You are on page 1of 41

3

Modyul sa Mother Tongue


Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
3
Mother Tongue
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Angkop na Pahayag sa Pagbibigay
Reaksiyon sa mga Propaganda
Tungkol sa Paaralan at Pamayanan:
Gamitin
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Angkop na Pahayag sa Pagbibigay Reaksiyon sa mga
Propaganda Tungkol sa Paaralan at Pamayanan: Gamitin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM,CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Josielyne D.C. Acopra


Decie M. Moreno

Editor: Gilda D. Gutlay


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba at Maria Cristina H. Morillo
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)
Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

0
Alamin
Isang mapagpalang araw aking mag-aaral. Sa araw na ito ay may bagong paksang
ating pag-aaralan at pagyayamanin. Handa ka na bang pag-aralan ang mga ito?
Narito ang mga paksang tatalakayin sa araw na ito.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


• Paggamit ng mga pahayag na angkop sa baitang upang magbigay reaksiyon
sa mga propaganda tungkol sa paaralan, pamayanan, at iba pang lokal na
gawain
• Pagsagot sa mga tanong tungkol sa inilahad na propaganda tungkol sa
paaralan, pamayanan at iba pang lokal na gawain

Sa katapusan ng pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang:


1. Nakagagamit ng mga pahayag na angkop sa baitang upang magbigay
reaksiyon sa mga propaganda tungkol sa paaralan, pamayanan, at iba pang
lokal na gawain; at
Use expressions appropriate to the grade level to react to propaganda about
school, community, and other local activities (MT3OL-Iid-e-3.6)
2. Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa inilahad na propaganda tungkol sa
paaralan, pamayanan, at iba pang lokal na gawain.

Subukin
Bago mo tuklasin ang bagong aralin, titingnan muna natin kung ano na ang alam mo
ukol dito. Sagutin ang paunang pagsasanay na ito.
Panuto: Basahin at unawain ang pabatid. Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa
hinihingi ng bawat tanong.

Pagkain ng Masustansiya, Benepisyo para sa Lahat


Ang programa sa pagpapakain o feeding program sa mga mag-aaral ay
inilunsad sa aming paaralan. Ito ay isinasagawa mula Lunes hanggang Biyernes. Layunin
ng programang ito na matulungang madagdagan ang timbang ng mga batang hindi
akma sa kanilang edad dahil kakulangan sa nutrisyon. Ninanais nitong matutuhan ng
mga bata ang pagkain nang wasto, sapat, at tamang nutrisyon.
Kayat inaanyayahan ang lahat para bumili at kumain araw-araw ng
masusustansiyang pagkain sa ating kantina upang suportahan ang programang ito.
Nakatulong ka na sa iba upang mabawasan ang malnutrisyon sa ating paaralan at sa
pamayanan, naging malusog ka pa.
_____ 1. Sino ang kasali sa programang pagpapakain o feeding program?
A. Lahat ng mag-aaral
B. Lahat ng mga lalaking mag-aaral
C. Lahat ng mga babaeng mag-aaral
D. Lahat ng mga batang hindi akma ang timbang sa kanilang edad

_____ 2. Saan gaganapin ang pagpapakain sa mga mag-aaral?


A. sa tahanan C. sa simbahan
B. sa paaralan D. sa barangay hall

1
_____ 3. Ano ang gagawin ng mga batang mag-aaral na hindi kasali sa programa upang
sila’y makatulong?
A. Sila ay bibili ng sitsirya.
B. Sila ay bibili ng softdrinks.
C. Sila ay bibili ng masustansiyang pagkain.
D. Sila ay bibili ng laruan.

_____ 4. Kung ikaw ang papipiliin, bibili ka ba ng masustansiyang pagkain at bakit?


A. Opo, sapagkat ito ay masustansiya at makatutulong pa ako sa programa.
B. Hindi po, dahil ayoko ng masustansiyang pagkain.
C. Marahil po, kahit ayokong kumain ng masustansiyang pagkain ay
makatutulong ako kapag ako ay bumili.
D. Hindi ko po alam dahil ayoko pong sumali.

_____ 5. Ano ang iyong reaksiyon sa programang ito ng iyong paaralan?


A. Nanghihinayang ako sa mga gagastusin sa programang ito.
B. Nalulungkot ako dahil may mga batang kasali sa programang ito.
C. Natatakot ako para sa mga batang kasali sa programang ito.
D. Natutuwa ako dahil maganda ang programa ng paaralan para
sa kalusugan ng mga mag-aaral.

Angkop na Pahayag sa
Aralin
Pagbibigay Reaksiyon sa mga

1 Propaganda Tungkol sa Paaralan


at Pamayanan: Gamitin
Ang pagbibigay ng reaksiyon ay isang magandang gawain upang maipahayag mo
ang iyong nararamdaman sa isang bagay o usapin. Ninanais ng araling ito ang
paglinang sa iyong kakayahan at kasanayan sa pagbabahagi ng iyong kaisipan,
damdamin at mga puna sa mga nagaganap sa iyong paaralan, pamayanan at sa mga
lokal na gawain sa iyong barangay at lungsod. Alam kong kaya mo ito, kaya atin nang
umpisahan ang aralin sa linggong ito.

Balikan

Ano ang pagbibigay reaksiyon?


Ang pagbibigay ng reaksiyon ay paglalahad ng sariling
saloobin, pananaw o kaisipan hinggil sa isang paksa. Sa paglahad ng
reaksiyon sa mga impormasyon tungkol sa paaralan, pamayanan, at
iba pang lokal na gawain, kailangang maging mapanuri at maalam
kung tama ang mga impormasyong narinig o nabasa upang
maibahagi nang tama ang reaksiyon mo tungkol sa paksa.

2
Tuklasin

Alam mo ba?
Ang pagbibigay ng reaksiyon at angkop na pahayag sa mga propaganda ay
mainam na pagsasanay upang malinang ang ating pakikipagtalastasan at
komunikasyon. Ito man ay pasulat o pasalita. Sa pagpapahayag ng reaksiyon, tiyaking
maayos itong masasabi at nang may paggalang. Tiyakin din na nauunawaan ang isang
propaganda bago magbigay ng reaksiyon.
Ikaw ba ay mahilig makipagtalakayan? Ibinabahagi mo ba ang kaalaman o
ideya at damdamin sa isang bagay o paksa? Sa araling ito, masusubukan ang iyong
galing sa pagbabahagi ng reaksiyon sa isang paksa. Halika na at ating tuklasin ang aralin
sa linggong ito.
A. Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Upang
maibigay mo ang angkop na pahayag sa propaganda at tamang pagbabahagi,
sikaping unawain ang binasa. Kaya mo iyan!

Pamimigay ng mga School Supplies, Sinimulan Na!


Nagsimula nang mamigay at mamahagi ng mga School Supplies para sa
edukasyon ng mga mag-aaral ang lahat ng paaralan sa Makati na handog ng
Pamahalaang Lungsod at ng SDO-Makati. Ito ay mga kagamitang kakailanganin ng
mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ang Learning Kit ay naglalaman ng mga
kuwaderno, lapis, bolpen, papel, uniporme, sapatos, at iba pa. Dahil sa
pandemyang kinahaharap natin ngayon, nadagdagan pa ito ng libreng mga
modyul, OTG (On-the-go USB) at face mask na siyang kailangan para sa bagong
normal na paraan ng pag-aaral.
Sa pamamahagi ng mga ito sa paaralan, pinaalalahanan ang mga magulang
na kailangang sumunod pa rin sa mga pamantayang pangkalusugan para sa
kaligtasan ng lahat. Magsusuot sila ng face mask at face shield bilang proteksiyon
sa hindi nakikitang kalaban, ang Coronavirus. Magdadala rin sila ng sariling bolpen
at susundin ang social distancing para maiwasan ang posibleng paghahawaan.
Nagtalaga rin ng oras ng pagpunta ang bawat pangkat at baitang upang
malimitahan ang bilang ng tao sa loob ng paaralan. Ang pamimigay ng mga
libreng kagamitang ito ay di nangangahulugang libre na rin sa mga gawain ang
mga mag-aaral. Nakatulong ito nang malaki upang makabawas sa gastusin ng
pamilya ngunit may kaakibat na responsibilidad ito na pagbutihin ang iyong pag-
aaral bilang Batang Makatizen.

