You are on page 1of 26

BIONOTE

Pagkilala sa Sarili
Layunin
• Natutukoy ang katangian ng
bionote
• Napag-iiba-iba ang bionote,
resume, biyograpiya
• Nakasusulat ng bionote batay sa
maingat, wasto at angkop na
paggamit ng wika
Anong mga bagay ang
una mong inaalam sa
isang taong hindi mo
naman kilala?
Kahulugan
• bio (salitang Griyego) – buhay
• graphia (salitang Griyego) – tala
BIOGRAPHY o TALA NG BUHAY
- Isang mahabang salaysay ng
buhay ng isang tao

At mula rito, nabubuo


ang BIONOTE.
Kahulugan

BIO NOTE
buhay dapat tandaan
Tala ng buhay na dapat
tandaan
Kahulugan
• isang maikling
impormatibong sulatin
(karaniwang isang talata
lamang) na naglalahad ng mga
kwalipikasyon ng isang
indibidwal at ng kaniyang mga
natamo na nagsasabing siya ay
maalam at may awtoridad sa
larangang kinabibilangan niya
Mababasa natin sa…

•Pagpapakilala sa mga
tagapagsalita
•Journal
•Aklat
•Websites
•Magazines
•Aklat
Mababasa natin sa…

Anong pagkakaiba ng
bionote sa biyograpiya?

Anong pagkakaiba ng
bionote sa curriculum
vitae?
Katangian
1. Maikli ang nilalaman
• hindi binabasa ang
mahabang bionote
• ilagay lamang ang mga
mahahalagang
impormasyon
• iwasan ang pagyayabang
Katangian

2. Gumagamit ng
ikatlong panauhan
Katangian
pinakamahalagang
impormasyon
mahalagang
impormasyon
di gaanong
mahalagang
3. Gumagamit ng
impormasyon baligtad na tatsulok
Paalala

• Ituon lamang sa mga


angkop na kasanayan o
katangian.

• Banggitin ang degree


kung kailangan
ANO ANG MALI?

