You are on page 1of 63

Ano ang pamanahong papel?

• Isang uri ng papel-pananaliksik na


kadalasang isinasagawa nang isahan o
pangkatan na higit na maikli kaysa isang
literal na thesis.
• May proseso itong sinusunod maaring
sistematiko o dili kaya’y siyentipiko
Ang mga bahagi at
kabanata ng isang
pamanahong papel
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Fly Leaf 1
ang pinakaunang pahina na kung
saan walang anumang nakasulat dito
,sa madaling salita blangko ang
pahinang ito
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Pamagating pahina
dito nakasaad ang mga sumusnod
1. Pamagat
2. Kung kanino ihaharap ang pamanahong papel
3. Asignatura
4. Kung sino ang gumawa
kadalasang inverted pyramid ang ayos nito
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Dahon ng pagpapatibay
kinukumpirma sa pahinang ito ang
pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng
pamanahong papel
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Pasasalamat o Pagkilala
pagtukoy sa mga
indibidwal,pangkat,tanggapan o institusyong
maaaring nakatulong sa pagkakabuo at
pagkakasulat ng pamanahong papel
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Talaan ng Nilalaman
ito ang nakaayos na balangkas na
bahaging nilalaman ng pamanahong
papel
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Talaan ng mga Talahanayan at Grap
dito nakasaad ang bawat grap at
talahayan ng pag-aaral ng mga datos na
nakasalansang at nakapahina
Mga pahinang Pre-liminari
o Front Matters
➢Fly Leaf 2
ang pinakahuling pahina na kung
saan walang anumang nakasulat dito
,sa madaling salita blangko ang
pahinang ito
Mga Kabanata at mga Nilalaman ng
isang pamanahong –papel
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
Kabanata 2
( Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura)
Kabanata 3
( Disenyo at Paraan ng pananaliksik)
Mga Kabanata at mga Nilalaman ng
isang pamanahong –papel
Kabanata 4
( Presentasyon at Interpretasyon ng Datos)
Kabanata 5
( Lagom , Kongklusyon at Rekomendasyon)
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
a. Introduksyon
Isang maikling talatang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik
Kadalasan naglalaman ito ng lima hanggang
walong makabuluhang talata
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
b. Layunin ng Pag-aaral
Isang maikling talatang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng
pananaliksik
Nakasaad din dito ang ispesipik na suliranin
na nasa anyong patanong
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
c. Kahalagahan ng Pag-aaral
dito inilalahad ang signipikans o
kahalagahan ng pagsasagawa ng pananaliksik
nakasaad din dito ang kapakinabangan ng
ginawang pag-aaral
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
d. Saklaw at Delimitasyon
nakasaad ang simula at hangganan ng
pananaliksik ,dito itinatakda ang parametro ng
pananaliksik dahil dito tinutukoy ang kung ano-
anu ang baryabol na sakop at di sakop ng pag-
aaral
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
e. Paradima ng pag-aaral
dito masasalamin ang ginamit na paradima
sa paglalahad ng pag-aaral na maaring
1. konseptuwal
2. teoretikal
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
Kabanata 1
( Ang Suliranin at Kaligiran Nito)
f. Depinisyon ng mga Terminolohiya
nakapaloob ang kahulugan ng mga di
pangkaraniwang terminong nabanggit sa ginawang
pag-aaral maaaring:
(konseptuwal) ang istandard na kahulugan ng salita
