You are on page 1of 24

Filipino sa Piling Larang

(Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagkilala sa Iba’t Ibang
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
(Ikalawang Bahagi)
Filipino sa Piling Larang – Ikalabing-isang Baitang/Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2 (Ikalawang Bahagi): Pagkilala sa Iba’t Ibang
Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Laureen B. Aguilar


Editor: Rosario M. Dela Rosa
Tagasuri: Rosario M. Dela Rosa
Tagaguhit: Laureen B. Aguilar
Tagalapat: Laureen B. Aguilar
Cover Design: LRMDS - Bataan

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
Asst. Schools Division Superintendent : Roland M. Fronda, EdD, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Filipino : Mila D. Calma
District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad, EdD
Division Lead Book Designer : Jenelyn D. Rivero
District LRMDS Coordinator, Abucay : Charito D. Corpus
School LRMDS Coordinator : Jerome C. Matic
School Principal : Soledad V. Llarina
District Lead Layout Artist, Filipino : Jaycee G. Salandanan
District Lead Illustrator, Filipino : Jeremy M. Flores
District Lead Evaluator, Filipino : Jerome C. Matic
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan
Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
Filipino sa Piling Larang
(Teknikal-Bokasyunal)
Unang Markahan – Modyul 2:
Pagkilala sa Iba’t Ibang Anyo ng
Sulating Teknikal-Bokasyunal
(Ikalawang Bahagi)
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang (Teknikal-


Bokasyunal) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagkilala sa
Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal (Ikalawang Bahagi)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Piling Larang (Teknikal-Bokasyunal) ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pagkilala sa Iba’t Ibang Anyo ng
Sulating Teknikal-Bokasyunal (Ikalawang Bahagi)!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

iv
Aralin Layunin at Gamit Iba’t Ibang
2 Anyo ng Teknikal-
Bokasyunal na Sulatin
Ang mga sulatin ay nangangailangang maging episyente at makabuluhan. At
upang makamit ito ng isang babasahin o sulatin, kailangan nitong makamit ang
kanyang partikular na layunin at gamit.

Sa iba’t ibang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay may kanya-kanyang


target na layunin at gamit na magbibigay ng identidad sa bawat isa.

Mahalagang malaman rin ng mga manunulat ang mga layunin at gamit ng


iba’t ibang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin upang sa paglikha nito ay
makamit ang isang episyente, makabuluhan at epektibong babasahin.

1
Balikan

Bilang panimula sa ating aralin, magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraang


aralin.
Ipakilala sa amin ang limang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin batay
sa iyong natutuhan sa nakalipas na talakayan sa pinakapayak na paraan.

Deskripsyon ng Produkto Naratibong-Ulat Liham-Pangnegosyo

Dokyumentasyon ng Paggawa ng Feasibility Study


Isang Bagay o Produkto

2
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makilala ang mga teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa layunin,
katangian, anyo at target na gagamit.

Tuklasin

Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng layunin at gamit sa


tulong
ng Venn Diagram.

Layunin Gamit

3
Suriin

Ngayon na alam mo na ang kahulugan at layunin. Tara na’t alamin ang mga
layunin at gamit ng mga sulating teknikal-bokasyunal.

Ano ang pagkakaiba ng dalawa?

Ang layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay ang tunguhin o hangarin ng


sulating teknikal bokasyunal sa pangmatagalan na panahon samantalang ang gamit
ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay ang silbi ng teknikal-bokasyunal na sulatin na
panandaliang panahon lamang.

Halimbawa: Ang Feasibility Study ay may layuning mag-analisa ng mga pangyayari


at implikasyon. Ito ang pangmatagalan niyang hangarin, dahil kahit matagal nang
naisulat ang feasibility hindi mababago na ito ay nag-analisa ng pangyayari o
implikasyon.
Ang gamit naman ng Feasibility Study ay maaaring gamitin sa
pagbibigay ng impormasyon depende sa pangangailangan mo. May pagkakataon din
na ito ay gagamitin na batayan sa pagdedesisyon. Pagkatapos mong gamitin sa
pagkuha ng impormasyon at batayan sa pagdedesisyon. Maaari pa ring magkaroon
pa ito ng iba pang silbi.

