You are on page 1of 2

Tekstong Impormatibo

Ang Tekstong Impormatibo ay isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay


naglalayong magbigay ng impormasyon o magpaliwanag nang malinaw at walang
pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham at
siyensiya, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon at iba
pa.

Katangian:

1. Makatotohanan ang mga datos.


2. May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
3. Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at
may kaisahan.
4. Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at
sa mga pangkalahatang sanggunian.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may-akda- Layunin nitong maglahad o magbigay ng


impormasyon.
2. Pangunahing Ideya- Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa bahagi –tinatawag
din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at
malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
3. Pantulong na kaisipan- Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na
pantulong na kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa
kanila.
4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay
na binibigyang-diin- Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga
malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatibo ang paggamit
ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
 Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (larawan, guhit,
dayagram,tsart,
timeline)
 Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng nakadiin,
nakahilis,
nakapanipi)
 Pagsulat ng mga talasanggunian ( mga aklat, kagamitan at iba pa)

Mga Uri ng Tekstong Impormatibo

1.Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan- Sa uring ito ng teksto inilalahad


ang mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o pagkakataon.
Karaniwang sinisimulan ng manunulat sa isang mabisang panimula at sinusundan
ng iba pang bahagi ng sulatin.
2. Pag-uulat Pang-impormasyon- Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay. Ito ay
nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon ay
pawang katotohanan.

3. Pagpapaliwanag- Ito ay nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang


isang bagay o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa mula sa mga
impormasyong nagsasaad kung paano humantong ang paksa sa ganitong
kalagayan. Karaniwang itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart
na may kasamang mga paliwanag.

You might also like