You are on page 1of 31

TULA AT BUGTONG

INIHANDA NG UNANG PANGKAT


TULA
Ang tula ay isang anyo ng sining o
panitikan na naglalayong maipahayag
ang damdamin sa malayang pagsusulat.
-Isang akdang pampanitikang
naglalarawan ng buhay, hinango sa
guniguni, pinararating sa ating
damdamin at ipinahahayag sa
pananalitang may angking aliw.
Mga Elemento ng Tula

Anyo – mahalagang elemento na


kailangan sa uri ng tula
Mga Anyo ng Tula
MALAYANG TALUDTURAN
TRADISYONAL
MAY SUKAT NA WALANG TUGMA
WALANG SUKAT NA MAY TUGMA
Mga Elemento ng Tula
Kariktan – maririkit na salita na
ginagamit upang masiyahan ang mga
mababasa.
Halimbawa : maganda – marikit, mahirap –
duha o maralita
Mga Elemento ng Tula
Persona – ay tumutukoy sa nagsasalita
sa tula.
Mga Elemento ng Tula
Saknong – grupo ng mga salita sa isang
tula, Isang grupo sa loob ng isang tula
na may dalawa o maraming linya
(taludtod)
2 linya (couplet), 3 linya (tercet), 4 linya
(quatrain), 5 linya (quintet), 6 linya
(sestet), 7 linya (septet), 8 linya (octave)
Mga Elemento ng Tula

Sukat – tumutukoy sa sukat ng


taludtod sa saknong.

Halimbawa: is da ko sa Ma ri ve les – 8
pantig
Mga Elemento ng Tula

Talinhaga – natatagong kahulugan ng


tula

Halimbawa : nag-aagaw buhay, nagbabanat


ng buto
Mga Elemento ng Tula

Tono – tumutukoy sa paraan ng


pagbigkas ng bawat taludtod ng tula.

Halimbawa : pataas o pababa


Mga Elemento ng Tula
Tugma – pagkakaparehas ng tunog sa
huling bahagi ng isang talutod.

Halimbawa : Sa bawat pagsulong ay


kasangkot ako,
Kabataang masigla't aktibo
Mga Elemento ng Tula
Taludtod- ay ang pinakamaliit na yunit
ng tula na binubuo ng ilang pantig.
Kadalasan, ito ay binubuo ng lima
hanggang labing-apat na pantig.
Apat na Uri ng Tula
1. Tulang Liriko o Pandamdamin- ay uri
ng tula kung saan itinatampok ng
isang makata ng kanyang sariling
damdamin, iniisip at persepsyon.
Apat na Uri ng Tula
2. Tulang Pandulaan- ay karaniwang
itinatanghal sa mga entablado at ang
mga linyang binibigkas ng bawat
karakter ay patula.
Apat na Uri ng Tula
3. Tulang Pasalaysay- ay nagsasalaysay
o naglalarawan ng makulay at
mahahalagang pangyayari sa buhay
na matatagpuan sa mga linya o berso
na nagbabahagi ng isang kwento.
Apat na Uri ng Tula
4. Tulang Patnigan- ay kilalang tulang
sagutan sapagkat ito ay itinatanghal
ng mga nagtutunggaliang makata.
Kalikasan
Alliezon Joy Capillisa

Kalikasang sa atin ay nagbibigay yaman,


Kailan ba natin pangangalagaan?
Pang-aabuso’y kailan natin titigilan?
Naghihintay pa ba tayo ng kaparusahan?

Ka’y ganda kayang pagmasdan


Natural na ganda ng ating kalikasan
Marapat lamang na atin itong pangalagaan
Dahil atin din namang napapakinabangan

Pagtatapon ng basura sa tamang tapunan


Pwede nating simulan sa ating tahanan o silid-aralan
Pag-aalaga ng halaman, pwede nating pagkakitaan
Maraming pwedeng paraan, sa sarili ay ating simulan

BUGTONG
Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang
pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang
isang PALAISIPAN

Ang mga BUGTONG sa Panitikan ng mga


Pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa
pamamagitan ng PAGHAHAMBING ng bagay
o ideya sa isang pangungusap o parirala .

Katangian ng Bugtong
ang bugtong ay may tugma, sukat, kariktan at
Talinhaga

TUGMA - tumutukoy sa magkakaparehong


tunog ng mga huling salita sa bawat taludtod

Halimbawa. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit


saan
Sagot: Anino
Katangian ng Bugtong

SUKAT- bilang ng pantig sa bawat


taludtod.

Halimbawa. A/ko ay may ka/i/bi/gan,


ka/sa/ma ko ka/hit sa/an
Sagot: Anino

Katangian ng Bugtong
KARIKTAN- talinghaga na ginamit sa bawat
taludtod

Halimbawa. Hindi hari, hindi pari, nag dadamit ng


sari-sari
Sagot: Sampayan (Clothes hanger)

Katangian ng Bugtong

TALINGHAGA - nakatagong kahulugan o


hindi lantad

Halimbawa. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba


ang buhay
Sagot: Kandila (Candle)

Tula Bugtong
isang anyo isang
ng sining o parehong
pangungusap
panitikan na sumasalamin
na may
naglalayong sa lipunan,
nakatagong
maipahayag kultura,
paniniwala at kahulugan na
ang
karanasan ng nilulutas
damdamin sa
mga tao bilang isang
malayang
palaisipan
pagsusulat
Activity.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi elemento ng


tula?
a. tono
b. taludturan
c. anyo
d. taludtod
2. Anyo ng tula na walang sinusunod na sukat, tugma o
anyo
a. Tradisyonal
b. May sukat na walang tugma
c. Malayang taludturan
d. Walang sukat na may tugma
3. Panitikang pahulaan gamit ang pangungusap o
parirala. Pahahambing ng mga bagay o ideya.
a. bugtong
b. tula
c. salawikain
d. kwento
4. Ang bugtong ay ______
a. panggulo
b. patula
c. palaro
d. palaisipan
5. Anyo ng tula na may sukat, tugma at mga
matalinhagang salita
a. Malayang taludturan
b. Walang sukat na may tugma
c. Tradisyonal
d. May sukat na walang tugma

You might also like