LAYUNIN NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA SULATIN

1. Magbigay ng mga impormasyon.


2. Mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon
3. Manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon

GAMIT NG TEKNIKAL-BOKASYUNAL NA SULATIN

1. Pinagbabatayan sa desisyon ng namamahala


2. Pagbibigay ng kailangang impormasyon
3. Pagbibigay ng intruksyon
4. Pagpapaliwanag ng teknik
5. Pag-uulat ng natamo
6. Pag-aanalisa ng may suliraning bahagi (problema)
7. Pagtitiyak ng pangangailangan ng disenyo at sistema
8. Pinagbabatayan ng pampublikong ugnayan
9. Pag-uulat sa mga stockholders ng kumpanya
10. Pagbubuo ng produkto
11. Pagbibigay ng serbisyo
12. Paglikha ng proposal

4
Pagyamanin

Panuto: Punan ang talahanayan ng mga angkop na layunin at gamit mula sa


natamong kaalaman sa ginawang talakayan. Isulat sa iyong sagutang papel.

Paalala: Maaaring magkaroon ng higit sa isang gamit ang bawat anyo ng


sulating teknikal-bokasyunal.

ANYO KATANGIAN LAYUNIN GAMIT

1. Naratibong ulat Naglalahad ng mga tama at


kumpletong impormasyong
hinggil sa isang pangyayari.
2. Feasibility Study Naglalahad ng pag-aanalisa o
pag-aaral sa potensyal ng isang
gawain sa trabaho maging sa
pagsisimula ng negosyo. Kung
saan nakasaad ang mga
pagkakataon, posibleng hadlang,
at ang mga kakailanganin upang
magtagumpay.
3. Liham-Pangnegosyo Kinakasangkapan sa pakikipag-
usap nang pasulat sa larangan
ng kalakan at tanggapan.
4. Dokyumentasyon sa Naglalahad ng mga tiyak na
paggawa ng isang gamit at pagkakasunod-sunod
bagay/produkto ng mga hakbang sa pagbuo ng
isang bagay o produkto.
5. Deskripsyon ng Naglalaman ito ng masidhing
produkto palalarawan sa produkto upang
lubos na ipakilala ito.

5
Isaisip

Panuto: Sumulat ng reflective journal upang maipahayag ang mga natutuhan


sa aralin.
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

6
Gabay sa pagsulat ng reflective journal:

1. Maglagay ng pamagat ng iyong reflective journal.


2. Magkwento ng karanasan pag-aaral ng aralin. Ilahad ang proseso ng
pagkatuto sa aralin mula sa aalamin, nalaman at alam na alam mo sa
paksa ng aralin. Ilahad rin ang paraan ng iyong pagkatuto.
3. Kailangang naglalaman ng introduksyon, nilalaman at pangwakas na
binubuo ng 100 salita.

Pamantayan sa Pagmamarka

Katangian 5 4 3 2

Pokus at May isang May isang May isang Hindi


Detalye malinaw at malinaw at paksa. Hindi malinaw ang
tiyak na paksa, tiyak na gaanong paksa at ang
na paksa, ngunit malinaw ang mga
sinusuportahan hindi mga suportang
ng mga detalyado ang suportang impormasyon.
detalyadong mga impormasyon.
impormasyon. suportang
impormasyon.

Organisasyon Kawili-wili ang May introduk- May Hindi


introduksyon, syon, introduksyon, malinaw ang
naipakilala mahusay na pagtalakay, at introduksyon
nang mahusay pagtalakay, at pagtatapos o pagtalakay sa
ang paksa. may konklusyon. paksa, at ang
Mahalaga at karampatang pagtatapos o
nauukol sa pagtatapos o konklusyon.
paksa ang mga konklusyon.
impormasyon
na ibinahagi sa
isang maayos
na paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
konklusyon.

