100% found this document useful (2 votes)
1K views4 pages

Epp 5

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa Grade 5 tungkol sa ligtas at responsableng paggamit ng ICT. Ito ay nagtatalakay ng mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat. Ang mga mag-aaral ay ipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat at gagawin ang mga pangkatang gawain.

Uploaded by

Genesis Maniacop
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (2 votes)
1K views4 pages

Epp 5

Ang dokumento ay tungkol sa aralin sa Grade 5 tungkol sa ligtas at responsableng paggamit ng ICT. Ito ay nagtatalakay ng mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat. Ang mga mag-aaral ay ipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat at gagawin ang mga pangkatang gawain.

Uploaded by

Genesis Maniacop
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

School: Naruangan Central School Grade Level: V

GRADE 5 Teacher: Jay Cris Santiago Miguel Learning Area: EPP


DAILY LESSON LOG Teaching Date: Quarter: FIRST QUARTER

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang kaalaman at kakayahan sa ligtas at
responsableng paggamit ng ICT tulad ng pagsali sa discussion group
at chat
B. Pamantayan sa Pagaganap Nakasasali sa discussion group at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum
ang code ng bawat kasanayan) at chat (EPP5IE-0c-8)
II. NILALAMAN LIGTAS AT RESPONSABLENG GAMIT NG ICT
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian -
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro -
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang- -
Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran (pahina 14-15)
4. Karagdagang Kagamitan mula sa -
portal ng Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Bilang panimula, ipanood sa mga bata ang video clip na
pagsisimula ng bagong aralin pinamagatang “Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network,”
isa sa mga tampok ng video clip ng ([Link])

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Pagkatapos ipanood ang video clip, itanong sa mga bata ang mga
sumusunod:
1. Ano-ano ang mga pwede mong gawin sa social network ayon sa
video clip?
2. Ano-ano ang mga dapat mong tandaan sa paggamit ng social
network ayon sa video clip?
3. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto o panganib ng
maling paggamit ng social network?
4. Ano ang kabuuang mensahe ng naturang video clip na inyong
napanood?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Ipakita ang mga sumusunod na logo sa mga bata at ipasagot sa
bagong aralin kanila ang mga sumusunod na tanong sa ibaba:

Mga Katanungan:
1. Pamilyar ka ba sa mga simbolo o logong ito?
2. Ano-anong mga social media apps ang sinisimbolo ng mga
sumusunod na logos?
3. Ano-ano ang gamit ng mga social media apps na ito?
4. Nakatutulong ba ang mga ito sa buhay ng tao sa panahon
ngayon? Sa paanong paraan nakakatulong ang mga ito?
5. Ano-ano ang dapat tandaan ng isang indibidwal sa paggamit ng
mga ito?
Gamitin ang tugon o kasagutan ng mga bata upang ilahad ang mga
layunin at paksang pag-uusapan para sa araw na ito na patungkol sa
mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Itanong sa mga bata:


paglalahad ng bagong kasanayan #1  Nasubukan niyo na bang makipag-chat?
 Ano nga ba ang chat?

Talakayin ang mga sumusunod:

Ang chat ay pakikipag-usap sa impormal na paraan, ng dalawa o


higit pang tao sa pamamagitan ng internet.

Maraming pinaggagamitan ang chat, tulad ng mga sumusunod:


1. Ang mga kabataan ay nahihilig dito para makausap nila ang
kanilang mga kaibigan.
2. Nagagamit din nila ito para makakuha ng mga bagong kakilala.
3. Ang mga nasa larangan naman ng pagnenegosyo ay gumagamit
na rin ng chat upang makausap ang kanilang mga tauhan, kapuwa
negosyante, at maging ang kanilang mga kliyernte/ kostomer.
4. Ang ibang kompanya naman ay may mga tinatawag na help desk
o support staff para makausap ang kanilang mga kostomer lalo na
kung mayroon silang mga reklamo o problema tungkol sa isang
produkto o serbisyo.
5. Ang discussion forum naman ay nakatutulong sa mga taong
naghahanap ng kasagutan tulad ng paggamit ng mga iba’t ibang
gadgets o kaya’y bagong software o application.
6. Maaaring mag-post sa discussion forum para makakuha ng mga
kasagutan, opinyon, o solusyon mula sa mga makababasa nito.

Tanong:
 Subalit, ano-ano nga ba ang mga dapat mong tandaan sa
pagsali sa chat at discussion forum?
 Ano-ano ang mga panuntunang dapat mong isaisip bago ka
sumali sa mga chat at discussion forums?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Talakayin ang mga sumusunod na panuntunan sa pagsali sa


paglalahad ng bagong kasanayan #2 Discussion Forum at Chat:

1. Tiyaking importante at kung maaari ay kakilala ang 2ago t-chat.


2. Gamitin ang chat sa makabuluhang usapan.
3. Maaari mo ring Makita ang iyong ka-chat sa pamamagitan ng
paggamit ninyo pareho ng web camera o web cam. Nakikita man o
hindi ang kausap sa pamamagitan ng web cam, nararapat na
igalang ito.
4. Laging maging mahinahon sa pakikipag-chat. Iwasang magbitiw
ng masasamang salita, manigaw, at iba pang hindi magandang asal.
5. Iwasan ang paggamit ng ALL CAPS (o malalaking titik) kapag
nagsulat ng mensahe sa chat sapagkat tila naninigaw o galit ang
pakahulugan nito.

