You are on page 1of 16

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-walong Baitang

Unang Markahan - Modyul 7: Ang misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng


Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat : Zhalea Mona S. Liza
Editor : Louie C. Duterte, Pedro B. Cenera, Cristina A. Soliven
Tagasuri : Perlita M. Ignacio,RGC,Ph.D / Josephine Z. Macawile
Tagaguhit : Rema A. Dominggo
Tagalapat : Ailene D. Ferrer

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Unang Markahan
Modyul 7 para sa Sariling Pagkatuto
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay
ng Edukasyon, Paggabay sa
Pagpapasiya at Paghubog ng
Pananampalataya
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang misyon ng Pamilya sa
Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng
Pananampalataya

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din
itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang ika-
21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang mga pangangailangan at sitwasyon
sa buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang misyon ng Pamilya sa
Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasya at Paghubog ng
Pananampalataya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN –Sa bahaging ito malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang
Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK - Dito masusukat ang iyong matutuhan


at maunawaan sa mga naunang paksa.

BALIK-ARAL - Dito masusukat ang dati mong kaalaman at mga


dapat mo pang malaman sa paksa.

ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa aralin.

MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga


natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Kasanayang Pagkatuto:

Naipaliliwanag na: Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na


bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at
hubugin sa pananampalataya. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na
magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi pinakamahalagang gampanin ng mga
magulang.

Mga Layunin:

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito ikaw ay inaasahang:

A. natatalakay ang iba’t-ibang mahalagang misyon ng pamilya;

B. napapahalagahan ang pananagutan ng magulang sa pagtataguyod ng misyon ng


pamilya; at

C. nasusuri ang pananagutan ng magulang na bigyan ka ng maayos na edukasyon,


gabayan sa pagpapasiya at hubugin ang pananampalataya batay sa sariling
karanasan sa pamilya

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang pahayag isulat sa patlang ang titik
na:

A- Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos


na edukasyon
B- Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa
mabuting pagapapasya
C. Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang
pananampalataya

___1. Mahalagang turuan ng magulang ang kanilang anak na gamitin sa wasto ang
kanilang kalayaan upang maisapuso na mahalaga sa tao kung ano sya hindi sa kung
anong mayroon sya.

____2. Mahalagang maipaunawa ng magulang sa kanilang anak na magkaroon ng


bukas na komunikasyon na isangguni ang mga pagpaplanong nais isagawa
____3. Sa murang edad pa lamang, dapat na maikintal sa isipan ng bata ang
paniniwala na gagabay sa kanila sa paggawa ng masama at mabuti

____4. Tungkulin ng magulang katuwang ang iba pang institusyon na itaguyod ang
pag-aaral ng anak

____5. Kapag may problemang dinaranas ginagamit ng magulang ang pagkakataon


na ito upang mahubog ang ispirtuwal na pamumuhay ng anak

BALIK-ARAL

Sa nakaraang pagtatalakay nalaman natin ang banta sa pamilyang Pilipino sa


pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya at paghubog ng
pananampalataya. Napatunayan mo na ang mga bantang ito ay hindi dapat maging
balakid upang hindi mo makamit ang kaunlaran maging ang iyong kaganapang
panatao.

PANUTO: Suring mabuti ang mga bantang makikita sa loob ng kahon kung saang
misyong ito ng pamilya nararanasan. Ilagay na lamang ang titik kung anong misyong
ito ng pamilya nabibilang.

a. Pornograpiya f. Hindi bukal sa loob na pagsampalataya


b. Droga
g. Hindi maunawaan at maisabuhay ang tunay na
aral ng Diyos

c. Pagkaadik sa online games h. maagang nabubuntis


d. Hindi wastong paggamit
ng kalayaan
i. Nakagagawa ng krimen
e. Peer pressure j. Pagalok ng suhol sa tuwing sisimba

PAGGABAY SA MABUTING PAGHUBOG NG


PAGBIBIGAY NG PAGPAPASIYA PANANAMPALATAYA
EDUKASYON
ARALIN

Gawain 1:
PANUTO: Hanapin ang mga katumbas na kahulugan ng mga larawan ng Hanay A
sa Hanay B. Ilagay sa patlang ng bawat bilang ang titik ng wastong sagot.