_____ 1. Sino ang makikinabang sa mga school supplies na ipinamigay?


A. mga matatanda C. mga sanggol
B. mga mag-aaral D. mga guro
_____ 2. Ayon sa binasang teksto, saan gaganapin ang pamimigay ng mga kagamitan
ng mga mag-aaral?
A. Barangay Hall C. paaralan
B. simbahan D. palengke
_____ 3. Ano ang masasabi mo tungkol sa pamimigay ng libreng kagamitan para sa
mga mag-aaral?
A. Ito ay napakalaking tulong sa mga mag-aaral at sa kanilang pamilya.
B. Sanay ang mga tao sa libreng mga kagamitang ipinamimigay ng
pamahalaang lokal.
C. Hindi ako sigurado kung mabuti o masama ang laging pagtanggap nang
libre.
D. Nanghihinayang ako sa mga libreng kagamitan na ipinamimigay sa mga
mag-aaral.
3
_____ 4. Sa pamamahagi ng mga ito sa paaralan, pinaalalahanan ang mga magulang
na kailangang sumunod pa rin sa mga safety protocols para sa kaligtasan ng
lahat. Ano ang angkop na reaksiyon sa pahayag?
A. Nalulungkot ako dahil kukuha na ng mga school supplies sa paaralan.
B. Nakatutuwang sinusunod ng mga kukuha ang mga pamantayang
pangkaligtasan.
C. Pwede namang kumuha kahit hindi sundin ang mga pamantayang
pangkaligtasan.
D. Hindi ako makikialam sa mga patakaran ng paaralan kung sino at paano
kukuha ng mga school supplies.
____ 5. Ang pamimigay ng mga libreng kagamitang ito ay di nangangahulugang libre
na rin sa mga gawain ang mga mag-aaral. Ano ang angkop na reaksiyon para
sa pahayag?
A. Hindi ko gustong magkaroon ng responsibilidad.
B. Nagugulat ako sa pagbibigay ng mga school supplies sa mga paaralan.
C. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag kinuha ko ang mga school
supplies.
D. Sumasang-ayon ako na may kaakibat na responsibilidad ang mga biyayang
natanggap at ito ay pag-aaral nang mabuti.
Naunawaan mo ba ang mensahe ng tekstong iyong nabasa? Nasagot mo
bang lahat nang tama ang mga tanong? Napili mo ba ang angkop na pahayag
para sa iyong reaksiyon sa propaganda? Magpatuloy tayo sa pagtalakay sa ating
aralin upang higit mo pa itong maunawaan.

Ano ang tawag sa mga nasa larawan?

Larawan hango sa DepEd Tayo:


https://www.facebook.com/SDOMakati/photos/a.1992854497693840/2249007322078555 Larawan hango sa DepEd Tayo: https://www.facebook.com/depedtayo/

Larawan hango sa DepEd Tayo: https://www.facebook.com/depedtayo/

Suriin

Pag-usapan natin ang paksa upang higit kang maliwanagan at matuto. Narito
ang isang grapikong pantulong upang mapadali ang pag-unawa mo rito. Tingnan ang
mga pagpapaliwanag sa aralin.
Ano ang nilalaman ng tekstong binasa? Ano naman ang nilalaman ng mga larawan?
Ang mga larawan at tekstong binasa mo ay naglalaman ng mga impormasyon
hinggil sa ginagawa ng mga paaralan, pamayanan, at mga lokal na gawain o ng isang
organisasyon o grupo ng mga tao. Ipinararating ng pamunuan ang mga impormasyon
at kaalamang ito sa pamamagitan ng isang infographics, patalastas o propaganda.

4
Ang propaganda ay isang uri ng patalastas, kabatiran, o komunikasyon na may
layuning maimpluwensiyahan ang asal ng isang pamayanan papunta sa isang layunin
o posisyon. Naglalaman ito ng anomang gawain, proyekto, hakbang, at programa ng
isang paaralan, samahan, at pamayanan para sa ikabubuti ng mga tao at kasaping
nasasakupan nito. Ginagamitan ito ng masistema o maparaang pagkakalat o
pagpapalaganap ng mga kaalaman at impormasyon. Ang propaganda ay
naghaharap o nagpapakita ng kabatirang nakaiimpluwensiya o nanghihikayat sa
madla na sumuporta sa magandang layunin ng gawain o proyekto. Ito ay halos katulad
din ng isang anunsiyo o patalastas.
Ano ang maaaring maging reaksiyon mo sa mga propaganda?
panghihinayang
pagsang-ayon

Reaksiyon sa Pagtanggap o
pagsalungat pagkatuwa
Propaganda
di-pagtanggap

Iba pang reaksiyon


pagkalungkot o pagkadismaya

Pagyamanin
Gawain 1 Reaksiyon Mo.....Ibigay Mo!

Pamilyar ka ba sa mga propaganda o patalastas sa inyong paaralan at komunidad?


Ano-ano ang mga ito? Kilalanin ang mga ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Larawan hango sa : http://www.findglocal.com/PH/Makati/393523894181601/Nemesio-I-


Yabut-Elementary-School

1. Tungkol saan ang larawan? 1. Tungkol saan ang larawan?


_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

2. Ano ang naramdaman mo habang 2. Ano ang naramdaman mo habang


binabasa ang mensahe ng larawan? binabasa ang mensahe ng larawan?
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

3. Mula sa naramdaman mo, sumulat ng 3. Mula sa naramdaman mo, sumulat ng


reaksiyon hinggil sa larawan. reakisyon hinggil sa larawan.
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
5
Larawan hango sa : http://www.findglocal.com/PH/Makati/393523894181601/Nemesio-I-
Yabut-Elementary-School

1. Tungkol saan ang larawan? 1. Tungkol saan ang larawan?

_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

2. Ano ang naramdaman mo habang 2. Ano ang naramdaman mo habang


binabasa ang mensahe ng larawan? binabasa ang mensahe ng larawan?

_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

3. Mula sa naramdaman mo, sumulat ng 3. Mula sa naramdaman mo, sumulat ng


reaksiyon hinggil sa larawan. reaksiyon hinggil sa larawan.

_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

Gawain 2 E-React Mo!


Mula sa mga propagandang larawan, magbigay ng sariling reaksiyon ukol sa mga ito.
Sagutin ang mga gabay na tanong.

6
1. Tungkol saan ang unang larawan? _______________________________________

2. Tungkol saan ang ikalawang larawan? _______________________________________

3. Ano ang naramdaman mo habang _______________________________________


binabasa ang mensaheng isinasaad _______________________________________
ng unang larawan? ng ikalawang larawan? _______________________________________

4. Ano ang mabubuo mong reaksiyon mula _______________________________________


sa mga mensaheng ipinahihiwatig ng mga _______________________________________
larawan? _______________________________________
___________________________________________
___________________________________________

Isaisip

Pagnilayan:
Ano ang propaganda?
Ano-ano ang mga layunin nito?
Sino-sino ang mga kalahok dito?
Saan at kailan ito nagaganap?
Bakit dapat makilahok ang mga kasapi sa programa?
Paano ka magbibigay ng reaksiyon sa mga propaganda o
programang ipinapatupad ng paaralan,pamayanan at lokal
https://pngimg.com/image/62459 na mga gawain sa barangay at lungsod?