(operasyunal) kahulugang kung paano ginamit ang salita
Kabanata II
( Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura)
Sa bahaging ito nakasaad ang kaugnay na
babasahing literatura sa pag-aaral kinakailangan
ang paglalahad ay ganito ang pamamaraan
1. Obhektibo at walang kinikilingan
2. Nauugnay o relevant
3. Sapat ang dami o hindi kaunti lamang
4. Totoo at katotohanan lamang
Kabanata II
( Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura)
1. Apat hanggang limang talata sa
INTRODUKSYON
2. Lokal na pagaaral
3. Global na pag-aaral
4. Sintesis
kailangan nagtataglay ito ng mga datos o tala na
limang taon palang ang nakalipas
ISTILONG PARENTETIKAL
( Uri at Anyo)
Tatlong Uri ng Batayang Istilong
Parentetikal
• APA = American Psychological
Association (Social Sciences)
• MLA = Modern Languages Association
(English and the Humanities)
• CBE o CMS = Council of Biology
Editors (Science)
May Akda
• APA • MLA
• Last Name, First • Last Name, First.
Initial.
• Tolstoy, Leo.
• Tolstoy, L.
Aklat
APA MLA
• Packard, V. • Packard, Vincent.
(1957) The The Hidden
hidden Persuaders. New
persuaders. New York: McKay,
York: McKay. 1957. 52-55.
Peryodiko
MLA
APA
• Shute, Nancy.
• Shute, N. (1997, “Why Do We
August 18). Why Age?” U.S. News
do we age? U.S. & World Report
News & World
• 18 Aug. 1997: 55-
Report, 123, 55-57.
57.
INTERNET na may Akda
APA MLA
• Rise, S. (1997,
• Rise, Scott. The
September 7).The
Bulwer fiction home Bulwer Fiction Home
page. San Jose State U. Page. 7 Sept. 1997.
Retrieved January 29, San Jose State U.
1999 from Web. 29 Jan. 1999
http://www.bulwer.com
INTERNET na walang may Akda
APA MLA
• Fetal surgery. (1999,
March). Alliance for
• Fetal Surgery. Mar.
Women’s Health. 1999. Alliance for
Retrieved January Women’s Health.
31, 1999 from Web. 31 January,
http://www.alliance/ 1999.
fetal.com
On-layn Dyornal
APA MLA
• Herring, S. (1993) • Herring, Susan.
Gender and “Gender and
democracy in Democracy in
computer-mediated Computer-mediated
communication. Communication.”
Electronic Journal of Electronic Journal of
Communication, 3.2. Communications 3.2
Retrieved 7 (1993). Web. 7 Sept.
September, 1999 from 1997
http://www.cios.org
Uri ng Istilong Parentetikal
MLA
Modern Language Association
sa istilong ito nauuna ang apelyido ng awtor
at bilang ng pahina kaysa sa
ideya,impormasyon o datos na hiniram
Modern Language Association
Mula sa akda ni Stanley Brooks pahina 12
sa kanyang “Theory of Listening”,1999
Ang proseso ng pakikinig ay binubuo mg
pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig.
Modern Language Association
Ayon kay Brooks Stanley., pahina 12 sa
kanyang “Theory of Listening,1999,ang
proseso ng pakikinig ay binubuo mg pagtanggap
o resepsyon ,pagkilala o rekognisyon at
pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa
tunog na naririnig.
Uri ng Istilong Parentetikal
APA
American Psychological Association
ito ang istilong mas sinusunod ng mas
nakararaming nananaliksik sapagkat ito ay
nagtatakda ng mga panunutunan mas madaling
unawain at isagawa
American Psychological Association
Mula sa akda ni Brooks Stanley.,1999
“Theory of Listening”,
Ang proseso ng pakikinig ay binubuo ng
pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig.
American Psychological Association
Ayon kay Brooks , S. (1999) “Theory
of listening”,
ang proseso ng pakikinig ay binubuo mg
pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig.
American Psychological Association