Pagpili ng Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang


mga angkop paggamit ng paggamit ng manunulat paggamit sa
na salita mga salita. mga salita ang nais mga salita.
Angkop ang bagaman sa sabihin,
gamit ng mga ilang bagaman
salita, natural pagkakataon walang
at hindi pilit. ay hindi baryasyon sa
angkop at paggamit ng
natural. mga salita.

7
Estruktura, Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos
Gramatika, pagkakaayos pagkakaayos ng mga ang mga
Bantas, ng mga salita at ng mga salita pangungusap pangungusap
Pagbabaybay pangugusap. at na may at hindi
Walang pangungusap. saysay. maunawaan.
pagkakamali sa May kaunting Maraming Lubhang
gramatika, pagkakamali mga maraming
bantas at sa gramatika, pagkakamali pagkakamali
baybay. bantas at sa gramatika, sa gramatika,
baybay. bantas at bantas at
baybay. baybay.

Bilang ng Nakagagamit 80-99 ang 60-79 lamang 40-59 lamang


mga salita ng 100 salita. nagamit na ang nagamit ang nagamit
salita. na salita. na salita.

Iskor

Isagawa

Subukin ang iyong bokabularyo/ talasalitaan…

A. Panuto: Bumuo ng concept map kaugnay ng ating aralin. Gawin sa iyong


sagutang papel

Gabay na Tanong:

Ano-ano ang mga salitang maiuugnay mo sa mga salitang nasa loob ng bilog?

Liham-
Dokyumentasyon
Pangnegosyo

8
B. Panuto: Pag-ugnay-ugnayin ang mga salita sa nabuong concept map at
bumuo ng isang makabuluhang pangungusap kaugnay ng tanong na:
Paano magagamit ang mga sulating teknikal sa mga ibinigay na sitwasyon?

1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. _________________________________________________________________________

Deskripsyon Feasibility Naratibong


ng Produkto Study -Ulat

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
5. _________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

9
Tayahin

Panuto: Suriin ang mga halimbawa ng sulating teknikal-bokasyunal.


Gamiting gabay ang mga katanungan sa ibaba. Isulat nang patalata ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ibigay ang anyo ng teknikal-bokasyunal.


2. Tukuyin ang layunin ng sulatin.
3. Ilahad ang gamit ng sulatin
4. Maayos bang naiparating ang mga bagay na nais ibahagi ng sulatin?
Ipaliwanag ang iyong kasagutan.

10
Isang Espesyal na Durian

Noong Disyembre 7, 2015, nakarating kami sa puno ng isang


pambihirang durian sa 36 ektaryang farm ng pamilyang Dimaporo
sa Matunga, Lano del Norte. May ilang hindi pangkaraniwang
katangian ang punong ito.

Upang marating namin ang farm nagbiyahe kami ng


dalawang oras. May magagandang kongkretong kalsada na
dinaanan namin pero mayroon din mga lubak-lubak na hindi
pa nakaranas ng pagkokongkreto. Pero hindi namin pinansin
ang hirap na dinanas namin sa daan. Ayon kay Raul Maghilom,
isang agrikultor na nagsisilbi sa pamilyang Dimaporo,
binansagan nilang Durian Dimaporo Special (DDS) ang naturing
na puno. Nag-iisang puno ito na kasama ng iba pang 300 na
puno ng iba’t ibang barayti.
Bakit nila tinawag na Durian Dimaporo Special? Sapagkat
bukod-tangi ang lasa ng prutas nito. Ito raw ang may
pinakamasarap na lasa kung ihambing sa iba’t ibang barayti
kagaya ng Puyat, Chanee, Arancillo, Monthong o Golden Pillow
mula sa Thailand. May matingkad na kulay dilaw ang laman.
Naiiba sa ibang aspekto ang bunga ng DDS.

