You are on page 1of 26

Sinopsis, Buod, at Abstrak

Layunin
• Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
(buod at sintesis)
• Natutukoy ang katangian ng buod
• Naihahambing ang buod, synopsis, at abstrak
• Nasusunod ang proseso ng pagbubuod
• Nakapag-bubuod ng isang akademikong sulatin
Gamit ang dating kaalaman, tukuyin
kung ano ang buod at abstrak sa mga
binasang mga teksto.
Sa pag-uso ng mga Korean media tulad ng Kdrama at K-Pop hindi lamang sa bansa ngunit sa
buong mundo, natuon ang atensyon ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral tungkol dito. Ang
pag-aaral na ito na pinamagatang “KukoWiPi: Epekto ng Kulturang Koreano sa Wika at
Pananalitang mga Mag-aaral ng Junior High School sa Far Eastern College-Silang S.Y. 2017-
2018” ay may layuning malaman ang epekto ng kulturang Koreano sa wika at pananalita ng mga
mag-aaral.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey upang mangalap ng numerikong datos na
gagamitin upang masagot ang mga suliranin. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga
mag-aaral ng Junior High school sa paaralang Far Eastern College- Silang S.Y 2017-2018.
Ayon sa datos na nakalap sa animnapung (60) tagatugon, may tatlong pinakamadalas
gamitin na ekspresyon ng Korea, napag-alaman din na may pangkalahatang epekto ang paggamit ng
mga salitang Korean sa pakikipagtalastasan, at huli ay may isa hanggang anim na ekspresyong
Koreano ang alam ng mga tagatugon.
Ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ay dapat malaman ng mga estudyante ang mga
salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng dayuhang salita at maging maalam ang mga magulang sa
bagong wika na ito. Para sa departamento ng edukasyon, gumawa ng 3 Far Eastern College – Silang,
Inc. Metrogate Silang Estates – Silang Cavite Senior High School istratehiya upang mapanatili pa rin
ang kulturang Pilipino at gamiting mabuti ang dayuhang wika na makakatulong sa pag-unlad ng
bansa.
Sa Tournament ng Tala Online sa bayan ng Calamba,
namatay ang lahat ng manlalaro maiban kay Janus. Sunod-
sunod pa ag naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan
sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Konontak
si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa ma
nakaligtas sa paglalaro ng Tala na gaya niya. Hindi
inaasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na
mag-uugnay sa kaniya sa misteryo ng kinahuhumalingan
niyang RPG – at sa alamat ng Tiyanak mual sa Tabon.

Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon

Ni Edgar Calabia Samar
Abstrak
• Buod ng natapos na
pananaliksik, disertasyon upang
mabilis na matukoy ang layunin
ng pag-aaral
• Makikita sa unang bahagi ng
papel – pananaliksik
• Pandiwang nasa aspetong
pangnagdaan
Abstrak
• Problema
• Layunin ng pananaliksik
• Metodolohiya
• Resulta
• Konklusyon
• Rekomendasyon (opsyonal)
Sa pag-uso ng mga Korean media tulad ng Kdrama at K-Pop
hindi lamang sa bansa ngunit sa buong mundo, natuon ang atensyon
ng mga mananaliksik na gumawa ng pag-aaral tungkol dito. Ang
pag-aaral na ito na pinamagatang “KukoWiPi: Epekto ng Kulturang
Koreano sa Wika at Pananalitang mga Mag-aaral ng Junior High
School sa Far Eastern College-Silang S.Y. 2017-2018” ay may
layuning malaman ang epekto ng kulturang Koreano sa wika at
pananalita ng mga mag-aaral. [problema at layunin]
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey upang mangalap
ng numerikong datos na gagamitin upang masagot ang mga
suliranin. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga mag-
aaral ng Junior High school sa paaralang Far Eastern College- Silang
S.Y 2017-2018. [metodo]
Ayon sa datos na nakalap sa animnapung (60) tagatugon, may
tatlong pinakamadalas gamitin na ekspresyon ng Korea, napag-
alaman din na may pangkalahatang epekto ang paggamit ng mga
salitang Korean sa pakikipagtalastasan, at huli ay may isa hanggang
anim na ekspresyong Koreano ang alam ng mga tagatugon. [resulta
at konklusyon]
Ang rekomendasyon ng mga mananaliksik ay dapat malaman
ng mga estudyante ang mga salik na nakakaapekto sa pagkatuto ng
dayuhang salita at maging maalam ang mga magulang sa bagong
wika na ito. Para sa departamento ng edukasyon, gumawa ng 3 Far
Eastern College – Silang, Inc. Metrogate Silang Estates – Silang
Cavite Senior High School istratehiya upang mapanatili pa rin ang
kulturang Pilipino at gamiting mabuti ang dayuhang wika na
makakatulong sa pag-unlad ng bansa. [rekomendasyon]
BUOD
•Tala ng indibidwal, sa
sarili niyang
pananalita ukol sa
narinig, napanood,
nabasang artikulo,
balita, aklat, panayam,
isyu, usap-usapan at
iba pa.
Katangian ng Buod

•Maikli ngunit malaman

(concise)
Katangian ng Buod
• Nagtataglay ng obhetibong
balangkas ng orihinal na
teksto
- Dapat sumasagot sa mga
pangunahing katanungan tulad ng
Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at
Paano ng teksto
Katangian ng Buod
•Hindi nagbibigay ng
sariling ideya at kritisismo
- Gumagamit ng sariling
pananalita ngunit napapanatili
ang orihinal na mensahe
Pagbubuod ng Kuwento
• Simula – tagpuan, tauhan
• Gitna –problema at ilang
pangyayari
• Wakas – Kinalabasan/
solusyon
Pagbubuod ng sanaysay
•Pangunahing ideya
•Paksang pangungusap
•Paksang pangungusap
•Paksang pangungusap
•Konklusyon
Proseso ng Pagbubuod

