You are on page 1of 28

Pagsulat ng

Akademikong
Sulatin:
BIO-NOTE
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
(CS_FA11/12PU-0d-f-92)

Mga Tiyak na Layunin:


Nakatutukoy ng mga katangian ng isang bionote.
Nakatutukoy ng mga hakbang sa pagsulat ng bionote.
Nakasusunod sa mga hakbang sa pagsulat ng isang bionote.
Nakasusulat ng isang maayos na bionote.
BIONOTE (Biographical Note)

I. Kahulugan
II. Dahilan Kung Bakit Nagsusulat ng Bionote
III. Layunin at Gamit ng Bionote
IV. Mga Katangian ng Mahusay na Bionote
V. Mga Hakbang sa Pagsulat na Bionote
VI. Nilalaman ng Bionote
VII.Mga Halimbawa
ANO ANG
BIONOTE?
KAHULUGAN NG BIONOTE

 Ang bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na


ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.

 Ito ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod


ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, websites at iba pa
(Duenas at Sanz)
KAHULUGAN NG BIONOTE
KAHULUGAN NG BIONOTE
KAHULUGAN NG BIONOTE
BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE ?

 Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba


hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang
ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan.

 Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga


mambabasa.
GAMIT NG BIONOTE
Karaniwang gamit ng bionote:
 BIO-DATA
 RESUME’
 SOCIAL NETWORKING SITES
 DIGITAL COMMUNICATION SITES
 BLOG
 AKLAT
 ARTIKULO
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE
1. Maikli ang nilalaman.
2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw.
3. Kinikilala ang mambabasa.
4. Gumagamit ng baligtad
na tatsulok.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE

5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian.


 Mamili lamang ng mga kasanayan o katangian angkop sa iyong layunin
ng iyong bionote.

IWASAN ITO:
“Si Doy ay guro / manunulat / negosyante / environmentalist/ chef/”

Halimbawa, kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , hindi kailangan


banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY
NA BIONOTE

6. Binabanggit ang degree kung kinakailangan.


 Kung may PhD sa antropolohiya , halimbawa, nagsusulat ng
artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang
isulat sa bionote ang kredensyal na ito.

7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.


MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE

1.Gawing maikli ang isusulat na bionote. Bubuuin lamang ito ng


200 na salita kapag gagamitin sa resume’ at 5-6 na pangungusap
naman kung ito ay gagamitin sa networking site.

2. Simulan ito sa pagbanggit ng mga personal na detalye tungkol


sa iyong buhay. Itala ang mga interes, tagumpay na nakamit
ngunit pumili lamang ng 2 o 3 na pinakamahalaga.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE
3. Gumamit ng ikatlong panauhan upang maging obhetibo ang
pagkakasulat ng bionote.

 Tandaan, laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa


pag sulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili .

Halimbawa:
“Si Benny Smokers ay nakapagtapos ng BA at MA Economics sa UP-
Diliman. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa
parehong pamantasan.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG BIONOTE

4. Gawing simple ang pagkakasulat ng bionote. Gumamit ng mga


payak na salita upang madali itong maintindihan ng mga
mambabasa at makamit ang pinakalayunin nitong maipakilala
ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE
1. Tiyakin ang layunin sa pagsulat ng bionote sapagkat ito ang magsisilbi
mong gabay kung anong mga impormasyon ang dapat na isama.

2. Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote sapagkat kadalasan ay may

kahingian ang mga organisasyong humihingi nito.

3. Simulan ito sa pangalan sapagkat kapag pangalan ang unang nakita sa


bionote ay mayroon na kaagad katauhan ang taong ipinakikilala, at
unang mairerehistro sa kamalayan ng mga mambabasa ang pangalan ng
ipinakilala.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

4. Ilahad ang propesyong kinabibilangan upang maitaas mo


ang antas ng pagtitiwala sa iyo ng mga tao.

5. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay na may kinalaman


sa target na mga awdiyens.

6. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye dahil mahalaga na


may element of surprise upang mapukaw ang interes ng
mga mambabasa.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG BIONOTE

7. Isama ang contact information (e-mail, social media


account, at numero ng telepono sa trabaho o personal na
numero).

