You are on page 1of 4

Paaralan Bulihan Integrated National Baitang Baitang 12

High School
Guro Niezel M. Buso Asignatura Filipino sa Piling
TALA SA Larangan
PAGTUTURO Petsa Ika-26 at 27 ng Nobyembre Markahan Unang Markahan
Oras 9:30 – 11:30 AM Bilang ng 2
1:00 – 3:00 PM Araw

I.LAYUNIN Sa araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:



 Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling
 Pamantayang Pangnilalaman sulating akademiko
 Nagagamit ang angkop na format at teknik ng
pagsulat ng akademikong sulatin
 Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang
 Pamantayan sa Pagganap anyo na nakabatay sa pananaliksik
 Nakagagawa ng palitang pagkikritik (dalawahan o
pangkatan) ng mga sulatin
 Pinakamahalagang Kasanayan
sa Pagkatuto (MELC)
(Kung mayroon, isulat ang  Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC)
 Pagpapaganang Kasanayan 
(Kung mayroon,isulat ang
pagpapaganang kasanayan)
II. NILALAMAN  Pagsulat ng Bionote
III. KAGAMITAN PAMPAGTUTURO
A. Mga Sanggunian
MELC Filipino sa Piling Larangan Grade 11/12, Unang
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
Markahan Q1. PIVOT BOW SHS Applied Subjects
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula
sa Portal ng Learning Resource
Google Meet, Pear Deck, Mga larawan, Slide Presentation,
B. Listahan ng mga Kagamitang
Pormat ng Plano at Posisyong Papel
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagsagot ng mga mag-aaral sa link ng Attendance
 Mga tagubilin ng guro
 Pagpapahayag ng layunin

SURIIN
Sagutin ang katanungan sa ibaba.
Anong mga bagay ang una mong inaalam sa isang taong
hindi mo naman kilala?

B. Pagpapaunlad
SUBUKIN
Tukuyin ang iba’t ibang dokumento upang ipakilala ang
sarili sa propesyunal na larangan.

 R __ __ U __ E – dokumentong ginagamit upang


makapag-apply as trabaho.
 C U __ __ I C U __ U __ V __ __ A E – ginagamit naman
ito sa mga pananaliksik, mas mahaba kaysa resume
 B __ __ G R __ P __ Y – pasalaysay na pagpapakilala sa
sarili, patalata

TUKLASIN
Pagtalakay ng Guro

Kahulugan ng Bionote
 bio (salitang Griyego) – buhay
 graphia (salitang Griyego) – tala
 BIOGRAPHY o TALA NG BUHAY
 isang mahabang salaysay ng buhay ng isang tao
 bionote – tala ng buhay na dapat tandan
 isang maikling impormatibong sulatin (karaniwang
isang talata lamang) na naglalahad ng mga
kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
mga natamo na nagsasabing siya ay maalam at may
awtoridad sa larangang kinabibilangan niya

Katangian
1. maikli ang nilalaman
2. gumagamit ng ikatlong panauhan
3. gumagamit ng baligtad na tatsulok

Sa pagsulat ng bionote tandan ang sumusunod:


 maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon
 ituon lamang sa mga angkop na kasanayan ang
bionote.

PAGYAMANIN
Pagbabahagi

Anong pagkakaiba ng bionote sa biyograpiya?


Anong pagkakaiba ng bionote sa curriculum vitae?

C. Pakikipagpalihan ISAGAWA

Tukuyin ang mali sa mga sumusunod na bahagi ng


bionote.
ANO ANGMALI? ANO ANGMALI?
Si Patrocinio Villafuerte ay nahalal din bilang pangulo ng Pambansang
Si Pedro ay guro, manunulat, KAPPIL at Samahan ng mga Edukador sa Pilipinas. Siya rin ay nagtrabaho
bilang Borad Director ng BUKLOD ng mga manunulat sa Pilipinas at ingat

mamamahayag, negosyante at
Yaman ng Pambansang Samahan saLinggwistikang Filipino.
Si Villafuerte na kilala bilang isang guro, makata, komposer, aktor,
lider, at manunulat sa Filipino ay ipinanganak noong ika-pito ng Mayo
chef. taong 19 48 sa San Isidro, Nueva Ecija, at may edad na 69 sa kasalukuyan.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal College sa kursong Batsilyer
sa Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong gradwado,
Master sa Sining ng Pagtuturo. Nakatanggap din siya ng titulo mula sa
Unibersidad ng Manuel Luis Quezon bilang Master sa Sining sa Filipino na may
Gawad Merito.

