You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Filipino

Para sa Ika-Walong Baitang


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa mundo ng pelikula – F8PT-IIIg-h-32
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Broadcast Media: Mekanismo ng Pagbabago at Pag-unlad ng Kulturang Pilipino -
Dokumentaryong Pampelikula
B. Kagamitan: manila paper, pentel pen
C. Sanggunian: Filipino-8-SLMs-3rd-Quarter-Module-6-docx.pdf

III. Pamamaran
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula, maaari bang magsitayo ang Magsisitayo ang mga mag- aaral para
lahat para sa isang maikling panalangin. sa isang maikling panalangin.

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na


ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po
kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na
ito. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po Binibining
Grace.

Bago kayo magsiupo ay maaari niyo muna bang Opo, Ma’am


tignan ang ilalim ng inyong upuan kung ito ay may
mga kalat.

Tapos na ba Klas? Opo

Kung gayon maaari na kayong magsiupo Maraming salamat po.

3. Pagtala ng mga Lumiban


Bago tayo magpatuloy ay magtatala muna ako ng Opo ma’am.
mga liban sa klase. Kapag tinawag ko ang inyong
pangalan ay sabihin niyong narito po.
Isa-isa nang tatawagin ng guro ang mga pangalan ng
mag-aaaral para maitala ang narito at ang mga liban
sa klase.

Mabuti naman at walang liban sa ngayong araw.

Sa aking pagtatalakay ay mayroon lamang akong


tatlong alituntunin na kailangan ninyong sundin.
1. Makinig sa diskasyon.
2. Huwag lumabas sa silid habang ang guro ay
nagtatalakay.
3. Mangyaring huwag makipag-usap sa katabi.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabalik Aral

Sa nakaraang diskasyon natin sino dito ang may mga


natutunan? Maaari bang magtaas ng kamay kung sino Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
ang may natutunan? kamay.

Sige nga kung talagang may natutunan kayo ay


magtatanong ako patungkol sa ating tinalakay noong Ang tinalakay po natin ay tungkol sa
nakaraang diskasyon. pagsususri ng isang pelikula batay sa
paksa/tema, layon, gamit ng mga salita
at tauhan.
Magaling! Ano pa ang inyong natunanan maliban sa
isinagot ng inyong kaklase? Nagkaroon kami ng kaalaman sa kung
paano ang tamang paraan ng pagsusuri
Magaling Klas! Tunay ngang nakinig kayo sa ating ng isang pelikula.
nakaraang diskasyon.

2.Paganyak
Mayroon ako ritong inihandang gawain na tinawag
ko na “Buoin mo ako”. Ang gagawin niyo lamang ay Opo Ma’am
ayusin ang mga nakascramble na mga salita.
Naiintindihan lang ba klas?
Opo Ma’am. Ang mga mag-aaral ay
1. I N E S masayang nakilahok sa gawain.
2. R E K E D SINE
3. I B A D DEREK
4. O N T K R A I B A D BIDA
5. A S T R I A T KONTRABIDA
Palakpakan ang inyong mga sarili dahil ARTISTA
napagtagumpayan ninyo ang gawain at tama ang Nagpalakpakan ang mga mag-aaral.
inyong mga naging kasagutan.
Ano ang napansin niyo sa ginawa nating aktibidad?
Para sayo Francine, ano ang kinalaman ng ating
ginawang aktibidad sa ating tatalakayin sa araw na
ito? Sa tingin ko po ito ay may kinalaman
parin sa pelikula at ito po ang ating
Tumpak! Ito ay may kinalaman sa ating aralin sa tatalakayin ngayon.
ngayong araw. Tama dahil may kaugnayan parin ito
sa ating tinalakay kahapon.