8. Basahing muli at suriin ang ginawang bionote.

9. Isulat ang pinal na sipi nito. Maaaring ipabasa muna ito


bago gamitin upang matiyak na maayos at wasto ang mga
impormasyong nakapaloob sa ginawang bionote.
NILALAMAN NG BIONOTE
Sa pagsulat ng bionote, isaalang-alang ang mga sumusunod:

 Personal Information(Buong pangalan, Lugar at taon


ng Kapanganakan)
 Educational Background (Elementarya, Sekundarya,
Kolehiyo, Gradwado)
 Karangalan at Karanasan (kondisyonal)
HALIMBAWA NG BIONOTE
Si Bb. Athena M. Dela Torre ay isinilang noong ikaanim ng Nobyembre,
taong 1999 sa bayan ng Baler, probinsiya ng Aurora. Siya ay nakapag-aral ng
primaryang edukasyon sa Paaralang Sentral ng Dipaculao. Ipinagpatuloy niya
ang kanyang sekundaryang pag-aaral sa Aurora National Science High School. BERDE Personal na
impormasyon
Kasalukuyang nag-aaral ng ikalabindalawang baiting sa Aurora National Science
High School at naghahandang kumuha ng entrance exam sa Unibersidad ng PULA Educational
Background
Pilipinas at Polytechnic University of the Philippines.
Isa rin siya sa mga napasali ng patimpalak sa Sipnayan (MTAP) at lumahok ASUL Karanasan at
karangalan
bilang representatibo sa rehiyonal na lebel ng nasabing Math Contest noong
siya ay nasa ikaanim na baitang. Kasapi rin siya sa mga lumahok ng Aurora
Historical Quiz Bee noong siya’y nasa ikaapat na baiting at nakakuha ng
ikatlong karangalan sa nasabing patimpalak. Siya ay isa ring kalahok ng Science
Quiz Bee noong siya ay nasa ikaapat hanggang ikaanim na baiting kung saan
nakamit ang unang karangalan nang siya ay nasa ikaapat at ikalimang baiting,
at ikatlong karangalan naman nang siya ay nasa ikaanim na baitang, Division
level.
HALIMBAWA NG BIONOTE
Bionote ni Bienvenido Lumbera
Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera ay ipinanganak noong Abril 11, 1932 sa Lipa,
Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana University noong 1967. Naging propesor din siya sa
Osaka University at University of Hawaii sa Manoa, gayundin din sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya ng mga panandang-taon na
antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu, Nasa Puso ang Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria
Laktaw. Pinarangalan siya bilang Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay Awards para
sa Pamamahayag.
Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng kanyang pagiging iskolar, guro at artista sa
lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng mga organisasyong nagtataguyod ng pambansang
demokrasya. Bukod sa pagiging Professor Emeritus sa UP Diliman, siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned Artists of the
Philippines at Congress of Teachers/ Educators for Nationalism and Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag ng
Alliance of Concerned Teachers, Philippines na nangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa Pilipinas.
Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilosprotesta. Patuloy siyang nakikibahagi sa pagsulong ng
makatuwirang sahod at karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa kanyang mga akda ang buhay at himagsik ng mga magsasaka.
Naging lunan ng kanyang mga karanasan noong batas military ang mga obrang tula at awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay
sa Bien na ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan, habang ito rin ay mabisang paraan
upang himukin ang mamamayan na makiisa tungo sa paglaya ng bayan.
ILAPAT ANG NATUTUHAN
Basahin ang sumusunod na bionote at sagutin ang mga kaugnay na tanong pagkatapos.
Ito ang konteksto: “Pinasulat ng editor si Juan dela Cruz ng bionote para sa ilathala niyang koleksiyon ng mga tula.”

Nagtapos ako ng BS Geodetic Engineering at MA Sociology, at kasalukuyang kumukuha ng PhD


sa Filipino: Pagsasalin sa UP-Diliman. Disertasyon na lamang ang kulang ko. Nagtuturo ako ng
Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas at resident fellow din ng UST Center for Creative Writing
and Literary Studies. Lagi akong tumatambay sa hardin upang magsulat. Nailathala ng NCCA ang
unang koleksiyon ko ng tula noong 2013. Mahusay raw, ayon sa mga kritiko. Nailathala naman
noong 2014 ang ikalawang koleksiyon ko ng tula. Pangarap kong manalo sa Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature. Nakapaglathala at nakapagbasa na rin ako ng mga akademikong
papel sa ilang lokal na journal at kumperensiya. Interes ko talaga ang pagluluto at panonood ng
mga pelikula.
Tanong:
1. Sa palagay mo, naging matagumpay ba ang bionote sa pagpapakilala sa awtor?
2. Ano-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng binasang bionote ?
3. Kung ikaw si Juan dela Cruz, paano mo aayusin ang iyong bionote?
PAGSUBOK SA NATUTUHAN
1.Ano ba ang bionote?

2.Kailan nagsusulat ng bionote?

3.Bakit itinuturing na marketing tool ang bionote?

4.Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng


bionote?

5.Bilang mag-aaral, ano ang gamit sa iyo ng bionote?

You might also like