You are on page 1of 42

ARALIN 6 PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY

(SINING NG PAGLALAHAD)
Ang sanaysay ay isa sa mga akdang pampanitikang madalas ipabasa at
talakayin sa mga paaralan. Alam kong marami nang sanaysay ang
nabasa mo simula nang ikaw ay nasa ikapitong baitang pa lamang.
Alin sa mga sanaysay ang natatandaan o pinakanagustuhan mo? Ibigay
ang iyong kaalaman hinggil dito.
1. Mga ilang sanaysay na ang iyong nabasa/natalakay?
____________________________________________

2. Alin sa mga ito ang pinakanagustuhan o natatandaan mo? (Ibigay ang pamagat)
____________________________________________

3. Anong uri ng sanaysay ito?


____________________________________________

4. Sino ang sumulat ng sanaysay?


____________________________________________

5. Tungkol saan ang sanaysay (Ibigay ang pinakabuod nito)


____________________________________________

6. Bakit natatak sa iyong isipan ang nasabing sanaysay?


____________________________________________
ANG SINING NG PAGLALAHAD

Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong
Edisyon, 2010), ang

paglalahad ay isang
detalyado at komprehensibong
pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o
ideya.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
• Ayon naman kay Jose Arrogante sa kanyang
aklat na Filipino Pangkolehiyo: Kasiningan,
Kakayahan at Kasanayan sa Komunikasyon.

“Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag


na expository writing. Madalas makita
ang anyong ito sa pagtalakay sa karaniwan
nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga aklat,
mga editoryal sa diyaryo, ng mga artikulo sa mga
magasin, at iba pa.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
Ito ay hindi nagsasalaysay ng isang kuwento. Ito ay hindi
rin naglalarawan ng isang bagay. Ito ay hindi rin
nagpapahayag ng isang paninindigan. Bagkus, ito ay
nagpapaliwanag. Ito ay isang pagpapaliwanag na
obhetibo, walang pagkampi, at may sapat na
detalye na pawang pampalawak ng kaalaman sa
paksang binibigyang-linaw nang lubos na maunawaan ng
may interes (2000:217).” Ilan sa malimit na paggamitan
nito ay ang pagbibigay-kahulugan, pagsunod sa panuto,
pangulong-tudling, suring-basa, ulat, balita at sanaysay.
ANG SINING NG PAGLALAHAD
• Upang maging mabisa o epektibo ang paglalahad, ayon sa aklat na
Sining ng Pakikipagtalastasan na ginawa ng Kagawaran ng Filipino (TUP,
Manila), ito ay dapat na magtaglay ng sumusunod na mga sangkap o
elemento:

1. Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay

2. Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan

3. Malinaw at maayos na pagpapahayag

4. Paggamit ng larawan, balangkas at iba pang pantulong upang madali ang


pag-unawa sa ipinaliliwanag

5. Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na nasasaklaw ng


tao
sanaysay
• ay hango sa salitang Pranses na essayer na
ang ibig sabihin ay “sumubok” o “tangkain.” Ito
ay nagsimulang yumabong sa mga sulatin ni
Michael de Montaigne (1533-92). Bago pa man
isilang si Kristo, ay nagsimula na rin ito sa Asya sa
pangunguna ni Confucius na sumulat ng
Analects at Lao Tzu na sumulat naman ng Tao
Te Ching. Noon namang ika-14 na dantaon,
nakilala si Rushida Kenko ng Hapon na may
katha ng “Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa
Katamaran.”
sanaysay
• Ayon kay Francis Bacon, ang sanaysay ay
kasangkapan upang isatinig ang maikling
pagbubulay-bulay at komentaryo sa
buhay.
sanaysay
• Ayon naman kay Paquito Badayos sa kanyang
aklat na Retorika Susi sa Masining na
Pagpapahayag (2001:1111), naglalahad ang
sanaysay ng matalinong kuro at
makatwirang paghahanay ng kaisipan.
Naglalahad din ito ng mga personal at
pansariling pananaw ng manunulat tungkol
sa isang paksa. Sa madaling salita, ito ay isang
paglalahad ng sariling opinyon o kuro-
kuro ng sumulat tungkol sa isang bagay o
paksa.
sanaysay
• Ayon kay Alejandro Abadilla, ang salitang
sanaysay ay nangangahulugang
nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa
pagsasalaysay.
sanaysay
• Ito’y isang akdang pampanitikang nasa anyong
paglalahad. Ang pangunahing katangian ng
sanaysay ay ang pagpapahayag ng may-akda
sa kanyang sariling pananaw. Ipinahahayag
niya ang sarili niyang pangmalas, kuro-kuro at
damdamin.
sanaysay
• Ang pagiging malinaw, mabisa at kawili-wiling
paglalahad ay makakamtan sa pamamagitan ng
pagsunod sa mga tuntunin ng kaisahan,
kaugnayan at diin. Kailangan din nito ang
pagpili ng angkop na pananalita, sariling
estilo o pamamaraan ng may-akda.
sanaysay
• Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilahad
nang mabisa at maayos upang
makapagtalastas, makalibang,
makapaglarawan ng isang bagay, o
makakuha ng anumang pagbabago.
sanaysay
• Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang
pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay inilahad
nang mabisa at maayos upang
makapagtalastas, makalibang,
makapaglarawan ng isang bagay, o
makakuha ng anumang pagbabago.
dalawang uri sanaysay
1. Pormal – Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang
maayos at mariin at bunga ng isang maingat na pagtitimbang-
timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y
tinatawag din itong impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y
binabasa upang makakuha ng impormasyon.