Bilog na hugis ang bunga na tumitimbang ng 5 hanggang 7


kilo ang isa. Mayroon pang napakahalaganng katangian ang
DDS. Ito ay napansin namin na matibay sa sakit. Ang nag-iisang
puno ay pawang walang sakit samantalang ang karamihan sa
mga unang barayti ay inaatake ng sakit na die-back. Ang mga
sanga sa dulo ay namamatay.

Isang mungkahi – Agad naming iminungkahi sa agrikultor


na dapat agad maparami ang nag-iisang puno ng DDS bago ito
tamaan ng sakuna kagaya ng kidlat o di kaya tumbahin ng isang
malakas na bagyo. Sa ganitong paraan, mapanatili ang DDS
para sa kapakanan hindi lamang ng pamilyang Dimaporo kundi
sa lahat na mahilig kumain ng durian.

Kung kami ang masusunod, lilinisin namin ang kapaligiran


ng puno. Kung maari, tayuan ng bakod upang hindi mapinsala
ng mga alpas na hayop. Isusunod namin ang sapat na pag-
aabono. Lalagyan namin ng hindi kukulangin sa 8 sakong
organikong pataba sa nalalaliman ng mga sanga. Dagdagan pa
namin ng kemikal na pataba na may micronutrients.

11
Sisiguraduhin din naming lalagyan ng drainage canal upang
hindi mababad sa tubig ang puno. At sa panahon ng tagtuyot,
dapat madiligan ng sapat na tubig.

Magdugtong agad – Iminungkahi namin ang pagpadami ng


DDS sa pamamagitan ng grafting o pagdugtong. Sa aming
palagay, madaling makapagdugtong ng 500 semilyo sa unang
taon. Maaaring kumuha ng scion o sangang pandugtong sa mga
mabababang sanga ng puno. Marami ang malulusog na sanga
ng DDS sa mga mababang sanga nito.

Magtayo ng scion grove – Iminungkahi rin namin na


magtanim ng hindi bababa sa 100 kapuno bilang “scion grove”
o mga punong pagkukunan ng sangang pandugtong. Ang mga
ito ay mapagpipitasan din ng mga bunga.

Ang ibang grafted na pananim ay maaaring itanim sa mas


malawak pang farm ng mga Dimaporo. Ang iba ay maaaring
ipagbili sa mga gustong magtanim ng pambihirang barayti.
Dapat hindi ipagkakait sa ibang mahilig sa durian ang
magandang barayti. Sa ganitong paraan, maparami at
mapalaganap ang espesyal na barayti.

Maaaring pang-akit sa mga turista ang Dimaporo durian. Sa


panahon ng pangkahinog ng mga bunga, maaaring mag-imbita
ng mga mahilig sa durian mula sa Maynila at iba pang lugar
upang matikman nila ang pambihirang lasa ng DDS. Maaaring
maipahayag ang kaganapan sa social media, mga diyaryo at iba
pa pang babasahin, at sa radio at telebisyon. Sa paraang ganito,
lalong maging tanyag ang Durian Dimaporo Special.

Kung mapalaganap ang pagtatanim ng DDS hindi lamang sa


Lanao del Norte kundi sa iba pang dako ng bansa, maaaring
magiging pang-eksport ang mga sariwang bunga at pati ang mga
nagprosesong laman.

Iginiit namin ang agad pag-asikaso sa nag-iisang puno


Durian Dimaporo Special. Hindi pa huli na mapalaganap nang
husto ang natatanging barayti ng durian na ito.

Ang nagdala ng DDS – Ayon kay Raul Maghilom ang


yumaong grand old man ng Dimaporo, ang nag-uwi ng buto na
itinanim sa Matungao mahigpit kumulang 30 taon na ang
nakalilipas. Ang DDS ang isa sa mga mahalagang legacy ng
yumaong politiko. Lalo na kung ito ay maparami mapalaganap
sa iba’t ibang dako ng bansa.

