You are on page 1of 6

Department of Education

Schools Division of Tarlac Province


San Manuel District

LEARNING ACTIVITY SHEET


GRADE 5 EPP IE - WEEK 4
Name of Learner: _____________________________________________ Date: _________
Grade & Section: ____________________________________________ Score: ________

I. Panimula (Susing Konsepto).


Ang kaalaman at kasanayan sa paggamit ng ICT ay makakatulong upang
mapabilis ang inyong mga gawain. Ang mga dokumento ay maaring ipadala sa
mga kakilala na hindi na kailangang dumaan pa sa post office. Mag – iingat
lamang sa pakikisalamuha sa mga hnd kakilala sa internet.

II. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan ng discussion forum at chat;
2. Naiisa – isa ang mga panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat;
3. Naipapamalas ang magandang pag uugali sa pagsali sa discussion
forum at chat.
(EPP5IE0c-8)
Balikan

Panuto: Basahin at suriin ang kaisipan tungkol sa pagbebenta ng mga natatanging


paninda. Iguhit sa sagutang papel ang kung tama ang pahayag at kung
mali.
1. Maaaring magmasid sa mga pamilihan ng kaparehong produkto upang
makakuha ng karagdagang kaalaman.
2. Huwag pakinggan ang opinyon ng mga kakilala at mamimili ukol sa pagbuo ng
disenyo.
3. Gumawa ng disenyo o halimbawa ng naisip na produkto. Subuking gamitin nang
malaman kung gumagana at matibay ito.
4. Huwag nang pansinin ang negatibong puna sa nagawang prototype.
5. Magpatulong sa Department of Trade and Industry (DTI) kung nagnanais na
mamuhunan at magbenta nang maramihan.

Suriin

Panuto: Basahin ang teksto upang lubos na maintindihan ang aralin.

Ang chat ay pakikipag-usap sa impormal na paraan ng dalawa o higit pang


mga tao sa pamamagitan ng internet. Kailagan munang i-type ang nais mong
sabihin sa iyong kausap para matanggap niya ito. Kaagad naman itong
natatanggap ng iyong kausap at maaaring makapagbigay din kaagad ng
kasagutan. Live o in real-time na nangyayari ang pag-uusap dito.
Maraming pinaggagamitan ang chat. Ang mga kabataan ay nahihilig dito
para makausap nila ang kanilang mga kaibigan. Nagagamit din nila ito para
makakuha ng mga bagong kakilala. Maging maingat lamang sa pagtanggap ng
mga bagong kakilala at na kalaunan ay maging kaibigan sa pamamagitan nito.
Ang mga nasa larangan ng pagnenegosyo ay gumagamit din ng chat upang
makausap ang kanilang mga tauhan o kapuwa negosyante maging ang kanilang
kustomer. Ang ibang kompanya naman ay may mga help desk o support staff para
makausap ang kanilang kostomer lalo na kung mayroon silang mga reklamo o
problema tungkol sa isang produkto o serbisyo.
Samantala, ang discussion forum naman ay isang klase ng board kung saan
maaaring magpost o mag-iwan ng anumang mensahe o tanong. Maraming mga
website ang nagbibigay ng ganitong klase ng serbisyo tulad ng Yahoo, Google at
Facebook. Ito ay nakatutulong naman sa mga taong naghahanap ng kasagutan
tulad ng paggamit ng isang bagong computer o software. Maaaring ang discussion
forum na ito ay naganap na. Kung ang tanong ay naiiba, maaari itong i-post sa
discussion forum para makakuha ng mga kasagutan, opinion, o solusyon mula sa
mga makakabasa nito.Ang kagandahan ng ganitong forum ay maaaring sumagot
o magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman.
May mga itinakdang panuntunan ang mga nangangasiwa ng discussion
forum o chat. Mahalagang sundin ang mga ito upang hindi mapahamak.

Mga Panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at Chat

1.Tiyaking importante at kung maaari ay kakilala ang mga ka-chat. Maging


mapanuri sa grupong sinasalihan.
2.Gamitin ang chat sa makabuluhang usapan.
3.Maaari mo ring makita ang iyong ka-chat sa pamamagitan ng paggamit
ninyo pareho ng web camera o webcam. Nakikita man o hindi ang kausap sa
pamamagitan ng webcam, nararapat na igalang ito.
4.Maging mahinahon lagi sa pakikipag-chat. Iwasang magbitiw ng
masasamang salita, manigaw, at iba pang nagpapakita ng masamang asal.
5. Ang Skype, Viber, FB Messsenger, Google classroom, Google Meet, at
Teams ay mga kilalang gamit sa pakikipag-chat. Makikita sa baba ang kanilang
mga logo.