Isagawa
Matapos mong tuklasin ang mga kaalaman at kasanayang dapat malinang sa modyul
na ito, ipagpatuloy pa ang pagpapalawak ng kasanayan. Handa ka na ba?

Gawain: Ibigay ang damdamin o reaksiyon mo sa sumusunod na mga larawan. Iguhit


sa kahon ang simbulo ng napiling damdamin o reaksiyon.

pagsang-ayon- pagsalungat- pagkatuwa- pagkalungkot-

7
Tayahin

Gawain 1: Basahin at unawain ang teksto o larawan. Bilugan ang letra ng tamang sagot
ayon sa hinihingi ng mga tanong.

FEEDING PROGRAM SA MGA 1. Tungkol saan ang binasang propaganda?


A. pagsugpo sa Dengue sa mga paaralan
PAARALAN,
Makiisa IPATUTUPAD!
at suportahan ang B. pagreresiklo ng mga lumang gamit sa
programang pangkalusugang paaralan
ito ng mga paaralan! C. programang pangkalusugan sa mga
paaralan
Gulayan sa paaralan,
D. programang pangkalinisan sa mga
palakasin…paigtingin! paaralan
Kalusugan ng mga mag-aaral, 2. Makiisa at suportahan ang programang
sa paarala’y mithiin. pangkalusugang ito ng mga paaralan! Ano
Ano pa ang hinihintay? ang angkop na reaksiyon para sa pahayag
Bayanihan sa paaralan, na ito sa propaganda?
A. Natatakot ako sa feeding program sa
feeding program
paaralan
isakatuparan, pairalin!
B. Natutuwa ako sa pagpapatupad ng
feeding program
C. Nalulungkot ako sa pagpapatupad ng
feeding program
D. Nagagalit ako sa pagpapatupad ng
feeding program
3. Gulayan sa paaralan, palakasin…paigtingin! Kalusugan ng mga mag-aaral, sa
paarala’y mithiin. Alin sa sumusunod ang angkop na reaksiyon para sa pahayag na
ito?
A. Nalulungkot ako sa mithiin ng paaralan para sa mga mag-aaral.
B. Nanghihinayang ako sa gagastusin ng paaralan para sa programa.
C. Nadidismaya ako sa kahihinatnan ng programang ito sa mga paaralan.
D. Natutuwa ako sa mithiin ng programa para sa kalusugan ng mga mag-aaral.
4. Ayon sa poster, isa sa alternatibong gawain
ngayong weekend ay “Magbasa ng iyong
paboritong libro.” Ano ang angkop na
reaksiyon para sa naitimang pahayag?
A. Hindi ako sang-ayon sa pagbabasa ng
libro dahil nakakapagod ito.
B. Sang-ayon ako sa pagbabasa ng libro
dahil lalawak ang aking kaalaman.
C. Nalulungkot ako sa pagbabasa ng libro
dahil maraming pahina ang babasahin.
D. Naiinis akong magbasa ng libro dahil hindi
naman ako ang may gusto nito.
5. Lahat ay angkop na reaksiyon para sa
propaganda ng Kagawaran ng Edukasyon,
maliban sa isa, alin ito?
A. Nakapapagod magluto.
B. Nakasisigla ang mag-ehersisyo.
C. Masaya ang gumawa ng gawaing
bahay.
D. Nakalulugod sa magulang ang magsanay
sa talento.

8
3
Mother Tongue
Ikalawang Markahan – Modyul 6:
Metapora o Pagwawangis sa mga
Pangungusap: Kilalanin Mo!
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Metapora o Pagwawangis sa mga Pangungusap:
Kilalanin Mo!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Carmelita M. Cruz

Editor: Gilda D. Gutlay at Maria Cristina H. Morillo


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

0
Alamin

Magandang araw sa iyo mahal kong mag-aaral! Ang susunod na mga pahina ay
magbibigay muli ng dagdag kaalaman sa iyo. Ang mga matututuhan mo ay
magagamit mo sa malinaw na pakikipag-usap, pasalita o pasulat man. Sa araling ito,
may bago kang kaalaman at kasanayang matututuhan. Narito ang mga paksang pag-
aaralan mo sa araw na ito. Handa ka na bang tuklasin ito?

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


• Pagtukoy sa kahulugan ng metapora o pagwawangis
• Pagkilala sa metapora o pagwawangis na mga pahayag na ginamit sa
pangungusap

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Natutukoy ang kahulugan ng metapora o pagwawangis; at
2. Nakikilala ang metapora o pagwawangis sa pangungusap
(Identifies Metaphor)

Subukin
Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, tingnan muna natin kung ano na ang alam mo sa
bago nating aralin. Gawin ang pagsasanay na ito.

Panuto: Basahin at unawain ang piling bahagi ng isang tula. Bilugan ang letra ng tamang
sagot ayon sa hinihingi ng bawat aytem.

Isang araw, sa aking paggising


Aking nasilayan pagsikat ng araw

Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati


Tila isang dalagang mayumi

Aking mga tanim ay agad nagsilaki


Kawangis ng isang higanteng kaylaki

Kay gandang tingnan halamang luntian


Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan

Ang hardin ko ay aking pinggan


Na nagpapalusog sa aking katawan
Halaw sa: Hardin Ko, Pinggan Ko, ni Flor R. Matic, Kagamitan ng Mag-aaral sa Mother Tongue

1. Ano ang naramdaman ng nagsasalaysay sa kaniyang paggising?


A. nalulungkot B. nasisiyahan C. nagagalit D. natatakot
2. Ano ang kaniyang nakita?
A. pagsikat ng araw C. pagsilip ng buwan
B. paglubog ng araw D. pagbagsak ng ulan
3. Saan inihalintulad ang mga halamang luntian?
A. araw B. dalaga C. bituin D. pinggan

1
4. Saan inihalintulad ang hardin?
A. araw B. dalaga C. bituin D. pinggan
5. Anong uri ng tayutay ang tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na
pinagtutulad?
A. Simile C. personipikasyon
B. Metapora D. pagmamalabis

Nakuha mo bang lahat ang tamang sagot? Kung hindi, huwag kang mag-alala. Mas
lalawak pa ang kaalaman mo sa bago nating paksa. Ipagpatuloy ang iyong pag-aaral.

Aralin Metapora o Pagwawangis sa

1 mga Pangungusap:
Kilalanin Mo!
Ang tayutay (figure of speech sa Ingles) ay mga salita o pahayag na ginagamit upang
bigyang-diin ang mga kaisipan o damdamin sa pamamagitan ng mga mabisa,
matalinghaga, makulay, at kaakit-akit na mga pananalita. Isa ito sa elementong
nagpaparikit sa isang tula o talata. Ngayon ay aalamin mo ang isang uri ng tayutay, ang
metapora. Ang mga kasanayang malilinang sa modyul na ito ay magpapalawak ng
iyong kasanayan at karanasan sa pakikipagtalastasan. Simulan na ang pagtuklas sa
aralin.

Balikan

Pagnilayan…
Ano ang pagbibigay-reaksiyon?
Paano ginagamit ang pagbibigay-reaksiyon sa mga
impormasyong nakasaad sa mga propaganda?
Bakit kailangang magbigay ng sariling reaksiyon sa mga
nababasang impormasyong isinasaad ng mga propaganda ng
paaralan, pamayanan, at mga lokal na gawain?
https://pngimg.com/image/62459

Bago tuluyang talakayin ang bagong aralin, balikan ang dating kaalaman hinggil sa
tayutay na simile.

