You are on page 1of 23

Pagmamay-ari ng Pamahalan

HINDI PINAGBIBILI Senior High


School

FILIPINO SA PILING LARANG:


TECH VOC
Kuwarter 3 – Modyul 2
Manwal at Liham-Pangnegosyo

Kagawaran ng Edukasyon ●
Republika ng Pilipinas
Filipino- Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3- Modyul 2: Manwal at Liham Pangnegosyo
Unang Edisyon 2020
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga hiniram na materyales (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro
Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumuo Ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Jenelin S. Enero, MAFIL at Ma. Angelie A. Bitoon
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout: Mr. Ryan Roa
Ms. Mary Sieras
Mr. Allan Guibone
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor

Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V


Tagapamanihala

Alicia E. Anghay, PhD, CESE


Pumapangalawang Tagapamanihala

Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD


Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe, SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMDS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Departamento ng Edukasyon – Dibisiyon ng Cagayan de Oro City
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telefax: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

FILIPINO SA PILING LARANG:


TECH VOC
Kuwarter 3 – Modyul 2
Manwal at Liham-Pangnegosyo

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com.
Mahalaga sa amin ang iyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman
Pangkalahatang- Ideya…………………………………………………………………vi
Mga Layunin …………………………………………………………………………….vii
Kabuuang Panuto ………………………………………………………………………vii
Paunang Pagtataya …………………………………………………………………….viii
Modyul 2
Aralin 1: Manwal at Liham Pangnegosyo………………………………………..1
Balikan …………………………………………………………………………………….2
Tuklasin …………………………………………………………………………………..3
Suriin ………………………………………………………………………………………5
Pagyamanin ………………………………………………………………………………7
Isaisip ………………………………………………………………………………………8
Isagawa …………………………………………………………………………………….9
Tayahin ……………………………………………………………………………………10
Karagdagang Gawain …………………………………………………………………..11
Susi sa Pagwawasto
…………………………………………………………………….12
Sanggunian………………………………………………………………………………..1
3
Para Saan ang Modyul na Ito

Ang modyul ay isang kagamitan sa pansariling pagkatuto ng mga


aralin sa Filipino sa Piling Larang Teknikal-Bokasyunal (Tech-Voc). Sa
tulong ng mga tiyak na takdang gawain sa pagkatuto ng maayos ang
pagkabuo at kalakip ang nga kaugnay na nakaraang gawain sa pagkatuto
ay inilalahad at itinuturo ang mga aralin.
Tatalakayin dito ang iba’t ibang uri at anyo ng sulating nilinang sa
mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na
pagsusulat sa piniling larangan (Tech-Voc).
Ang bawat aralin, babasahin, gawain at mga pagsasanay sa bawat
serye ay iniangkop ayon sa kakayahan at interes ng mga kabataan upang
matuto sa isang makabuluhan, magkaroon ng analitikal, kritikal at
mapanuring isip upang magiging handa sa pagharap ng mga hamon sa
totoong buhay.

Alamin

Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa iba’t


ibang uri ng sulating Teknikal-Bokasyunal tulad ng pagsulat ng Manwal at
Liham-Pangnegosyo.

Inaasahan na matapos mabasa ang bahaging ito, ang mga


estudyante ay nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa
kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal. Kaugnay nito, ang pag-iisa isa ng mga hakbang at
mga katawagang teknikal sa paraang sistematiko at malinaw.

A Ano ang Inaasahan Mo

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
(CS_FTV11/12EP-Od-f-42)
2. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang
halimbawang sulating teknikal-bokasyunal
(CS_FTV11/12PB-Og-I-106)
3. Naililista ang mga katawagang teknikal kaugnay ng piniling anyo
(CS_FTV11/12PT-Og-I-94)
4. Naipapaliwanag nang pasalita sa paraang sistematiko at malinaw ang
piniling anyo sa pamamagitan ng angkop na termino
(CS_FTV11/12PS-Oj-I-93)

Paano Mo Matutunan

Ngayong hawak mo na ang Modyul na ito, gawin ang mga sumusunod:


1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat paksa.
2. Itala ang mga kaukulang punto na nangangailangan ng masusing
kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa Modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ang lahat ng mga katanungan sa bawat gawain.
Mga Icon ng Modyul

Alamin Inihanay ang mga layunin sa aralin .Mahalagang


maunawaan ng mga mag-aaral kung ano ang maaasahan
nila sa aralin.