12
Karagdagang Gawain

Patunayan pa ang iyong natamong kaalaman sa ginawang talakayan.

Panuto: Suriin ang isang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal. Sumulat ng


makabuluhang kaisipan kaugnay nito. Isulat ito nang patalata sa iyong sagutang
papel.

Gabay na tanong:

1.1. Tukuyin ang anyo ng teknikal- bokasyunal na sulating ito.


1.2. Ilahad ang posibleng sumulat at posibleng awdyens nito.
1.3. Ibigay ang layunin ng sulatin na ito?
1.4. Tukuyin ang posibleng paggagamitan nito.

Pagtatanim ng Organikong Talong

Pangalang Siyentipiko: Solanum melongena L.

Mga Karaniwang Pangalan:


Tarong (Ilokano), Brinhinas (Bisaya), Aubergine (French), Terong
(Malya), Berenjena (Spanish, Brial (Hindi) Kakhua (Thai), Qie
(Chinese), Daimasu nasu (Japanese)

Kahalagahan
 Pinakamahalagang gulay ng Pilipinas
 17,797 hektaryang taniman (1999)
 P 1.8 B kabuuang halaga

Gamit
 Gulay at ulam: prito, torta, ginataan, binuro, inihaw, nilaga,
pansahog
 Gamot: diabetes, hika, cholera at bronchitis, pampagana,
pampababa ng cholesterol
 Lupa at Klimang Kailangan
 Maitatanim anumang buwan saan mang lugar sa Pilipinas
 Mas mainam sa buhaghag na lupa na hindi tinitiningan ng
tubig, pH: 5.6-6.5
 Maitatanim sa maaraw man o may lilim

13
 Mga Varieties Pang-organiko
• Lilang haba- Dumaguete Long Purple, Mara 89-002, Llamado
• Berde-Concepcion, Araya
• Lilang guhitan-Mistisa (A 300)
Pagpunla
• 200-300 gramong buto para sa isang hektarya
• Kamang punlaan
• Maghanda ng kamang may isang metro ang lapad
 Iwasan ang lugar ng binabaha at sobrang malalim
 Haluan ng binulok na dumi ng hayop o compost at inuling na
ipa (INI)
 Tambakan ng ipa at silaban upang maiwasan ang pagkatuba
(damping-off)
 Diligan ng punlaan at linyahan ng pahalang na may pagitang
10-15 cm
 Ibudbud ng madalang ang buto at tabunan ng manipis na
compost
 Kiliban ng ipa o dayami at muling diligan
 Bubungan ng plastic o net kung tag-ulan
 Diligan ng tea manure kung kulang sa sigla ang seedlings
 Maglipat mula sa makapal na sibol sa madalang ang sibol
 Maaari ding gumamit ng lukong at nursery tray para mas
maganda ang punla
Paghahanda ng Lupang Taniman
 Araruhin at suyurin ang lupa ang taniman at may balot na
plastic mulch upang makabawas sa damo, dilig at mas gumanda
ang halaman
 Haluan ng dumi ng hayop at INI ang taniman 10-20 tonelada
bawat hektarya o 1-2 kilo bawat metro kuwadrado
Paglalagay ng Plastic Mulch
 Kamang may lapad na isang metro at anumang haba
 Pagkahalo ng manure at compost ilatag ang plastic mulch na
may lapad na 1.2 m
 Ang kulay tingga ang sa ibabaw at itim ang ilalim
 Ipitin ng lupa ang isang dulo at irolyo ang plastk patakip sa
kama
 Mas mainam na mag plastic mulch kung kainitan upang
mahapit ito ng husto
 Butasan ang plastik ng ½ ang pagitan, 2 linya sa kama
 Gumamit ng pinainit na lata sa pagbubutas