Basahin ang liriko ng awitin:

Kundiman
Silent Sanctuary

Para kang asukal Kaya't wag magtataka


Sintamis mong magmahal Kung bakit ayaw kitang maawala
Para kang pintura Kung hindi man tayo hanggang dulo
Buhay ko ikaw ang nagpinta Wag mong kalimutan
Para kang unan Nandito lang ako
Pinapainit mo ang aking tiyan Laging umaalalay
Para kang kumot na yumayakap Hindi ako lalayo
Sa tuwing ako'y nalulungkot Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw

2
Ang Simile ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang
magkaibang bagay, tao, pangyayari, at iba pa. Ang
paghahalintulad ay ginagamitan ng mga salitang tulad ng,
paris ng, parang, sing-, magkasing-, at iba pa.

Isulat ang mga halimbawang pangungusap na mayroong simile mula sa awiting


Kundiman.

Mga halimbawa ng Simile

1
________________________________________

2 ________________________________________

3 ________________________________________

4
________________________________________

Isa sa mga kasanayang mahalagang matamo o matutuhan ay ang paggamit ng


tayutay sa pagsusulat ng pangungusap. Ito ay nagbibigay buhay sa mga bagay at
nagbibigay-kulay sa isang pangungusap, talata, tula o kuwento. Nararapat na alam mo
ang iba’t ibang tayutay na maaaring magamit sa pagsulat ng pangungusap at sa
araling ito ay kikilalanin mo ang metapora. Maaaring sangguniin ang bariralang Filipino
o mga patnubay sa pagkilala at pagsusulat ng metapora sa pangungusap sa link na ito
sa tulong ng mga magulang: https://philnews.ph/2020/03/21/halimbawa-ng-metapora-
mga-halimbawa-at-kahulugan/

Tuklasin
Ang mga Pilipino ay magagaling sa larangan ng pag-awit. Mahilig ka rin bang umawit?
Ano - anong mga awiting Tagalog ang alam mo? Sino-sino ang paborito mong mang-
aawit sa ating bansa? Paano mo magagamit ang mga kaalaman mo kung sakaling
pasusulatin ka ng isa sa mga babasahin mong bahagi ng tula, akda o awitin ngayon?
Magpatuloy ka sa iyong pag-aaral at tuklasin kung ano-ano ang isinasaad ng mga
tanong na ito. Tara na! Tuklasin natin ang bagong kaalaman sa araw na ito. Pag-aralan
ang mga awit sa ibaba.

Ang ningning ng mga tala’y Ngunit ang kabataan daw ay kayamanan


nakikita ko sa ’yong mga mata 'Wag daw basta't itapon at pababayaan
Tala, tala, tala… Kaya magsikap tayo habang may panahon at
Ang ningning ng iyong mga mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan
mata’y hinahanap ko sa mga (Blue jeans)
tala Sige, sige, sige kayod sa 'skwela at balang
Tala - Sarah Geronimo araw makikita n'yo…
Blue Jeans, Apo Hiking Society

3
Ikaw ang araw sa tag-ulan Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko
At sa maulap kong umaga Ilang beses ko ba namang sasabihin sa iyo.
Walang sagot sa tanong, Sa piling mo’y tanggal ang lumbay
Kung bakit ka mahalaga Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko...
Walang papantay sa'yo, Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko
Walang sagot sa tanong... - Hotdog
Sila - SUD

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo


Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw...
Mundo- IV of Spades

Suriin
Nagustuhan mo ba ang mga inilahad na liriko ng piling mga awitin? Sumabay ka
ba sa pag-awit? Talakayin natin ang bawat isa upang higit mo itong maunawaan at
mapahalagahan. Suriin natin ang aralin sa tulong ng mga grapikong pantulong.
Ang halimbawang liriko ng awitin ay nagpapakita ng tayutay na metapora. Ano
ba ang isang metapora?
Naririto sa tsart ang mga halimbawang pangungusap na ginamitan ng metapora.
Basahin at unawain ang bawat halimbawa.

Mga Halimbawa ng Metapora Direktang Pagwawangis

Ang ningning ng mga tala’y nakikita ko Tuwirang paghambing sa ningning ng


sa’yong mga mata. isang tala sa kislap ng mata ng isang tao
Ang kabataan ay kayamanan.
Tuwirang paghambing sa mga kabataan
'Wag daw basta't itapon at
bilang kayamanan
pababayaan.
Direktang pagwawangis sa isang tao
bilang Miss Universe dahil sa natatanging
Ikaw ang Miss Universe ng buhay ko.
katangiang taglay niya
Tuwirang paghambing sa isang tao sa
Ikaw ang araw sa tag-ulan
isang maningning na araw at maaliwalas
at sa maulap kong umaga.
na umaga
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at Direktang pagwawangis ng kaniyang
mundo. minamahal bilang tahanan at mundo
niya

Narito pa ang ibang


Kay gandang halimbawa ng metapora
tingnan Ang hardin ko ay
halamang luntian aking pinggan
Bituin sa paningin na Na nagpapalusog sa
kaysarap pagmasdan. aking katawan.

Si Nanay ang Si Tatay ang


ilaw ng haligi
ating tahanan. ng tahanan.

4
Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Tukuyin ang dalawang bagay
na direktang pinaghambing. Isulat mo ito sa loob ng larawan.

1. Ang frontliners ay mga anghel sa


panahon ng pandemya.

________________________________
________________________________
________________________________ Image: freepik.com Image: freepik.com

2. Hulog ng langit ang ayudang


natanggap namin dito sa
Makati City.

_______________________________
_______________________________
_______________________________ Image: freepik.com Image: freepik.com

3. Ang COVID-19 ay tinik sa landas


ng kasalukuyang panahon.

______________________________
______________________________
______________________________

Image: freepik.com

4. Edukasyon ang susi sa kaunlaran


ng mga kabataan.

______________________________
______________________________
_______________________________

5
5. Bayanihan ang pananggang
pinapiiral sa bansa ko ngayon.

_____________________________
_____________________________
_____________________________
Image: freepik.com

Gawain 2 Halina’t Umawit!

Panuto: Basahin ang bahagi ng awitin. Tukuyin ang metaporang ginamit. Isulat mo ito
sa loob ng headphone.

Ako'y isang sirena Metapora


1.
Kahit ano'ng sabihin nila,
ako ay ubod ng ganda
Ako'y isang sirena
Kahit anong gawin nila,
bandera ko'y 'di tutumba
Sirena, Bloc9

Metapora
2.
Ako si Darna, ako ang d'yosa
Ako ang talang nagniningning sa
kalangitan
Ako si Wonder Woman, ako ang
superstar
Akin ang sandali, ako ang reyna ng gabi
Time In, Yeng Constantino

Ako'y alipin ng pag-ibig mo Metapora


Handang ibigin ang 'sang tulad mo 3.
Hangga't ang puso mo'y sa akin lang
Hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim
At ang liwanag ng mga bituin

Bulong, December Avenue

6
Isaisip
PAGNILAYAN:
- Bakit mahalagang malinang ang ating kasanayan sa paggamit ng
mga tayutay tulad ng metapora?
- Ano ang maidudulot ng paggamit ng metapora sa pagsusulat natin
ng mga pangungusap o talata?

TANDAAN:
- Ang metapora o pagwawangis ay isang tayutay na tuwirang
naghahambing ng dalawang bagay na pinagtutulad.
- Ito ay direktang pagwawangis at walang mga panandang salitang
ginagamit.
- Ito ay nagbibigay buhay sa mga bagay at nagbibigay kulay sa isang
pangungusap, talata o kuwento.
https://pngimg.com/image/62459

Isagawa

Gawain 1: Guguhitan o Kukulayan?

