You are on page 1of 13

EPP 5

Ikaapat
na Markahan ICT/
EPP – Ikalimang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 15: Natutukoy ang mga angkop na search
engine sa pangangalap ng impormasyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rodolfo D. Garcia Jr
Editors: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez
Tagasuri: Dolores O. Antolin, Bernadette B. Enriquez
Teknikal : Welma H. Alisasis
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.
EPP 5
Ikaapat na Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
Mga Angkop na Search Engine sa Pangangalap
ng Impormasyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan ICT/ ENTREPRENEUR 5 ng Modyul para sa araling_Mga
Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng Impormasyon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod,
Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ICT/


ENTREPRENEUR 5 Modyul ukol sa Mga Angkop na Search Engine sa Pangangalap
ng Impormasyon

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto. 

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


natutukoy ang mga angkop na search engine sa pangangalap ng
impormasyon.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagtambalin ang mga icon na nasa Hanay A sa pangalan nito


na nasa Hanay B. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

_____1. A. Youtube

_____2. B. DuckDuckGo

_____3. C. Amazon

_____4. D. Bing

_____5. E. Yahoo
BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng mga
panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat at Mali naman kung di-
wasto. Salungguhitan ang salitang nagsasaad ng di-wasto sa pangungusap
at isulat sa patlang ang tamang sagot.
________1. Ang administrator ay nagtatakda ng panuntunan sa isang

discussion group o chat.

________2. Maaring magpost ng mga advertisement at endorsement sa

discussion group.

________3. Ang discussion group ay isang grupo kung saan pwedeng mag
post

o mag iwan ng anumang mensahe o tanong.

________4. Maaaring magpost ng mga pahayag na nakakasira ng ibang tao.

________5. Walang responsibilidad ang may ari ng account sa kaniyang mga

ipinopost sa discussion forum.

ARALIN

Mga Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng Impormasyon

Search Engine

Ang search engine ay isang programa sa computer na


tumutulong upang maghanap ng mga dokumento, musika, video,
imahe o larawan sa pamamagitan nang paglalagay ng mga salitang
hahanapin o keyword. Marami ang mga search engine na ginagamit
ng mga tao sa kasalukuyan ngunit ayon sa pag-aaral, may tatlong
nangungunang mga search engine, ito ay ang Google, Yahoo Search at
Bing. Ilan lamang ang mga ito sa mga angkop na search engine na
maaaring gamitin sa pangangalap ng mga impormasyon.
Narito ang ibat-ibang kakayahan at katangian ng tatlong nabanggit na
search engine na maaaring makatulong sa mas mabilis at mabisang
pangangalap ng impormasyon.

Ito ang itinuturing na pinakakilalang search engine. May


kakayahan ang search engine na ito na magsagawa ng advanced
search. Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng mga
pang-akademiko at mas siyentipikong akda gamit ang Google
Scholars. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinaka-
popular o pinaka-madalas dalawin na websites. Ito ay maaaring
magsalin-wika ng mga pahina batay sa awtomatikong wika na
itinakda sa setting. May kakayahan din itong maghanap ng mga video
dahil isa rin sa kanilang produkto ang Youtube.

Ang Yahoo Search ay dating kilalang


yellow page directory. Mas kilala ito bilang isang email provider site.
Ang mga resultang inilalabas nito ay ayon sa relevance o kahalagahan
ng nais hanapin. Wala itong kakayahang magsalin-wika ng mga
pahina. Isa sa mga tampok na puna dito ay ang hindi organisadong
ayos nito at ang mga pop-up ads na lumalabas gamit ang search
engine na ito. Ang mga ginamit na salita bilang keywords sa
paghahanap ay makikita sa titulo ng artikulo. Ito ay may kakayahang
maghanap ng mga lokal na resulta dahil mayroong mga lokalisadong
bersyon.

Ang search engine na ito ay bunga ng


kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo. Ang mga resulta ay nakabatay sa
mga pinagkakatiwalaang mga website. Ang mga resultang inilalabas
nito ay nakabatay sa kalidad ng artikulo o website. Ang paghahanap
ay nakabatay sa titulo ng artikulo. Nakapaghahanap ito ng mga
produkto, balita, musika, video at iba pa

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tukuyin ang search
engine na angkop gamitin. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Si Richard ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Siya ay naatasan


ng kanyang guro na mag-ulat tungkol sa iba’t ibang Gawaing Pang-
industriya. Ano kaya ang maaari niyang gawin upang mas mapadali
ang pagkuha niya ng mga datos na kanyang kailangan? Anong pinaka
angkop na search engine ang maaari niyang gamitin?

