You are on page 1of 5

PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO AT NOBELA

“PANGARAP AT TAGUMPAY”
NI: EMMAR C. FLOJO

BADARAN, ANA MAE A. LIT2A_1A_PINAL

I. ILANG TALA HINGGIL SA MAY-AKDA:


- Sinulat ito ni Emmar C. Flojo Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila,
si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa.
Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A.
Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una
siyang nagsulat para sa “Ang Mithi ”, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na
nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog. Naging Pangulo siya
ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga
Dalubhasa ng Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog. Ang ilan sa kanyang mga akda ay Ako'y Mayroong Isang Ibon,
Ang Dalagang Matanda, Manika ni Tadeo, Aloha, Bulaklak ng Bagong Panahon at iba
pa. Ang pinaka-obra maestra ni Rosario ay ang Aloha na kasama sa katipunang 50
Kwentong Ginto ng 50 Batikang Kwentista.

II. TAUHAN
- Ang mga tauhan sa kwento ay sina:
Mabel siya ang panganay sa dalawa niyang kapatid, Mapagmahal sa pamilya, Masipag sa
pag-aaral at Determinado at Responsible sa buhay.
Ang kanyang Ina mapagmahal sa pamilya at kayang magtiis para sa ikabubuhay ng
kaniyang pamilya.
Ang Kanyang Kapatid, ang nagging katulong ng kaniyang ina sa bahay mula ng
mamasukan si mabel bilang katulong.
Ang kanyang Tatay, Padre de Pamelia sa kanilang bahay.
Ang kanyang amo, ang tumulong kay mabel upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.
Mabait na amo.

III. BUOD
- Si Mabel ay isang kabataang sunod sa luho, lahat ng kanyang pangangailangan ay
natutustusan. Dumating ang araw na nagkasakit ang kanyang ama at ang kanyang ina
naman ay nawalan ng trabaho. Kinailangan nyang tumigil sa pag aaral upang matustusan
ang kanilang pangangailangan araw araw. Nang mamatay ang kanyang ama duon Niya
naramdaman na sumuko pero hindi niya iyon ginawa. Imbes ng siya ay magmukmok ay
humanap siya ng paraan upang makabalik siya sa pag aaral at ang kanyang mga kapatid.
Pinasok niya ang pagkakatulong na kung saan inalok siya ng kanyang amo na mag-aral.
Nalaman niya rin ang kwento ng kanyang amo kung kaya ganuon na lamang siyang alukin
ng kanyangamo. At ng makapag-aral na si Mabel sa tulong ng kanyang amo ay duon na
nagbago ang kanilang Buhay. Natupad niya na ang kanyang pangarap na makapagtapos
ng pag-aaral.
IV. PAGSUSURI
A. PAMAGAT:
-Mabuti ang gamit na pamagat ng may akda "Pangarap at Tagumpay" tunay na kawili-
wili at kapana-panabik ang mga pangyayare sa kuwento na kung saan nagbibigay ito ng
aral sa mga mambabasa. May orihinalidad ang may akda sapagkat ito ay mula sa
sariling karanasan na kung saan gusting ibahagi sa iba upang mag-bigay aral sa lahat.

B. PAKSA:
-Ang paksa ng akda ay Kahirapan na kung saan dinanas ito ng ating mga tauhan sa
kuwento. Mahalaga ang paksa na ito at nararanasan pa rin ito maging sa kasalukuyan na
kung saan dahil sa kahirapan maraming mga bata ang tumigil sa pag-aaral a t mas pinili
na magtrabaho na lamang para makatulong sa pamilya.
- Mababasa natin sa kuwento ang lahat ng paghihirap an piangdaanan ng pamilya ni
Mabel na kung saan dahil sa kahirapan napilitan silang magkakapatid na tumigil sa pag-
aaral, magtinda ng kakanin sa lansangan at mamasukan bilang katulong dahil sa mga
pangyayaring iyon napalutang ang paksa sa akda.