ANO ANGMALI?

Ako ay isang mananaliksik at


mamamahayag. Nakapaglingkod
na ako sa isang sikat na network
sa Pilipinas.

LINANGIN

Suriin ang mga katangiang makikita sa sumusunod na


bionote.

Si Patrocinio Villafuerte o Pat Villafuerte na kilala bilang isang guro, makata,


komposer, aktor, lider, at manunulat sa Filipino ay ipinanganak noong ika-pito ng
Mayo taong 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija, at may edad na 69 sa kasalukuyan.
Nagtapos siya ng pag-aaral sa Philippine Normal College sa kursong Batsilyer sa
Agham sa Edukasyong Pang-elementarya at may sertipikong gradwado, Master sa
Sining ng Pagtuturo. Nakatanggap din siya ng titulo mula sa Unibersidad ng Manuel
Luis Quezon bilang Master sa Sining sa Filipino na may Gawad Merito.
Hindi maipagkakait na si Villafuerte ay tapat at mapagmahal sa kaniyang
propesyon bilang guro at manunulat sa Filipino, kaya naman nagkamit siya ng iba’t
ibang parangal paukol sa larangan ng pagturo at pagsulat, kabilang rito ang
pagiging kauna-unahang nagkamit ng Genoveva Edroza Matute Professional Chair
in Filipino. Nagkamit din siya ng dalawang Presidential Awards sa Malacañang;
dalawang Teacher of the Year Award; walong Carlos Palanca Memorial Awards for
Literature; at sampung Gawad Surian Gantimpalang Collantes. Bukod pa riyan,
naparangalan din siya ng Philippine Normal University (PNU) Alumni Association;
Komisyon ng Wikang Filipino (KWF); Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino
(KAPPIL); Philexers; at Ninoy Aquino Foundation.

Si Villafuerte ay nahalal din bilang pangulo ng Pambansang KAPPIL at


Samahan ng mga Edukador sa Pilipinas. Siya rin ay nagtrabaho bilang Borad
Director ng BUKLOD ng mga manunulat sa Pilipinas at ingat Yaman ng Pambansang
Samahan saLinggqwistikang Filipino. Naging pangunahing aktor din siya sa dulang
Pamana ng Lahi, Pampanitikan, Kintin, Aidao, May isang Alamat at sa Ngalan ng
Ama. Siya rin ay naging Kompositor ng Himno ng San Mateo at Sustagen Jingle.
Siya ay isang guro sa Filipino sa lahat ng antas- elementarya, sekundarya, at
kolehiyo, at manunulat ng humigit kumulang 140 na aklat, bilang awtor at ko-
awtor, at karamihan sa mga ito ay teksbuk at sangguniang aklat sa Filipino.
Nakapag sulat din siya ng mahigit 150 na piraso ng mga sulating pampanitkan
kabilang ang mga tula, sanaysay, at maikling kuwento na naipalathala sa mga aklat,
pahayagan, at magasin. Karagdagan pa ay, sumulat din siya ng isang dula na
pinamagatang “Sa Mahal Kong Bayan” na naitanghal sa iba’t ibang rehiyon sa
Pilipinas at sa United States of America (U.S.A.). At kasalukuyang nagtatrabaho
bilang tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Philippine Normal University.

IANGKOP

Bakit maituturing na marketing tool ang bionote?

Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng bionote?


D. Paglalapat ISAISIP
Gamit ang Venn Diagram, ilahad ang pagkakatulad at
pagkakaiba ng BIONOTE at RESUME.

TAYAHIN
 Gawin ang nakalaang Gawain 5 sa Google Drive.
IV. PAGNINILAY Kahalagahan ng Pagsulat ng Bionote
Post at Comment
Ano ang kahalagahan ang pagsulat ng bionote?

Inihanda ni: Binigyang-Pansin ni:

NIEZEL M. BUSO ANGELINA R. VARGAS


Guro sa Filipino sa Piling Larangan Ulongguro IV sa Filipino

You might also like