You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 12
Filipino sa Piling Larang
(Tech-Voc)
Liham Pangnegosyo
Unang Markahan
Ikaanim na Linggo
Modyul 6

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay
ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang
anyo ng sulating teknikal-bokasyunal.

PAANO GAMITIN ANG MODYUL? L

1
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin

1 Liham Pangnegosyo

Inaasahan

Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw na mag-aaral ay inaasahang:


Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa:
a. kahulugan,
b. kalikasan, at
c. katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal- bokasyunal.

Unang Pagsubok
Panuto: Tukuyin ang mga kaalamang inilalahad ng bawat bilang.
sumusunod. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay liham na tumutukoy sa pakikipag-ugnayang pasulat na may


layuning pag-usapan ang kapakanan ng kliyente at kumpanya.
A. liham ng pagbati
B. liham ng pag-ibig
C. liham pangnegoyo
D. liham pangkaibigan
2. Bahagi ng liham na nalalaman sa pagdadalhan ng liham
A. Katawan
B. Pamuhatan
C. Patunguhan
D. Bating Pambungad
3. Bahagi ng liham na nagsasaad ng mensahe ng sumulat
A. Lagda
B. Katawan
C. Bating pambungad
D. Pamitagang Wakas
4. Bahagi ng liham na naglalaman ng pinagmulan ng liham
A. Lagda
B. Pamuhatan
C. Bating pambungad
D. Pamitagang wakas
5. Bahagi ng liham na nagpapahayag ng magalang na pagkilala sa
pinadalhan nito
A. Lagda
B. Pagkilala

3
C. Pamitagang wakas
D. Bating Pambungad

Balik - Tanaw

Sa nakaraang modyul ay tinalakay ang pagsulat ng manwal. Gunitain


ang paborito mong gadget o di kaya naman ay isang gamit o appliance sa
inyong bahay, gamit ang talahanayan sa ibaba ilista ang mga paraan kung
paano ito gamitin. Ilapat ang kaalamang natutuhan sa pagsulat ng manwal.

Pangalan ng gadget/appliances: _______________________________

1.
2.
3.
4.
5.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Sa modyul na ito tutulungan ka na magtamo ng mga tiyak na


kasanayang kaugnay ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin. Huhubugin ka para
sa isang mabisang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat gamit ang
wikang Filipino. Magagamit mo nang lubos ang kakayahang matututuhan
mo rito sa pagharap sa larangang nais mong tahakin sa mga susunod na
panahon.

Ang Liham Pangnegosyo

Ang liham pangnegosyo ay isang mahalagang instrumentong


tumutukoy sa pakikipag-ugnayan sa anyong pasulat. Nagaganap ito sa
pagitan ng dalawang tao, ng dalawang kumpanya o sa pagitan ng kliyente at
kumpanya. Naiiba ito sa liham pangkaibigan sa nilalama. Pormal ang tono
ng pakikipag-usap, tuwiran at iniiwasan ang matatalinghagang pananalita.
Ang liham pangnegosyo ay may layuning pag-usapan ang kapakanan ng
kliyente at kumpanya, mga usaping pang-opisina at paksang pangkalakalan.

4
Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo

____________________________

Pamuhatan ____________________________

____________________________

______________________________

_____________________________ Patunguhan

_____________________________

_________________________ Bating Pambungad

__________________________________________________________

__________________________________________________________________

_________________________Katawan________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

___________________________________________________________

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Pamitagang Pangwakas _________________________________

Lagda _________________________________

1. Pamuhatan - bahagi ng liham pangnegosyo na naglalaman ng


tirahan/ kumpanya ng pinagmulan ng sulat, telepono, fax, e-mail at
petsa

2. Patunguhan - ito ay naglalaman ng padadalhan ng sulat, kasama


ang kumpletong adres at titulo pangalan nito

5
3. Bating Pambungad - bahagi na naglalahad ng magalang na pagbati
sa pinadalhan ng sulat na nararapat simulan sa G./Bb./Gng.

