You are on page 1of 4

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon V
SANAYANG PAPEL SA PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik
Bilang 3 Kuwarter 3

Pangalan ng Mag-aaral ____________________________________________________


Baitang/Seksiyon : ______________________________Petsa:___________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
Kinasanayan na ng mga Pilipino ang pakikipagkwentuhan o pagbabahagi
ng kanilang mga karanasan sa buhay sa kanilang mga kaibigan o mga
kapalagayang loob, ang Araling Teksto ay isang tekstong gamitin na natin
sapagkat, ito ay karaniwang nagsasalaysay ng mga pangyayaring nasaksihan o
naranasan. Tuklasin natin sa araling ito ang ilan sa mahahalagang kalaaman
kaugnay sa Tekstong Naratibo.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


Nakukuha ang angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat. (F11EP-IIId-36)

III. MGA GAWAIN

A. PAGBALIK-ARALAN MO!
Panuto: Iguhit ang emoji nakangiti kung wasto ang kaisipan ng
sumusunod na pahayag at emoji na malungkot kung hindi wasto ang
pahayag. Iguhit ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

_____1. Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay sa


isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
_____2. Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na
maaring piksyon (nobela, maikling kwento, tula) o di-piksiyon (memoir,
biyograpiya, balita, maikling kwento o sanaysay).
_____3. Maaaring ang salaysay ay hindi personal na naranasan ng nagkukuwento.
_____4. Ang tekstong naratibo ay gumagamit ng wikang puno ng imahinasyon.
_____5. Sa pangkalahatan layunin ng tekstong naratibo na magbigay-aliw sa
mambabasa.

B. PAG-ARALAN MO!
Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari
na maaaring piksyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir,
biyograpiya, balita, maikling kuwento o sanaysay).

Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkuwento batay


sa isang tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.

1
ELEMENTO NG ISANG TEKSTONG NARATIBO
➢ Banghay- binubuo ng kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga pangyayari
upang makabuo ng isang estruktura o porma.
➢ Tagpuan- mahalagang inilalarawan ang tagpuan dahil nakadaragdag ito sa
organisasyon ng naratibo. Nagaganap ang mga pangyayari sa isang tiyak na oras,
araw o panahon.
➢ Tauhan- ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay.
➢ Suliranin o Tunggalian- Ang bahaging nagpapakita ng mga suliranin at tunggalian
sa isang kuwento ang pinakamadramang tagpo ng kwento at inaasahang may
maidudulot na mahalagang pagbabago patungo sa pagtatapos.
➢ Diyalogo- Kapag nagsasalita ang mga tauhan sa kuwento, siya ay nagiging totoong
tao, ngunit hindi lahat ng pagsasalaysay ay kailangang may diyalogo.

C. PAGSANAYAN MO!
Piliin mula sa kahon ang titik ng salitang tinutukoy sa unang hanay. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

____1. Binubuo ng kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga


pangyayari upang makabuo ng isang estruktura o porma.
____2. Nagaganap ang mga pangyayari sa isang tiyak na oras, araw o
a. diyalogo
panahon.
____3. Ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang b. tagpuan
salaysay. c. suliranin
____4. Ang pinakamadramang tagpo ng kuwento at inaasahang may d. banghay
maidudulot na mahalaga pagbabago patungo sa pagtatapos. e. tauhan
____5. Kapag nagsasalita ang mga tauhan sa kuwento, siya ay
nagiging totoong tao, ngunit hindi lahat ng pagsasalaysay ay
kailangang may diyalogo.