Narito pa ang ilang mahahalagang panuntunan sa pagsali sa isang


Discussion Forum:
1. Palaging isaisip at isagawa ang mga netiquette o ang mga
panuntunan sa kagandahang-asal sa paggamit ng internet.
2. Basahin ang mga patakaran sa sasalihang discussion forum upang
lubos na maunawaan ang mga kailangang gawin.
3. Siguraduhing tama sa paksa ang discussion forum na sasalihan.
Iwasan ang magpost ng mga paksang malayo sa layunin ng
discussion forum.
4. Sa tuwing ikaw ay magpopost ng paksa, siguraduhing ito ay
malinaw para sa lahat ng makababasa. Ugaliin din na sundin ang
lenggwaheng nirerekomenda upang lubos pa itong maintindihan ng
lahat.

Narito naman ang ilan pang panuntunan sa pagsali sa isang chat:


1. Ugaliin ang netiquette.
2. Maging malinaw sa mga pahayag upang maunawaan nang lubos
ng kausap.
3. Sumagot nang ayon sa tinatanong ng kausap. Iwasan ang
pagsagot nang hindi tama o walang batayan.
4. Sumagot kaagad dahil tiyak na naghihintay ng mabilis na 3ago
tang kausap.
5. Magpaalam ng maayos sa kausap bago mag-offline.

F. Paglinang sa Kabihasan PANGKATANG GAWAIN


(Tungo sa Formative Assessment) (Ikalawang Araw)
Hahatiin ng guro ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay
mayroong nakatakdang gawain na nakasaad sa ibaba. Kailangang
isaalang-alang ng mga miyembro ng bawat pangkat ang tema o
paksang nakasaad sa ibaba sa pagbuo o paggawa ng kanilang
nakatakdang gawain.

Paksa o Tema: “Sa Pagsali sa Discussion Forum at Chat, Lamang ang


may Alam!”

Para sa Unang Pangkat: Magpapakita ng isang simpleng dula na


naaayon sa tema o paksa.

Para sa Ikalawang Pangkat: Gagawa ng slogan alinsunod sa ibinigay


na tema o paksa.

Para sa Ikatlong Pangkat: Guguhit ng poster na may kaugnayan sa


paksa o temang nakatakda.

Para sa Ikaapat na Pangkat: Susulat at maghahandog ng tulang


mayroong sukat na dalawang saknong at apat na taludturan batay
sa tema o paksang ibinigay.

Para sa Ikalimang Pangkat: Maghahandog ng munting awiting


konektado sa tema o paksang pinag-uusapan.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Talamak ngayon sa social media, chat, at maging sa ibang discussion
araw na buhay forum ang tinatawag na cyber bullying o ang pang-aaway o paninira
sa kapuwa gamit ang mga iba’t ibang platforms gaya ng Facebook,
Messenger, at iba pa. Bilang isang bata, ano ang maaari mong
maipayo sa mga tao o batang tulad mo na kadalasang nasasangkot
sa ganitong maling gawain?

H. Paglalahat ng Arallin Ano-ano ang mga magagandang dulot ng pagsali sa chat at


discussion forum?
Ano-ano ang mga panuntunang dapat mong tandaan sa pagsali sa
chat at discussion forum?

I. Pagtataya ng Aralin PAK GANERN O LIGWAK GANERN?


Isulat ang PAK GANERN kung TAMA ang isinasaad ng mga sumusunod
na pangungusap at isulat naman ang LIGWAK GANERN kung MALI.

1. Kahit hindi nakikita ang kausap sa chat o discussion forum, dapat


bigyan pa rin sila ng paggalang.
2. Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal (slang), mapanira, at
nakakasakit sa chat at discussion forum.
3. Sumunod sa mga alituntuning nilikha ng mga nangangasiwa ng
chat o discussion forum na iyong sinalihan.
4. Makipagchat sa kahit kanino upang dumami pa lalo ang iyong
kakilala o kaibigan.
5. Ugaliing magpost ng kung ano-ano sa chat o discussion forum na
iyong sinalihan upang malibang ang mga nakakabasa ng mga ito.

J. Karagdagang gawain para sa Sa iyong kuwaderno, sumulat ng isang sanaysay patungkol sa


takdang-aralin at remediation paksang “Maging Matalino sa Pagsali sa Chat at Discussion Forum.”

V. Mga Tala
VI. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan
na solusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: Noted by:

JAY CRIS S. MIGUEL GINA N. QUINAN


Subject Teacher School Principal III

You might also like