You are on page 1of 2

Seco, Glazy Kim D.

BSED F-4B
MAJ. 20
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong
sagot sa isang long size bondpaper. Ipaliwanag ang iyong sagot sa lima
hanggang sampung pangungusap lamang (15 puntos para sa nilalaman at
orihinalidad, 10 puntos para sa gramatika at 5 para sa kalinisan = 30
puntos)

1. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan kung bakit nahuhumaling sa mga


awiting bayan at katutubong sayaw ang mga Pilipino noon at ngayon?

Nahuhumaling tayo sa mga katutubong sayaw at awiting bayan dahil atin


ito. Gawa ito ng mga kapwa natin Pilipino at naiintindihan natin ang
pahiwatig ng mga awitin at sayaw na ito. Hindi lang din dahil sa gawa natin
ito kundi isa rin ito sa mga paman ang ating kultura. Parten a ng kultura
natin ang mga awiting bayan at katutubong sayaw. Ginagamit ito sa mga
ritwal noon at maging sa ibang lugar ngayon.

2. Sa mga dula sa panahon ng katutubo, sa tingin mo, alin doon ang


tinangkilik at ginagawa pa rin ng mga Pilipino hanggang sa
ngayon?

Sa aking mga nabasa sa itaas ay iisa na lamang ang tintangkilik at


ginagawa pa rin magpa hanggang ngayon. Pamamanhikan ang dulang
simula pa noong unang panahon hanggang ngayon ay patuloy pa rin na
ginagawa ng mga Pilipino bilang pag respeto sa pamilya ng magkasing
irog. Ang pamamahikan ay ang tradisyon noon na bibisita sa bahay ng
babae ang pamilya ng lalaki upang hingin ang bisbis ng pamilya ng babae
upang sila ay payagan na magpakasal. Pagkatapos ng pag-uusap ng
bawat pamilya ay maiiwan ang lalaki sa bahay ng babae at sila ay
papayagan ng ikasal.

3. Naniniwala ka ba sa mga ritwal? Ilahad kung bakit?


Oo, naniniwala ako. Simple lang ang pagmumuhay ng mga Pilipino lalo
na noong unang panahon kaya’t kadalasan sa mga ninuno natin ay may
alam na ritwal. Ito ay ginagawa bata sa pagkasunod-sunod ng mga
gawain sa ritwal. Kadalasan nga ay ginagawa ito kapag nag aani ng palay
sa mga bukid o di kaya ay bago magtanim ng palay upang ang kanilang
aanihin ay mas marami. Nasaksihan ko ito sa Surigao noong nag
bakasyon kami roon kaya’t naniniwala ako sa mga ritwal.

4. Paano mo maiingganyo ang mga kabataan ngayon na balikan ang


mga katutubong awit at sayaw?
Maiingganyo ko sila sa pamamagitan ng pagpapagawa at
papasubok sa kanila ng mga katutubong awit at sayaw. Maaari ring
magpaparinig ako sa kanila ng mga awiting bayan. Alam ko na kapag
ito ay kanilang masusubukan ay tatangkilikin nila ito at muling
mahuhumaling sa mga awit at kanta natin noon. Hindi man lahat ng
kabataan ngayon ang mahuhumaling ngunit may iba pa rin namang
mga bata na mahuhumaling nito.

You might also like