guniguni,

damdamin at pananalitang my aking aliw-iw ( Baisa-Julian A., del Rosario M. G. , et al,

2017. pahina 62). Naiiba ito sa ibang panitikan dahil ito ay nangangailangan ng

masusing pagpipili ng mga salita, tugmaan at bilang ngpantig. Sa pamamagitan ng

pagtutula ay nahihimok ang kaisipan ng manunulat at mambabasa sa pagpapahayag ng

damdamin o imahinasyon. Sa pagbuo ng tula ay mahalaga ang pipili ng salitang

gagamitin. Mahalaga rin sa pagbuo ng tula ang malawak na kaalaman sa mga salita.

Gayundin, dapat isaalang-alang ng manunulat ang kaangkupan ng mga salitang

gagamitin. Kung ang tula ay pambata, ang mga salita gagamitin ay madaling

maunawaan. Kung ito ay para sa mga kabataan, maaring gumamit ng mga salitang

angkop sa kanilang lengguwahe. Dito ay maaring gumamit ng idyoma, konotasyon at

denotasyon at tindi ng kahulugan ng salita.

Ang spoken word poetry ay mga tula na binibigkas sa harap ng mga tao. Ito ay

nagpapakita ng malakas na pagbibigay ng emosyon na nakakaakit sa maraming tao.

Dahil dito, madalas ang mga paksa ay nagtatalakay sa mga kontemporaryong isyu o

mga paksang tungkol sa pag-ibig, pamilya, kaibigan, at marami pang iba. Itinuturing din

itong makabagong paraan ng pagtutula kung saan may malayang taludturan at may

tugmaan. Ang spoken word poetry ay isang paraan ng pangaliw sa mga tao. Ito ay

madalas nakikita sa mga bar, paaralan, pook-pasyalan, at iba pa. Nawiwili ang mga tao

dito dahil sa paraan ng pagsasalita, kung saan ang tagapagsalita ay puno ng emosyon

habang binibigkas ang spoken word poetry. Ayon kay Welf, ang pagbigkas ng tula ay
kinakailangan ng ritmo. Kung ang tagapagsalita ay may magandang at maayos na ritmo

mas maiintindihan ito ng tagapagkinig. Kumpara sa mga tula na may malalalim na salita,

ang spoken word poetry ay mas madaling maintindihan dahil nga sa ritmo ng

tagapagsalita. Ayon kay Cantillano upang makalikha ng spoken word poetry ay

kakailanganin mo munang maka isip ng nais mong paksa o tema. Sinabi nya din na mas

kanais-nais din kung gagamit ng mga mabubulaklak na salita o mga salitang hindi natin

nakakasalamuha sa araw-araw at dahil nga isa itong uri ng tula dapat din mayroon itong

mga elemento ng tula, tulad ng taludturan, saknong, sukat, at tugma. Matapos mo itong

masulat, dapat itong lagyan ng tono upang mas madama ang emosyon ng iyong tula.

Ang mga mananaliksik ay nagpokus sa mga akda ni Juan Miguel Severo. Si Juan

Miguel Severo ay isang Pilipinong actor at manunulat. Siya ay pinanganak noong ika-14

ng Agosto 1988 sa Malabon. Sumikat rin siya dahil sa kanyang masining na pagkakalikha

ng spoken word poetry. Ang pag-likha ng spoken word poetry ay hindi basta-basta, kaya

naman marami ang humahanga kay Juan Miguel Severo. Madami sa mga akda ni Juan

Miguel Severo ay tagos puso sa mga tagapakinig, kaya marami ang nawiwili manood sa

kanya. Sa mga spoken word poetry din ni Juan Miguel Severo nauso ang konsepto ng

“hugot lines”. Ang mga hugot lines ay mga tayutay na moderno. Ang ilan sa mga linya

ng mga spoken word poetry ay kinuha upang maipakita ang sakit o lungkot na naranasan

mula sa isang kaibigan o kasintahan.


Paglalahad ng mga Layunin

Ang Pananaliksik na ito ay may intensyon na suriin ang tatlong napiling spoken

word poetry na nilikha ni Juan Miguel Severo. Gustong matukoy ng mananaliksik ang

nais ipahiwatig na ideya at damdamin sa bawat tulang napili. Layunin rin nitong makapag

bigay kaalaman sa mga mambabasa, kung saan, ang bawat tula at ang paraan kung

paano ipinararating hanggang sa kung paano bigkasin ay matutuklasan. Ito ang mga

katanungan upang makamit ang ninanais na resulta o sagot sa pagsusuri:

1. Ano ang nais ipahayag ng awtor sa kanyang spoken word poetry?


2. Sa paanong paraan ng awtor inilahad ang teksto?
3. Anong damdamin ang gustong ipahayag ng awtor?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pagsusuring ito ay maipahayag ang damdaming

nangingibabaw sa naturang akda. Mababasa dito ang gustong ipakita ng awtor sa mga

mambabasa at sa paanong paraan ipinahayag ng awtor ang naturang akda.

