You are on page 1of 14

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5
Home Economics
Ikalawang
Markahan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan - Ikalimang Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Paraan sa Pagpapanatiling Malinis ang
Kasuotan!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Liezl C. Manuel
Editors: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O.Antolin
Teknikal: Jeffrey D. Martinez
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Dr. Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto

Paraan sa Pagpapanatiling
Malinis ang Kasuotan
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan- Home Economics 5 ng Modyul para sa araling Paraan sa
Pagpapanatiling Malinis ang Kasuotan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Home Economics 5 Modyul ukol sa Paraan sa Pagpapanatiling Malinis ang
Kasuotan !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang


naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon sa


ibaba. Piliin at bilugan ang titik nang tamang sagot

1. Naglalaro si Ana sa parke nakita niyang may butas ang palda niya dahil
sumabit sa pako. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Lalabhan B. Plantsahin C. Tahiin D. Tagpian
2. Basang-basa ng pawis ang damit mo dahil maghapon kang naglaro
sa parke. Ano ang dapat mong gawin pag-uwi ng bahay?
A. Ihanger ang damit C. Ilagay sa ropero o basket
B. Isampay sa silya D. Ipatong sa mesa
3. Hindi pa napaplantsa ang iyong uniporme dahil may sakit ang nanay
mo. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabhan B. Plantsahin C. Tahiin D. Tiklupin
4. Habang naglalaro kayo ng mga kaibigan mo , di sinasadyang nalagyan
ng pintura ang damit mo. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabhan B. Tahiin C. Plantsahin D. Tanggalin ang mantsa
5. Napansin ng kaklase mo na may punit ang polo shirt. Paano mo ito
aayusin?
A.Lalabhan B. Tahiin C. Plantsahin D. Tagpian
BALIK-ARAL

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung


wasto ang isinasaad nito at Mali kung di wasto.
______ 1. Ang pag-aalaga ng hayop ay isang kapaki-pakinabang na gawain.
______ 2. Ang pag-aani ng tilapia ay mainam gawin sa umaga.
______ 3. Ang maramihang pagtitinda ng mga produkto ay tinatawag na
tingian.
______ 4. Ang matagumpay na pag-aalaga ng mga hayop ay nakasalalay sa
laki ng badyet.
______ 5. Ang talaan ng gastos at kinita sa pagsasapamilihan ay ginagawa
upang malaman kung kumita o nalugi ang isang negosyo.

ARALIN

Paraan sa Pagpapanatiling Malinis ang Kasuotan

Ang wastong pangangalaga ng mga kasuotan ay nagsisimula sa


pagsuot hanggang sa paghubad . Maaaring masira o mapunit ang damit kung
hindi natin matutunan ang tamang pagkilos at pag-aalaga sa mga ito.

Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang mga


kasuotan. Hindi ito mahirap gawin. Kailangan lamang ang pagsasanay at
pagsisikap na maisagawa ang mga gawaing ito.

Narito ang mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ating mga
kasuotan.

1. Ilagay sa ropero ang maruming damit


upang di magkalat sa loob ng tahanan.
Ropero ang tawag sa basket na sisidlan
ng maruruming damit.
2. Pahanginan ang damit na basa ng pawis
pagkahubad nito upang maalis ang
amoy pawis bago ilagay sa ropero.

3. Ihanger ang mga malinis na damit


Panlakad

4. Tiklupin nang maayos ang mga damit


pambahay at isalansan sa kabinet ayon
sa kulay at gamit

5. Tiklupin ng pabaligtad ang mga damit na


hindi gaanong ginagamit at ilagay sa
plastic bag.

6. Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit


habang sariwa pa bago ito labhan.

7. Kumpunihin ang sira ng damit tulad ng


butas, punit at tastas bago ito labhan

8. Punasan muna ang lugar na uupuan bago


maupo. Maaari ding lagyan muna ng
sapin ito.
9. Huwag pagpunasan ng kamay, pawis,
sipon o libag ang mga hinubad na damit.
Gumamit ng panyo o labakara.

10. Ang mga damit panloob tulad ng kamison,


panty,bra, brief, half-slip at pantilet ay
kailangang palitang madalas o araw-araw
sapagkat nababasa ito ng pawis dahil
nakadikit ito sa katawan.

11. Ang mga sinturon, palamuting panali


tulad ng scarf, panyo at sombrero ay ilagay
nang maayos sa lalagyan upang madaling
makita kapag nais gamitin.