Panuto: Gumuhit ng sa loob ng kahon kung ang pangungusap ay ginamitan ng


metapora. Kulayan ng pula ang kahon kung hindi ginamitan ng metapora o
pagwawangis.

1. Palaging tatandaan na ang kalusugan ay kayamanan.

2. Ang sigarilyo ay matinding lason sa ating mga baga.

3. Tama ang sabi ni Nanay, kagat ng langgam ang naramdaman ko sa


turok ng Flu vaccine kanina.

4. Kasing-init ng pugon ang mga lansangan tuwing tag-init sa Pilipinas.

5. Tayo ay mga tupa at ang Diyos ang ating pastol.

Gawain 2 Makikita Mo Kaya? Game!

Panuto: Hanapin at ikahon ang pangungusap na ginamitan ng metapora o


pagwawangis.

1. Ikaw ang pag-ibig na binigay sa akin ng Maykapal,


Biyaya ka sa buhay ko. Ligaya't pag-ibig ko'y ikaw
(Ikaw- Yeng Constantino)

7
2. ‘Wag ka nang umiyak, sa mundong pabago-bago
Pag-ibig ko ay totoo.
Ako ang iyong bangka.
Kung magalit man ang alon ng panahon, sabay tayong aahon
Kung wala ka nang maintindihan, kung wala ka nang makapitan
Kapit ka sa akin, kapit ka sa akin hindi kita bibitawan
(Wag Ka nang Umiyak, Gary V)

3. Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo at
Ang kamay nila ang iyong ilaw.
(Anak, Freddie Aguilar)

4. Ikaw ang hanging nagdala sa akin sa mga bituin


Pangarap ko ay ang pangarap mo
Iaalay sa iyong siyang unang nagbigay
Ng tiwala't pagmamahal na walang kapalit
(Pangarap Kong Pangarap Mo, Zephanie)

5. Pilipinas kong minumutya,


Pugad ng luha at dalita.
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya
(Bayan Ko, Freddie Aguilar)

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang dalawang


bagay na direktang pinagwawangis o pinagtutulad o tukuyin ang metapora sa
bawat bilang.

1. Ang utak ng kabataan ngayon ay isponghang sumisipsip ng impormasyon mula


sa kaniyang kapaligiran.

2. Si Roderick ay laging nagpapatawa. Siya ang payaso ng aming klase.

3. Isang pugad na walang laman ang palaruan ngayong may pandemya.

4. Ang yakap nina Nanay at Tatay ay aking kumot sa gabi.

5. Kapag nagalit ang Nanay ko, ang boses niya ay kulog na dumadagundong sa
aming bahay.

8
3
Mother Tongue
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Personipikasyon sa Pangungusap:
Kilalanin Mo!
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Personipikasyon sa Pangungusap: Kilalanin Mo!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jasmen J. Tabu

Editor: Gilda D. Gutlay at Maria Cristina H. Morillo


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang buhay aking mag-aaral! Sa araw na ito ay may bago kang


kaalaman at kasanayang matututuhan. Handa ka na bang tuklasin ang mga
ito? Narito ang paksa na pag-aaralan mo sa araw na ito.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


• Pagkilala at pagtukoy sa tayutay na personipikasyon sa pangungusap

Sa katapusan ng aralin, inaasahang nalinang na sa iyo ang layunin na ito:


1. Natutukoy ang personipikasyon sa pangungusap
(Identifies personification)

Subukin

Bago ka magpatuloy sa pag-aaral, tingnan muna natin kung ano na ang alam
mo sa bago nating aralin. Gawin ang pagsasanay na ito.

Gawain 1: Pagtambalin ang mga pangungusap sa hanay A at ang kahulugan


nito sa hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

HANAY A HANAY B

_____1. Sumasayaw ang mga punong A. malakas na malakas ang


kahoy nang ako’y dumating. hangin

_____2. Sa isang iglap lamang ay mabilis


na tumakas ang buwan sa araw. B. ang mga ulap ay iniihip ng
hangin
_____3. Nakaaaliw pagmasdan ang mga
lumalakad na ulap sa kalawakan.
C. sumasayaw ang puno dahil sa
_____4. Lalo pa nilang binilisan ang lakas na pag-ihip ng hangin
paglalakad dahil sa hinahabol na
sila ng ulan. D. mabilis lumipas ang oras

_____5. Malakas ang hagulhol ng hangin


na tila ba’y dumaraing at may E. paparating na ang ulan
gustong sabihin.

1
Aralin
Personipikasyon sa Pangungusap:
1 Kilalanin Mo!
Kumusta ka aking mag-aaral? Marahil ay nasasabik ka nang malaman kung ano
ang paksa ng aralin natin sa modyul na ito. Palalawakin natin ang iyong
kaalaman hinggil sa pagtukoy ng tayutay na personipikasyon sa mga
pangungusap. Magbalik-aral muna sa nakalipas na aralin bago ka dumako sa
bagong aralin.

Balikan

Alalahanin nating muli ang ating natapos na aralin. Sa ating nakaraang aralin,
tinalakay ang pagkilala at pagtukoy sa tayutay na metapora.

➢ Ano ang metapora?


➢ Ano ang pagkakaiba ng simile sa metapora?
➢ Ano ang dapat tandaan kapag ang paghahambing na ginamit ay
metapora?
➢ Magbigay ng pangungusap na gumagamit ng nasabing paghahambing
o metapora.
Para malaman ko kong naintindihan mo ang nakaraang aralin ay gawin ang
pagsasanay na ito. Bilugan ang metapora sa pangungusap.
1. Ang kaniyang ngiti ay matamis na pabaon para sa aking pag - alis.
2. Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.
3. Siya ay langit na hindi ko kailanman maaabot.
4. Ang aking mga kaibigan ang payaso sa malungkot kong buhay.
5. Ang aking ina ang liwanag sa aming tahanan.

Tuklasin

Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing ikaw ay may pinaghahandaang


pagsusulit? Paano mo pinaghahandaan ang mga pagsusulit na iyon? Alamin
natin kung paano pinaghahandaan ni Isko ang kaniyang pagsusulit.
Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Bagong Doktor


(Isinalin)

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin si Isko. Ang katabi niyang
bentilador ay tila bumubulong. Lumilikha ng ingay na kinainisan na rin ni Isko dahil
para bang nagdaragdag pa ito ng pasakit para sa kaniya. Sinindihan niya ang
ilaw sa silid at agad na tumambad sa kaniya ang ga-bundok na papel sa

2
kaniyang mesa na tila nakipagtitigan pa sa kaniya. Umupo siya sa silya at
sinimulan niyang isa-isahin ang bawat piraso ng papel.

“Hay…. lalo pa yata akong pinahihirapan ng pagsusulit na ito,” wika niya.


Kinaumagahan, maaga pa’y bumangon na si Isko. Dahil kulang pa sa oras ang
kaniyang pagtulog, pakiramdam niya’y isang napakalaking bato ang kaniyang
ulo na parang nakalubog sa maputik na tubig. Ang mainit na tubig pampaligo
lamang ang nakatulong sa kaniyang makabalik sa kaniyang diwa. Nagmano na
siya sa kaniyang nanay na siya namang nagwikang, “Kaya mo iyan anak,
gagabayan ka ng Diyos.”
Ilang sandali pa, nasa loob na ng malawak na silid si Isko. Sinimulan na ring
ipamahagi ng guro ang mga papel sa pagsusulit. Dinig ni Isko ang pagtatambol
ng kaniyang puso…nakabibinging pagdagundong. Ang malamig at pawisan
niyang mga kamay ang siyang nagpapaalala sa kaniya na ang kaniyang
pagsusulit ay nagsimula na.
Taimtim na bumulong si Isko ng panalangin saka niya kinuha ang kaniyang
lapis. Nang simulan niyang buklatin ang mga pahina ng pagsusulit, naramdaman
niyang binibigyan siya ng lakas ng loob nang mga ito. Unti-unting naaalala niya
sa kaniyang isipan ang lahat ng kaniyang mga binasa at pinag-aralan sa loob
ng ilang buwan ng paghahanda para sa pagsusulit. Sa paglipas ng ilang oras,
walang sinoman sa silid ang natinag at gumawa ng kahit na kaunting kaluskos
ng ingay man lamang, maliban sa tiktak ng orasan na paimpit na nagsasabi
kung ilang sandali na lamang ang nalalabi para makatapos sa pagsusulit.