1. Basahin ang buong teksto/akda. Unawain

hanggang makuha ang buong kaisipan o
paksang diwa.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at
pantulong na ideya.
3. Habang nagbabasa, magtala o magbalangkas.
Proseso ng Pagbubuod

4. Ihanay ang mga ideya batay sa nabalangkas

na ideya.
5. Bigyan ng koneksyon ang bawat ideya na
nakabatay sa binasang teksto.
6. Basahin ang buod na naisulat at suriin.
Tignan kung mas mapapaikli pa ito.
• Ilahad ang pinakamahalagang
ideya/paksa ng sanaysay.
Pagbubuod
• Tumutok sa lohikal o kronolohikal
na daloy.
• Huwag nang maglagay ng detalye,
halimbawa o ebidensya.
• Makakatulong ang mga transisyon
o pang-ugnay.
• Huwag maglagay ng opinyon.
• Gumamit ng ikatlong panauhan.
Basahin at suriin ang “KAKATWA: Si
Mommy D Bilang Isang Siglaw sa
Mapanlinlang na Mundong Dulot ng
Komedya.” Ibuod ang bawat subtopics na
nakapaloob sa sanaysay na binasa.
Pagbasag sa Estetikong Pagtingin sa mga Personalidad
Isa pang naging dahilan ng pagsikat ni Mommy D ay batay lamang sa kanyang panlabas na
katangian; sa kanyang kakatwang ekspresyon at pagsasalita. Kung dati, ang pagtingin natin sa mga artista
ay magaganda, makikinis ang balat at mapuputi, sa pagdaan ng panahon, marami na ang bumasag sa
isteryotayp na pagtinging ito. Maging ang mga hindi gaanong kagandahan at kakisigan ay nagkakaroon na
ng puwang sa mundo ng showbiz. Tinatanggal ang pagkakaroon ng batayan o ang pagtinging isteryotayp
sa mga artista. Ngunit nagkakaroon sila ng pangalan at nagiging sikat sa ilalim o kakabit pa rin ng mga
pangalan ng magagandang bidang artista. O di kaya naman ay sa larangan ng komedya sila napupunta.
Natatanggap man ng masa ang pagpasok nila sa showbiz ngunit patuloy pa rin silang nadodominahan ng
mga magaganda at makikisig na artista. Ang tanging nagiging role nila ay maaaring kanang kamay,
katulong at sidekick ng mga bida. Matanggap man sila sa isang mundo na dati ay pinagkakait sa kanila,
hindi pa rin ganap ang kanilang pagsikat. Nagiging bulag ang mga mamamayan sa pagtukoy ng tunay na
pagkakakilanlan ng isang personalidad. Mas binibigyan ng pansin ang panlabas na kaanyuan ng mga
personalidad. Nakaligtaan ng mga manonood ang tunay na katauhan ng isang indibidwal na matatagpuan
hindi lamang sa panlabas nitong kaanyuan kundi maging sa nilalaman ng puso at isipan ng isang tao.
Katulad ni Spiderman na marami ang humahanga dahil sa kanyang angking sex appeal. Hindi na
napapansin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang katangian bilang isang superhero at ang kanyang
sense of reponsibility upang panatilihin ang kaligtasan ng mas nakararami. Katulad ni Mommy D na hindi
na napapansin kung ano ang kanyang kahalagahan bilang isang ina at indibidwal dahil sa natatabunan ito
ng kanyang nakatatawang personalidad na tanging napapansin ng masa. Nagiging nakatatawa siya sa
marami nang hindi napapahalagahan ang kanyang pinagdaanan bilang ina at asawa.

Ilan sa mga naging dahilan ng pagsikat ni Mommy D ay ang

kanyang panlabas na katangian, kakatwang ekspresyon, at kakaibang
paraan ng pagsasalita. Ang dating pagtingin natin sa mga artista na
magaganda, makikinis ang balat at mapuputi ay napalitan na sa pagdaan
ng panahon. Ngunit, nakilala man sila, nananatili pa ring nakakabit ang
kanilang pangalan sa mga magagandang artista. O di kaya naman ay
nakikilala sila sa larangan ng komedya. Hindi napapansin ng tao ang
kahalagahan ni Mommy D bilang isang ina at indibidwal, bagkus
tinitignan lamang siya bilang kakatwa.
Takdang Aralin
1. Gawin ang Gawain 4 sa Google Drive.
ØPumili ng isang sanaysay na babasahin. Ibuod ito
sa pamamagitan ng proseso na tinalakay sa klase.
• Ang Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon
ng Globalisasyon ni Jenifer Padilla
• Kulturang Popular ng Korapsyon Bilang
Panlipunan at Pang-araw-araw na Mobilidad ni
Rolando Tolentino
Takdang Aralin
ØIpasa sa aking email: niezel.buso@deped.gov.ph
ang mabubuong buod (DRAFT)
deadline:Oktubre 30, 2020
ØBibigyan ng komento, puna at mungkahi ng guro
ang isinulat na buod.
ØKung may dapat baguhin, paki-edit ito at muling
ipasa ang PINAL NA KOPYA sa iyong folder sa
google drive.
1. Bumati muna.
2. Magpakilala. (pangalan, seksyon, subject)
3. Dahilan ng pag-eemail
4. Kung may attachment, sabihin.
5. Huwag kalimutang
magpasalamat.
Dugtungang- Salaysay

Ano ang kahalagahan

ng pagbubuod sa iyo
bilang mag-aaral?

You might also like