Matutunghayan din dito ang nilalaman ng bawat salita na hinimay upang higit na

maintindihan ang bawat pahayag ng konteksto.

Sa pangkahalatan, ang pagsusuri na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng tatlong

spoken word poetry na isinulat ni Juan Miguel Severo at dito makikita ang ang nais

iparating ng awtor sa paanong paraan at anong damdamin ang namumukudtanging sa

napiling spoken word poetry upang higit na maunawaan ng mambabasa ang napiling

akda.
II. METODOLOHIYA

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Kwalitatibong disenyo para sa

pananaliksik. Ito ay upang mabigyan ng detalye sa mga spoken word poetry sa pagsusuri

nito. Ang paraan ng pagsusuri na gagamitin ng mga mananaliksik ay ang tinatawag na

textual analysis. Ayon kay (Mckee, w.p.), ito ay pagbibigay ng pagpapakahulugan sa

teksto o paghuhula sa pinakamalapit na kahulugan mula sa teksto. Ang teksto naman ay

ang mga nilalaman mula sa isang bagay na may nakalagay na kahulugan kagaya ng

libro, pelikula, tula, atbp.

Binigyang-pokus sa pagsusuring ito ang tatlong spoken word poetry ni Juan

Miguel Severo at masuri ang nilalaman, sa paanong paraan ipinahayag ang akda at

damdaming nangingibabaw sa tatlong napiling spoken word poetry. Upang higit na

maunawaan ang daloy ng pag-aaral na ito, makikita sa ibaba ang dayagram.

Dayagram 1
Sa pagsusuri ng tula makikita dito ang tema, sukat, tugma, at talinhaga at iba pang

elemento ng tula. Sa pag-aaral na ito higit na masusuri ang kauhulagan ng bawat akda

at ano ang gustong iparating ng awtor sa mambabasa. Mabibigyang-daan ang

pagkakatulad at mensahe ng tema at layunin ng bawat akdang napili Ang mga

mananaliksik ay kumuha ng tatlong akda upang gamitin sa direktong pagsusuri sa mga

teksto. Ang mga akdang ito ay maiging sinuri ng mga mananaliksik upang makuha ang

hinahangad na mga datos. Pagkatapos suriin ang tatlong teksto ikukumpara ng mga

mananaliksik ang mga ito upang makita ang pagka-kapareho ng mga ito. Sa pag-susuri

na ito sinundan ang proseso para sa pag pili ng spoken word poetry. (1) Ang naturang

spoken word poetry ay na sa taong hindi lalagpas ng limang taon. (2) Ang tema ng tula

ay napapanahon. (3) Hindi lalagpas ng limang minuto ang pagbigkas. (4) Hindi dapat

maglaman ng salitang di angkop.

Kaakibat nito ang sinundang proseso para sa maayos maisagawa ang pag-aaral.

1. Pagpili ng spoken word poetry na nilikha ni Juan Miguel Severo.

2. Pag-analisa ng bawat teksto ayun sa konsepto nito.

3. Pagpili ng tatlong teksto.

4. Pagsusuri ng bawat tekstong napili.

5. Pagbibigay interpretasyon sa teksto.

6. Pagsagot ng gabay na tanong.


Mga Basang Unan

Noong iwan mo ako ng walang pasabi,

o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi.

Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak. Naisip ko, hindi pinakuluang dahon

ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit.

Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso.

Kaya… inaraw-araw ko ito.

Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo.

Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko. Nakakatawa.

Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin

pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang

aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin.

Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo. Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo. Mas nagdurugo

ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong

hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita.

Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili.

Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin

mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako

na noong pagtalikod ko, nandun ka pa.


At nagdurugo ako. At nagdurugo ako. At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na

ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita.”

Mahal kita. Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang

‘yan ang mababasa ko: Mahal kita. At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila.

Mahal kita. At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila. Mahal kita. At sa

hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila. Mahal kita. At sa tinagal-tagal

nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na. Mahal kita. At sa tinatagal-tagal ng panahon na

ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila. Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa

at ang parati lang sasabihin ay mahal kita.

Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang

sa’yo ay mga bagong unan. Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan. Dahil lahat sila ay akin

nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin. Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod

sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita. At sa wakas, hindi na kasing

sakit ng dati.