2. Impormal – Tinatawag din itong pamilyar o personal, at


nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan
ng may-akda. Karaniwan itong may himig na parang
nakikipag-usap o nais magpakilala ng isang panuntunan sa
buhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa
isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-
bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o pala-palagay.
May labindalawang (12) natatanging uri ng
sanaysay:
• 1) nagsasalaysay
• 2) naglalarawan
• 3) mapag-isip o di praktikal
• 4) kritikal o mapanuri
• 5) didaktiko o nangangaral
• 6) nagpapaalala
• 7) editoryal
• 8) makasiyentipiko
• 9) sosyo-politikal
• 10) sanaysay na pangkalikasan
• 11) sanaysay na bumabalangkas sa isang tauhan, at
• 12) mapagdili-dili o replektibo.
Karaniwang hinahati naman ang kabuoan ng
sanaysay sa tatlo:
• panimula - tandaang ito dapat ay nakatatawag ng
pansin o nakapupukaw sa damdamin ng mga
mambabasa.
• katawan - ang pinakanilalaman ng akda ay
kinakailangang maging mayaman sa kaisipan.
Kailangang ding nagtataglay ng kaisahan ang mga
detalye nito.
• wakas - karaniwang nababasa ang pangkalahatang
impresyon ng may-akda. Maaaring ilahad sa
bahaging ito ang buod o kongklusyon ng sumulat.
replektibong sanaysay
• Ayon kay Michael Stratford, isang guro at
manunulat, ito ay isa sa mga tiyak na uri ng
sanaysay na may kinalaman sa introspeksyon
na pagsasanay. Kinapapalooban ito ng
pagbabahagi ng mga bagay na naiisip,
nararamdaman, pananaw, at damdamin hinggil
sa isang paksa at kung paano ito nakalikha ng
epekto sa taong sumusulat nito.
replektibong sanaysay
• Maihahalintulad ito sa pagsulat ng isang journal
kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng
mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang
tiyak na paksa o pangyayari.

• Maiuugnay rin ito sa pagsulat ng mga academic


portfolio kung saan nagkakaroon ng malalim na
pagsusuri ang may-akda kung paano siya
umunlad bilang tao kaugnay ng paksa o
pangyayaring binibigyang-pansin sa pagsulat.
replektibong sanaysay
• Ang replektibong sanaysay ay kadalasang
nakabatay sa karanasan kaya mula sa
nilalaman nito ay masasalamin ang pagkatao ng
sumulat.
replektibong sanaysay
• Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa
West Virginia University at University of Akron,
ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o
pangyayari.
replektibong sanaysay
• Ayon naman kay Kori Morgan, guro mula sa
West Virginia University at University of Akron,
ang replektibong sanaysay ay nagpapakita ng
personal na paglago ng isang tao mula sa
isang mahalagang karanasan o
pangyayari.
replektibong sanaysay
• Ibinabahagi nito sa mga mambabasa ang
kalakasan at kahinaan ng sumulat batay sa
mga karanasang natutuhan o nakuha.
Madalas, ibinabahagi rin ng sumulat ang
kanyang mga natutuhan at kung paano ito
gagamitin sa buhay sa hinaharap o kaya naman
ay kung paano pa pauunlarin ang mga kahinaan
hinggil sa isang tiyak na aspekto ng buhay.
replektibong sanaysay
• Dahil ito ay kadalasang nakabatay sa personal na karanasan,
malayang makapipili ng paksa o pangyayaring bibigyang-pansin sa
pagsulat ang manunulat. Narito ang halimbawa ng mga paksa na
maaaring gawan ng replektibong sanaysay:
-librong katatapos lamang basahin
-katatapos na proyekto hinggil sa pananaliksik
-partikum tungkol sa isang kurso
-paglalakbay sa isang tiyak na lugar
-isyu tungkol sa pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
-isyu tungkol sa mga pinag-aawayang teritoryo sa West Philippine Sea
-paglutas sa isang mabigat na suliranin
-isang natatanging karanasan bilang mag-aaral
-at marami pang iba
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
• 1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na
iikutan ng nilalaman ng sanaysay

