You are on page 1of 13

SENIOR HIGH SCHOOL

FILIPINO 11
Ikaapat na Markahan–SGP 5-6:
(Sariling Gawaing Pampagkatuto)

Ang Konsepto at Pamanahong


Pananaliksik

FOR TANDAG CITY DIVISION USE ONLY


1
PAGKAKAKILANLAN SA IMPORMASYON

Asignatura : ____________________________ Markahan: __4__ Linggo : _5 at 6__

Pangalan ng Mag-aaral : _________________ Baitang at Seksyon :______________

Paaralan: _______________________________________________________________________

DESKRIPSYON SA GAWAING PAMPAGKATUTO

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto :

Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng pagsulat ng isang


pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik
F11PU – IVef – 91

Layunin : Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral


ang sumusunod :

1. Nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa maayos na hakbang upang


makabuo at makapagsagawa ng pananaliksik;
2. natutukoy ang mga impormasyon tungkol sa konseptong papel at bahagi ng
pamanahong pananaliksik;
3. nakapagbibigay ng sariling kaalaman tungkol sa konseptong papel batay sa
impormasyong nakalahad sa gawain;
4. natatalakay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng konseptong papel at
pamanahong pananaliksik; at
5. nakasusulat ng konseptong papel batay sa napiling paksa.

Kagamitan :

Papel at Ballpen

2
TUKLASIN

Panuto: Sa iyong sariling pananaw, anu-ano ang mga maayos na


hakbang
upang makabuo at makapagsagawa ng pananaliksik? Punan ang
bawat kahon batay sa pagkasunod-sunod nito. Gawin ito sa isang
pirasong papel.

5
4
3
2
1

SURIIN

ANG KONSEPTO AT PAMANAHONG PANANALIKSIK

ANG KONSEPTONG PAPEL PANANALIKSIK

Ang Konseptong papel ay nagsisilbing panukala o proposal para maiihanda


ang isang pananaliksik. Ito ang kabuuang ideya na nabuo mula sa isang
framework o balangkas ng paksang bubuuin. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa
mananaliksik na mailahad kung ano ang mangyayari. Nagbibigay rin ito ng
kaalaman sa guro sa tunguhin o direksyong ninanais ng mananaliksik para sa
sulatin.

Mga Bahagi o Template ng Konseptong Papel (Constantino & Zafra, 2000)

3
1. Paksa - nakasulat dito kung tungkol saan ang gagawing
pananaliksik.
- Limitahan ang paksa gamit ang tinutukoy na batayan sa
paglilimita.
- Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang
pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais
isagawa.

2. Rasyonale - tinatalakay sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo


at/o matuklasan ng mga mag-aaral sa pananaliksik.
- Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

3. Layunin - dito mababasa ang tunguhin o hangarin ng pananaliksik


batay sa paksa.
- Tatalakayin sa bahaging ito kung ano ang gustong matamo at
matuklasan ng mananaliksik.
- Maaaring isulat ang mga ito nang paisa-isang pangungusap o
patalatang pangungusap.

4. Metodolohiya/ Pamamaraan- inilalahad dito ang pamamaraang


gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at sa
pagsusuri sa nakakalap na mga impormasyon.

5. Inaasahang Awtput O Resulta- dito inilalahad ang inaasahang


kalalabasan o magiging resulta ng pag-aaral.

Maaaring magkaroon pa rin ng pagbabago ang inaasahang resulta


sa pinal na papel batay sa kalalabasan ng pagkalap ng datos dahil sa
patuloy na pangangalap.

BAHAGI NG PAMANAHONG PAPEL /PANANALIKSIK

Mga Pahinang Preliminari o Front Matters


a) Fly Leaf 1– ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang
nakasulat sa pahinang ito sa madaling salita blangkong papel ito.
b) Pamagating Pahina– ito ay nagpapakilala sa pamagat ng pamanahong papel.
Nakasaad din dito kung kanino iniharap o ipinasa ang papel, kung saang
asignatura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon.
Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito.
c) Dahong Pagpapatibay- ang tawag sa pahinang kumukumpara sa
pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong- papel.
d) Pasasalamat o Pagkilala– tinutukoy nito ang sinumang nakatulong
sa mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na
pasalamatan.
e) Talaan ng Nilalaman– nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at
nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa.