D. TANDAAN MO!
Mga Hakbang para Makasulat ng Tekstong Naratibo
➢ Unang isipin ang magiging paksa at layunin ng isusulat.
➢ Malinaw dapat kung paano magagamit ang tekstong naratibo upang
mapalutang ang layunin ng isinusulat.
➢ Sunod ay piliin ang itatampok na pangyayari sa pagsasalaysay.
➢ Hanapan ito ng kahalagahan o mga bahaging kapupulutan ng bagong
kaaalaman o perspektiba.
➢ Kapag natukoy na ang itatampok na pangyayari, isa-isahin ang mga
detalye na mabubuo rito kapag isinalaysay na.
➢ Piliin kung alin sa mga pangyayari ang dapat bigyang-pansin sa
pamamagitan ng detalyadong pagsasalaysay at paglalarawan o
paglalahad bilang isang tagpo at kung alin ang maaaring iwan na lang
bilang buod.
➢ Kung susulat ng kuwentong pampanitikan, kailangang sundin ang mga
kombensiyon at elemento sa pagsulat nito.
➢ Kung hindi naman dapat din itong magkaroon ng tauhan, tagpuan, at
banghay.
➢ Pinakamahalagang dapat -isaalang-alang ang banghay ng mga
pangyayari.
➢ Maaaring gumamit ng iba-ibang Teknik ng pagsisimula tulad (pagbabalik
tanaw, pagsisimula sa gitna ng mga pangyayari) basta madali pa ring
matukoy ang sanhi at bunga.
➢ Maging organisado.

2
➢ Gamitin ang pasalaysay bilang gabay rin sa mambabasa tungo sa
layunin ng isusulat ng teksto.

Tinatawag na pagsasalaysay ang tekstong naratibo na maaring pasulat o pasalita. Ito


ay maaring ibatay sa: a) personal na karanasan tuwirang nakita, narinig o nabasa b) likhang
isip o guni-guni.

IV.PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin nang mabuti ang tekstong naratibo “Karanasan sa Pag-
ibig” at sagutin ang mga pamatnubay na tanong . Isulat ang iyong sagot sa
iyong sagutang papel.
" Karanasan sa Pag-ibig "
Minsan, may isang tao sa ating buhay na nagpapakita ng kakaibang klase ng
pagmamahal. Pagmamahal na ipaparamdam sa’yo na mahalaga ka sa buhay ng isang tao.
Pagmamahal na nagbibigay ng kakaibang pag-aalaga sa’yo. Pagmamahal na nagbibigay ng
inspirasyon upang magawa ang mga bagay na sa tingin mo ay imposible hanggang sa
dumating ang pagkakataon na ang taong nagpaparamdam sa’yo ng kakaibang pagmamahal,
ay hindi mo na rin kayang bitawan.
Itago mo ako sa pangalang Angel. Ako po ay isang lalaki, nag-aaral bilang isang
Animation at Computer Progamming sa paaralan ng Brokenshire College Toril sa Baitang 11.
Ako'y labing-walong gulang. Sa haba ng karanasan ko sa pagmamahal, minsan tumatakbo
na sa isip na tumigil na lang dahil sa paulit-ulit na sakit na aking nararamdaman. Dahil sa
hindi mawala sa king isipan ang kasabihan na, "Feelings are not permanent". Yung tipong
mamahalin ka sa simula, at kapag lumaon na'y iiwan ka sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Itago niyo siya pangalang Rouge. Ang babaeng nagpabago sa buhay ko. Mula sa madilim na
karanasan, binigyan niya ng liwanag ang aking daan. Mula sa isang binatang walang plano
at pamamaraan sa buhay, tinuruan niya ako kung paano bigyan ng halaga ang pag-aaral.
Mula sa isang binatang ayaw nang magmahal, ngayon, tinuruan niya akong kung paano ulit
mahal.
Marami na kaming pinagdaanan sa buhay. Naging lover’s kami ngunit walang lebel
sa sitwasyon ng pagmamahalan. Ang alam lang namin ay merong ako, at merong ikaw, pero
walang kami. Alam namin sa aming sarili na mahal namin ang isa't isa. Marami na kaming
pinagdaan na mga pagsubok sa buhay, lalong - lalo na sa aming pagmamahalan. Ngunit
hindi namin ito nagawang sukuan. Marami na rin kaming naranasan na kasiyahan at
kalungkutan sa buhay. Alam ko sa sarili ko, na mahal niya ako, kaya sa huling pagkakataong
ito, mananatili akong tapat sa pagmamahalan naming iyon. Tumatak na sa isipan ko na
hindi ako susuko at maghihintay ako sa tamang panahon na maririnig ko sa kanya harap -
harapan ang salitang, " OO ". Niligawan ko siya sa pamamarang gusto ko at gusto ng pamilya
niya. Hindi ko siya pinabayaan na maging malungkot araw-araw. Hanggang sa dumalas na
ang pag-aaway, pagsisigawan at di-pagkakaintindihan.
Dumating na ang panahon na kung saan madalas na kaming nag-aaway dahil sa
selos, di mapaliwanag na dahilan at dahil sa pride. Dito ko na naisip at naramdaman na
unti-unti nang nawawala ang pagmamahal niya na pinaramdam sa kin. Takot akong mawala
pa siya sa buhay ko, pero hindi naman natin mapipilit ang isang tao na mahalin tayo. Ngunit
handa ka ba kung sakaling mangyari ito sa buhay mo na isang araw, yung taong nagturo
sayo kung paano magmahal ulit, siya pa yung mawawala nang hindi mo malaman-laman
ang tunay na dahilan.
Oo di siya nawala sa pisikal na antas, pero ang pagmamahal niya na dati kong
naramdaman sa kanya, tila ba parang bula na sa isang iglap ay nawala. Palagi ko pa rin
siyang nakikita sa ming eskuwelahan, ngunit ang pagpapansinan na kadalasan naming
ginawa ay naglaho na lang bigla. Pakiramdam ko, nawala na talaga siyang nararamdaman
para sa kin. Kaya nagdesisyon ako na itigil na rin ang nararamdaman ko para sa kanya at
lumayo-layo para makalimot sa sakit na nararamdaman. Ngunit ipinangako ko sa sarili ko,
na siya ang kahuli-huling babae na mamahalin ko.
Hanggang dito na lang at maraming salamat.
Halaw:https://www.academia.edu/35994675/_Karanasan_sa_Pag_ibig_tekstong_naratibo