4. Katawan- naglalamang ng layunin ng pagsulat

5. Pamitagang wakas - bahagi ng pagpapaalam ng sumulat

6. Lagda - pirma ng sumulat sa itaas ng kanyang pangalan

Gawain 1 (Pakikipagtalastasan,
Pagtutulungan)

Panuto: Pumili ng kapareha sa pamamagitan ng text messaging o chat kung


di makapag-uusap nang personal. Pag-usapan ang mahahalagang
impormasyong dapat tandaan ukol sa liham pangnegosyo.

Suriin ang mga bahagi ng liham pangnegosyo sa ibaba. Iayos at


isulat ito sa kwaderno nang paliham.

1. XYRUS Travel Agency


5254 Simon St.
Mt. Apo, Quezon City
Hulyo 27, 2020

2. Nais kong ipaalam sa inyo na ang inyong dalawang kwarto para sa


apat kataong reserbasyon sa Boracay Hotel noong May 25-30, 2020
ay maaari ninyong gamitin hanggang sa Disyembre 31, 2021.
Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa 09157685654 o
9187653421.

Mahalaga sa amin ang inyong kapakanan at kaligtasan.

3. Bb. Samson,

4. Sumasainyo,

5. Zyla G. Samson
Unit 401 AMC
Novalichez, Quezon City

6. Ximon De Guzman

6
Gawain 2
(Mapanuring Pag-iisip)

Panuto: Balikan ninyo ng kapartner mo ang mga dating kaalaman sa mga


hakbang na dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Pagkatapos, magsaliksik ng iba pang liham pangnegosyo. Punahin
at itala ang iba’t ibang nilalaman nito. Isulat sa kuwaderno ang
gawain.

Tandaan

Ang liham pangnegosyo ay komunikasyong pasulat sa pagitan ng


kliyente at ng kumpanya, kumpanya sa kumpanya at kumpanya sa iba
pang organisasyon. Ito ay pormal na pakikipag-ugnayan na ang layunin
ay magkaroon ng mahusay na ugnayan ang bawat isa sa isang lipunan.

Pag-alam sa Natutuhan

Panuto: Basahin kung ano ang hinihingi sa sumusunod na gawain.


Sa iyong kwaderno, isulat sa mga kahon ang tamang sagot kasama
ang maikling paglalarawan sa mga ito.

Mga Bahagi ng Liham Pangnegosyo

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7
Pamantayan sa Pagmamarka
Batayan 5 4 3
Nilalaman Kumpleto at wasto May isa hanggang May tatlo o higit
ang detalyeng dalawang pang impormasyon
nararapat na impormasyon ang ang nawawala sa
nilalaman ng liham. nawawala sa nilalaman ng liham.
nilalaman ng liham.
Organisasyon Lubos na organisado Organisado ang Maayos ang daloy ng
ang daloy at nilalaman ng liham. liham. May dalawa o
nilalaman ng liham. May isang bahagi higit pang bahagi ng
Lahat ng bahagi ng lang nito ang hindi liham ang hindi
liham ay naipakita. naipakita. naipakita.
Mekanismo sa Napakahusay ang Wasto ang paggamit May mga
Pagsulat paggmit ng mga ng mga salita, pagkukulang sa
salita, gramatika, gramatika, may paggamit ng salita,
may wastong wastong baybay, gramatika, baybay,
baybay, tama ang tama ang paggamit paggamit ng
paggamit ng ng malalaking titik malaking titik at
malalaking titik at at wasto ang paggamit ng bantas.
wasto ang paggamit paggamit ng mga
ng mga bantas. bantas.

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Tukuyin ang detalyeng inilalahad ng sumusunod na mga


sitwasyon. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Tapos ka na ng Baitang 12. Nais mong magtrabaho habang bakasyon at


nais mo ring magamit ang pagsasanay na natutuhan mo sa iyong
strand mula sa Work Immersion. May isang kumpanyang
inirekomenda sa iyo na nangangailangan ng tulad mo, anong anyong
pasulat na paraan ng pakikipag-ugnayan ang dapat mong gawin?
A. Liham ng Pagbati
B. Liham ng Pagkumpirma
C. Liham na Pangnegosyo
D. Liham ng Pagkumusta