4
f) Talaan ng mga Talahanayan o Graf– nakatala ang pamagat ng
bawat talahanayan o graf na nasa loob ng pamanahong papel at ang bilang
ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
g) Fly Loaf 2– isang blankong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong
papel.

Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a) Ang Panimula o Introduksyon


>>> ay isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtatalakay
ng paksa ng pananaliksik.

b) Layunin ng Pag-aaral
>>> inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral.

>>> tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong patanong.

c) Kahalagahan ng Pag-aaral
>>> inilalahad dito ang sigifikans ng pagsasagawang pananaliksik ng paksa ng pag-
aaral. Inilalahad dito kung sino ang makikinabang.

d) Saklaw at Limitasyon
>>>tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.

e) Depinisyon ng mga Terminolohiya


>>> ang mga katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y
binigyan ng kahulugan. Maaari itong:

Operational na Kahulugan– kung paano ginamit sa pananaliksik


Conceptual na Kahulugan– istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


 Tinutukoy ang mga pag-aaral at mga babasahin o literaturang kaugnay ng paksa
ng pananaliksik.
 Tukuyin ang bago o nailimbag sa loob ng huling sampung taon.
 Gumamit ng pag-aaral at literaturang lokal at dayuhan.

Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a) Disenyo ng Pananaliksik
>>> nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral. Para sa
inyong pamanahong papel, iminumungkahi ang pinasimple na deskriptiv- analitik
na isang disenyo ng pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik
o factors kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

5
b) Respondente
>>> tinutukoy kung ilan sila at paano at bakit sila napili.

c) Instrumentong Pananaliksik
>>> inilalarawan ang paraanng ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga
datos at impormasyon. Iniisa- isa rin ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung
maaari, kung paano at bakit nya ginawa ang bawat hakbang.

d) Tritment ng mga Datos


>>> inilalarawan kung ano ang istatiskal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailalarawan. Dahil ito’y isang pamanahong- papel lamang,
hindi kailangang gumamit ng kompleks na istatistikal na tritment. Sapat na ang
pagkuha ng porsyento o bahagdan matapos mai- tally ang mga kasagutan sa
kwestyoneyr ng mga respondente.

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


 Sa kabanatang ito, inilalahad ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik sa
pamamagitan ng tekstwal at tabular o grafik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang mga analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

a) Lagom– dito binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik


sa komprehensibong tinatalakay sa kabanata III.
b) Konklusyon– ito ay mga inferenses, abstraksyon, implikasyon,
interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos
at impormasyong nakalap ng mananaliksik.
c) Rekomendasyon– ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina

 Ang Listahan ng Sanggunian ay isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan


o sorses na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
 Ang Apendiks ay tinatawag ding Dahong-Dagdag. Maaaring ilagay o ipaloob dito
ang mga liham, formularyo ng evalwasyon, transkripsyon ng intervyu, sampol ng
sarvey- kwestyoneyr, bio- data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung
anu-ano pa.

6
GAWAIN 2: PAGTUKOY

Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng konsopetong papel o bahagi ng


pananaliksik ang mga isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon.
Kahalagahan ng Pag-aaral Lagom Kaugnay na pag-aaral at Literatura

Paksa Layunin Saklaw at Limitasyon Inaasahang awtput

Disenyo ng Pananaliksik Rekomendasyon Konseptong Papel

1. Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.


2. Inilalahad ang resulta ng pag-aaral.
3. Tatalakayin sa bahaging ito ang nais matamo ng pananaliksik.
4. Makikita sa bahaging ito ang mga babasahin o literaturang may kaugnay sa
paksa.
5. Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
6. Tinutukoy sa bahaging ito kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang
pag-aaral.
7. Dito nakabuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng pananaliksik.
8. Nakalahad dito kung tungkol saan ang gagawing pananaliksik.
9. Nagsisilbing panukala para maiihanda ang isang pananaliksik.
10. Inilalahad sa bahaging ito kung sino ng makikinabang.