Subukin Panimulang pagtataya o gawain upang matukoy ang lawak


ng kaalaman ng mag-aaral ukol sa tatalakaying paksa.

Balikan Binabalikan ang mga dating kaalaman ng mga magaaral


tungkol sa paksa ng bawat aralin. Mahalagang matukoy ito
upang matiyak na may napadagdag pang kaalaman.

Tuklasin Inilalahad dito ang mismong aralin sa pamamagitan ng


kwento, pagsasanay ,tula, awitin ,sitwasyon at iba pang
paraan .Ginagalugad dito ang mga ideyang magkikintal ng
mahalagang kaisipan.
Suriin Inilalahad dito ang mga tanong sa sumusubok sa
pagkaunawa ng mag-aaral sa aralin.Maaari rin itong
pagtalakay sa paksa.
Pagyamanin Makapagsagawa ang mga mag-aaral ng mga gawaing
magpapatotoo ng kanilang natutuhan. Magtitipon sila ng
kanilang likhang mga sulatin at gawain batay sa natutunan
sa aralin.
Isaisip Patutunayan ng mga mag-aaral ang karunungan at
kaalamang kanyang natutunan sa pamamagitan ng
pagsusulit ,gawain at pagsasanay.
Isagawa Pagtitipon ng mga natamong kaalaman at kasanayan ng
mga mag-aaral sa gawaing replektibo upang mailalapat sa
tunay na buhay
Tayahin Tatayain ang mga mag-aaral ayon sa antas ng pagkatuto
mula sa natamong kasanayan
Karagdagang Mabibigyan ng karagdagang pagsasanay upang malinang
Gawain ang kakayahang pampagkatuto ng mga mag-aaral .
Susi sa Mga kasagutan sa anumang pagtataya,pagsasanay at mga
Pagwawasto Gawain.
Ano ang Nalalaman Mo

I. TAMA o MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung
hindi. (2 puntos bawat isa)

1. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon ang isang manwal.


2. Nagsasaad ng panuntunan, kalakaran, at proseso ang isang manwal.
3. Hindi kailangan ng talaan ng nilalaman sa isang manwal.
4. Kadalasang pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal.
5. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang isang manwal.
6. Tinatawag na kalatas o sulat ang liham.
7. Isa sa mga uri ng liham ang liham-pangnegosyo.
8. Hindi maaaring maglagay ng kalakip kung susulat ng liham.
9. Iisa lamang ang pormat na ginagamit sa pagsulat ng liham.
10. Hindi mahalaga ang paglalagay ng petsa kung susulat ng liham-
pangnegosyo.
II. IDENTIPIKASYON. Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi
sa bawat pahayag. (2 puntos bawat isa)
1. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng
iba’t ibang impormasyon katulad ng mga alituntunin, paraan ng paggamit,
proseso, at iba pang detalye hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay sa
mga mambabasa.
2. Sa pamamagitan ng ________________, nabibigyang-ideya ang mga
mambabasa ng inisyal na pagtingin sa kabuuang nilalaman ng isang
manwal.
3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _______________. Isang
halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng mga manggagawa.
4. Maaaring maglagay ng ______________ sa huling bahagi ng manwal kung
saan nakalagay ang iba pang impormasyong gustong idagdag na maaaring
balikan ng mga gumagamit nito.
5. _______________ ang paggamit ng wika sa mga manwal upang malinaw na
maihatid ang mga impormasyong nakasulat dito.
III. ENUMERASYON. Magbigay ng limang bahagi ng isang liham-
pangnegosyo. (2 puntos bawat isa)
1.
2.
3.
4.
5.

IV. SANAYSAY. Sagutin ang mga tanong:

Ipaliwanag ang sagot gamit ang mga tinalakay sa buong kabanata. (10
puntos bawat isa)

1. Ano ang kahalagahan ng manwal sa isang indibidwal at sa isang


kompanya?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________
2. Ano ang maitutulong ng wasto at mahusay na pagsusulat ng liham-
pangnegosyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
______
Aralin
1
MANWAL AT LIHAM-
PANGNEGOSYO
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Unang

Alamin

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,


kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
(CS_FTV11/12EP-Od-f-42)
May mga batayan sa pagsulat ng mga sulating teknikal-bokasyunal
tulad ng Manwal at Liham-Pangnegosyo.Karaniwang ang nilalaman ng
manwal ay komprehensibo dahil naglalayon itong magpaliwanag at
maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa.
Samantalang ang liham-pangnegosyo ay kalimitang ginagamit sa
korespondinsiya at pakikipagkalakalan.