3
1.Tungkol saan ang teksto? ___________________________
2.Ano ang layunin nito? __________________________
3.Ano ang aral na napulot mo sa tekstong ito?
4.Masasabi bang isang mabisang tekstong naratibo ang tekstong ito ?
5.Nangyari na ba ang ganitong karanasan sa iyo? Kung Oo, paano mo ito nalagpasan?

B. Panuto: Sumulat ng isang maikling salaysay tungkol sa karanasan na ang mga


pangyayari ay hindi mo makakalimutan kailanman dahil nagbigay aral ito sa iyong sarili.
Angkupan ng sariling pamagat ang salaysay na itatala mo sa bawat kahon. Isulat ang sagot
sa iyong sagutang papel.

IV. SUSI SA PAGWAWASTO

A. PAGBALIK-ARALAN MO

1. 2. 3. 4. 5.

B. PAGSANAYAN MO
1.d 2. b 3. e 4. c 5. a
IV.PAGTATAYA

A.
1.Karanasan sa pag-ibig.
2.Magbigay ng aral sa mga nagmamahal, may minamahal at magmamahal pa lamang.
3.Pagnagmahal magtira para sa sarili (Answers vary)
4.Opo.kasi nagbigay aral at nagmulat sa mga mata ng taong nagmamahal
5.Opo. (Answers vary)
B. Answers vary

V. SANGGUNIAN

Crizel Sicat-De Laza et.al, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t -ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik, Aklat 1, (K to 12) Karapatang-ari 2016 ng Rex Bookstore, Inc.
927 Sta Mesa Heights , Quezon City, Kasapi: International Publishers Association, pahina
72-86

https://www.coursehero.com/file/36609736/Week-42-Naratibo-Pagsulat-ng-
Talaarawan-Modulepdf/

Inihanda ni:

JANET P. TURIANO, Guro III


Nabua National High School
Nabua East District
Tiniyak ang kalidad ni:

LORENZ C. ALMENDRAS
Nabua National High School
Nabua East District

You might also like