HANAY A HANAY B

____1.
A. pananagutan ng iyong magulang
na turuan ka ng pagpapahalaga,
asal at disiplina na magagamit
bilang bilang kalasag at sandata sa
masamang impluwensiya na
maaaring sumira sa pagtataguyod
ng misyong ito.

https://images.app.goo.gl/kcn6oKKucyXVoLhr6

____2. B. Pananagutan ng iyong magulang


na turuan kang makibahagi sa mga
gawaing panrelihiyon upang ikaw ay
magkaroon ng pangkaisipan at
pandamdaming kalusugan at
katatagan.

ttps://images.app.goo.gl/JAtQJveRd7C9BytC8

____3.
C. Sa huli ang pagsisi kaya dapat
huwag lamang sumangguni sa sarili
kapag gumagawa ng pagpapasiya
nariyan ang magulang upang
magabayan ka sa pagpili at
pagpaplano.

https://images.app.goo.gl/JAtQJveRd7C9BytC
Pagbibigay ng Edukasyon

Ang karapatan para sa iyong edukasyon ang orihinal at pangunahing karapatan mo,
katuwang nila ang ating institusyon sa lipunan sa pagkamit nito. Tungkulin ng iyong
magulang ang turuan ka ng wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na
bagay. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso mo na mas mahalaga ang tao sa kung
ano siya at hindi kung anong mayroon siya. Itinuturing din na pinakaunang guro
ang magulang at ang nagsisilbing unang paaralan ang tahanan kung kaya’t
pananagutan ng iyong magulang na turuan ka ng pagpapahalaga, asal at disiplina
na magagamit bilang bilang kalasag at sandata sa masamang impluwensiya na
maaaring sumira sa pagtataguyod ng misyong ito.

Paggabay sa Mabuting Pagpapasiya

Ang mga pagpapasiyang isasagawa mo hanggang sa iyong pagtanda ang siyang


magdidikta kung anong uri ng tao at magiging sa hinaharap at sa kung anong
landas mo pipiliing tatahakin. Kaya mahalagang magabayan ka ng iyong magulang
sa tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling pasya
at hindi matuto sa mga ito. Sa pagpapasiya alalahanin na isa-alang palagi ang
magiging bunga o epekto nito upang maiwasan ang hindi mapahamak. Tandaan
natin na sa huli ang pagsisi kaya dapat huwag lamang sumangguni sa sarili kapag
gumagawa ng pagpapasiya nariyan ang magulang upang gumabay sayo sa tamang
pagpili ng landas na tatahakin .

Paghubog ng Pananampalataya

Ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing panrelihiyon ay mahalaga upang


magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung
ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso. Ito rin ang
nakapagpapatibay ng pagsasamahan ng pamilya. Kung kaya’t pananagutan ng iyong
magulang na sa murang edad pa lamang ay sanayin ka na hubugin ang iyong
pananampalataya upang maging batayan sa pagkilala ng tama at mali.
GAWAIN 2
PANUTO: Pagkatapos mapag-aralan ang pananagutan ng magulang sa
pagtataguyod ng iba;t-ibang misyon sa pamilya. Maaari mo bang alalahaning muli
kung paano ginagampanan ng iyong magulang ang kanilang misyon sa panahon
na wala pa at mayroong covid 19? Ilagay ito sa pamamagitan ng talaan.

MISYON PARAAN NG PAGTATAGUYOD


WALA PANG COVID-19 SA PANAHON NG
COVID-19
1. 2.

Pagbibigay ng Edukasyon

2. 2.

3. 3.

1.
Paggabay sa Mabuting 1.
Pagpapasiya

2. 2.

Paghubog ng 1. 1.
pananampalataya

2. 2.

1. Sa iyong palagay, anu-ano ang mga pagbabagong iyong napansin sa


pagtataguyod ng iba’t-ibang misyon ng pamilya noong wala pang covid-
19?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
PANUTO: Ilagay ang mga sitwasyong iyong naranasan na napatunayan mo na
ginampanan ng iyong magulang ang kanilang pananagutan, paano ginampanan ng
magulang ang kanilang pananagutan at naging epekto nito.