2. Hindi kumpleto ang impormasyon ng lugar na padadalhan mo ng liham


ng pag-order ng spare parts ng kotse. Anong bahagi ng liham ang
naglalaman ng impormasyong ito?
A. Bating Pambungad
B. Patunguhan
C. Pamuhatan
D. Katawan

8
3. Hindi naipabatid sa iyo ng iyong kaklase ang mga detalye ng mensahe ng
kumpanyang inorderan ninyo ng sangkap para sa inyong lulutuing
putahe para sa catering ng “Teachers’ Day” sa inyong paaralan, anong
bahagi ng liham ang babasahin mo?
A. Bating pambungad
B. Pamitagang Wakas
C. Katawan
D. Lagda

4. Nais mong alamin ang lokasyon ng kumpanyang humiling ng Career


orientation sa inyong paaralan. Hawak mo ngayon ang liham nila na
hiniram mo sa iyong guro, anong bahagi ng liham ang babasahin mo?
A. Lagda
B. Pamuhatan
C. Pamitagang wakas
D. Bating Pambungad

5. May kawikaan na, “Sa pananalita ng tao, masusukat rin ang bahagi ng
pagkatao nito.” Ito ay isa sa mahahalagang konsiderasyon sa anumang
usaping pakikipagkalakalan. Sa anong bahagi ng liham pangnegosyo,
naipapahayag ang magalang na pagkilala sa pinadalhan nito.
A. Bating pambungad
B. Pamitagang wakas
C. Pagkilala
D. Lagda

Papel sa Replektibong Pagkatuto

Batay sa iyong natutuhan, ano ang maitutulong ng napag-aralan mo


sa iyong strand sa buhay mo sa kasalukuyan? Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

9
Sanggunian
Cruz, R. https://www.scribd.com/document/384397814/Handout-3- Liham-
Pangnegosyo
Francisco, C. G. C. at Gonzales, M. G. H. (2017). Filipino sa Piling Larang (Tech-
Voc). Manila: Rex Book Store, Inc.
Giron, M. R. (Jan. 18, 2017). Retrieved on June 12, 2020
from https://www.slideshare.net/mrblueoflds/ang-teknikalbokasyunal-na-
sulatin-sa-filipino-sa-piling-larang.
https://slideplayer.com/slide/6004245/
Imanil, K. P. (June 12, 2020). Retrieved
from https://www.slideshare.net/kimimanil/business-letters-38817833.
Javagat, R. M. L. (June 29, 2017). Retrieved on June 12, 2020
from https://www.slideshare.net/mrsrecylmaelee/aralin-4-liham-pangnegosyo-
memorandum.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jeriny G. Dacanay
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Candelaria C. Santos, EdD
Tagaguhit: Jamil Q. Carvajal
Tagalapat: Lorena S. Club
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamanihalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

10
Susi sa Pagwawasto
Filipino 12
Filipino Sa Piling Larang (Tech-Voc.)
Unang Markahan-Ikaanim na Linggo
Modyul 6

Balik-tanaw
Paunang Pagsubok Pangwakas na
Iba-iba ang sagot Pagsusulit
1. C
depende sa napiling
2. C 1. C
3. B gadget/gamit
2. C
4. B Gawain 2 3. C
5. D 4. B
Maaaring magkaiba- 5. A
iba ng sagot batay sa Papel sa
piniling liham Replektibong
pangnegosyo Pagkatuto
Iba-iba ang sagot
depende sa

Gawain 1
XYRUS Travel Agency
5254 Simon St.
Mt. Apo, Quezon City
Hulyo 27, 2020
Zyla G. Samson
Unit 401 AMC
Novalichez, Quezon City

Bb. Samson,

Nais kong ipaalam sa inyo na ang inyong dalawang kwarto para sa apat
kataong reserbasyon sa Boracay Hotel noong May 25-30, 2020 ay maaari
ninyong gamitin hanggang sa Disyembre 31, 2021. Maaari kayong
makipag-ugnayan sa amin sa 09157685654 o 9187653421.

Mahalaga sa amin ang inyong kapakanan at kaligtasan.

Sumasainyo,

Ximon De Guzman

11

You might also like