You are on page 1of 21

Pagsusulat ng Replektibong

Sanaysay
(Sining ng Paglalahad)

Inihanda ng
ikatlong pangkat
Sining ng Paglalahad
• Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong
Edisyon, 2010), ang Paglalahad ay isang detalyado
at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang
bagay, pook, o ideya.

• Ayon naman kay Jose Arrogante (2010) sa kanyang


aklat sa Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan,
Kakayahan, at Kasanayan sa Komunikasyon, “Sa
ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository
writing.
Mga Elemento ng Epektibong
Paglalahad
1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay

2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan

3. Malinaw at maayos na pagpapahayag

4. Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong


upang madali ang pag-unawa sa ipinaliliwanag

5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay


na nasasaklaw ng tao.
Pinagmulan ng Sanaysay

• Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang Pranses


na essayer na ang ibig sabihin ay “sumubok” o
“tangkilikin”.

• Ito ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni


Michael de Montaigne (1533-92).

• Bago pa man isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito


sa Asya sa pangunguna ni Confucius at ni Lao-Tzu.
Pinagmulan ng Sanaysay
• Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang sanaysay ay
nangangahulugang nakasulat sa karanasan ng isang
sanay sa pagsasalaysay.

• Ito’y isang akdang paampanitikang nasa anyong


paglalahad.

• Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang


pagpapahayag ng may-akda sa kanyang sariling
pananaw.
Dalawang Uri ng Sanaysay
• Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilalahad nang
mabisa at maayos upang makapagtalastas,
makalibang, makapaglarawan ng isang bagay, o
makakuha ng anumang pagbabag. Sa pangkalahatan,
may dalawang uri ng sanaysay:

1. Pormal
2. Impormal
Dalawang Uri ng Sanaysay
1. Pormal
• Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang
maayos at mariin at bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga
kaisipan.
• Kung minsa’y tinatawag din itong impersonal o
siyentipiko sapagkat ito’y binabasa upang makakuha
ng impormasyon.
Dalawang Uri ng Sanaysay
2. Impormal
• Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nagbibigay-
diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may-
akda.

• Karaniwan itong may himig na parang nakikipag-usap o


nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay.

• Ito’y naglalarawang ng pakahulugan ng may-akda sa isang


pangayayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-
bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
May Labindalawang Natatanging
Uri ng Sanaysay:

1. Nagsasalaysay

2. Naglalarawan

3. Mapag-isip o di praktikal

4. Kritikal o mapanuri

5. Didaktiko o nangangaral

6. Nagpapaalala
May Labindalawang Natatanging
Uri ng Sanaysay:

7.Editoryal

8.Makasiyentipiko

9.Sosyo-politikal

10.Sanaysay na Pangkalikasan

11.Sanaysay na bumabalangkas sa isang


tauhan

12.Mapagdili-dili or replektibo
Hinahati ang kabuoan ng
sanaysay sa tatlo:
1. Panimula – tandaang ito dapat ay nakatatawag ng
pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga mambabasa.

2. Katawan – ang pinakanilalaman ng akda ay


kinakailangang maging mayaman sa kaisipan. Kailangan
ding nagtataglay ng kaisahan ang mga detalye nito.

3. Wakas – karaniwang nababasa ang pangkalahatang


impresyon ng may-akda. Maaring ilahad sa bahaging ito
ang buod o kongklusyon ng sumulat.
Replektibong Sanaysay
• Ang Replektibong Sanaysay, ayon kay Michael
Stratford, isang guro at manunulat, ay isa sa mga tiyak
na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
introspeksiyon ng pagsasanay.

• Kinapapalooban ito ng pagbabahagi ng mga bagay na


naiisip, nararamdaman, pananaw, at damdamin
hinggil sa isang paksa at kung paano ito naka-likha ng
epekto sa taong sumusulat nito.
Replektibong Sanaysay
• Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal kung
saan nangangailangan ito ng pagtatala ng mga
kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na
paksa o pangyayari.

• Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic


portfolio kung saan nagkakaron ng malalim na
pagsusuri ang may-akda kung paano siya umunlad
bilang tao kaugnay ng paksa o pangyayaring
binibigyan-pansin sa pagsulat.
Replektibong Sanaysay
• Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay
sa karanasan kaya mula sa nilalaman nito ay
masasalamin ang pagkatao ng sumulat.
Narito ang halimbawa ng mga paksang maaring
gawan ng replektibong sanaysay:
• Librong katatapos lamang basahin
• Katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
• Pagsali sa isang pansibikong Gawain
• Praktikum tungko sa isang kurso
• Paglalakbay sa isang tiyak na lugar
• Isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamut
• Isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine
Sea
• Paglutas sa isang mabigat na suliranin
• Isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
• At marami pang Iba
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
1. Simula –
• Sa pagsulat nito, tandaang ito ay dapat na
makapukaw sa atensiyon ng mambabasa. Maaring
gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng
mahusay na panimula.

• Maaring gumamit ng kilalang pahayag mula sa isang


tao o quotation, tanong, anekdota, karanasan, at iba
pa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
1. Simula –
• Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa at luyin ng
pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing preview
ng kabuoan ng sanaysay.

• Isulat ito sa loob lamang ng isang talata.


Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
2. Katawan -

• Sa pagsulat naman ng katawan, dito inilalahad ang


mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa
paksa o tesis na inilalahad sa panimula.

• Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos


batay sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit
na mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
3. Wakas -

• Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa


ng sanaysay.

• Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung


paano mo magagamit ang iyong mga natutuhan sa
buhay sa hinaharap.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay
3. Wakas -

• Bilang pagwawakas, maaring bagbigay ng hamon sa


mga mambabasa na sila man ay magnilay sa kanilang
buhay hinggil sa iyong natutuhan o kaya naman ay
mag-iwan ng tanong na maari nilang pag-isipan.
WAKAS

You might also like