• 2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng


panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay
kadalasang nakasalig sa personal na karanasan.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
• 3. Tandaan na bagama’t nakabatay sa personal na
karanasan, mahalagang magtaglay ito ng patunay
o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit
na maging mabisa at epektibo ang pagkakasulat
nito.

• 4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat


nito. Tandaang ito ay kabilang sa akademikong
sulatin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Replektibong Sanaysay
• 5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito.
Gawing malinaw at madaling maunawaan ang gagawing
pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.

• 6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa


pagsulat ng sanaysay: introduksiyon, katawan at
kongklusyon

• 7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng


mga talata.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 1. Simula/Introduksiyon
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 1. Simula/Introduksiyon
Maaaring mag-umpisa sa pagsagot sa sumusunod na mga
tanong: Ano ang aking nararamdaman o pananaw tungkol sa
paksa? Paano ito makaaapekto sa aking buhay? Bakit hindi
ito makaaapekto sa aking pagkatao? Matapos masagot ang
mga tanong na ito, lagumin ang iyong mga sagot sa loob ng
isang pangungusap. Ito ang iyong magsisilbing tesis o
pangunahing kaisipan na siyang magiging batayan o gabay sa
pagsulat ng iyong replektibong sanaysay.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 1. Simula/Introduksiyon
• Ito ay dapat na makapukaw sa atensiyon ng mga mambabasa.
Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsulat ng
mahusay na panimula. Maaaring gumamit ng kilalang pahayag
mula sa isang tao o quotation, tanong, anekdota,
karanasan atbp. Sundan agad ito ng pagpapakilala ng paksa
at layunin ng pagsulat ng sanaysay na siyang magsisilbing
preview ng kabuoan ng sanaysay. Isulat ito sa loob lamang ng
isang talata.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 2. Katawan
• dito inilalahad ang mga pantulong o kaugnay na kaisipan
tungkol sa paksa o tesis na inilahad sa panimula.
Maglagay sa bahaging ito ng mga obhetibong datos batay
sa iyong naobserbahan o naranasan upang higit na
mapagtibay ang kaisipang iyong ipinaliliwanag.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 2. Katawan
• Makatutulong nang malaki kung gagamit din ng mga
mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang
datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita
o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan.
Gayundin, kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa
mga karanasan o mga gintong aral na napulot. Magbigay rin ng
mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito sa
iyo.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 2. Katawan
• Makatutulong nang malaki kung gagamit din ng mga
mapagkakatiwalaang mga sanggunian bilang karagdagang
datos na magpapaliwanag sa paksa. Sa bahagi ring ito makikita
o isusulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan.
Gayundin, kung paano umunlad ang iyong pagkatao mula sa
mga karanasan o mga gintong aral na napulot. Magbigay rin ng
mga patotoo kung paano nakatulong ang mga karanasang ito sa
iyo.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong
Sanaysay