Balikan
Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan natin ang kahulugan,
katangian, gamit, anyo at ang target na gagamit sa mga sulating teknikal-
bokasyunal. Napabilang dito ang mga layuning, maunawaan ang
kahalagahan ng bawat isa.

Tuklasin
Alam mo ba na may iba’t ibang sulating teknikal-bokasyunal?
Sinasabing ang pagsulat nito ay may layuning magbahagi ng impormasyon
at manghikayat ng mambabasa. Ano kaya ang mga sulating ito? Sagutin
ang ilustrasyon sa ibaba.
GAWAIN 1.
PANUTO: Magsaliksik tungkol sa iba’t ibang sulating teknikal-bokasyonal.
Gamitin ang word network na nasa ibaba. Itala ang mga sanggunian sa
pagsasaliksik.

MGA SULATING
TEKNIKAL-
BOKASYUNAL

Suriin

PAGSULAT NG MANWAL
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang
impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang organisasyon o
samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba
pang mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong
magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o
paksa. Kalimitang nakaayos nang pabalangkas ang mga nilalaman ng isang
manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.
Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang
manwal upang maging higit na maliwanag ang paglalahad ng mga
impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o
indeks ang mga manwal.
Samantala, sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman
dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay
ang lihampangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakalan. Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito
ang mga bahagi gaya ng ulongsulat, petsa, patunguhan, bating pambungad,
katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang liham-
pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal katulad ng pagkambas
ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-
uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ding
magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa.
KAHULUGAN…
Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging
tiyak sa kung para kanino ang manwal, kung sino-sino ang mga
gagamit nito.
Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak
ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan
ang kalituhan ng mga mambabasa.
Mahalagang bigyang halaga ang nilalaman ng manwal, kung
ano ang pangunahing paksang tinatalakay nito.

Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang


maglilinaw kung tungkol saan ang manwal. Mayroon din itong
talaan ng nilalaman kung saan nakalahad ang mga nilalaman
ng manwal. Kadalasang nagtataglay rin ito ng panimula upang
maipaliwanag nang maayos ang nilalaman ng manwal.
Karaniwan ding makikita sa huling bahagi ng mga manwal ang
apendise na naglalaman ng mga susing salita o karagdagdang
impormasyon tungkol sa nilalaman nito sakaling nais balikan
ng mambabasa.

Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng manwal at


maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan
sa isang partikular na trabaho.
Sinasabing sa pagsulat ng manwal, nakapokus ito sa
mambabasa. Kinakailangang matiyak na madaling
nauunawaan ng mga mambabasa ang mga inilalahad sa isang
manwal upang maiwasan ang kalituhan at kamalian sa
pagsunod sa mga nakasaad dito.

URI NG MANWAL:
 User Manual na kilala rin bilang instruction manual, user guide o
owner’s manual na isang manwal sa paggamit na kalimitang kalakip ng
iba’t ibang produktong binibili o binubuo bago gamitin. Ilang halimbawa
ng mga produktong ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances,
kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong equipment na
nangangailangan ng paggabay para sa mga gagamit ng mga iyon.
Maaaring tingnan ang halimbawa sa bibliyograpiya ng reader tungkol sa
Gabay sa paggamit ng Nokia 2310 para sa isang halimbawa ng user
manual.
 Employees’ Manual o Handbook o ang mga itinakda para sa mga
empleyado ng isang kompanya upang makapaglahad ng mga kalakaran,
alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya. Nagsisilbi
itong gabay sa mga empleyado nang sa gayon ay magkaroon sila ng mga
kaalaman hinggil sa mga dapat at hindi dapat gawin sa loob ng
kompanyang pinapasukan. Ilang halimbawa nito ay ang mga ipinabasa
sa klase gayundin ang katulad ng faculty manual o students’ manual.