Maya-maya pa, isa-isa nang ipinapasa ng mga mag-aaral ang kani-


kaniyang papel sa guro habang si Isko, ginamit niya ang ilang nalalabing minuto
upang tiyaking nakasagot siya sa bawat tanong.

Mga tanong sa pag-unawa:


1. Sino ang bagong doktor?

2. Ano ang ginawa niya bilang paghahanda sa kaniyang pagsusulit?


3. Ano-ano ang kaniyang naging paghihirap sa paghahanda sa kaniyang
pagsusulit?
4. Ano ang ginawa ni Isko bago niya sinimulang sagutin ang kaniyang
pagsusulit?

5. Ikaw ba ay nagdarasal din bago ang iyong pagsusulit? Bakit?


6. Ano kaya ang naging damdamin ni Isko bago ang kaniyang pagsusulit? Ano
naman kaya ang kaniyang naramdaman pagkatapos nito?
7. Sa iyong palagay, magagawa bang makatulong ni Isko sa pamayanan? Sa
paanong paraan?

3
Suriin

Nagustuhan mo ba ang teksto?


Ano ang napansin mo sa mga pahayag na ginamit sa
teksto?
Ano-ano kayang mga pahayag ang nagpaganda sa
binasang teksto?

Pag-isipan…
Basahin ang sumusunod na pahayag mula sa kuwento.
• Dinig ni Isko ang pagtatambol ng kaniyang puso
• Ang malamig at pawisan niyang kamay ang nagpapaalala sa
kaniya na ang pagsusulit ay nagsimula na.
• Nang simulan niyang buklatin ang mga pahina ng pagsusulit,
naramdaman niyang binigyan siya ng lakas ng loob ng mga ito.
• Maliban sa tik-tak ng orasan na paimpit na nagsasabi kung ilang
sandali na lamang ang nalalabi para makatapos sa pagsusulit.

Ano-anong katangian ng tao ang tinaglay ng mga bagay na


binanggit sa bawat pahayag?
Ano naman kaya ang ibig ipakahulugan ng bawat pahiwatig?

Alam mo ba?
Personipikasyon ang tawag natin sa tayutay o pahiwatig na
gumagamit ng katangian ng mga tao upang bigyang buhay ang mga bagay
na walang buhay. Ang mga bagay na walang buhay ay tila kumikilos o
gumagalaw na tulad ng isang tao. Ginagamit ito upang bigyang buhay at
katauhan ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng paggamit
ng mga salitang kilos o pandiwa. Tinatawag din itong pagsasatao o
pagbibigay-katauhan.

Halimbawa:
Ngumiti ang buwan sa akin habang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa
langit.

Lumalakad ang orasan, inip na inip na si Baloy kay Tonio.


Nagsasasayaw ang mga dahon dahil sa malakas na hampas ng hanging
amihan.
Kumakaway na ang liwanag sa aking bintana nang ako ay nagising.
Sumisigaw na ang takore hudyat na luto na ang tubig na isinalang niya sa
kalan.

Tumangis ang gabi dahil sa kaniyang kasawiang nararanasan.

4
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Salungguhitan ang mga tayutay na personipikasyon na ginamit sa
bawat pahayag.

1. Nagsasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng amihan.

2. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.

3. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa akin.

4. Nagsisimula nang muling ngumiti ang mga bulaklak sa hardin.

5. Umuungol sa galit ang ihip ng hangin.

Gawain 2

Panuto: Kulayan ang bituin ng berde kung ang pangungusap ay ginamitan ng


personipikasyon at dilaw naman kung hindi.

1. Niyakap ng dilim ang lahat ng tao sa bulwagan.

2. Namuti ang buhok ni Alexis sa paghihintay kay Sarah.

3. Ang buong mundo ngayon ay nakararanas ng pandemya.

4. Hinahalikan ako ng malamig na hangin habang naglalakad sa


dalampasigan.
Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

5. Nagtampo ang kalikasan sa sa


Pagtupad naranasang
Pangarap kalupitan sa kamay ng mga
tao.

Gawain 3
Panuto: Pag-ugnayin ang ipinahihiwatig ng larawan sa pangungusap. Piliin ang
sagot sa kahon.

1. 2. 3.

_______________________ _______________________ ______________________

5
4. 5.

_______________________ _______________________

Pagpipilian:

Lumipad ang sapatos. Ngumiti ang araw.


Nagalit ang hangin. Lumuha ang langit.
Nagulat ang hangin.

Isaisip

Pagnilayan…
- Bakit mahalagang makilala at matukoy ang mga tayutay
na personipikasyon sa isang pahayag o pangungusap?
- Paano makikilala ang mga tayutay na personipikasyon sa
isang pahayag?
- Saang mga akda mainam gamitin ang tayutay na
personipikasyon?
https://pngimg.com/image/62459

Tandaan….
- Ang personipikasyon ay isang tayutay na gumagamit ng mga
katangian ng mga tao at inihahalintulad sa mga mga bagay na
walang talino tulad ng hayop, bagay, at iba pa.

- Ito rin ay tayutay na nauukol sa paglipat ng katangian ng isang tao


sa mga bagay na walang buhay.

- Tinatawag din itong pagsasatao, o pagbibigay-katauhan.

6
Isagawa
Gawain 1

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang kung ang

pangungusap ay ginamitan ng tayutay na personipikasyon at ekis ( X)


kung hindi.

_____ 1. Parang tambol sa lakas ng boses ang nagsasalitang bata sa entablado.

_____ 2. Sumasayaw ang mga kawayan sa lakas ng ihip ng hangin.

_____ 3. Nag-aalburuto na ang kaldero sa kalan dahil kanina pa ito nakasalang.

_____ 4. Lumuha ang langit nang malaman ni Kiko ang kalagayan ng


magulang.

_____ 5. Nagalit ang lupa kaya malakas na pagyanig ang naranasan sa Luzon.

Gawain 2

Panuto: Salungguhitan ang personipikasyon sa bawat pahayag.

1. Ang buwan ay nagmagandang gabi sa lahat.

2. Napangiti ang rosas sa kaniyang pagdating.

3. Tinatawag na ako ng kalikasan.

4. Matindi ang unos sa paghagulgol ng langit.

5. Inanyayahan kami ng dagat na maligo.

Gawain 3

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang


pangungusap.
1. Nagtampo ang mga bulaklak ______________________________________________

2. Nag-uunahan sa pagpatak ang ulan _______________________________________


3. Ang bawat tiktak ng nag-uunahang kamay ng orasan ay ___________________
___________________________________________________________________________

4. Kinilig ang mga bubuyog nang dumapo sa _________________________________


5. Nagsaya ang mga dahon nang ____________________________________________

7
Tayahin

Gawain 1
Panuto: Kulayan ang puso ng pula kung ang pangungusap ay ginamitan ng
tayutay na personipikasyon at asul kung hindi.

