You are on page 1of 6

Banghay Aralin sa Filipino

Para sa Ika-Walong Baitang


I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Nasusuri ang hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan ayon sa binasang mga
impormasyon – F8Pb-IIIi-j-33 at;
Naipapaliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan –
F8PT-IIii-j-33
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Kampanyang Panlipunan
B. Kagamitan: manila paper at pentel pen
C. Sanggunian: Filipino -8-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.1

III. Pamamaran

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago tayo magsimula, maaari bang magsitayo ang lahat Magsisitayo ang mga mag- aaral para sa
para sa isang maikling panalangin. isang maikling panalangin.

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na


ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po kami sa
mga gawain na aming gagawin sa araw na ito. Sana po ay
gabayan mo din po ang aming guro na siyang magtuturo sa
amin. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga Klas! Magandang umaga din po Binibining
Grace.

Bago kayo magsiupo ay maaari niyo muna bang tignan ang Opo, binibini.
ilalim ng inyong upuan kung ito ay may mga kalat.

Tapos na ba Klas?

Kung gayon maaari na kayong magsiupo Opo, binibini.

3. Pagtala ng mga Lumiban


Bago tayo magpatuloy ay magtatala muna ako ng mga liban Maraming salamat po.
sa klase. Kapag tinawag ko ang inyong pangalan ay sabihin
niyong narito po.
Isa-isa nang tatawagin ng guro ang mga pangalan ng mag- Opo ma’am.
aaaral para maitala ang narito at ang mga liban sa klase.

Mabuti naman at walang liban sa ngayong araw.

Sa aking pagtatalakay ay mayroon lamang akong tatlong


alituntunin na kailangan ninyong sundin.
1. Makinig sa diskasyon.
2. Huwag lumabas sa silid habang ang guro ay
nagtatalakay.
3. Mangyaring huwag makipag-usap sa katabi.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagbabalik Aral

Sa nakaraang diskasyon natin sino dito ang may mga Ang mga mag-aaral ay nagtataas ng
natutunan? Maaari bang magtaas ng kamay kung sino ang kamay.
may natutunan?

Sige nga kung talagang may natutunan kayo ay Ang tinalakay po natin ay tungkol sa
magtatanong ako patungkol sa ating tinalakay noong suring-pelikula at ang mga dapat
nakaraang diskasyon. isaalang-alang sa pagsusuring pelikula
gamit ang mga kahusayang gramatikal.

Magaling! Ano pa ang inyong natunanan maliban sa Ang dapat na isaalang-alang po ma’am
isinagot ng inyong kaklase? ay ang paggamit ng tamang bantas,
tamang pagbaybay at ang
pagkakaugnay-ugnay ng pangungusap.
Magaling Klas! Tunay ngang nakinig kayo sa ating
nakaraang diskasyon.

2.Paganyak
May inihanda ako ritong nakascramble na salita na kung Opo Ma’am
saan ay aayusin niyo ito upang mabuo niyo nang tama ang
salita. Naiintindihan lang ba klas?

CIALSO NESSAWARE PAIGNCAM Ang mga bata ay masayang nakilahok at


sumagot.
Magaling! Lahat ay inyong nasagutan ng tama,
Ano ang napansin niyo sa ginawa nating aktibidad? Napansin ko po na ang ito ay katulad sa
Para sayo Francine, ano ang kinalaman ng ating ginawang mga nakikita namin sa kalsada o di kaya
aktibidad sa ating tatalakayin sa araw na ito? sa barangay hall po.

Tumpak! Ito ay may kinalaman sa ating aralin sa ngayong Sa tingin ko po ay tungkol sa babala.
araw. Sa tingin ninyo, ano ang ating magiging aralin sa
araw na ito Rodney?
Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa social
awareness campaign o kampanyang panlipunan.