Gawain 3: Punan at Kahulugan

Panuto: Basahin at unawain ang bawat bahagi ng Konseptong Papel. Punan ang
mga blangkong kahon sa ibaba ayon sa hinihinging bahagi nito. Gawin
ito sa isang pirasong papel.
1.
Paksa Bagong Normal sa Edukasyon
Rasyonale Bunga ng pandaigdigang krisis sa kalusugan na dulot
ng COVID-19, malaki ang naging pagbabago sa
pamumuhay ng mga tao, ekonomiya ng bansa at kahit
na ang edukasyon ng mga kabataan. Kaya ang tanong sa
karamihan ng mga kabataan at mga magulang,
ano ba ang tinatawag na “New Normal Education”?
Layunin
Metodlohiya
Inaasahang Awtput

2.
Paksa Epekto ng Mobile Legend sa mga Mag-aaral
Rasyonale
Layunin

7
Metodlohiya Magtatanong ang mananaliksik sa mga mag-aaral na
parating naglalaro ng mobile legend at epekto nito sa
kanila.
Inaasahang Awtput
Gawain 4: Pagkakatulad at Pagkakaiba

Panuto: Nailalahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Koseptong Papel at


Pamanahong Pananaliksik batay sa sariling pagkakaunawa gamit ang
grapikong presentasyon sa Gawain.

KONSEPTONG PAPEL PAGKAKATULAD PAMANAHONG PAPEL

Gawain 5: Pagsulat ng Konseptong Pananaliksik

Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng isang konseptong papel batay sa


napili mong paksa sa pananaliksik.

PAMAGAT:__________________________________________

1. PAKSA
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. RASYONALE
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________
3. LAYUNIN
A._________________________________________________________________________
_______________________________________________________________B.__________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________C.______________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________
4. METODOLOHIYA
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

8
___________________________________________________________________________
_____________________________________________

5. INAASAHANG AWTPUT
___________________________________________________________________________
_______________________________________________________________A.__________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________B.______________________
___________________________________________________________________________
_______________________________________C.__________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________

Pamantayan ng Pagmamarka sa Paggawa ng Konseptong Papel

Kaisahan ng mga ideya Kaugnayan ng mga ideya sa isa’t


1 2 3 4 5 isa
5-Lahat ng ideya ay may malinaw.
4-Halos lahat ng ideya ay malinaw. 1 2 3 4 5
3-Maraming ideya na malinaw.
2-Iilan lang ang ideya na malinaw. 5- Lahat ng mga ideya ay
1-Walang ideya na malinaw. magkaugnay sa isa’t isa.
4-Halos lahat ng mga ideya ay
Kasapatan ng mga impormasyon magkaugnay sa isa’t isa.
1 2 3 4 5 3- Maraming ideya ang magkaugnay
sa isa’t isa.
5-Naibigay lahat ng materyal. 2-Iilan lang ang magkaugnay na
4-Halos naibigay lahat ng material. ideya sa isa’t isa.
3-Maraming naibugay na material. 1-Walang ideya na magkaugnay sa
2-Iilan lang ang naibigay na isa’t isa.
material.
1-Walang naibigay na material. Puntos:

TASAHIN

A.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag na nasa ibaba at ibigay ang
tinutukoy nito. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kalansay ng mga ideyang pinagbabatayan ng aktuwal na proyektong


gagawin.
A. Konseptong papel B. Balangkas
C. Papaksang balangkas C. Layunin
2. Ito ay binubuo ng mga parirala o salita na siyang punong kaisipan.
A. Papaksang balangkas B. Balangkas
C. Patalatang balangkas D. Pangungusap na balangkas

3. Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik

9
A. Konseptong papel B. Balangkas
C. Papangusap na balangkas D. Layunin

4. Makikita dito ang paraang ginagamit ng mananaliksik sa pangangalap ng


datos at sa pagkalap ng impormasyon.
A. Paksa B. Layunin
C. Metodolohiya D. Rasyonale