1. Sumasayaw ang mga puno kasabay ng ligayang nadarama ni Lota.

2. Nakangiti ang langit sa bawat tagumpay na nararanasan ni Ben.

3. Lumilipad ang oras kapag kasama mo ang iyong mga mahal sa


buhay.

4. Nakatingin sa akin ang buwan ngayong gabi at sinasabing, may pag


asa ang bawat bukas.

5. Siya ay rosas sa aking paningin.

Gawain 2
Panuto. Gumuhit ng bituin sa patlang bago ang bilang kung ang
pangungusap ay ginamitan ng personipikasyon at tatsulok kung
hindi.
__________ 1. Nagmamakaawa na ang kaniyang sapatos kaya binilhan na siya ni
Nanay Ebeng ng bago.

__________ 2. Ang sikat ng araw sa aking mukha ay halik ng bukang-liwayway.


__________ 3. Yumuko ang mga punong niyog sa napakalakas na hangin.

__________ 4. Parang ulan sa tuyong lupa ang musika sa konsiyerto.


__________ 5. Kumakaway na ang sikat ng araw nang magising si Peter.
__________ 6. Hinalikan ako ng malamig na hangin habang naglalakad sa
parke.
__________ 7. Nanghaharana na ang mga kuliglig sa bukid.

__________ 8. Galit na galit ang haring araw sa katanghaliang tapat.

__________ 9. Ang puso niya ay bato sa tigas kaya mahirap siyang


magpatawad.

__________ 10. Sintatag ng kawayan ang kanilang samahan bilang


magkaibigan.

8
3
Mother Tongue
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagmamalabis o Hyperbole sa mga
Pangungusap: Kilalanin Mo!
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagmamalabis o Hyperbole sa mga Pangungusap:
Kilalanin Mo!
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, mga balita, larawan atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ma. Olympia A. Tabo

Editor: Gilda D. Gutlay at Maria Cristina H. Morillo


Tagasuri: Maria Fe C. Balaba
Tagalapat: Gloria B. Samulde
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum
Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph

0
Alamin

Magandang araw aking mag-aaral! Sa araw na ito ay may bago kang


kaalaman at kasanayang matututuhan. Handa ka na bang tuklasin ang mga
ito? Narito ang mga paksang pag-aaralan mo sa araw na ito.

Ang modyul na ito ay lilinang sa iyong kasanayan sa:


• Pagtukoy sa tayutay na pagmamalabis o hyperbole sa pangungusap,
binasang teksto o seleksiyon
• Pagbibigay-kahulugan sa tayutay na pagmamalabis o hyperboleng
ginamit sa pangungusap, teksto o seleksiyon

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Natutukoy ang tayutay na pagmamalabis o hyperbole; at
(Identifies hyperbole)
2. Naibibigay ang kahulugan ng tayutay na pagmamalabis o hyperbole sa
pangungusap, binasang teksto o seleksiyon.

Subukin

Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang tayutay na pagmamalabis


o hyperbole sa pahayag.

1. Abot langit ang pagmamahal ko sa iyo.


2. Narinig ng buong mundo ang iyong pag-iyak.
3. Umulan ng dolyar kina Nena nang umuwi si Cesar.
4. Uminit ang ulo niya sa kaniyang narinig.
5. Gabundok na labada ang nilabhan ni Aling Ising ngayong araw.

Nakuha mo bang lahat ang tamang sagot? Kung hindi ay huwag mag-
alala. Matutulungan ka ng modyul na ito upang higit na maunawaan ang
bagong aralin.

Aralin Pagmamalabis o Hyperbole sa

1 mga Pangungusap:
Kilalanin Mo!
Sa mga nakalipas na modyul, ipinakilala na sa iyo ang mga tayutay na metapora
o pagwawangis at personipikasyon. Sa modyul na ito ay isa na namang tayutay
ang matututuhan mo. Balik-aralan muna natin ang nakalipas na aralin upang
matiyak kung natatandaan mo pa ito at natutuhan.

1
Balikan

Ano ang tayutay na personipikasyon?


Paano mo makikilala ang tayutay na personipikasyon
sa isang pangungusap?
Magbigay ng halimbawa ng pangungusap na
ginamitan ng tayutay na personipikasyon.
Mahusay! Ngayon, alam kong handa ka na sa
bagong aralin.

Tuklasin

Basahin ang maikling diyalogo ng mag-ina.


‘Nay naman, eh,
Anak gumising ka na, tanghali na! ‘Nay, maaga pa laglag pa ang
Tirik na ang mata ni Mang Ben po. Gusto ko pa mga mata ko po
kahihintay sa iyo. pong matulog. sa sobrang antok.
Ito na po,
babangon na.

Abot hanggang
lupa na naman
iyang nguso mo.
Ngumiti ka nga!
Kay sigla ng
umaga eh.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang napansin mo sa pag-uusap ng mag-ina?


2. Naunawaan mo ba ang kahulugan ng mga pahayag na naiitiman sa
diyalogo ng mag-ina?
3. Ano kaya ang nais ipakahulugan ng mga pahayag na ito?
4. Ano ang tawag natin sa mga pahayag na ito?

2
Suriin

Alam mo ba?
Ang tawag sa mga pahayag na naiitiman sa maikling
diyalogo ng mag-ina ay tayutay na hyperbole o
pagmamalabis. Ang hyperbole o pagmamalabis ay isa
sa mga tayutay na nagpapahayag ng pagmamalabis o
pagpapasidhi sa kalabisan o kakulangan ng isang tao,
bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin, at iba pang
katangian, kalagayan o katayuan. Pinatitindi o pinalalala ng
mga pahayag ang isang pangyayari, aksyon o sitwasyon kaya
tinawag itong pagmamalabis. Kung iisipin, parang imposibleng mangyari ang
mga pahayag sa ganitong uri ng tayutay o pahiwatig.
Halaw sa: MTB 3, LM p. 346 MTB 3, LM p. 346
Pag-aralan ang mga halimbawa.

1. Tirik na ang mata ni Mang Ben kahihintay sa iyo.


- Kapag tumirik ang mata ng isang tao, yaong puti na lang ang nakikita.
Nangangahulugang sa sobrang tagal ng paghihintay at naiinip na siya,
umiikot-ikot na ang kaniyang paningin na tila nagdedeliryo.

2. Laglag pa ang mga mata sa antok.


- Ang talukap ng mata ay hindi pa halos maibuka sa sobrang kaantukan
kaya sinasabing laglag pa ang mga mata. Wala naman talagang mata
na nalalaglag, ito ay eksaherasyon lang ng kilos.

3. Abot hanggang lupa na naman iyang nguso mo.


- Nangangahulugang sobrang nakasimangot ang mukha. Kaya upang
patindihin ang aksiyon, ang pagsimangot ay ikinumpara sa paghaba ng
nguso na tila abot na sa lupa sa sobrang haba.

4. Dinig sa buong barangay ang iyak ni Pidol nang ito ay madapa.


- Ginamit ang pahayag na “Dinig sa buong barangay” upang ilarawan ang
pag-iyak ni Pidol. Ibig sabihin, napakalakas ng iyak ni Pidol.

5. Ga-tonelada ang bigat ng bag na bitbit niya araw-araw.


- “Ga-tonelada” ang ibig sabihin ay sobrang bigat ng bag.

6. Naku! Namuti na ang buhok ko sa paghihintay sa iyo. Lagi ka na lang huli sa


ating usapan.
- Ang “Namuti na ang buhok” ay pagmamalabis o hyperbole na ang ibig
sabihin ay napakatagal niyang naghintay tulad ng pagputi ng buhok na
karaniwang lumalabas sa ulo ng isang tao na matanda na.