3. Pagtatalakay
Kampanyang Panlipunan (Social Awareness Campaign) Ang mga mag-aaral ay nakikinig sa
Ang pagsasagawa ng isang kampanyang panlipunan o diskusyon.
social awareness campaign ay isang instrumento sa
pagpapalaganap ng bagong impormasyon o adbokasiya ng
pamahalaan sa pribadong institusyon, at sa iba‘t ibang
samahan o organisasyon. Isa sa hangarin ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) ay magkaroon ng
kamulatan ang publiko sa anomang produkto at adbokasiya
ng iba’t ibang organisasyon.
Upang maging mabisa at matagumpay ang isang
kampanyang panlipunan (social awareness campaign),
narito ang ilang paalala:
1. Pagkakaroon ng malawak na suporta Kailangang
magkaroon ng sistema sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng grupo ng mga iskolar,
mambabatas, propesyonal, media, estudyante, opisyal ng
mga komunidad at iba pang organisasyon upang maging
matagumpay ang isasagawang pangangampanya sa isyung
panlipunang ipinaglalaban. Kung walang suportang
manggagaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan, mawawalan
ng saysay o kabuluhan ang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign).
2. Pagsasagawa ng iba’t ibang gawain
Kailangang maiparating sa publiko ang mensaheng
kampanya sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan. Maaaring
isagawa ito sa pamamagitan ng paggawa ng poster,
postcard, at iba pang kampanya sa media, pagsasagawa ng
protesta, paggawa ng petisyon, pagbigkas ng talumpati,
paglikha ng informational flyers, pagtatanghal ng
konsiyerto, dulang panlansangan, pagsasagawa ng
pananaliksik at personal na testimonya.
3. Kawastuan at kalinawan ng mensahe
Kailangang maikli, malinaw, angkop ang mga salitang
ginamit at malakas ang dating ng mensahe upang mapakilos
ang publiko sa adbokasiyang ipinaglalaban. Kailangang
maging malikhain din sa pagpapahayag ng mensahe upang
makatawag-pansin ang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) sa publiko.
Narito ang ilang hakbang kung paano sisimulan o
gagawin ang kampanyang panlipunan.
1. Pagpasiyahan muna ang adbokasiyang ipaglalaban o
ikakampanya.
2. Pagplanuhan kung paano ipahahayag ang mensahe ng
kampanya na ipapahatid sa publiko, ang pagbibigay ng
impormasyon, epekto nito, at ang panganib na dulot nito sa
tao.
3. Magsaliksik ng sinabi ng mga eksperto o mga salawikain
na magagamit sa pagbibigay ng mensahe.
4. Makatutulong nang malaki ang paglalagay ng larawan o
simbolo dahil kung minsan, mas malakas ang dating nito sa
publiko kaysa paggamit ng mga salita.
5. Pag-aralang mabuti ang disenyo ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign) dahil nakaaakit sa
mambabasa ang magandang ayos o layout nito.
6. Gumamit ng iba’t ibang estratehiya sa pangangampanya
tulad ng pamumudmod ng maliliit na polyeto, paggawa ng
malaki at makulay na poster, paglikha ng mga flyer, at iba
pa.
7. Isaalang-alang ang tamang panahon sa pagsasagawa ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign).
Halimbawa: a. Pangangampanya sa pagpapalaganap ng
wikang Filipino – buwan ng Agosto b. Pangangampanya sa
pag-iwas sa sunog – buwan ng Marso c. Pangangampanya
sa pagdating ng bagyo – buwan ng Hunyo at Hulyo
8. Humingi ng permiso sa may-ari o nangangasiwa ng lugar
o pampublikong lugar na pagkakabitan ng poster, babala o
paunawa sa kampanyang panlipunan (social awareness
campaign).
9. Pumili ng mahusay na tagapagsalitang magbibigay ng
mga impormasyon, epekto at sanhi na dulot ng isyung
ipinaglalaban kung mangangampanya sa iba’t ibang lugar
10.Makatutulong din ang paggamit ng mga angkop na mga
komunikatibong pahayag sa pagbuo ng kampanyang
panlipunan (social awareness campaign).

Naiintindihan lang ba ang tinalakay natin ngayon klas?

C. Pangwakas na Gawain
1. Aktibiti
Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo.
Pantuo: Pumili sa kahon ng mga salitang angkop na gamitin
sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (social
awareness campaign) tungkol sa pagpapaaganap ng maling
impormasyon o fake news at ilagay ito sa hiwalay sa manila
paper na aking inihanda.
Naiintindihan lang ba klas?
Opo Ma’am

tumakbo lehitimo magsaliksik

impormasyon kalituhan lumikas


Ang mga mag-aaral ay masayang
pagputok lindol impake nakikilahok

Tapos na ba Klas? Kung tapos na ay ipaskil na sa pisara.