Pero mahal, masakit pa.


Ang Nag-iisa

Nung unang panahon,

noong ang mga bituin ay alitaptap lang sa bukid,

ang araw ay naninirahan sa pagitan ng mga bundok,

ang buwan ay dalagang lagalag sa gubat.

Minsang tumingala ang nag-iisa sa langit,

umawit ng isang hiling kay Bathala,

“Baguhin ninyo ako; tanggalin ang kadena sa aking mga kamay;

bigyan niyo ako ng gabi na hindi kasing dilim,

ng umaga na hindi kasing ginaw.”

At sinagot siya ni Bathala,

“Ibibigay ko sa iyo ang iyong hiling kung tatanggapin mo ang alok kong sugal.

Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng lungkot at hindi ka dapat lumubog.”

Kaya’t ang nag-iisa ay lumusong sa tubig,

sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga,

lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya at nang umahon siya mula sa kanyang sugal,

umahon kasama niya ang pag-ibig,

ang pagmamahal.
Sa unang pagkakataon,

ang nag-iisa ay nagmamahal.

Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol,

maligaya,

may pangako ng walang hanggan.

Pero ang pag-ibig ay nagbago ng anyo.

Naging pagod, galit, sinungaling, mapagkimkim.

Muling bumigat ang kamay at paa ng nagmamahal.

Kasabay nito ay dumating ang isang malakas na unos na nilunod ang lupa sa baha.

At sa gitna ng malakas na ulan ay hindi na matukoy ang mga nasira.

At pagkatapos ng sigwa, kasama ang puso sa nasalanta;

kabilang ang pag-ibig sa nawala.

Ang nagmamahal ay muling nag-iisa.

Pero pagkatapos ng maraming gabing kay dilim,

umagang kay ginaw…

sa wakas,

ngumiti muli siya.

Tinawag muli si Bathala,

lulusong muli sa tubig,


susugal at susugal pa.

Dahil hindi ba’t sapat na kabayaran ang sakit para sa pagmamahal?

Hindi ba’t mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?
Inggit

Parada ng mga makasalanan

Ikalawang kasalanan: Inggit

Binitiwan niya agad ang kamay ko pagkatapos ng tatlong segundo.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Bitiw.

Hindi Bitiw.

Hulagpos.

Masyadong magaspang, sabi niya.

Masyadong pawisin.

Pasensyana na, sabi ko.

Kamay mo ang unang kamay na nahawakan nito.

Sanay ako sa lupa.

Sanay ako sa piko.

Sanay ako sa asarol. Sa talahib. Sa gulok. Sa tubo.

Sabi ni nanay, umibig ka sa hindi ituturing ang iyong gaspang bilang piitan bagkus ay lupa - tahanan ng

buhay.
Pista sa bayan.

Manghang-mangha ang walong taon kong mga mata sa mga kulay.

Nakikiusap itong mga kamay na di pa ‘sing gaspang: abutin mo sila!

‘Yong kabayong gawa sa papel.

‘Yong kahoy na baril.

‘Yong trumpo. ‘Yong espada!

Nanay, gusto ko ng trumpo!

Gusto ko ng libro!

Gusto ko ng gano’ng damit!

‘Yong gaya ng nakikita ko sa telebisyon ng kapit-bahay.

Nanay, gusto ko ng telebisyon gaya ng sa kapit-bahay.

Nanay, gusto ko ng mga damit na gaya ng sa mga artistang nasa telebisyon ng kapit-bahay.

Sshhh!!!

Sinama kita dahil sabi mo hindi ka magtuturo, ‘di ba?

Umuwi kaming bitbit ang isang sako ng pataba ng lupa.

Ang sabini nanay, “Umibig ka sa hindi ituturing ang iyong gaspang bilang piitan, bagkus ay lupa - tahanan

ng buhay.”

Lupa. Tahanan ng buhay.

Lupa. Tahanan ng buhay.


Lupa. Tahanan ng buhay!

Nay, ang lupa ang piitang unti-unti sa aking pumapatay.

Sandali, Nay, gusto ko lang namang magkuwento ng tungkol sa pag-ibig.

Tulungan mo akong gawin ‘tong kuwento ng pag-ibig.

Pero hindi - Walang kilig sa ganitong klaseng pawis at pagkahapo.

Walang romansa sa putik sa ‘king mga kuko.

Sas tibak sa aking mga sakong…

Gusto ko ng bagong sapatos!

‘Yong puti. ‘Yong hindi kailanman mapuputikan.

Ang mga paa ko ay putik, Nay.