• 3. Wakas o Kongklusyon
• Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa ng sanaysay.
Lagumin ito sa pamamagitan ng pagbanggit kung paano mo
magagamit ang iyong mga natutuhan sa buhay sa hinaharap. Bilang
pagwawakas, maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa na
sila man ay magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan o
kaya naman ay mag-iwan ng tanong na maaari nilang pag-isipan.
Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya
tungkol sa isang paksa na maaaring makapagdulot ng epekto o hindi
sa iyong buhay o sa mga taong makababasa nito.
HALIMBAWA
NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
• REPLEKTIBONG SANAYSAY
PATUNGKOL SA DINALUHANG
SEMINAR HINGGIL SA PAKSANG
“PAGHAHANDA AT PAGHUBOG SA MGA
MAG-AARAL NG IKA-21 SIGLO”
“We need to prepare our children for a competitive
future and the future is now.” Ito ang katagang
namutawi sa bibig ni Sec. Jesli Lapuz, ang dating kalihim
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang masalimuot na bukas
na binabanggit dito ay ang mga pagbabagong
nararanasan sa buhay ng mga mag-aaral ng ika-21 siglo
dulot ng pagsibol ng modernisasyon at pagsulpot ng
makabagong imbensiyon at teknolohiya. Mahalagang
maunawaan natin ang katangian ng mga kabataang mag-
aaral sa kasalukuyan at kung paano sila huhubugin
upang maging handa sa pagharap sa totoong buhay.
Ayon sa seminar na aking dinaluhan, ang 21st
century skills na dapat mahubog sa mga mag-
aaral na Pilipino sa kasalukuyang panahon ay ang
kakayahang panteknolohiya (technological
fluency), komunikasyon (communication),
pakikiisa (teamwork), pamumuno (leadership), at
paglutas ng problema (problem solving). Kung
ang mga ito ay maituturo sa mga mag-aaral,
maihahanda sila sa pagharap sa totoong buhay
lalo na sa larangan ng pagtatrabaho.
Tulad na lang halimbawa ng datos na inilabas ng
Department of Labor and Employment o DOLE, ayon sa
kanilang tala, 17.6% ng 49.1% ng walang trabaho sa bansa
noong taong 2006 ay mga kabataan. Ang pangunahing
dahilan kung bakit hindi sila matanggap sa trabaho ay dulot
ng kakulangan nila ng sapat na kasanayan sa komunikasyon
o pakikipagtalastasan. Sa aking personal na karanasan, ang
suliraning ito ay nag-uugat sa kakulangan ng mga gawain sa
pagtuturo at pagkatuto sa paaralan na humuhubog sa
kakayahan ng mga mag-aaral na magsalita nang mahusay –
ito man ay pasulat o pasalita. Akin ding napagtanto na
mahalagang mataya ang kasanayan ng mga mag-aaral hindi
lamang sa antas na pagsasaulo ng mga datos o
mahahalagang impormasyon sa halip kailangang magamit
nila sa totoong buhay ang kanilang mga natutuhan.
Binigyang-pansin din sa seminar na suportahan ang isinusulong na
pagbabago ng pamahalaan sa edukasyon – ang paglulunsad ng K to
12 Basic Education Program. Pangitain at layunin ng programang ito
na ang bawat magtatapos na mag-aaral ng Senior High School ay
magtataglay ng sapat na kakayahang panteknolohiya (technology
skills), kasanayang pampagkatuto at paglulunsad ng pagbabago
(learning and innovation skills), kahusayan sa pakikipagtalastasan
(effective communication skills), at kahandaan sa pagkakaroon ng
maayos na buhay at propesyon o trabaho (life and career skills).
Bilang isang guro ng makabagong panahon, mahalagang yakapin ko
ang mga pagbabagong inilulunsad ng ating pamahalaan. Magkaroon
ng paradigm shift sa aking pananaw na ang uri ng mag-aaral sa
kasalukuyan ay may malaki nang kaibahan sa mga mag-aaral sa mga
nakalipas na taon. Napakahalaga na magkaroon ako ng pagbabago sa
paraan ng aking pagtuturo upang makamit ang layuning ito ng ating
gobyerno. Maging guro na huhubog sa mga kabataang magiging
handa sa pagharap sa masalimuot na buhay sa mundo.
Tunay na ang mga kabataan ang pag-asa ng
bayan. Sila ang isa sa mga bumubuo sa malaking
bahagdan ng ating populasyon. Higit sa lahat, sila
ang susunod na lider ng ating bansa at
magtataguyod sa kaunlaran ng ating Inang Bayan.
Taglay ang 21st century skills ng mga kabataang
ito, tulungan at hubugin natin sila. Tayong mga
guro, magulang, at mga nakatatanda ang
magsisilbing gabay sa paghubog sa kanilang
pagkatao. Ihanda natin sila pagharap sa totoong
buhay.

Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga 5
hakbang sa pagsulat ng replektibong
sanaysay (CS_FA11/12PU-Od-f-92)
Nakasusulat ng organisado, malikhain, at 5
kahika-hikayat na replektibong sanaysay
(CS_FA11/12PU-Op-r-94)
Nakasusulat ng replektibong sanaysay 5
batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng wika (CS_FA11/12WG-Op-r-
95)
May isang tiyak na paksa ang 5
replektibong sanaysay na nabuo.
Kabuoang Puntos 20

You might also like