Para sa karagdagang paliwanag, maaaring sumangguni sa link na ito:


https://noypi.com.ph/tayutay/ o sa youtube link: https://youtu.be/i0GciUNmUKs

3
Pagyamanin
Ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman. Gawin ang
sumusunod na mga pagsasanay.

Gawain 1
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangungusap. Ikahon ang
pahayag na nagsasaad ng pagmamalabis o hyperbole.

1. Uminit ang ulo ng kaniyang nanay dahil kanina pa siya naglalaro ng Mobile
Legend sa cellphone.
2. Mukhang kayang umubos ng isang dram na tubig ni Al sa sobrang uhaw
nito.
3. Bumaha ng pagkain sa ika-18 taong kaarawan ni Maria.
4. Nauntog siya sa pader kaya’t nagbago ang kaniyang desisyong huwag
nang mangibang bansa.
5. Katapusan na ng mundo ko kapag hindi ako nakapanood ng concert ng
BTS.

Gawain 2 UGNAY-LARAWAN
Panuto: Pag-ugnayin ang mga larawan upang makalikha ng pahayag na
nagpapakita ng pagmamalabis o hyperbole. Piliin ang letra ng tamang
sagot sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Pasan ang daigdig


B. Nadurog ang puso
C. Abot hanggang langit ang ngiti
D. Ga-bundok na labahin
E. Nabasag ang tainga

___1. ____2.

___3. ____4.

____ 5.

4
Isaisip

Pagnilayan…..
✓ Bakit mahalagang makilala ang tayutay na hyperbole o
pagmamalabis sa isang pahayag?
✓ Saan natin magagamit ang mga tayutay na hyperbole
o pagmamalabis?
✓ Kailan masasabi na ang pahayag o pangungusap ay
ginamitan ng tayutay na hyperbole o pagmamalabis?
Dugtungan ang pahayag.
Natutuhan ko na ang tayutay na hyperbole o
pagmamalabis ay __________________________________________
____________________________________________________________
https://pngimg.com/image/62459
____________________________________________________________

Tandaan…

Sa pagtukoy ng hyperbole o pagmamalabis sa isang teksto, dapat


mong isaalang-alang ang mga salitang ginamit sa paglalarawan sa kilos o
pahayag. Mahalaga rin matukoy mo ang kahulugan nito batay sa gamit nito
sa pangungusap. Ito rin ay mga lagpas sa katotohanang mga pahayag.

Isagawa

Gawain 1 TAMBAL-KAHULUGAN
Panuto: Pagtambalin ang pangungusap na ginamitan ng hyperbole o
pagmamalabis sa Hanay A sa kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
HANAY A HANAY B
_____1. Bumaha ng luha nang malaman A. sobrang laki at ganda
niyang bumagsak siya sa pagsusulit.

_____2. Sa sobrang likot ng mga bata, sila ay B. napakaingay


naligo na sa pawis.

_____3. Ang dalaga ay lumalakad sa ulap sa C. basang-basa sa pawis


sobrang saya niya.

_____4. Lilipad ang bubong ng bahay nila sa D. sobrang iyak


kanilang ingay.

_____5. Mala-mansiyon ang bahay ni Senador E. walang pagsidlan ng saya


Manny Pacquiao sa Forbes, Makati.

5
Gawain 2 BUO-DIWA
Panuto: Punan ng angkop na tayutay na hyperbole o pagmamalabis ang mga
pangungusap upang mabuo ang diwa nito. Piliin sa kahon ang sagot at
isulat sa patlang.

bumubuga ng apoy ang bibig


abot hanggang lupa na ang nguso
bumagsak ang mundo
abot tainga ang ngiti
lumulutang sa alapaap

1. _________________________________________________ ko nang malamang


naaksidente ang aking matalik na kaibigan.
2. _______________________________________ mo sa sobrang lungkot ng dinaranas
mo.
3. Dahil sa mga biyayang natanggap ng aming pamilya ______________________
__________________________ang aming mga puso ngayon.
4. ________________________________________ ni Boyet nang malamang siya ang
nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa klase noong nakaraang taon.
5. Galit na galit ang Nanay Epang, ___________________________________________
kaya hindi na lang sumagot ang mga ate at baka mapagbalingan pa.

Gawain 3 LIRIKALABISAN (LIRIKO-KALABISAN)

Panuto: Salungguhitan ang tayutay na hyperbole o pagmamalabis sa mga


bahagi ng mga OPM awitin natin.

1. "Awit ng Barkada" ng Apo Hiking Society

Nakasimangot ka na lang palagi


Parang ikaw lang ang nagmamay-ari
Ng lahat ng sama ng loob
Pagmumukha mo ay hindi maipinta
Nakalimutan mo na bang tumawa
Eh, sumasayad na ang nguso mo sa lupa

2. "Kaibigan" ng Apo Hiking Society

Kung ang problema mo o suliranin ay lagi mong didibdibin


At tatanda kang bigla, pag tumulo ang luha
Hahaba ang mukha at ikaw ang siyang kawawa

3. “Hawak Kamay” ni Yeng Constantino

Minsan madarama mo
Ang mundo'y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema'y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako'y tawagin
Malalaman mong kahit kailan

6
4. “Sinaktan mo ang puso ko” ni Michael V.

Sinaktan mo ang puso ko


Nilagyan mo ng turnilyo
Sinunog mo ng posporo, hinampas mo ng tubo
Sinaktan mo ang puso ko
Ngayon ako'y naghihingalo
Mauubusan na 'ko ng dugo
Sinaktan mo ang puso ko

5. “Tala” ni Sarah Geronimo

Tila ako'y nakalutang na sa langit


Ngunit nalulunod sa 'yong mga ngiti
At kung hanggang dito lang talaga tayo
Hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka
At kung umabot tayo hanggang dulo

Tayahin
Gawain 1
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng tayutay na hyperbole o pagmamalabis na
ginamit sa mga pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mag-asawang Ida at Bating ay tumalon hanggang langit nang sila ay


manalo sa lotto ng 200 milyong piso.
A. tumalon gamit ang hagdan
B. tumalon hanggang langit
C. tumalon sa mataas na lugar
D. mataas na mataas ang talon

2. Gabundok na naman ang aking labahin ngayong darating na Sabado.


A. kakaunti
B. kasing taas ng bundok
C. sobrang dami ng labahin
D. kasing taas ng bulkang Mayon

3. Umuusok ang ilong ni Aling Gorya nang makita niyang nasira ang kaniyang
mumunting hardin dahil sa kinain ito ng kambing.
A. nalilito
B. natutuwa
C. nasisiyahan
D. galit na galit

4. Nahati ang puso ng binata nang iwan siya ng kaniyang mga mahal sa
buhay.
A. nasaktan o nabigo
B. nagpaopera
C. nasugatan
D. dumugo

7
5. Nais niyang kainin na siya ng lupa dahil sa natapunan ng pagkaing may sarsa
ang kaniyang puting damit sa dinaluhang pagtitipon.
A. sobrang hiya
B. buhay ang lupa
C. may bibig ang lupa
D. malambot ang lupa

Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na tayutay na hyperbole o
pagmamalabis.

1. Pasan ang daigdig - nasa kaniya na lahat ang pagsubok at problema


2. Lumuha ng dugo - nahirapan o umiyak nang umiyak kahit dugo na ang
lumabas sa kaniyang mata na hindi naman talaga mangyayari
3. Sisisirin ang pinakamalalim na dagat - kahit ano gagawin, maipagkaloob
lamang ang hiling
4. Bumaha ng luha - hindi mapatid-patid na pagluha, sobra-sobrang pagluha
5. Bumaha ng pagkain - sobrang dami ng pagkain sa isang handaan o
pagdiriwang

You might also like