12. Ang mga alahas, singsing , kuwintas


brotse, pulseras at iba pa ay nakadaragdag
ng kagandahan sa nagsusuot ngunit dapat
piliin ang isusuot at ibagay ang mga ito sa
kasuotan at okasyong dadaluhan.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Tukuyin kung Dapat o Di-dapat and isinasaad ng bawat


pangungusap.
_____ 1. Ang maruruming damit na hinubad ay inilalagay sa ropero.
_____ 2. Ang mga damit na pambahay ay maayos na nakatupi sa loob ng
kabinet.
_____ 3. Ang mga may sira o punit ay kailangang tahiin o sulsihan pagkatapos
labhan.
_____ 4. Ang mga bago at mamahaling damit lamang ang nangangailangan ng
pag-iingat.
_____ 5. Ang mga damit na palaging isinusuot ay nakabalot sa plastik ng di
madumihan.

Pagsasanay 2

Panuto: Lagyan ng kung tama ang kaisipan at kung


mali.
_____ 1. Ang mga uniporme at damit pansimba ay nakasabit sa hanger kung
hindi ginagamit.
_____ 2. Ang mga damit ay iniingatan lamang kapag nakasuot na sa ating
Katawan.
_____ 3. Ang maruming damit ay maaring gamitin na pampunas ng kamay.
_____ 4. Ang mga mantsa sa damit ay tinatanggal muna bago labhan.
_____ 5. Ang damit na basa ng pawis ay pinapahanginan muna bago ilagay
sa ropero.
Pagsasanay 3

C. Panuto: Lagyan ng tsek ( / )kung ito ay ginagawa mo at ekis (X)


kung hindi mo ginagawa.

Gawain Ginagawa Hindi


Ginagawa
1. Isinusuot muli ang damit na
pinagpawisan na.
2. Sinusulsihan ang mga sira ng damit
bago labhan.
3. Inaalis ang mantsa bago labhan.
4. Nagpapalit ng damit panloob araw-araw
5. Nagsasampay ng damit kahit saan.

PAGLALAHAT

Panuto: Ano-ano ang wastong paraan sa pangangalaga at pag-iingat


ng ating mga kasuotan?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sino sa dalawang bata ang dapat mong pamarisan.


Ipaliwanag ang iyong sagot.

1. Si Ana ay pumunta sa palengke, pag-uwi nya ng bahay hinubad nya


ang kanyang damit at inilagay sa ropero.
2. Si Lina ay nagmamadaling lumabas ng bahay upang kausapin ang
kanyang kapitbahay tungkol sa paparating na Mobile Palengke.
Habang nag-uusap sila ng kanyang kapitbahay napansin n’yang tastas
ang laylayan ng kanyang damit at nilagyan nya ito pardible.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin at bilugan ang titik nang wastong sagot.

1. Ang mga maruruming damit ay dapat ilagay sa __________.


A. Kama B. Ropero C. Silya D. Kahon
2. Ang mga sira o punit ng damit ay kailangang sulsihan o tahiin
__________ labhan
A. Bago B. Habang C. Matapos D. Sa katawan
3. Ang mga damit na palaging isinusuot ay ilagay sa gawing
__________ ng kabinet.
A. Ibabaw B. Ilalim C. Likuran D. Pinto
4. Ang mga alahas, brotse, pulseras at iba pa ay ginagamit ayon sa
kasuotan at __________.
A. Kagustuhan B. Gawain C. Panahon D. Okasyon
5. Ang pagsusuot ng tamang damit ay nagdudulot ng pagtitiwala at
__________ sa sarili.
A. Kaayusan B. Kalinisan C. Kagandahan D. Kabanguhan
A. PAUNANG PAGSUBOK
1. D
2. A
3. B
4. D
5. B
B. BALIK-ARAL
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
C. PAGSASANAY
Pagsasanay 1 Pagsasasanay 2 Pagsasasanay 3
1. Dapat 1. Hindi Ginagawa 1.
2. Dapat 2. Ginagawa 2.
3. Di-dapat 3. Ginagawa 3.
4. Di-dapat 4. Ginagawa 4.
5. Di-dapat 5. Hindi Ginagawa 5.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. B
2. A
3. A
4. D
5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

Gloria A. Peralta, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L.


Quiambao, and Jeffrey D. de Guzman. 2016. Kaalaman at Kasanayan
sa Kaunlaran 5. Quezon City, Philippines. Vibal Group INC.

Evelyn D. Deliarte, Ana B. Ventura, and Randy R. Emen. 2015.


Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan 5.
Manila, Philippines, Adriana Publishing Co. INC.
Bitmoji Application/Fredrick Austin C. Manuel/Fredric Dustin C. Manuel

You might also like