Professional Documents
Culture Documents
Tula
“Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan,kariktan, at ng kadakilaan: tatlong
bagay na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang
matatawag na tula”.
- Julian Cruz Balmaceda
“Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang temang kariktang makikita sa silong
ng alinmang langit”
-Iňigo Ed Regalado
“Ang pagtula’y pangagagad, at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at
pagtatanghal. Ang saklaw ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga
sining pagsama-samahin man ang mga ito”
-Fernando B. Monleon mula kay Lord Macaulay
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell ang naibigan niya at
nagsasaad na “Ang Tula ay ang napataas na antas ng kamalayan (heightened consciousness).”