Masyado nang kinaibigan ng mga paa ko ang lupa, ng lupa ang aking mga paa, hindi ko na matukoy ang

pagkakaiba.

Hindi kita sinisisi.

Pero hindi ako mapaghangad.

Hindi ako mapag-imbot.

Ako ang ltak ng anak na niluwal niyo’t pinangarap.

Ang ampaw at hilaw ninyong haligi, Nay.

Gusto kong mapuno.

Ako ang inaagiw nang mga bulso.


Ako ang huling mga butil ng bigas sa sisidlan.

Ako ang mansta ng dugo ni Tatay sa pintuan.

Nay, gusto ko na rin ng bagong pintuan.

‘Yong maluwag.

‘Yong kaya akong dalhin kung saanman.

Dahil masyado nang nasanay sa lunti itong aking mga mata at kumapit na ‘to sa aking paningin.

Walang tamis na iniwan sa akin ang mga tubo.

Panay salubsob sa mga daliri.

Sibat sa bibig.

Gusto kong gawin itong kuwento ng pag-ibig, pero ni hindi ko maatim na lunukin ang sarili kong pangalan

at tawagin itong pagmamahal.

Nay, gusto ko na rin ng bagong pangalan.

‘Yong hindi katunog ng pagod.

Ng gamit. Ng laspag.

‘Yong gaya ng kaniya.

‘Yong uri ng natatawag sa entablado.

Nililimbag sa magarang papel.

Inuukit sa medalya.

Nay,
Narinig kong tinawag ng kapit-bahay ang pangalan niya, nay.

Nakita kong naghawak sila ng kamay.

Gusto ko ng bagong pag-ibig.

Kailangan ko ‘tong gawin kuwento ng pag-ibig.

Kailangan ko ‘tong gawin kuwento ng pag-ibig.

Kailangan ko ng makikinig.

Nay, gusto ko narin ng bagongkamay!

‘Yong makinis gaya ng kanya.

O ng kanya. O ng kanya.

Basta huwag itong sa akin: itong mga kamay na ‘sing gaspang na ng lupang ilang beses mang bungkalin,

nalagdaan na ng dugo, pero hindi pa rin matawag na atin.

Kahit ito ay dapat na atin.

Dahil ito ay dapat na atin.

Nay, nakikita ko pa rin si Tatay na sumisilip sa mga damo.

Naamoy ko pa rin si Lolo sa sakong hatak-hatak ko.

Bigyan ninyo ako ng kuwentong hindi ‘sing bigat nitong dala-dala ko.

Nanay, ang gusto ko ‘yong gawa lang ng kanila.

Nanay, ang gusto ko ‘yong gawa lang ng kanila.


BIBLIYOGRAPIYA

Baisa-Julian, A. G., del Rosario, M. G. & Lontoc, N. S. (2015). Pinagyamang Pluma

8 (K to 12). Phoenix Publising House Inc.

Baisa-Julian, A. G., del Rosario, M. G. & Lontoc, N. S. (2017). Pinagyamang Pluma

9 (K to 12) Aklat 1. Phoenix Publising House Inc.

Welf, M. (1927, Abril). The Lost Rhythm A Few Notes on the Marjorie Gullan Method of

Rhythmic Movement to Spoken Poetry mula sa

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5068630/?page=1

Cantillano, M. (wp). Paano Gumawa ng Spoken Word Poetry (at Mga Halimbawa)

mula sa
https://www.paanohow.com/edukasyon-at-pag-aaral/paano-gumawa-ng-spoken-
poetry-at-mga-halimbawa/?fbclid=IwAR2-VFnABdG9sawYj4gMB-
mkWcKhOxjA9ELCIzOOfriP5zK7bX8rpTFlY4o

McKee. (wp). Textual Analysis: A Beginner's Guide mula sa

http://www1.cs.columbia.edu/~sbenus/Teaching/APTD/McKee_Ch1.pdf

Mahilom, A. (2011). Kasaysayan ng tulang Pilipino mula sa

https://teksbok.blogspot.com/2011/06/kasaysayan-ng-tulang-pilipino.html

Mgatulanimaster, (wp). Ang Nag-Iisa by Juan Miguel Severo mula sa


https://mgatulanimaster.wordpress.com/2016/09/27/nag-iisa-by-juan-miguel-
severo/#content-wrapper

Spokenwordslover. (2016). Mga Basang Unan mula sa

https://spokenwordslover.wordpress.com/2016/09/20/mga-basang-unan/

Words, A. (2017, Hulyo). Juan Miguel Severo - "Inggit" mula sa

https://www.youtube.com/watch?v=ly_ffGfQt0g

You might also like