A. Facebook B. Google C. Messenger D. Zoom

2. Si Larah ay magsasaliksik ng kanyang aralin gamit ang isang search


engine na may kakayahang mag-salin ng wika. Anong search engine
ang maaari nyang gamitin?

A. Ask.com B. Bing C. Google D. Yahoo

3. Magsasaliksik ng mga impormasyon si Troy gamit ang isang search


engine na ang mga resulta ay nakabatay sa mga pinagkakatiwalaang
mga website. Anong search engine ang maari nyang gamitin?

A. Bing B. Yandex C. Youtube D. Zen Search

4. Nais ni Gail na magsaliksik ng impormasyon sa internet gamit ang


isang search engine na ang mga resultang inilalabas ay ayon sa
relevance o kahalagahan ng nais hanapin.Anong search engine ang
dapat nyang gamitin?

A. Camp Search C. Federal Web Locator


B. C. GoTo.Com D. Yahoo

5. Kailangan ni Rachel na mangalap ng impormasyon gamit ang isang


search engine na may kakayahang makapagsagawa ng advanced
search. Anong search engine ay may kakayahang magsawa nito na
maari nyang gamitin?

A. MusicSearch B. Google C. Bing D. QuestFinder

Pagsasanay 2:
Panuto: Magsaliksik ng lima (5) pang search engine na maaring
gamitin sa pangangalap ng impormasyon.

1. ______________
2. ______________
3. ______________
4. ______________
5. ______________

PAGLALAHAT

Bilang pagbubuod ng ating aralin, sa pangangalap ng


impormasyon ano ang maari nating gamitin para makakuha ng mga
impormasyon na nais nating malaman?
Ano-anong mga angkop na search engine ang maari nating
gamitin?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Si Lian ay mag-aaral sa ikalimang baitang. Nagkasakit siya ng


dalawang araw kaya nahuli siya sa mga aralin. Binigyan siya ng
takdang aralin ng kanyang guro na maghanap ng limang (5) tanyag
na produkto sa lugar ng Palawan, Iloilo at Davao.

Ano ang kanyang gagawin upang mapadali ang paghahanap ng


impormasyon?
_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Anong search engine ang maari niyang gamitin?

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang angkop na search engine sa bawat bilang. Piliin sa


kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

Google Yahoo Bing


Internet Youtube Search Engine

_________1. Ito ang tinuturing na pinakakilalang Search Engine.


_________2. Isang programa sa computer na tumutulong upang
maghanap ng mga dokumento, musika, video, imahe o
larawan sa pamamagitan nang paglalagay ng mga
salitang hahanapin o keyword.
_________3. Ang dating yellow page directory.
_________4. Ang kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo.
_________5. Ito ay isang sikat na search engine ng mga video na
produkto rin ng google.
SUSI SA PAGWAWASTO

Panapos na Pagsusulit
Pagsasanay 1
1. Google
2. Search Engine 1. B
3. Yahoo 2. C
4. Bing 3. A
5. Youtube
4. D
5. B

Balik-Aral
Paunang Pagsubok
1. Tama 1. D
2. Mali-hindi dapat magpost 2. E
3. Tama 3. A
4. Mali – Hindi dapat magpost 4. C
5. Mali-Mayroong responsibilidad 5. B

Sanggunian
Gloria A. Peralta, EdD Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan Yolanda
L. Quiambao Jeffrey D. De Guzman Elain Q. Borazon, PhD
(Patnugot) Batayang Aklat 2018 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa
Kaunlaran Vibal Group, Inc.
https;//quipperschool.com
https://www.freeonlineseoadvice.com/list-of-search-engines/-google
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Yahoo!_icon.svg
https://simple.wikipedia.org/wiki/Bing
https://en.wikipedia.org/wiki/YouTube_(channel)
https://www.iconfinder.com/icons/1298723/amazon_ecommerce_log
o_shop_store_icon

You might also like