Professional Documents
Culture Documents
https://youtu.be/sHevyiFBTSg?si=yUkwq_EDZeVcGDD8
https://www.slideshare.net/MissAnSerat/dokumentaryong-pampelikula-238880915
III. Pamamaran
2. Pagbati
Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po Binibining Grace.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabalik Aral
2.Paganyak
Papangkatin ko kayo sa dalawang grupo, ang
unang grupo ay dito samantalang ang isa ay dito Opo Ma’am
naman.
Mayroon akong mga larawan dito na ipapakita,
ang gagawin niyo lamang ay tukuyin o alamin
kung ano ang titulo ng mga pelikula ito gamit ang
mga salitang inyong nakikita na aking ipinaskil sa
pisara. Ilagay niyo lamang sa ilalim ng mga
larawan ang sa tingin niyo ang tamang sagot.
Paunahan at ang may pinakamaraming tamang
sagot ay mayroong papremyo. Ang pamagat ng
larong ito ay “Maala ala mo kaya?”
Handa na ba kayo?
Opo Ma’am
Ang mga bata ay masayang nakilahok at sumagot.
3. Pagtatalakay
Ang pelikula, kilala rin bilang sine at pinilakang Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa diskusyon.
tabing, ay isang larangan na sinasakop ang mga
gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng
sining o bilang bahagi ng industriya ng libangan.
Samantalang ang Dokumentaryo ay tungkol sa
katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at
sa lipunan. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan
at korapsyon, problema sa edukasyon at suliraning
pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.
Pangunahing layunin ng Dokumentaryong
Pampelikula ang magbigay-impormasyon,
manghikayat, at magpamulat ng mga kaisipan
tungo sa kamalayang panlipunan. Isa itong
ekspresiyong biswal na nagtatampok ng
katotohanan sa buhay ng mga tao at sa lipunang
ginagalawan. Ang isa pa sa pangunahing
instrumento sa pagtataguyod nito ay ang
integrasyon at paggamit ng ICT o information and
Communication Technology upang lalo pang
mapalaganap ang ganitong mga akdang
pampanitikan.
Magaling! Bigyan natin ng ang galing clap ang Ang mga mag-aaral ay nagsagawa n gang galing
inyong kaklase. clap.
May iba pa bang sagot bukod dyan? Ang pelikula po ay pinagbibidahan ng mga artista
o di kaya ay mga taong magaling umarte.
Tama.
Ano naman para sa inyo ang dokumentaryong Ang dokementaryong pampelikula ay mga
pampelikula? palabas na kung saan ay tumatalakay sa mga
panlipunang problema at ito po ay nakabatay sa
totoong kwento o storya, o nararanasan ng tao.
Mahusay! Bigyan natin siya nga good job clap Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng good job
clap.
Sa puntong ito ay may ipapanood ako sa inyong Ang mga mag-aaral ay masinsinang nanonood sa
isang dokumentaryong pelikula at pinamagatan palabas.
itong “Titser Annie”
C. Pangwakas na Gawain
1. Aktibiti
Gayong naintindihan ninyo ang pinanood na Ang mga mag-aaral ay masayang nakikilahok
dokumentaryong pelikula. Papangkatin ko kayo sa
dalawang grupo. Ang gagawin niyo lamang ay
ilalahad niyo lamang ang inyong sariling pananaw
o opinyon sa anumang sitwasyon o larawan na
aking ipinaskil sa manila paper. Bibigyan ko
lamang kayo ng 5 minuto para sagutan ang
gawain.
Unang grupo Masiglang nakilahok ang lahat sa pangkatang
gawain.
Ikalawang grupo:
Bigyan natin ang masigabong palakpak ang bawat Nagpalakpakan ang mga mag-aaral.
isa dahil ang lahat ay nakilahok sa isinagawang
aktibiti.
2. Analisis
Kung kayo ang nasa sitwasyon ni Titser Annie Para po sa akin Ma’am, opo dahil
gagawin niyo rin ba ang kanyang ginawang nangangailangan po sila ng tulong at para na rin
pagsasakripisyo para sa mga mag-aaral ng Tribu po maturuan ang mga bata sa mga liblib na lugar.
Mangyan?
3. Abstrakyon
Alam ko na may mga kaalaman na kayo tungkol Para po sa akin Ma’am, kaya po tayo ay nag-aaral
sa ating tinalakay ngayong araw, para sa inyo ano ng dokumentaryong pelikula dahil para po tayo ay
ang ambag ng dokumentaryong pelikula sa atin magkaroon nga karagdagang kaalaman tungkol sa
bilang Filipino? Bakit kailangan natin silang pag- nangyayari sa ating lipunan at upang mamulat po
aralan? tayo sa kung ano mga nararanasan ng iba nating
Ikaw Hanelyn. mga kapwa Pilipino. Sa pamamagitan din nito ay
nagkakaroon po tayo ng leksyon na dapat tayo ay
mas mapagpasalamat sa kung ano ang ating mga
biyayang natatanggap dahil may mga tao pang
mas nahihirapan kaysa sa kung ano ang hirap na
nararanasan natin.
Maraming salamat Hanelyn. Bigyan naman natin Binigyan ng wow clap si Roselyn.
ng wow clap si Hanelyn.
4. Aplikasyon
Bumuo ng isang minutong skit na may Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng gawain.
kaparehong tema/ paksa sa dokumentaryong
pampelikulang napanood. (Titser Annie)
IV. Ebalwasyon
Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ang_________, kilala rin bilang sine at pinilakang tabing.
a. dokumentaryo c. dokumentaryong pelikula
b. pelikula d. palabas
2. Karaniwang nakatuon ang dokumentaryo sa _________at korapsyon, problema sa edukasyon at
suliraning pang-ekonomiya at sa mga katiwalian.
a. kalagayan c. kahirapan
b. karangyaan d. politika
3. Ito ay tumatalakay tungkol sa katotohanan at realidad na pangyayari sa buhay at sa lipunan.
a. dokumentaryo c. dokumentaryong pelikula
b. pelikula d. kahirapan
4. Mahalagang pag-aralan ang dokumentaryong pelikula, maliban sa isa.
a. Upang mamulat sa mga nangyayari sa ating lipunan.
b. Dahil maaari itong kapupulutan ng aral
c. Wala itong mabuting maidudulot sa atin
d. nakapabibigay ito ng impormasyon.
5. Saan natin maaaring makita o mapanood ang mga dokumentaryong pelikula, maliban sa isa.
a. telebisyon
b. social media
c. libro
d. korte
V. Takdang Aralin
Inihanda ni: