You are on page 1of 8

Learner Activity Sheet (LAS)

FILIPINO 11
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pangalan: _Jedidiah Rosh K. Sison_____ Lebel: ______11__________


Seksiyon: __Ampere______________________ Petsa: __4/27/21________

5. Tekstong Argumentatibo
Pamagat

Panimula (Susing Konsepto)

Ano ang nauna itlog o manok?

https://angbuhaysamundo.blogspot.com/2017/10/itlog-o-manok.html?m=1

Hindi pa rin natatapos ang debate sa kung itlog ba o manok ang nauna sa dalawa.
Ngunit nakadepende naman ang ideya kung paano ito idinepensa ng bawat isa. Ngayon ay
aralin natin ang tawag sa paraan ng paglalatag ng iyong ideya sa isang particular na paksa.
Ang Argumentatibo
 Layuning makahikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran batay sa katotohanan.
 Pagtatanggol ng manunulat sa kanyang paksa o pagbibigay ng kasalungat laban sa
nauna gamit ang ebidensiya.
Basahin at suriin ang isang halimbawa ng tekstong argumentatibo.

“Smoking Kills, Di Nga Ba?

Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng
sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang
naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito,
"Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?"
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay buga
ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng lipunan.
Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng sigarilyo ay ito
raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna sila ng pagtatrabaho,
may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit nito. Nakababahala na
ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na hindi lingid sa kaalaman
ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata ang ilan na mga adik sa
sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang kalusugan kapag patuloy silang
nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals
ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan
na mas maagang namamatay ang mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito
pero maaari pa ring maapektohan ang mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok
mula sa sigarilyo. Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit
hindi sila humithit ng sigarilyo.

Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa paggamit


ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y modelo ng
bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan ngunit parang
kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-igihin ang
pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin ang adiksyon ng
mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para makasigurong ligtas ang
mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng paninigarilyo. 

          Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin siguro


ang pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa
pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas
mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng mga
"smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.

Mga gabay na tanong:


1. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling sa paggamit ng
sigarilyo ang mga tao?
ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag
nasa gitna sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na
nagiging "in" sila kung gumagamit nito.
2. Ano-ano ang mga epekto nito sa kalusugan ng tao?
Maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas
maagang namamatay ang mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi
gumagamit nito
3. Sa inyong palagay, bakit may mga taong gumagamit pa rin ng sigarilyo
kahit alam nilang nakamamatay ito?
Sa aking pananaw, ito ang nagsisilbing bisyo nila upang agapan
ang stress, pagod, at nagsisilbing pahinga nila.
4. Ano-ano ang mga panandang cohesive devices ang ginamit sa pagsulat
ng tekstong nangangatuwiran?
 Ito, sila, nito, kanila, dito, nila
 Sa kasalukuyan
 Ayon sa pag-aaral
 Ilan sa mga rason
 Dahil
 may ilan namang nagsasabi
 ay ito raw ay

Kasanayang Pampagkatuto
 Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP – IIId – 36)
 Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB – IIId – 99)

Panuto

Naunawaan mo ba ang susing konseptong ibinigay ko? Maaari kang magtanong


kung may hindi ka nauunawaan hinggil dito mag-text o mag-personal message ka lang sa
akin at tutulungan kitang maunawaan mo ito.

Bago ang gawaing inihanda ko para sa iyo, panatilihing mong maging malinis ang
iyong mga kagamitan at siguraduhing sinunod ang tamang paghuhugas ng kamay. Nasa
ibaba ang mga gawain at kaukulang panuto.

Pamamaraan

Gawain 1:
Pumili ka ng isang paksa na iyong susuriin at ipaliliwanag. Idepensa ang iyong
argumentong inilahad sa nasabing paksa at isulat sa blankong guhit. Tiyaking naisaalang-
alang ang rubrik sa pagbuo ng sulatin na nakatala sa ibaba.
Mga Paksa:
1. Pagdidisiplina sa mga kabataan noon at ngayon
2. Paraan ng pananamit ng mga babae noon at ngayon
3. Paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral noon at ngayon
4. Paraan ng panliligaw noon at ngayon

Rubrik sa Pagpupuntos
RUBRIK
Paksa/Kaisipan 5
Pangangatwiran 10
Pagpapahayag/Pagsasalita 5
KABUUAN: 20

Paksang Napili: ___ Paraan ng pag-aaral ng mga mag-aaral noon at ngayon____

“Nasa kabataan ang pag-asa ng bayan,” linyang winika ni Gat Jose Rizal.
Kung ang mga salitang ito ay iyong pagninilay-nilayan, ito ay pangarap niya sa mga
kabataan upang magingmatagumpayan at maging bahagi ng pag-unlad ng ating
bayan. Simple lamang kung tutuusin. Tanging ang edukasyon lamang ang tanging
pag-asa ng mga kabataan upang sumulong o hindi kaya’y makisabay sa agos ng
modernong takbo ng buhay.

Ano naman ang edukasyon ngayon sa Pilipinas? Sa paglipas ng


panahon, unti-unti ng nabago ang edukasyon sa ating bansa. Dala ng modernisasyon,
makabagong teknolohiya, at mga istratehiya ng pag-aaral, ang edukasyon ngayon ay
naging makulay, masining, maalam at maunlad. Nagkaroon na ng malayang
pagdedesisyon tungkol sa mga bagay-bagay kung paano ka uunlad bilang isang tao.
Dahil sa modernisasyon, mataas na ang presyo sa bawat tatahakin sa magagndang
trabaho tulad ng doctor, inhinyero, abogado at iba pa.
Kung pinag-usapan natin ang pag-aaral sa kasalukuyan, dumako naman
tayo sa paraan ng pag-aaral noon. Noong wala pang bahid ng teknolohiya ang
sistema ng pag-aaral, simple at maayos ang edukasyon. Mas disiplinado ang mga
estudyante dahil kailangan nila makamit ang kanilang minimithi dahil sila ang
inaasahan ng kanilang magulang. Di tulad ngayon na medyo walang disiplina at
kampante ang mga mag-aaral dahil sa tulong ng internet at social media. Noon,
talagang dapat magsipag ang mga estudyante dahil kailangan nilang isulat lahat ng
kanilang mga natutunan sa klase para mayroon silang aaralin pag-uwi ng kanilang
tahanan. Sa kasalukuyan, mayroon nang mga cellphone para maglagay ng notes sa
pamamagitan lamang ng pagpindot at maaari pang kumuha ng litrato.

