You are on page 1of 6

Quarter 1 - Module 4

Entrepreneurship and Information and


Communication Technology

Aralin
Mga Panuntunan sa Pagsali ng
1 Discussion Forum at Chat
Subukin
Subukin natin kung taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?
Panuto: Tsekan (√) ang happy face icon Kung taglay mo na ito at sad face icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Kailangang matutunan ang mga kahalagahan sa paggamit ng website tulad sa


discussion forum at chat.

2. Walang kakayahan ang computer na maipaabot ang mga mensahe at mga


tanong sa isang discussion forum at chat

3. May ibat-ibang pakinabangan ng mga website katulad ng Yahoo, Facebook


at Google.

4. Magkakaroon ng ligtas at responsableng pamamaraan sa pagsali sa


discussion forum at chat

5. Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o endorsement lalo na’t


labas naman sa topic ng forum
6. Ang password ay maaring ipahiram sa kahit sino.

7. Ang e-mail address ay nag-iiba sa tuwing bibisitahin ang account sa online


chat.

Alamin
Sa modyul na ito, pag-aralan mo ang mga panuntunan sa pagsali ng discussion
forum at maipamalas ang kagandahang-asal sa pakikipag-usap sa iba.
Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat. ( EPP5IE-Oc-8 )

Balikan
Balikan natin ang nakaraang leksiyon kung may natutunan ba kayo . Hanapin sa loob ng
kahon ang tamang sagot upang maging kompleto ang pangungusap at isulat sa patlang.
A. impormasyon D. guro G. device. J. virus.
B. password. E. ICT equipment H. Dokumento
C. board F. internet I. removable device.
1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga
____________ at gadgets.
2. Dapat gumamit ng _____________ sa paaralan anumang oras at araw.
3. Maaaring magbigay ng personal na _____________ sa taong nakilala mo sa internet.
4 . Dapat ipaalam sa_____________ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan.
5. Ibigay ang __________sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa
klase.
6. Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa___________ o forum.
7. Tiyakin na ang gagamiting___________ay ligtas sa anumang virus na nakapaloob dito.
8. Humingi ng pahintulot sa kinauukulan bago mamahagi ng mga_____________at media file.
9. Kung sakaling may matagpuang ________ sa loob ng device, tiyaking alisin muna sa loob nito
bago gamitin.
10. Maging responsable dahil anumang virus na nasa loob ng ________________ay maaaring
mailipat din kasama ng dokumento at media file na nais ipamahagi.

Tuklasin

GAWAIN: Panuntunan… Dapat Maintinduhan!


 Ano-anong website ang nakita mo ?
 Nakaranas na ba kayo na makipag chat online?
 Nakapanood na ba kayo ng isang discussion forum sa T.V?
 Ano ang mga panuntunan sa pagsali sa mga discussion Forum at chat ?

Tuklasin natin ngayon ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion at chat. Sabihin kung
ang mga nakasulat ay panuntunan o hindi. Isulat ang letrang P kung ang pahayag ay Panuntunan,
at HP naman kung Hindi Panuntunan
____1. Siguraduhing hindi makapaninira ang iyong sasabihin sa board o forum.
____2. Tiyakin ding nakapaloob sa thread o sa pinag-uusapan o topic ang tanong. Kung ganun,
dapat alamin ang tamang lugar ng bawat tanong. Dahil bawat tanong ay may iba’t ibang thread.
____3. Hindi maaaring magpost ng mga dokumento o anumang file na hindi mo pagmamay- ari,
kung sakaling magpost man kailangang ilagay ang kredito ng nagmamay-ari ng file
____4. Hindi dapat magpost ng mga impormasyong sensitibo o impormasyong hindi para sa
pampublikong gamit.
____5. Ibahagi sa kaklase ang password sa account para magka - access nito.
____6. Hindi maaaring magpost ng anumang advertisement o endorsement lalo na’t labas naman
sa topic ng forum.
____7. Basahin ang mga naunang tanong o post sa thread bago magpost ng tanong nagbabasa ng
post bago magtanong
____8. Maaring magpost ng mga negative emotions sa facebook wall kahit anong oras gusto.
____9. Ang indibidwal na nagpost ng anumang mensahe o pahayag ang siyang may
resposibilidad dito.
___10. Siguraduhing malaman kung sino o kanino nagmula ang ipamamahaging dokumento o media file.

Suriin
GAWAIN: Basahin at Matuto!

Ang Discussion forum ay isang board kung saan maaring mag post o mag iwan ng anumang
mensahe o tanong . Maraming mga website ang ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo,Google
at Facebook.
Maaring sumagot o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman. Sa
isang discussion forum ,may moderator na may kakayahang piliin o salain ang mga impormasyong
pumapasok sa forum.
May chatbox na maaring pasukin ng sinuman kung kaya importante alamin ang mga dapat
gawin.
Ang mga panuntunan sa pagsali ay mahalaga dahil ito ay nagsisilbing gabay sa iyong
pakipag-ugnayan at wastong paggamit ng website.

Basi sa nabasa, sagutin ang mga tanong.