Opo Ma’am

Bigyan natin ang masigabong palakpak ang bawat isa dahil


ang lahat ay nakilahok sa isinagawang aktibiti. Nagsagawa ng palakpak

2. Analisis
Kung kayo ang gagawa ng isang social campaign awareness
tungkol sa ano ito at bakit? Para po sa akin Ma’am tungkol po sa
init na ating nararanasan sa ngayong
panahon para po makaiwas ang mga tao
sa init na dulot ng panahon at upang
Maraming salamat sa iyong kasagutan Jimboy. magkaroon po ng kaalaman ang lahat.

3. Abstrakyon
Alam ko na may mga kaalaman na kayo tungkol sa ating
tinalakay ngayong araw, para sa inyo ano ang ambag ng Sa pamamagitan po ng social awareness
social awareness campaign sa atin bilang Filipino? Bakit campaign ay nagkakaroon po ng
kailangan natin silang pag-aralan? kaalaman ang mga tao sa isang
Ikaw Hanelyn. particular na bagay katulad na lamang
po ng sa lindol. Sa pagkakaroon po ng
social awareness campaign tungkol sa
lindol ay mas magkakaroon po ang
taong bayan sa kung ano ang kanilang
gagawin sakaling magkaroon po ng
Magaling, tama klas. At dahil diyan ay bigyan natin ng lindol.
masigabong palakpak ang inyong kaklase. Binigyan ng wow clap ang kaklase.

4. Aplikasyon
Panuto: Suriin ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) ayon Ang mga mag-aaral ay nagsagawa ng
sa binasang mga impormasyon sa COVID 19 sa ibaba at gawain.
sagutin ang mga kaugnay na tanong. Isulat ang sagot sa
hiwalay na papel.

PANDEMYA
6Ms Mga Dapat Tandaan upang COVID-19 ay Maiwasan

1. Magsuot ng face mask at face shield sa mga


pampublikong lugar.
2. Maghugas ng kamay gamit ang sabon, sanitizer, o
alcohol.
3. Mag-disinfect ng mga gamit na madalas hawakan.
4. Mukha’y iwasang hawakan lalo na ang mata, ilong at
bibig.
5. Manatili sa bahay kung may sakit, kung wala sa age
bracket ang edad sa mga maaaring lumabas ng bahay at
kung walang importanteng gagawin sa labas.
6. Manatiling hindi kukulang sa 1 metro ang distansya mula
sa iba tuwing nasa labas ng bahay.
“Pagmamalasakit ay Kailangan upang COVID-19 ay
Maiwasan”

Mga Tanong: 1. Anong impormasyon ang ibinibigay ng


kampanyang ito?
2. Batay sa anyo ng kapamyang panlipunan (social
awareness campaign) sa itaas, ano-anong pamamaraan ang
ginamit sa pagbuo nito?
3. Ano ang iyong puna o reaksyon tungkol sa paksang
tinalakay? PANDEMYA 6Ms Mga Dapat Tandaan upang
COVID-19 ay Maiwasan 11
4. Naaangkop ba ang mga salitang ginamit sa pagbuo ng
kampanyang panlipunan (social awareness campaign) na
ito?
5. Paano makatutulong ang kampanyang panlipunang
(social awareness campaign) tulad nito sa mga tao?

IV. Ebalwasyon
Tukuyin at Ipaliwanag Mo
Panuto: Ipaliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan
(social awareness campaign) sa mga pangungusap na may salungguhit. Piliin sa loob ng kahon ang sagot
at isulat ito sa hiwalay na papel.
_____________1. Kung makapansin ng kakaiba sa dagat tulad ng biglang pagbaba ng tubig, kaagad
lumikas patungo sa mataas na lugar.
Paliwanag:___________________________________________________________________________.
_____________2. Itago ang posporo o lighter sa lugar na hindi maaabot ng mga bata.
Paliwanag:_________________________________________________________________________.
_____________3. Ayusin ang mga sirang bahagi ng inyong tahanan tulad ng bubong upang hindi ito
liparin ng malakas na hangin.
Paliwanag:_________________________________________________________________________.
_____________4. “Magtipid ng Tubig … Bawat Patak ay Mahalaga”
Paliwanag:________________________________________________________________________.
_____________5. “Huwag matapon ng basura sa ilog, dahil ang basurang itinapon mo ay babalik din sa
iyo.”
Paliwanag:________________________________________________________________________.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga pangyayari o insidente na karaniwang may social awareness campaign.

Inihanda ni:

RONA GRACE D. DORILLO


BSED- FILIPINO 4

You might also like