3. Pagtatalakay
Sa puntong ito ay ating aalamin ang mga salitang
may kinalaman sa pelikula.
Mga Salitang Ginagamit sa Mundo ng Pelikula Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa
1. P inilakang Tabing- (Silver Screen) o sinehan diskusyon.
2. Sine – lugar panooran ng mga pelikulang
nakaanunsiyong panoorin.
3. Cut- salitang ginagamit ng direkstor kung hindi
nasisiyahan sa pag-arte o may eksenang hindi
maaayos ang pagkakagawa.
4. Lights, camera, action- hudyat na magsisismula na
ang pag-arte o ang pagkuha ng eksena.
5. Take two- tumutukoy sa kung ilang ulit
kinukuhanan ang eksena.
6. Derek- tawag sa taong nagmamaneho sa artista,
lugar, iba pang gagalaw sa pelikula.
7. Bida- tawag sa taong pinakatampok sa pelikula.
8. Kontrabida- katunggali ng bida na nagbibigay
intense sa isang pelikula.
9. Okey, taping na!- pormal na hudyat na ang taping
ay magsisimula na.
10. Break! Break!- saglit na pamamahinga o pagtigil
sa pagkuha ng eksena.
11. Anggulo- tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar
eksena at pag-arte.
12. Artista- mga taong gumaganap ng bawat papel na
hinihingi ng istorya.
13. Musika- dapat naaangkop sa kuwento o eksena at
galaw ng bawat tauhan.
14. Iskrip- kasanayan ng pelikula, teksto o nasusulat
na paglalahad sa pelikula kasama ang detalye ng
aksyon at mga patnubay na teknikal na kailangan sa
produksyon.+

Nakakasunod lang ba kayo klas? Naiintindihan lang


ba? Opo Ma’am
Mabuti naman kung ganon.
C. Pangwakas na Gawain
1. Aktibiti
Gayong naintindihan ninyo na ang ating aralin sa
araw. Aking susubukin kung talagang ito’y totoo. Opo Ma’am
Ang sasabihin niyo lamang ay Oo o Hindi,
magbabangit ako ng mga salita at tutukuyin niyo
lamang kung ito ay napapabilang sa mga salitang
ginagamit sa pelikula. Naiintindihan lang ba klas?
1. Pag-eedit
2. Sine Hindi
3. Sinematograpiya Oo
4. Pagdidirihe Hindi
5. Bida Hindi
Oo
Bigyan natin ang masigabong palakpak ang bawat isa
dahil ang lahat ay nakilahok sa isinagawang aktibiti. Ang mga mag-aaral ay nagpalakpakan

2. Analisis
Kung kayo ay gagawa ng isang pelikula balang araw,
sa tingin niyo ba ay kinakailangan na ang lahat ng Opo Ma’am. Kinakailangan po talaga
mga salitang ito ay inyong nagagamit o maaaring Ma’am na magamit po ang lahat ng ito
may isang makaligtaang gamitin? Ipaliwanag dahil hindi po magiging maganda ang
pelikula kung may makaligtaang
Maraming salamat klas. gamitin sa mga ito.

3. Abstrakyon
Alam ko na may mga kaalaman na kayo tungkol sa
ating tinalakay ngayong araw, bakit kailangan nating Para po sa akin Ma’am, kailangan
pag-aralan ang mga salitang ito? Ano ang nating pag-aralan ang mga salitang ito
maitutulong nito sa inyo bilang mag-aaral? dahil magagamit po namin ito kung
Ikaw Ronel. sakaling gagawa po kami ng isang
pelikula at nang sa ganon po ay may
kaalaman kami sa mga salitang
Tama,magaling. ginagamit sa isang pelikula.
Maraming salamat Ronel. Bigyan naman natin ng
wow clap si Ronel.

4. Aplikasyon
Sa puntong ito ay ating susukatin kung kayo ay may
malawak na kaalaman patungkol sa ating tinalakay. Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng
Ang gagawin ninyo ay tutukuyin at ididikit lamang gawain.
ang mga salitang aking ipapakita sa kahulugan na
nakasulat sa manila paper.
Anggulo Lugar panooran ng mga pelikulang
naka-anunsiyong panoorin

Sine mga taong gumaganap ng bawat papel


na hinihingi ng istorya

Okey! saglit na pamamahinga o pagtigil sa


taping na pagkuha ng eksena

Break! Pormal na hudyat na ang taping ay


Break! magsisimula na

Artista Tumutukoy sa ganda ng kuha sa lugar


eksena at pag-arte

IV. Ebalwasyon
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod.
1. Iskrip
2. Pinilakang Tabing
3. Cut
4. Musika
5. Derek
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng iba pang mga salitang ginagamit sa isang pelikula. Isulat ito sa isang kalahating
papel.

Inihanda ni:

RONA GRACE D. DORILLO


BSED- FILIPINO 4

You might also like