Marami talaga tayong mahihinuha sa kaibahan ng kaparaanan sa pag-


aaral ng mga mag-aaral noon at ngayon. Marahil mas disiplinado at simple ang
paraan ng pag-aaral noon kaysa ngayon dahil mas pinagtutuunan ng pansin ng mga
mag-aaral ang pag-angat nila sa buhay. Mas pipiliin ko parin ang modernong sistema
ng pag-aaral dahil mas napapadali at mas napapabilis nito ang pagkamit ng
tagumpay sa buhay. Dahil din sa teknolohiya, mas napapadali na rin ang pagtuturo
ng mga guro upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral.

Gawain 2:
Gamit ang fishbone planner sa ibaba upang maipaliwanag ang mga
pangangatuwirang ilalahad sa paksang: Resort o Beach: Saan mas masaya kapag tag-init?

https://guidetothephilippines.ph/articles/islands-and-beaches/philippines-beach-resorts

Resort Beach

Dahil mas malawak dito Limitado ang espasyo

Sariwa ang tubig na galing sa dagat Maaring may halong chlorine ang
pool

Maaaring maglaro sa buhangin


Maganda ang mga kwarto

BEACH RESORT

Maaaring masilayan ang sunset Limitado ang tao

Maalat tubig Maraming libangan

Mas maraming tao Mas komportable ang pananatili


Gawain 3:
 Sumulat ng isang tekstong argumentatibo.
 Pumili ng paksa ayon sa track:
1. Akademik: Pag-angkin ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea
2. Tech-Voc: Patuloy na Pagdami ng Bilang ng mga OFW
3. Isport: Paggamit ng mga Import na Manlalaro sa PBA
4. Sining at Disensyo: Pagpili ng Isang National Artist

Akademik: Pag-angkin ng Pilipinas sa mga isla sa West Philippine Sea

Sino ba talaga ang may ari nang mga islang ito? Maraming mga issue ngayon
sa pagitan ng bansang Tsina at Bansang Pilipinas tungkol sa pag aagawan nang mga isla sa
West Philippine Sea o tinatawag din itong South China Sea. Ayon sa mga balita na aking
nalaman o napagkinggan, binabase nila ito sa tinatawag na 9 Dash line. Ang 9 dash line ay
isang U shaped form kung saan ang lahat nang nasa loob nito ay pag aari ng Tsina sa
pandagat man o panhimpapawid. Dahil sa mga pangyayaring ito, maraming mga tao ang
nawalan ng kabuhayan sa pangingisda. Dahil na rin siguro sa takot at pag-aalala ng ating
mga kababayan, nag hanap nalang ng ibang pagkakabuhayan ang ating mga kababayan.

Ang ating bansa ay may pinandigan na na ayon sa batas na tinatawag na


Exclusive Economic Zone (EEZ) na binabasihan sa UNCLOS (United Nation Convention on
the Law of the Sea). Ang nasisimula ang baseline hanggang 200 nautical miles galing sa
bansa. Sa 200 na nautical miles na iyan ay may karapatan tayong mangigisda sa dagat.  Sa
mahihinuha natin sa tekstong iyan, paanong masasabi parin ng Tsina na kanila ang West
Philippine Sea kung mismo UNCLOS na ang nagsabi. Sa pahayang naman ni Rep. Harry
Roque, isang eksperto sa international law, sinasabi sa ruling na hindi tugma ang historical
claim ng Tsina sa mga probisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea
(UNCLOS). Ibig sabihin, walang karapatan ang Tsina na angkinin ang mga pinagtatalunang
bahagi ng South China Sea dahil sa giit nitong "nine-dash line."

Bilang isang Pilipino, nararapat lang na tangkilikin natin ang West Philippine
Sea sa kadahilanang nakapaloob ito sa teritoryo ng ating bansa. Kahit anong titig natin sa
mapa ng mundo, makikita natin mismo na kabilang ito sa Pilipinas dahil nakapalibot ito
mismo. Kailangan natin itong ipaglaban dahil kailangan at kabuhayan ito ng ating ibang
kababayan. Huwag tayong matakot na isigaw sa mga dayuhang ito na huwag angkinin ang
pagmamay-ari ng iba. Hindi na tayo tulad ng dati na nagpapasakop at nagususnod-sunudan
sa mga mananakop. Mayroon na tayong sariling paa para tumayo at makipagsabayan sa
ibang bansa. Tinawag itong West Philippine Sea dahil pagmamay-ari ito ng Pilipinas, hindi
tsino at kung sino-sino.

Rubrik sa Pagpupuntos

RUBRIK
Nilalaman 10
Pagkamalikhain/Orihinalidad 5
Gramatika 5
Diin/Kaisahan/Pagkakaugnay-ugnay 10
KABUUAN: 30

Inihanda nina:

Sheena Mae Simbulan at Ryan Christian Espinosa


Pangalan ng May Akda

TANDAAN: Magsanay ng mga Personal na Protocol sa Kalinisan sa Lahat ng Oras.

You might also like