5. Dito makikita ang kalalabasan ng pag-aaral.


A. Layunin B. Awtput/Resulta
C. Layunin D. Rasyonale

6. Tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.


A. Saklaw at limitasyon B.Inaasahang awtput
C. Lagom D. Paksa

7. Inilalahad ang resulta ng pag-aaral.


A. Paksa B. Inaasahang Awtput
B. Lagom D. Saklaw at limitasyon

8. Tatalakayin sa bahaging ito ang nais matamo ng pananaliksik.


A. Literatura B. Layunin
C. Lagom D. Paksa

9. Makikita sa bahaging ito ang mga babasahin o literaturang may kaugnay sa


paksa.
A. Kaugnay na pag-aaral at literature
B. Saklaw at limitasyon
C. Inaasahang Awtput
D. Lagom

10. Ito ang mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.
A. Disenyo B. Paksa
C. Rekomendasyon D. Konsepto

PAGNINILAY
Ang natutunan ko sa araling ito ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

10
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ang nais ko pong malaman sa araling ito ay

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

SANGGUNIAN

MELCS 2020-2021, pahina 525

Altes, J. A., et al. Kognitibong Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa


Akademikong Pananaliksik. Davao City: Blue Patriarch Publishing
House, 2015

Bandril, L. T., et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, 2016

Bernales, R. A., et al. Pagbasa, Pagsulat at Introduksyon sa Pananaliksik:


Batayan at Sanayang-aklat sa Filipino 2. Malabon City: Mutya
Publishing House, Inc., 2012

Bernales, R. A., et al. Pagbasa, Pagsulat, Pananaliksik: Batayan at


Sanayang- Aklat sa Filipino 2, Antas- Tersyarya. Malabon City:
Mutya Publishing House, Inc., 2009

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Dayag, Alma M.Pinagyamang Pluma:Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang


Teksto Tungo sa Pananaliksik

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


‘Pananaliksik. Manila: REX Bookstore,

Dexie P. Dilag, et.al (2021). Modyul 7: Konseptong Pananaliksik. Department of


Education – Alternative Delivery Mode (ADM)

Galang, Teresita T. et.al (2000). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik. Rex Bookstore.

11
12
Suriin
Gawain 2:
1. Saklaw at limitasyon
2. Inaasahang awtput
3. Layunin
4. Kaugnay na Pag-aaral at
literature
5. Rekomendasyon
6. Disenyo ng pananaliksik
7. Lagom
8. Paksa
9. Konseptong papel
10. Kahalagahan ng Pag-
aaral Tasahin
Gawain 3:
(Nasa guro ang pagpapasya kung
ano ang tamang sagot.) 1. B
2. A
Tuklasin Gawain 4:
3. A
(Nasa guro ang pagpapasya kung 4. C
Gawain 1: ano ang tamang sagot.) 5. B
6. A
(Nasa guro ang Gawain 5: 7. B
pagpapasya kung ano 8. B
ang tamang sagot.) (Nasa guro ang pagpapasya kung 9. A
ano ang tamang sagot batay sa 10. C
pamantayan)
SUSI SA PAGWAWASTO
Development Team of the S-LAS
Manunulat: Rodolfo P. Yabut- Jacinto P. Elpa National High School
Editor: Ma. Rossana C. Meniano
Language Editor: Jeanette R. Isidro
Tagasuri: Gemma B. Espadero, Jeanette R. Isidro, Marvelous B. Estal,
Pinky Rosarie E. Laurente
Tagalapat / Tagaguhit: LRMS Team – Tandag City Division
Mga Tagapamahala: Gemma A. De Paz
Rita S. Reyes
Jeanette R. Isidro
Gemma B. Espadero
Ma. Rossana C. Meniano

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Tandag City

LEARNING RESOURCE MANAGEMENT SECTION (LRMS)


Purok Narra, Balilahan, Mabua, Tandag City

Telephone: 214-5848

Email Address: tandag.lrms@deped.gov.ph

13

You might also like