C. SIMULA:
- Ang kwento ay inilahad sa sa paraang pasalaysay. May kaunting pahapyaw ng paggamit
ng pangalawang persona subalit mas kadalasan ginagamit ay ang pangatlo. Isinasalaysay
dito kung paano siya binibigyan ng pasakit si Mabel ng kahirapan magmula noong
nagkasakit ng malalang karamdaman ang kanyang ama at ang pagkasara ng pinapasukan
ng kanyang inay.

D. PAGKASUNOD-SUNOD NG PANGYAYARE:
- Ang nilalaman nito ay ang pagtigil ni Mabel at ng kanyang kapatid sa pag-aaral.
Tumutulong pa si Mabel sa pagtitinda ng kakanin sa lansangan. Napagtanto rin ni Mabel
na hindi sapat ng kanilang kinikita kung kaya't na isipan niyang manasukan bikang isang
katulong. Ang pagkamatay ng kanyang ama, ang pinakamabigat nangyari sa kanyang buong
pamilya. Matapos magluksa ng pamilyang Dela Cruz ng isang lingo ay kasunod ang
pagbabago ng estado ng kanilang pamumuhay. Simula noon ay nahirapang makibagay si
Mabel sa takbo ng kapalaran. Natuto siyang makipamuhay sa mura niyang gulang at
doon niya naranasan ang hirap ng kanyang napasukan. Kaya sa bahaging ito, si Mabel
ay nakikipagtunggali sa lipunan kung saan sobrang pasakit ang binibigay ng kahirapan sa
kanyang pamilya.

-Gumamit ang may akda ng karaniwang paraan/chronological order o pabalik/flashback


kung saan inilalahad ang mga pangyayare sa buhay ni Mabel noon at Nakatulong ito
bilang isang malikhain o may creativity sapagkat inilahad ng may akda ang mga detalye
na dapat malaman ng mga mambabasa at gawing kawili-wili at aral sa lahat.

E. WAKAS:
- Sa bahaging ito, ipinakita kung anong paghihirap ang naranasan ni Mabel upang mapag-
aral ang kanyang mga kapatid gamit ang kinikita nyang pera sa pamamasukan bilang
isang katulong. Sa tulong ng kanyang amo ay nakapag-aral ulit siya saapgkat inalok siya
nito kung gusto niya bang magpatuloy sa pag-aaral at ang pagkakataong ito ay hindi
nya pinalagpas. Kahit mahirap hatiin ang oras bilang katulong ay umaasa parin siyang
mapagtapos niya ang kanyang mga kapatid at makakuha siya ng titulo sa kolehiyo.
Lumipas nga ang panahon at nakamit niya na ang matagal na niyang pangarap sa buhay.
Dahil sa pagsubok na dumating sa kanyang pamilya ay nakamit niya na ang matagal na
niyang inaasam-asam, ang makapagtapos ng pag-aaral.
Ang pagkamatay ng kanyang ama ay natuto siya kumilos para lamang mabuhay ang
kanyang pamilya.
- Epektibo ang mga salitang kanyang ginamit at umangkop sa aking antas ng pag unawa
ang kanyang pagbuo sa akda. Para saakin nasa katamtaman lang an g kanyang
pagkamasining sa pagkakagawang akda. At makatutuhanan ang wakas ng kuwento
sapagkat ito ay nangyayre parin sa kasalukuyan kung saan marami pa din ang
nakakaranas ng naranasan ni Mabel.
-Naibigan ko ang pagwawakas sa akda kung saan nagging matagumpay ang mga tauhan
at muling nkabangon sa buhay, natupad din ni Mabel ang kaniyang pangarap sa kabila
ng kaniyang pinag-daanan sa buhay.
F. KATAUHAN/PERSONALIDAD:
-Tunay na makatotohanan ang paglalahad ng mga tauhan ng may akda at nagampanan
ito ng maayos, Maraming pangyayare sa kasalukuyan na kagaya ng kuwento ni Mabel at
maihahalintulad ko nalang dito ang aking matalik na pinsan na kung saan maraming
pagkakataon na sinubok siya ng mga problema sa buhay ngunit sa kabila ng dako na
iyon na kahit wala an siyang ama sa kaniyang tabi at kaniyang ina at kapatid nalang
ang pinaghuhugutan niya ng lakas hinde parin siya nagpatinag sa lahat ng pagsubok at
pasakit sa buhay, nagsumikap siya na matupad ang kaniyang mga pangarap at ito naman
ay nagbunga ng kabutihan sa huli siya ay nakapagtapos sa kolehiyo at nagkaroon ng
magandang trabaho sa ibang bansa, nabibili at nagagawa niya na lahat ng gusto niya
bunga ng kaniyang pagsusumikap. At tunay nga na pagbinigay sayo ng Diyos ito’y sa
tamang panahon.