Paglilipat ng Tanim

• Makapaglilipat tanim 4 na lingo pagkapunla


• Ang linya o iras ay may pagitang 1-1.2 metro
• Diligan bago at makatapos magtanim
• Kiliban ng dayami o damo

14
Pag-aalaga
• Patubigan tuwing ika- 7-10 araw o kung kinakailangan
• Damuhan ang puno ngunit magtiran ng damo sa pagitan ng
daanan
• Diligan ng tea manure minsan isang lingo kung kulang sa
lusog ang halaman
• Patabaan ng manure at abo minsan isang buwan
• Putulin ang mga sanga at dahon sa ibaba ng unang bunga
Pag-aani
• Anihin ang bunga hanggang bata pa upang makaiwas sa
mambubutas
• Ihiwalay ang may sira sa wala
• Hugasan sa malinis na tubig at patuyuin sa lilim
• Iwasang mabilad sa arawan
• Mas mainam na lalagyan ang plastic crate na may saping
dahon ng saging o dyaryo
• Mas magtatagal kung nakalagay sa malamig na lugar
Pangangalaga Laban sa Peste
• Iwasan ang monocropping
• Magsalit tanim ng ibang gulay sa loob at paligid ng talungan
• Magtanim ng basil, Amarillo, sunflower, tanglad at okra sa
paligid

15
16
Karagdagang Gawain: Tayahin: (Patalata)
(Patalata)
1. 1. Deskripsyon ng produkto
1. 1. Dokyumentasyon ng Paggawa 2. 2. Ilarawan ang Espesyal
ng Isang Bagay o Produkto na Durian at ang
2. 2. Sumulat- nakadiskubre ng pinagmulan nito.
wastong pagtatanim ng Isagawa:
3. 3. Magbigay ng
organikong talong impormasyon tungkol sa
3. Awdyens- taong nasa tanggapan Durian at makalikha ng Depende sa
sa larangan ng pagtatanim o proposal sa pagpaparami at salitang
magtatanim
pagpapakilala nito. maiuugnay ng
4. 3. Magbigay ng impormasyon sa
4. 4. Oo, maayos ang mag-aaral
pagtatanim ng organikong
talong paglalahad sa pamamagitan
5. 4. Makabuo ng ng paggamit ng mga angkop
produkto/Makapagpatubo ng na salita. At mahusay ang
organikong talong pagkakaugnay-ugnay ng
mga pahayag.
Pagyamanin: Balikan: Subukin:
Gamiting code ang 1.Deskripsyon ng 1. C
pagkakasunod-sunod sa Produkto-naglalarawan 2. B
suriin. 2. Naratibong ulat- 3. A
naglalahad ng 4. D
No. La Gamit pagakakasunod-sunod ng 5. B
yu pangyayari
nin 6. D
3. Dokyumentasyon ng 7. C
1 1 1,2,5,6,7,
paggawa ng isang bagay o 8. A
9,12
produkto- naglalahad ng 9. B
2 2 1,2,3,4,7,
9,11,12 gamit at proseso. 10.D
3 3 1,2,3,4,5, 4. Feasibility- pag-aanalisa 11.D
8,9,11,12 sa potensyal ng isang 12.C
4 1 1,2,3,4,7, gawain o produkto 13.D
9,10 5. Liham-Pangnegosyo- 14.C
5 3 1,2,7,8,9, Pakikipagkomunikasyon sa 15.A
11,12 larangan ng kalakalan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Santos Santos, C. and Perez, A. 2016. Filipino sa Piling Larang – Tech-Voc
Kagamitan ng Mag-aaral. Unang Limbag. Pasig City.Kagawaran ng Edukasyon

Wordpress. 2017. Grade12 Pagsulat sa Piling Larangan. [online] mula sa


https://teknikalbokasyonalnasulatin.wordpress.com/2017/06/26/first-
blog-post/> [binuksan noong 22 June 2020]

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like