You are on page 1of 14

Modyul para sa

Sariling Pagkatuto
Araling Panlipunan – Unang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Naibibigay ang kahalagahan ng mga anak
(kuya,ate,bunso) bilang kasapi ng pamilya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Michelle M. Facon
Editor: Ma. Cecilia Llagas Atuan
Tagasuri: Maribel Gocalin
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Ikalawang Markahan
Panlipunan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 8
1
Naibibigay ang kahalagahan ng mga anak
(kuya,ate,bunso)bilang kasapi ng pamilya

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 1 at Unang
Baitang ng Modyul para sa araling Naibibigay ang kahalagahan ng mga anak
(kuya,ate,bunso) bilang kasapi ng pamilya !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan at Unang Baitang Modyul


ukol sa Naibibigay ang kahalagahan ng mga anak (kuya,ate,bunso) bilang kasapi
ng pamilya !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mag-aaral


ng unang baitang. Mahalagang matutunan mo ang
aralin na ito upang naibibigay ang kahalagahan ng mga
anak( kuya, ate, bunso ) bilang kasapi ng pamilya.
May pagsasanay kang sasagutan upang masukat mo
ang iyong kaalamang malinang sa modyul na ito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming gawain sa likod bahay si tatay, sino ang


maaaring makatulong sa kanya ?

A. ate
B. kuya
C.nanay

2. Pupunta si nanay sa palengke,sino ang maaaring


makasama ni nanay?.

A. ate
B. kuya
C. bunso

3. Ang kuya,ate at bunso ay may mahalagang


ginagampanan bilang kasapi ng pamilya.

A. mali
B. ewan
C. tama
4. Nawalan ng tubig isang araw sa inyong lugar
bilang kuya ano ang dapat mong gawin?.

A. Hintaying magkaroon ng tubig sa aming lugar.


B. Tumulong sa pag-iigib ng tubig kay tatay.
C. Huwag pansinin ang tatay na umiigib ng tubig.

5. Maraming kinukumpuning damit si nanay oras na


para magsaing, ano ang dapat mong gawin?

A. Hindi ko papansinin ang ginagawa ni nanay.


B. Hayaan ko si nanay ang magsaing.
C. Ako na lamang ang magsasaing.

BALIK-ARAL
Panuto: Iguhit ang kung ang tinutukoy ay
ginagampanan ng ama at kung ina.

1. Ilaw ng tahanan.

2. Haligi ng tahanan.

3. Nagkukumpuni ng mga kasangkapan sa tahanan.

4. Pinapanatili ang kaayusan sa tahanan.

5. Naghahanap-buhay sa pamilya.

ARALIN
Tignan ang mga larawan….

1. Ano ang nasa larawan?


______________________________________________
2. Ano ang kanilang ginagawa?
_____________________________________________
3. Ginagawa mo rin ba ito?
__________________________________________________

Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kaniya–


kaniyang tungkulin.

Kuya – katulong ni ama sa pagkukumpuni ng


kasangkapan.
Ate – siya ang katulong ni ina sa pamamalengke o
paglilinis ng bahay.
Bunso – siya ang nagbibigay aliw sa loob ng tahanan.
Sa bawat tawa at ngiti niya lahat ng pagod ay
kaniyang napapawi.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang nagsasabi ng gawaing


kaugnay sa pinahahalagahan ng isang pamilya at ekis
(X) kung hindi.

1. Si ate ang naghahanda ng aming hapag – kainan


tuwing kami ay kakain.
2. Sumasagot ng “po” at “opo”kapag nakikipag-usap
kay Inay.
3. “Kuya” ang tawag ni Lorna sa nakatatandang
kapatid.
4. Gumagawa si bunso ng paraan para mabilis
makapag-ani ng palay.
5. Naiinis kapag inuutusan ng magulang.

Pagsasanay 2

Panuto: Alam mo ba ang mga pinahahalagahan ng


inyong pamilya? Bilugan ang mga larawang
nagpapakita nito.
A. B. C.

D. E. F.

Pagsasanay 3

Panuto: Bilugan ang masayang mukha kung tama ang


pahayag at malungkot na mukha kung mali ang
pahayag.

1. Si bunso ang nagbibigay ng kasiyahan sa buong


pamilya.
2. Mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya.
3. Ang mga anak ay katulong ng mga magulang sa
mga gawaing bahay.
4. Masaya kapag nawala ang isang kasapi ng pamilya.
5. Matalik na kaibigan ko si Peter. Siya ay kasapi ng
aming pamilya.

PAGLALAHAT
Ang natutuhan ko sa aralin natin ngayon ay
ang kahalagahan ng mga ______________bilang kasapi
ng ___________.

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Iguhit sa patlang ang kung tama ang
isinasaad sa pangungusap at kung mali.

1. Nagpapakita ng pagmamahal ang pagsunod sa


magulang.

2. Igalang at mahalin ang mga kasapi ng pamilya.

3. “Kuya” ang pantawag sa nakatatandang kapatid


na lalaki.

4. May mahalagang ginagampanan ang bawat


kasapi ng pamilya.

5. Malapit sa isa’t isa ang mga kasapi ng pamilya.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng


tamang sagot. Isulat sa patlang ang sagot.
________1. Siya ang nagpapasaya sa bawat kasapi ng
pamilya.
A. Kuya B. Ate C. Bunso
________2. Nakita ni Kuya Ronnie si tatay na nag-aayos ng
nasirang pintuan,ano ang dapat niyang gawin?
A. Umalis ng bahay.
B. Tulungan si tatay sa pag –aayos ng nasirang pinto.
C. Manood ng telebisyon sa loob ng kuwarto.
________3. Ano ang gagawin mo bilang kasapi ng
pamilya?
A. Igalang at sundin ang mga kasapi ng pamilya.
B. Paiyakin ang nakababatang kapatid.
C. Magbigay ng dahilan kung inuutusan ng nanay.
________4. Si nanay ang ilaw ng tahanan, sino ang
maaaring makatulong ng nanay sa mga gawaing
bahay?
A. Ate B. Kuya C. Bunso
________5. Paano mo maipapakita ang iyong
kahalagahan bilang kasapi ng pamilya?
A. Pagtupad sa mga utos ng mga magulang.
B. Pagtatago pag inuutusan ni tatay.
C. Paglalaro kaysa unahin ang pagtulong sa bahay.

SUSI SA PAGWAWASTO
5.
5. C 5. X
4. F 5.
4. B
4. /
E 4.
3. C 3
3. / 3. C
2. A 2.
2. / 2. B
1. B
1. 1. / 1. A
Pagsubok
Sanggunian
Araling Panlipunan 1

https://www.kindspring.org/story/view.php?sid=148068
https://pngtree.com/freepng/cartoon-kind-mother-doing-housework-png-
material_4638202.html
https://www.pinterest.com.au/pin/768567492635611904/
https://www.dreamstime.com/man-clean-home-doing-housework-children-
man-clean-home-doing-housework-children-father-doing-everyday-
domestic-image136633540
https://www.freevector.com/father-and-child
https://www.dreamstime.com/angry-mother-looking-messy-room-her-son-
sitting-armchair-watching-tv-cleaning-helping-his-mum-image117293165
https://www.nytimes.com/2018/08/08/upshot/chores-girls-research-social-
science.amp.html
https://www.shutterstock.com/image-vector/brother-sister-doing-dishes-
108114329
https://www.dreamstime.com/illustration/family-faces.html
http://clipart-library.com/free/family-clipart-transparent-background.html

You might also like