G. DAMDAMIN:
-Ang damdaming nangibabaw sa akda ay ang Pagmamahal sa pamilya. Ang pagiging
responsabling anak at kapatid ni Mabel sa kaniyang pamilya na kinaya niyang gawin ang
lahat upang makatulong sa kaniyang ina, tumayo siya sa mga sarili niyang paa at
nanalig sa diyos na ang lahat ng kanilang pinag-dadaanan ay may hangganan.
Pinagsabay ang pag-aaral at pagtratrabaho upang matupad niya ang kaniyang pangarap
na magiging susi upang makaahon sila sa buhay muli.

H. KAKINTALAN:
- Layunin ng Akda na mapabatid sa mambabasa na ang lahat ng Pagsubok ay kaya
mong malampasan basta wag ka lang susuko. Sa mga pagsubok at paghigirap na
ibinibigay ng Panginoon ay dito natin makikita kung gaano katatag ang isang tao.
Ipinakita ito ni Mabel sapagkat nang mga panahong sobrang pasakit ang dumating sa
kanilang pamilya ay hindi siya nagpatinag dito. Hinarap niya ito ng buong tapang at
ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang matugunan ang mga pangangailangan ng
kanyang pamilya. Sa mura niyang edad ay nagging madiskarte siya sa buhay hindi niya
sinukuan ang kanyang mga pangarap at kahit na mahirap ay pinilit niya parin itong
abutin.
-Napakahalaga ang mensahe ng may akda at di ko ikakaila na napukaw ang aking
damdamin, napagtanto ko na may mas higit pang mga pagsubok ang nagyayare sa
buahy ng isang tao at nasa atin na lamang iyon kung paano natin haharapin ng buong
tapang. Ang lahat ng pagsubok na dumarating ay isang blessin g sapagkat mula rito
natututo tayo na lumaban at maging matapang at sa huli magiging matagumpay din tayo.
I. MGA SIMBOLO/SAGISAG/PAHIWATIG:
Diploma
- isang papel na tanda ng ating pagsisipag at pagtitiyaga sa ating pag-aaral. Simbolo ng ating
kaalaman, isang simple at kapirasong papel na pagnakita ng ating mga magulang na ating tangan
tangan ay ibayong kaligayahan ang kanilang mararamdaman. Ang diplomang ito ang minimithi
ni Mabel na makuha sapagkat ito ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Kahirapan
- kalagayan o katayuan ng isang tao na walang isang halaga ng mga pag-aaring materyal o salapi.
Ito ang sentro sa kwentong Pangarap at Tagumpay na kung saan matinding kahirapan ang
dinanas ng pamilya ni Mabel.

Magbanat ng buto
-Magsikap o Maghanap-buhay, ang katagang ito ay ginamit sa kuwento na kung saan naranasan
ito ni Mabel sa murang edad mula ng magkasakit at ng mamatay ang kaniyang ama.

-Naging mabisa ang paggamit ng mga simbolo na iyon sa akda, at nakatulong din ito sapagkat
mas lalong naunawaan ang kwento an kung anu ang nais ipahiwatig ng may akda sa kaniyang
mga mababasa.

You might also like