You are on page 1of 4

Aralin 8 MGA PANUNTUNAN SA PAGSALI SA DISCUSSION FORUM AT CHAT

I. Nilalaman
May iba’t-ibang panuntunan ang mga discussion forum at chat. Ang mga
panuntunan na ito ay itinakda ng moderator or administrator ng isang chat o
discussion forum. Ganun pa man, may ilang punto na dapat tandaan sa pagsali
sa isang Chat o Discussion Forum.

II. Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.
2. Nakapagpamalas ng kagandahang asal sa pakikipag-usap sa iba.

KAYA MO NA BA

Panuto: Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan (√) ang


thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Nalalaman ang mga website na


nagbibigay ng serbisyo tulad ng
discussion forum at chat.
2. Nailalarawan ang mga kakayahan
ng computer upang matukoy ang
mga mensahe at mga tanong para sa
isang forum at chat.
3. Makikilala ang ibat-ibang
kapakinabangan ng mga website
katulad ng Yahoo, Facebook at
Google.
4. Natutukoy ang ligtas at
responsableng pamamaraan sa
pagsali sa discussion forum at chat
ALAMIN NATIN

1. Nakapanood na ba kayo ng isang discussioin forum sa T.V?


2. Sa pamamagitan ng internet at facebook, nakaranas na ba kayo na makipag chat on
line?

Ang Discussion forum ay klase ng isang board kung saan maaaring magpost o mag-
iwan ng anumang mensahe o tanong. Maraming mga website ang nagbibigay ng ganitong
klase ng serbisyo tulad ng Yahoo, Google at Facebook. Ang bentahe ng ganitong klaseng
forum ay maaaring sumagot o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o
kailanman. Sa isang discussion forum ang moderator ay may kakayahang piliin o salain
ang mga impormasyong pumapasok sa forum. Samantalang mayroon mga chatbox na
maaaring pasukin ng sinuman kung kaya importante ring alamin ang mga dapat gawin.

Narito ang ilan sa mga dapat tandaan sa pagsali sa mga chat o discussion forum.

1. Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa board o forum.


2. Tiyakin ring nakapaloob sa thread o sa pinag-uusapan o topic ang tanong. Kung ganun,
dapat alamin ang tamang lugar ng bawat tanong. Dahil bawat tanong ay may iba’t-ibang
thread.
3. Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang file na hindi mo pagmamay-ari,
kung sakaling magpost man kailangan ilagay ang kredito ng nagmamay-ari ng file.
4. Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo o impormasyong hindi para sa
pampublikong gamit.
5. Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o endorsement lalo na’t labas
naman sa topic ng forum.
6. Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread bago magpost ng tanong o sagot
upang maiwasan ang pagdoble ng post, ganun din upang ipakitang nagbabasa ng post
bago magtanong.
7. Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o pahayag ang siyang may
resposibilidad dito.

Iba-t – ibang uri ng website


LINANGIN NATIN

Gawain A: Mag Skit Tayo

1. Bumuo ng apat na grupo.


2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa responsableng pamamaraan sa pagsali sa
discussion forum at chat at ang mga kaakibat ng panganib na dulot nito. Tingnang ang
pagkakaayos ng grupo batay sa paksang tatalakayin sa ibaba.

a. Pangkat 1 at 2 : Paggamit ng iba’t-ibang website na nagpapakita ng


discussion forum at chat.

b. Pangkat 3 at 4 : Patakaran at panuntunan sa pagsali sa discussion


forum at chat.

3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa responsableng


pamamaraan sa pagsali sa discussion forum at chat.

SUBUKIN MO

Tama o Mali

Isulat s patlang kung Tama o Mali ang pahayag.


Ilagay ang sagot sa patlang.

__________ 1. Ugaliin ang mabilis na pagsagot sa chat.

__________ 2. Maging malinaw ang pahayag upang maunawaan nang lubos ng


kausap.

__________ 3. Magpaliguy-ligoy sa pagsagot sa chat o forum.

__________ 4. Hindi na kailangang magpaalam sa kausap bago mag-offline.

__________ 5. Ang chat ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
tao gamit ang computer at konektado sa internet.
KAYA MO NA BA?

Panuto: Taglay mo ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Lagyan


ng √ kung Oo, x kung hindi pa.
_________ 1. Nalalaman ang mga website na nagbibigay ng serbisyo tulad ng
discussion forum at chat.
_________ 2. Nailalarawan ang mga kakayahan ng computer upang matukoy ang mga
mensahe at mga tanong para sa isang discussion forum at chat.
_________ 3. Nakikilala ang mga iba’t –ibang kapakinabangan ng mga website katulad
ng yahoo, facebook at google.
_________ 4. Natutukoy ang ligtas at responsableng pamamaraan sa pagsali sa
discussion forum at chat.
_________ 5. Nalalaman ang mga dapat tandaan sa pagpopost sa thread laan
lamang sa pampublikong gamit.

Paghambingin ang mga naging resulta ng sagot mo sa simula at pagkatapos ng


araling ito.

httpsillschool.quipper.com

https://www.google.com

You might also like