MGA BAHAGI NG MANWAL


Pamagat- nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano ang
nilalaman ng manwal.
Talaan ng nilalaman- nakasaad dito ang pagkakahati-hati ng
mga paksa sa loob ng manwal at ang pahina kung saan ito
tinatalakay.
Pambungad- naglalaman ng paunang salita tungkol sa manwal
gayundin ng mensahe o pagpapaliwanag tungkol sa nilalaman
nito mula sa may-akda o sa isang taong may kaugnayan sa
kompanyang nagmamay-ari ng manwal.
Nilalaman- tumatalakay sa katawan ng manwal sa mismong
pagpapaliwanang ng mga gabay, pamamaraan at/o
alituntunin .
Apendise- matatagpuan dito ang mga kalakip na impormasyon
hinggil sa manwal katulad ng mga impormasyon sa pagkontak,
mga tala atbp.

PAGSULAT NG LIHAM-PANGNEGOSYO
Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak
at malinaw na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal. Isinasad
dito ang paksang panghanapbuhay.(brainly.ph)
Sinasabing may pormat na sinusunod ang paggawa. May tiyak na
mga impormasyong inilalagay sa bawat bahagi. Nakabatay ang nilalaman sa
kung anong uri ng liham ito. Kalimitang sumusulat ng liham pangnegosyo
upang magkaroon ng tiyak at malinaw na korespondensiya sa pagitan ng
nagpadala at tumanggap ng liham.
PAKATANDAAN!
Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa
patutunguhan. Isinusulat ito ng isang indibidwal na may nais
iparating sa pagpapadalhan ng liham.
Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa
kung ano ang layunin nito kung kaya’t maraming iba’t ibang uri
ng liham. Isa na rito ang liham pangnegosyo.
Sa pagsulat ng lihampangnegosyo, mahalagang tiyakin kung
ano ang layunin ng liham. Maaari itong maging isang liham
kahilingan, liham paguulat, liham pagkambas, subskripsiyon,
pagaaplay, pagtatanong, atbp.
Mahalagang bigyanghalaga ang nilalaman ng liham-
pangnegosyo at ang iba’t ibang bahagi nito.
Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na
siyang nagtataglay ng ahensiya o institusyong pagmumulan ng
liham; petsa kung kailan isinulat ang liham; patunguhan o
kung kanino ipadadala ang liham; bating pambungad para sa
pagbibigyan ng liham; katawan ng liham na siyang naglalaman
ng pinakapunto ng liham; bating pangwakas para sa
padadalhan ng liham; at lagda ng nagsulat ng liham.
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at
maaaring kakitaan ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa
isang partikular na trabaho.

BAHAGI NG ISANG LIHAM PANGNEGOSYO


Ulong-sulat- matatagpuan dito ang pangalan, lokasyon at
impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng
liham; kalimitan itong nagtataglay ng logo ng nasabing
kompanya o institusyon.
Petsa- nagsasaad kung kailan isinulat ang liham.
Patunguhan- inilalagay rito ang pangalan at katungkulan ng
taong ibig pagbigyan ng liham; kung sino ang pangunahing ibig
patunguhan nito.
Bating Pambungad- maiksing pagbati sa patutunguhan ng
liham
Katawan ng Liham- nagtataglay ng mismong nilalaman ng
liham
Bating Pangwakas- maiksing pagbati bago wakasan ang liham
Lagda- pangalan o mismong lagda ng nagpadala ng liham

Pagyamanin

GAWAIN 2.

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat


bilang)
1. Ano ang karaniwang nilalaman ng 3manwal at liham pangnegosyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________
2. Saan kadalasang ginagamit ang manwal at liham pangnegosyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________
3. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit gumagamit ng manwal ang isang
indibidwal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________
4. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat ng liham pangnegosyo
ang isang indibidwal?

Isaisip

GAWAIN 3.
PANUTO: Punan ang patlang sa bawat bilang ng pinakaangkop na salita
upang mabuo ang pangungusap nito.(2 puntos bawat bilang)
1. Ang _______________ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
2. _________________ang paggamit ng wika sa mga manwal at liham
pangnegosyo.
3. Sa __________________na bahagi ng liham matatagpuan ang pangalan,
lokasyon impormasyon sa pagkontak sa ahensiyang pagmumulan ng liham.
4. Ang___________________ay nagbibigay ng pangunahing ideya sa kung ano
ang nilalaman ng manwal.
5. Ang liham pangnegosyo ay isang uri ng liham na pormal, maikli, tiyak
at__________ na ipinapadala sa isang tanggapan o bahay-kalakal.
GAWAIN 4.