Ang proseso ng pakikinig ay binubuo


mg pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig
( Brooks , S. 1999, “Theory of listening”).
.
American Psychological Association

Ayon kay Brooks ,S. et al. (1999),


“Theory of listening”,ang proseso ng pakikinig
ay binubuo mg pagtanggap o resepsyon
,pagkilala o rekognisyon at pagbibigay-
kahulugan o interpretasyon sa tunog na
naririnig.
American Psychological Association
Ang proseso ng pakikinig ay binubuo mg
pagtanggap o resepsyon ,pagkilala o
rekognisyon at pagbibigay-kahulugan o
interpretasyon sa tunog na naririnig (
Brooks , S. et al. ,1999 “Theory of
listening”).
Kabanata III
( Disenyo at Paraan ng Pananaliksik)
a. Disenyo ng Pananaliksik
malinaw na nakasaad kung anong uri ng
pananaliksik ang ginamit sa pag-aaral
(isang mungkahi mas mainam na deskriptib
analitik ang gamit upang madali ang paglalahad ng
datos at inpormasyon)
Kabanata III
( Disenyo at Paraan ng Pananaliksik)
b. Respondente
sila ang mga taong nabigyan ng sarbey
kwestyuner,kung ilan sila at paano at bakit sila
napiling maging bahagi ng pag-aaral
Kabanata III
( Disenyo at Paraan ng Pananaliksik)
c. Instrumento ng Pananaliksik
ito ang paraan kung paano nakuha ng mga
mananaliksik ang datos na kailangan nito sa
ginagawang pag-aaral maaaring mabanggit sa
bahaging ito ang interbyu,sarbey,pakikipanayam,
pagsagot sa mga kwestyuner
Kabanata III
( Disenyo at Paraan ng Pananaliksik)
d.Tritment ng Datos
inilirarawan sa bahaging ito ang istatistikal
na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailarawan,dito
makikita ang gamit ng iba’t-ibang grap,tsart
at talahanayan
Kabanata IV
( Presentasyon at Interpretasyon ng mgaDatos)

sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos


na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng
tekstwal,tabular o grapikal na presentasyon
sa teksto inilalahad ng mananaliksik ang
kanyang analisis o pagsusuri
Pagsisinop
at
Presentasyon ng Datos
Dalawang Pamamaraan ng
Presentasyon ng Datos
1.Tabular
2.Grapikal
Pagsisinop at Prsentasyon ng Datos

1.Tabular
ito ay ginagamit bilang
isang istatistikal na
talahanayan
Pagsisinop at Prsentasyon ng
Datos
2. Grapikal
ito ay isang biswal na presentasyong
kumakatawan sa kwantiteytib na baryasyon o
pagbabago ng mga baryabol o kwantiteytib na
komaprison ng pagbabago ng isang baryabol

ayon kina Calderon at Gonzales 2009


Uri ng Grapikal na Pagsisinop
2.1. Layn grap
ginagamit ito upang ipakita ang mga
pagbabago ng baryabol mainam itong gamitin kung
nais ilantad ang trend (kung mayroon) o pagtaas at
pagdami o pagsulong (maaaring kabaligtaran ng
mga nabanggit ) ng isang tiyak na datos ng isang
baryabol
Uri ng Grapikal na Pagsisinop
2.2. Bilog na grap
tinatawag din pie o circle graph
mainam itong gamitin kung nais ipakita ang
distribyusyon,pagkakahati o dibisyon o
maaaring proporsyon o dili kaya ay alokasyon
Uri ng Grapikal na Pagsisinop
2.3. Bar grap
epektibo naman itong gamitin kung nais
ipakita ang sukat,halaga o dami ng isa o higit
pang baryabol sa pamamagitan ng haba at
taas ng bar maaari itong ilahad o ipakita ng
patayo o pahiga
Uri ng Grapikal na Pagsisinop
2.4.Piktograp
taglay nito ang isang larawang
kumakatawan sa kabuuang bilang ng
isang baryabol na makikita ang katumbas
sa leyenda
Kabanata V
( Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)

a. Lagom
binubuod ang mga datos at
impormasyon nakalap ng mananaliksik na
komprehensibong tinalakay sa
kabanata3
Kabanata V
(Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)

b. Kongklusyon
ito ang mga
inferences,abstrasyon,implikasyon,
interpretasyon sa pangkalahatang pahayag
at paglalahad batay sa datos at
impormasyong nakalap ng mananaliksik
Kabanata V
( Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)

c. Rekomendasyon
ang mungkahing solusyon para sa
suliraning natukoy sa ginawang pag-
aaral o pananaliksik
Kabanata V
( Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)

d.Listahan ng Sanggunian
isang kumpletong tala ng lahat ng
mga pinaghanguan o sorses na ginamit
sa pananaliksik
Kabanata V
( Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon)

e.Apendiks
tinatawag din itong Dahong-Dagdag
dito maaaring ilagay ang mga liham ,pormularyo
ng ebalwasyon,transkripsyon ng interbyu sample
ng sarbey-kwestyuner bio-data ng mananaliksik
o mga larawan.

You might also like