Paano
ginampanan ng
magulang ang
MISYON SITWASYON Epekto
kanilang
pananagutan

Pagbibigay ng
Edukasyon

Paggabay sa
mabuting
pagpapasiya

Paghubog ng
panamampalataya
1. Sa iyong palagay naging maganda ba ang epekto ng pagharap mo ng
sitwasyong iyong naranasan kasama ang iyong mga magulang?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ano kaya ang mangyayari kapag hindi ginampanan ng magulang ang kanilang
pananagutan sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at
paghubog ng pananampalataya?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagsasanay 2:

PANUTO: Isulat kung paano mo pinapahalagahan ang mga pananagutan ng


iyong magulang sa pagtupad ng kanilang gampanin sa pagbibigay ng
Edukasyon, Paggabay sa pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

MISYON NG PAMILYA ANG AKING PAGPAPAHALAGA


SA PANANAGUTAN NG AKING
MAGULANG
Pagbibigay ng Edukasyon

Paggabay sa Mabuting pagpapasiya

Paghubog ng Pananampalataya

Pagsasanay 3:

PANUTO: Gumawa ng isang maikling liham na hindi lalagpas sa limang


pangungusap tungkol sa pagtanaw ng malaking utang na loob sa magulang
bilang pagtupad ng kanilang pananagutan na mabihyan ka ng maayos na
edukasyon, gabayan sa pagpapasya at hubugin ang pananampalataya.
Mahal kong Magulang

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Nagmamahal

_________________________________

PAGLALAHAT

PANUTO. Ilagay sa bawat kahon kung anu-ano ang iyong nalaman na pananagutan
ng inyong magulang sa pagbibigay ng edukasyon paggabay sa mabuting
pagpapasiya at paghubog ng pananampalataya.

MISYON PANANAGUTAN NG MAGULANG

Pagbibigay ng Edukasyon

Paggabay sa Mabuting Pagpapasiya

Paghubog ng Pananampalataya
PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Tayahin ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa ating paksa. Itala


din ang paliwanag kung bakit ito ang natutuhan sa ating aralin

PAGPAPAHALAGA PALIWANAG

1.

2.

3.

4.

5.

1. Anu-ano ang mga pagpapahalagang hindi mo pa taglay bago talakayin ang


paksa?
________________________________________________________________________
2. Anu-ano ang mga pagpapahalagang mayroon ka na pag-aaral ng aralin?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Anu-ano ang mga pagpapahalagang nadagdag sa iyong sarili pagkatapos na
matutuhan ang aralin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at unawain ng mabuti ang pahayag isulat sa patlang ang titik na:

A- Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na mabigyan ng maayos


na edukasyon
B- Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na maggabayan sa
mabuting pagapapasya
C- Kung ang pahayag ay tumutukoy sa pananagutan na hubugin ang
pananampalataya

___1. Mahalagang turuan ng magulang ang kanilang na gamitin sa wasto ang


kanilang kalayaan upang maisapuso na mahalaga sa tao kung ano sya hindi sa kung
anong mayroon sya.

____2. Mahalagang maipaunawa ng magulang sa kanilang anak na magkaroon ng


bukas na komunikasyon sa pagsangguni ng mga pagpaplanong nais isagawa

____3. Sa murang edad pa lamang, dapat na maikintal sa isipan ng bata ang


paniniwala na gagabay sa kanila sa paggawa ng masama at mabuti

____4. Tungkulin ng magulang katuwang ang iba pang institusyon na itaguyod ang
pag-aaral ng anak

____5. Kapag may problemang dinaranas ginagamit ng magulang ang pagkakataon


na ito upang mahubog ang ispirtuwal na pamumuhay ng anak

____6. Upang hindi magsisi sa huli, mahalagang hingin ang pagpapayo ng magulang
lalo na kung naguguluhan sa pagbibitiw ng desisiyon

____7. Bata pa lang ako naituro na akin ng aking magulang ang kahalagahan ng
panalangin sa Diyos lalo na kung nais kong malayo sa kapahamakan

____8. Sa tuwing may nais akong gawin palagi kong isinasaalang-alang ang
pagpapayo sa akin ng magulang na isipin ng paulit-ulit ang magiging kahihinatnan
nito.

____9. Ipinapakita ko ang pagpapahalaga sa mga turo na asal ng aking magulang sa


pamamagitan ng pagsasabuhay nito.

___10. Sa tuwing ako’y nagkakamali , ang Diyos ang unang-una kong hinihingan ng
tawad at sinisikap na hindi na ulit magawa ang pagkakamaling aking pinagsisihan.
Edukasyon sa Pagpapakatao, Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon (2013)
SANGGUNIAN
PAUNANG PAGSUBOK
1. A
2. B
3. C
4. A
5. C
ARALIN
Gawain 1
1. A
2. C
3. B
BALIK –ARAL
PAGBIBIGAY NG PAGGABAY SA PAGHUBOG NG
EDUKASYON MABUTING PANANAMPALATAYA
PAGPAPASIYA
a H f
b I g
c (b) j
d
e
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. A 6. B
2. B 7. C
3. C 8. B
4. A 9. A
5. C 10.C
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like