SKYPE TEAMS VIBER ZOOM GOOGLE GOOGLE FB


MEET CLASSROOM MESSAGER

6. Iwasan ang paggamit ng ALL CAPS (nasa malaking titik) kapag nagsusulat ng
mensahe. Tila naninigaw ang pakahulugan nito.

7. Alamin ang pinag-uusapan. Huwag basta sasagot kung hindi ito alam. Maaaring
magkaroon ng hindi pagkakaunawaan dahil dito.

8. Iwasan ang labis na paggamit ng emoticons o smiley faces sa pagpapakita ng


mensahe sa email o maging sa pakikipag-chat, personal man o pagnenegosyo.
Nakabatay rin sa nilalaman ng mensahe ang paggamit ng emoticons o smiley faces.
9. Iwasang mag-post ng mga dokumento kung hindi ikaw ang nagmamay-ari. Kung hindi
maiiwasan, lagyan ito ng kredito ng nagmamay-ari nito.

10.Huwag magpo-post kung hindi naman konektado sa forum. Maari itong magdulot ng
pagkalito sa bawat miyembro.

Gawain 1

Panuto: Iayos ang salita sa loob ng panaklong at isulat sa sagutang papel upang
maibigay ang inilalahad sa bawat bilang.

1. Ito ay pakikipag-usap sa impormal na paraan ng dalawa o higit pang mga tao sa


pamamagitan ng internet. (hcta)

2. Ito ay isang klase ng board kung saan maaaring mag-post o mag-iwan ng anumang
mensahe o tanong. (sdicussnio ofrmu)

3. Ito muna ang kailangang upang matanggap ng iyong kausap ang iyong mensahe o
nais sabihin. (ytep)

4. Ito ang koneksiyon na kailangan natin sa ating gadyet upang makapagchat sa ibang
tao. (niretnte)

5. Ang mga nasa larangang ito ay gumagamit din ng chat upang makausap ang
kanilang mga tauhan maging ang kanilang mga kustomer. (enosgoy)

Gawain 2

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang oo kung dapat mong gawin at hindi kung hindi
dapat.

1. Kung maaari, dapat ay kakilala ang mga ka-chat.

2. Igalang ang iyong ka-chat o kausap kapag nagpakita lamang sa web camera o
webcam.

3. Laging maging mahinahon sa pakikipag-chat. Iwasang magbitiw ng masasamang


salita, manigaw, at iba pang nagpapakita ng masamang asal.

4. Gumamit ng ALL CAPS (nasa malaking titik) kapag nagsusulat ng mensahe.


5. Gumamit ng maraming emoticons o smiley faces sa pagpapakita ng mensahe sa
email o maging sa pakikipagchat kahit seryoso ang usapan.

Gawain 3

Panuto: Tukuyin ang ngalan ng sumusunod na mga logo na ginagamit sa discussion


forum at chat. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3. 4.

5.

Gawain 4

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay pakikipag-usap sa impormal na paraan ng dalawa o higit pang mga tao sa


pamamagitan ng internet.
A. cellphone call C. text B. chat D. video

2. Ito ang ginagamit upang makita mo ang iyong ka-chat o kausap.


A. DLSR Cam C. telebisyon B. digicam D. webcam

3. Ang sumusunod ay mga tamang dahilan kung bakit nahihilig sa pakikipagchat ang
mga kabataan maliban sa isa.

A. Nakakausap ang mga kaibigan.


B. Nagkakaron ng bagong kakilala.
C. Nakakaiwas sa gawaing bahay.
D. Nakukumusta ang mga kaibigan.

4. Ito ay isang klase ng board kung saan maaaring mag-post o mag-iwan ng anumang
mensahe o tanong at nakatutulong din sa mga taong naghahanap ng kasagutan.
A. discussion board
B. discussion forum
C. session forum
D. telephone forum

5. Ito ang kailangang koneksiyon sa iyong gadget upang makapag-chat ka sa iba.

A. Facebook B. internet C. load D. website

Repleksyon

Ang aking natutunan sa araling ito ay _______________________________________

____________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________

Sanggunian:

EPP – IE Module sa Ikaapat na Markahan Week 4 pahina 2-9

MELC in EPP ICT Entrepreneurship Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, pahina 12 – 16

Prepared by:

JULIETA V. DELOS SANTOS


Teacher
Noted:

RECY T. DATO, Ph. D. DR. ROMMEL P. REGINALDO


ESHT-I/OIC PSDS

You might also like