Panuto: Gamit ang concept map, ibigay ang mga bahagi ng Manwal at
Liham Pangnegosyo. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat isa.

BAHAGI NGLIHAM
BAHAGI NG MANWAL
PANGNEGOSYO

Pagpapaliwanag:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________.

Isagawa

GAWAIN 5.
PANUTO: Gamit ang ilustrasyon sa ibaba, sumulat ng isang wastong halimbawa
ng liham pangnegosyo. (50 Puntos)

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Liham – 40 puntos
Kawastuhan sa Gramatika – 5 puntos
Kawastuhan ng Pagbabantas – 5 puntos
Kabuuang Puntos - 50 puntos
Tayahin

Gawain 6.
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.(20 puntos bawat bilang)

1. Bakit mahalaga ang pagsulat ng manwal sa iba’t ibang produkto tulad


ng mga gadgets at appliances, sa paaralan at trabaho? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________
2. Bilang isang estudyante,paano nakatutulong sa’yo ang mga sulating
teknikal-bokasyunal tulad ng Manwal at Liham-Pangnegosyo?Patunayan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_________________

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Sanaysay – 10 puntos
Kawastuan sa Kramatika – 5 puntos
Organisasyon ng Ideya – 5 puntos
Kabuuang Puntos - 20 puntos
Karagdagang Gawain

GAWAIN 7.

PANUTO: Gumawa ng sariling halimbawa ng manwal o liham pangnegosyo


batay sa mga puntong tinalakay. Pumili sa mga sumusunod na trabaho:
1.automotive servicing 9. Food and beverages
2. barbering 10. Food processing
3. bartending 11. hilot (wellness massage
4. beauty care services 12. massage therapy
5. bread and pastry production 13. tailoring
6. catering 14. technical drafting
7. commercial cooking 15. visual graphics design

Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ng Manwal/Liham -30 puntos
Kawastuan sa Gramatika – 10puntos
Organisasyon ng Ideya – 10 puntos
Kabuuang Puntos - 50 puntos
Susi sa Pagwawasto

Subukin:
I. TAMA O MALI. II. IDENTIPIKASYON
1. TAMA 1. Manwal
2. TAMA 2. Talaan ng nilalaman
3. MALI 3. Handbook
4. TAMA 4. Apendise
5. TAMA 5. Pormal
6. TAMA
7. TAMA
8. MALI
9. MALI
10. MALI
III. ENUMERASYON. IV. SANAYSAY.
1. ulong-sulat Pamantayan sa Pagmamarka:
2. petsa Nilalaman ng sanaysay 10 puntos
3. patunguhan Wikang ginamit sa pagsulat 5 puntos
4. bating pambungad Organisasyon ng sanaysay 5 puntos
5. katawan ng liham
6. bating pangwakas
7. lagda
TUKLASIN

Manwal menu
Liham pang negosyo babala
Flyers feasibility study
Leaflets naratibong ulat
Promotional materials paunawa
Deskripsiyon ng produkto anunsiyo
Dokumentasyon ng produkto

GAWIN 2.PAGYAMANIN

Iba-iba ang kasagutan. Gamitin ang Pamantayan sa Pagmamarka para sa


mga gawaing ito.
ISAISIP

GAWAIN 3.
1. Manwal
2. Pormal
3. Ulong sulat
4. Pamagat
5. malinaw

GAWAIN 4.
Bahagi ng liham pang negosyo:
Ulong sulat
Petsa
Patunguhan
Bating pambungad
Katawan ng liham
Bating pangwakas
Lagda
Bahagi ng Manwal

 Pamagat
 Talaan ng nilalaman
 Pambungad
 Nilalaman
 Apendise
GAWAIN 5,6, at 7.
Iba-iba ang kasagutan. Gamitin ang Pamantayan sa Pagmamarka para sa mga
gawaing ito.
Sanggunian
Brainly.ph
Corazon L. Santos, et al Filipino sa Piling Larang Tech-Voc Patnubay ng Guro
13

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

You might also like