You are on page 1of 11

BANGHAY ARALIN

SA
FILIPINO 7
Inihanda ni:
Glazy Kim D. Seco
BSED – F 4B
I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

• Naipaliliwanag ang mahalagang kaisipan sa nabasang akda;

• Nailalarawan ang isang kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng


isang tauhan sa napanood na animation;

• Nailalahad ang kahalagahan ng pakikipag-kapwa tao.


II. Paksang Aralin:

a. Paksa: Pabula ng Si Pagong at Si Matsing


b. Sanggunian: Internet
: F7PB-Ic-d-2
c. Kagamitan: Video, laptop, Mga letra.
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Magsitayo ang lahat para sa
III. Pamamaraan: panalangin.

Nakasanayang Gawain Magandang umaga klas! Magandang umaga po,


Binibining Seco
a. Panalangin
b. Pagbati Kumusta ang araw ninyo? Mabuti naman po.

c. Pagtala sa lumiban sa klase Mabuti naman kung ganun. Sino Wala po maam.
ang lumiban sa klase ngayon?

Mabuti naman. Bago tayo Opo maam.


magsimula sa klase, pakipulot
muna ang mga basura sa inyong
paligid at ayusin ang mga upuan.
A. Pagganyak
Magdidikit ng mga letra sa pisara ang guro. Pipili ng limang mag-aaral ang guro
at ang unang makabuo ng salita ay may karagdagang puntos.

P G A I M S A S O T U

A M T P A A T M B A A T I

M A G A N L A N L I N P
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Pagsusuri: Okay, ngayon klas, ano kaya ang napapansin
ninyo sa mga letra na nasa harapan?
Mga katangian po.

Tama! May kakilala ba kayo na may ganyang Opo.


katangian?

Sino? (sasagot ang isang mag-aaral)

Magaling! Naranasan niyo na ba ang Opo maam


malinlang?

Maganda kaya ang magkaroon ng ganyang Hindi po, dahil hindi po ito nakakatulong
pag-uugali? sa atin.
Tama! Kaya ngayon, malalaman natin kung
ano nga ba ang nangyayari sa mga taong tuso
at mapanlinlang.
May ipapanood ako sa inyo na video tungkol Opo maam!
sa isang tuso at mapalinlang. Handa na ba
kayo?
B. Pagtatalakay
Mga gabay na tanong:

1. Sino si Pagong?
2. Sino si Matsing?
3. Ano ang kanilang pinag-awayan?
4. Bakit inaaway ni Matsing si Pagong?
5. Gagayahin mo ba ang ginagawa ni Matsing kay Pagong? Bakit?
C. Paglalapat
(Pangkatang Gawain)

Papangkatin ang klase sa dalawa. Bawat pangkat ay pipili ng isang


kinatawan na siyang bubunot sa kahon na naglalaman ng dalawang papel
na may nakasulat na Pagong at Matsing. Kung sino ang kanilang nabunot,
si Pagong ba o Matsing ay isusulat nila sa isang kartolina ang mga
katangian at kilos nito sa kwento sa loob lamang ng limang minuto at
pagkatapos ay ipepresenta nila ito sa harapan.

RUBRIKS
Nilalaman: 5pts.
Kooperasyon: 5pts.
Kabuuan: 10pts.
D. Paglalahat

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Ngayon klas, tama kaya ang ipinakitang asal ni Hindi po.
Matsing?

Si Pagong kaya? Maganda kayang tularan ang Opo, dahil mabait po si Pagong.
ugali na mayroon siya?

Ano ang damdaming namayani sa inyo habang (sasagot ang isang mag-aaral)
pinapanood ang kwento?

Sa anong paraan mo mabibigyang halaga ang (sasagot ang isang mag-aaral)


damdamin ng isang tao?
IV. Pagtataya:
Panuto: Kumuha ng kalahating papel at sagutan ang tanong sa ibaba
sa loob lamang ng sampung minuto.

1. Sino sa mga kakilala mo ang may parehong karakter sa napanood


mong video? Ilarawan ito.
V. Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa Alamat dahil ito ang susunod nating


tatalakayin sa susunod na araw.

You might also like