Si Pedro ay guro, manunulat,


mamamahayag, negosyante at
chef.
Paalala

• Maging matapat sa
pagbabahagi ng
impormasyon

Huwag mag-imbento ng
impormasyon.
Mga Maaaring
Lamanin ng Bionote
• Personal na impormasyon
(pinagmulan, edad, buhay
kabataan-kasalukuyan)
• Kaligirang pang-edukasyon
(paaralan, digri, at
karangalan)
• Ambag sa larangang
kinabibilangan (kontribusyon
at adbokasiya)
Ngunit may mga bionote rin na
impormal:
•Ito ay maaaring nakakatawa, hindi
seryodo ang tono NGUNIT nagpapahayag
pa rin ng KATOTOHANAN.
Halimbawa:
Si Patrocinio Villafuerte o Pat Villafuerte na kilala bilang isang guro, makata,
komposer, aktor, lider, at manunulat sa Filipino ay ipinanganak noong ika-pito ng
Mayo taong 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija, at may edad na 69 sa kasalukuyan.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal College sa kursong Batsilyer sa
Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong gradwado, Master sa
Sining ng Pagtuturo. Nakatanggap din siya ng titulo mula sa Unibersidad ng Manuel
Luis Quezon bilang Master sa Sining sa Filipino na may Gawad Merito.
Hindi maipagkakait na si Villafuerte ay tapat at mapagmahal sa kaniyang
propesyon bilang guro at manunulat sa Filipino, kaya naman nagkamit siya ng iba’t
ibang parangal paukol sa larangan ng pagturo at pagsulat, kabilang rito ang
pagiging kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professional Chair
in Filipino. Nagkamit din siya ng dalawang Presidential Awards sa Malacañang;
dalawang Teacher of the Year Award; walong Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature; at sampung Gawad Surian Gantimpalang Collantes. Bukod pa riyan,
naparangalan din siya ng Philippine Normal University (PNU) Alumni Association;
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF); Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino
(KAPPIL); Philexers; at Ninoy Aquino Foundation.
Si Villafuerte ay nahalal din bilang pangulo ng Pambansang KAPPIL at
Samahan ng mga Edukador sa Pilipinas. Siya rin ay nagtrabaho bilang Borad
Director ng BUKLOD ng mga manunulat sa Pilipinas at ingat Yaman ng Pambansang
Samahan saLinggqwistikang Filipino. Naging pangunahing aktor din siya sa dulang
Pamana ng Lahi, Pampanitikan, Kintin, Aidao, May isang Alamat at sa Ngalan ng
Ama. Siya rin ay naging Kompositor ng Himno ng San Mateo at Sustagen Jingle.
Siya ay isang guro sa Filipino sa lahat ng antas- elementarya, sekundarya, at
kolehiyo, at manunulat ng humigit kumulang 140 na aklat, bilang awtor at ko-
awtor, at karamihan sa mga ito ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.
Nakapag sulat din siya ng mahigit 150 na piraso ng mga sulating pampanitkan
kabilang ang mga tula, sanaysay, at maikling kuwento na naipalathala sa mga aklat,
pahayagan, at magasin. Karagdagan pa ay, sumulat din siya ng isang dula na
pinamagatang “Sa Mahal Kong Bayan” na naitanghal sa iba’t ibang rehiyon sa
Pilipinas at sa United States of America (U.S.A.). At kasalukuyang nagtatrabaho
bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Philippine Normal University.
Si Niezel Mangaldan Buso ay nagtapos ng BSE Filipino sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang nagpapatuloy ng masterado sa parehas
na pamantasan. Siya ay kasalukuyang guro sa Unibersidad ng Malayong Silangan
na nagtuturo ng mga sumusunod na asignatura: Filipino sa Piling Larangan,
Komunikasyon at Pananaliksik, Pagbasa at Pagsusuri, Practical Research 1 at
Contemporary Arts sa mga mag-aaral sa senior high. Siya ay nakabuo na ng iba’t
ibang pananaliksik ukol sa wika at kulturang Filipino at dumadalo sa mga
kumperensya at seminar ukol sa pagtuturo, paggamit at pagpapaunlad ng wikang
Filipino.
Hindi maipagkakait na si Buso ay tapat at mapagmahal sa kaniyang
propesyon bilang guro at manunulat sa Filipino, kaya naman nagkamit siya ng
iba’t ibang parangal paukol sa larangan ng pagtuturo sa kanyang kasalukuyang
institusyong kinabibilangan. Siya ay isang gurong-mamamahayag na gumagabay
sa mga batang mamamahayag.
Isang gurong- artista, mamamahayag at mananaliksik si Bb. Niezel
Buso na nakapagtapos bilang Cum Laude sa tahanan ng mga guro –
Pamantasang Normal ng Pilipinas.
Hindi magaling si Buso sa kahit anong pampalakasan ngunit siya ay
nagwagi ng titulong Sungka Queen nang siya ay nasa sekondarya. Dahil sa
pagiging mapanghusga at mitikolosa sa mga pagsulat, siya ay naging
copyreader ng kanilang pahayagan noong elementarya hanggang sa naging
tagapayo na rin ng opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Malayong
Silangan- Kagawaran ng SHS.
Siya rin ay beach lover at mahilig sa mga planadong paglalakbay.
Madalas siyang makikita sa loob ng mall sa bahagi ng mga tindahan ng
sapatos, bags at make up kaysa sa loob ng silid-aralan tuwing Sabado.
Bakit maituturing
na marketing tool
ang bionote?
Bakit mahalaga ang
kasanayan sa
pagsulat ng bionote?
SAGUTAN ANG FPL-AKAD
GAWAIN 5.
1. Bumuo ng dalawang uri ng bionote.
• Pormal – kung ikaw ay propesyunal na
• Di pormal- kasalukuyang kaganapan sa buhay
PAMANTAYAN MARKA
Nilalaman 10
Organisasyon (kayarian at kaisahan) 15
Wika 5
KABUUANG PUNTOS 30
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Saan nagtapos ng elementary, sekondarya?


2. Ano-ano ang mga nakuhang mga pagkilala at
karangalan?
3. Ano-ano ang mga sinalihang mga paligsahan,
organisasyon (sports, journalism, dance) at iba pa?
4. Ano ang planong kukuning kurso sa kolehiyo? Bakit?
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Saang bagay ka magaling? Mga karangalang walag


koneksyon sa akademik?
2. Ano ang iyong paboritong gawin? Bakit?
3. Anong kuwento sa likod ng iyong pangalan?
4. Anong bansa ang nais mong bisitahin? Bakit?
5. Anong pinakainaasam-asam mong pangarap?
Bakit?
6. Ano ang iyong kinatatakutan? Bakit?

You might also like