1. Bakit dapat sundin ang mga panuntunan sa pagsali ng discussion forum at chat?

2. Ipaliwanag ang kahalagahan ng discussion forum.

3. Itala ang iba’t ibang website na maaring gamitin sa Discussion Forum at Chat.

4. Paano maging ligtas sa pagsali ng Discussion Forum at Chat?

___________________________________________________________________
__
5. Magbigay ng tatlong panuntunan sa pagsali ng Discussion Forum at Chat.
___________________________________________________________________
__

Pagyamanin
GAWAIN A: Ano Ang Mga Gusto Mong Malaman ?
Panuto:
1. Gamitin mo ang inyong sariling Facebook account. Gumawa ng isang
discussion forum at chat.
2. Subukang makipag-ugnayan sa iyong mga kaklase sa Discussion Forum at
Chat.
3. Maaring i-screen shot ito at ipadala sa iyong guro.
GAWAIN B: Maligayang Bati!
Sitwasyon :
Kaarawan ng iyong matalik na kaibigan. Nais mong ipahatid ang iyong pagbati sa
kanyang kaarawan.
1. Magpost ng iyong greetings sa kanyang kaarawan sa Facebook Wall .
2. Sundin ang panuntunan sa pagpost ng mensahe.
3. Maaring i-screen shot ito at ipadala sa iyong guro ng ICT.

Isaisip
GAWAIN: Ano Ang Natutunan Ko?
Punan ng tamang sagot ang puwang. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

Ang ___________________ ay isang board kung saan maaring magpost o mag- iwan ng anumang
mensahe o tanong . Maraming mga website ang ganitong klase ng serbisyo tulad ng _______________,
_______________at________________.
Maaring sumagot o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman. Sa isang
Discussion Forum, may ________________ na may kakayahang piliin o salain ang mga impormasyong
pumapasok sa forum. May _________________ na maaring pasukin ng sinuman kung kaya importante
alamin ang mga dapat gawin.
Ang mga panuntunan sa pagsali ay_________________ dahil ito ay nagsisilbing
____________________sa iyong __________________ at wastong paggamit ng ____________________.
Isagawa
Taglay mo ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan?
Panuto: Isulat ang SANG-AYON kung ang isinasaad ng pahayag ay tama at HINDI SANG
-AYON kung ang isinasaad ay mali. Isulat sa patlang and sagot.

______ 1. Ang mga website ay nagbibigay ng serbisyo tulad ng Discussion Forum at Chat.
______ 2. May kakayahan ang computer upang matukoy ang mga mensahe at mga tanong para
sa isang Discussion Forum at Chat.

______ 3. May mga iba’t ibang pakinabangan ang mga website katulad ng Yahoo, Facebook at Google sa
paghatid ng mensahe o impormasyon.
______ 4. Sundin ang ligtas at responsableng pamamaraan sa pagsali sa Discussion Forum at Chat.
______ 5. Dapat alamin mo ang panuntunan sa pagpopost sa thread dahil ito ay sa pampublikong gamit.
______ 6. Responsibilidad mo ang naipost na mga anumang mensahe o pahayag sa website.
______7. Gawing privacy ang anumang pinag- usapan sa isang Discussion Forum at Chat.
______8. Maaaring magpost ng mga opinyon sa isang Discussion Forum.
______9. Maaaring magpost ng mga sensitibong dokumento o anumang file na hindi mo pagmamay-ari.
_____10. Kung sakaling magpost man kailangang ilagay ang kredito ng nagmamay-ari ng file.

Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel kung Tama o Mali ang pahayag. Isulat ang
tamang sagot sa sulatang papel.
______1. Ugaliin ang mabilis na pagsagot sa chat.
______2. Maging malinaw ang pahayag upang maunawaan nang lubos ng kausap.
______3. Magpaliguy-ligoy sa pagsagot sa chat o forum.
______4. Hindi na kailangang magpaalam sa kausap bago mag-offline.
______5. Ang chat ay isang pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao gamit
ang computer at konektado sa internet.
______6. Gamitin ang mga magagalang na pananalita sa pakikipag-usap sa discussion
forum at chat.
_______7. Ipagkalat ang napakinggan sa group discussion at chat.
______ 8. Gumamit ng fake account para siraan ang taong kagalit.
______9. Mapadali ang pagpadala ng mensahe gamit ang ICT.
______10. Kailangan ang gabay ng mga magulang sa paggamit ng website
Sagot sa Pansasanay

Mga Sagot sa mga Pagsasanay -Aralin 1


Subukin Balikan Tuklasin Pagya Isaisip Isagawa Tayahin
Suriin manin

1. / E P Discussion Sang-ayon Tama


forum
2. / F P Yahoo Sang-ayon Tama
3. / A P Google Sang-ayon Tama
4. / D P Facebook Sang-ayon Mali
5. / B HP moderator Sang-ayon Tama
6. / C P chatbox Sang-ayon Tama
7. / I P mahalaga Sang-ayon Mali
8. / H HP gabay Sang-ayon Mali
9. / J P pamantayan Hindi sang Tama
-ayon
10. / G P website Sang-ayon Tama

You might also like