You are on page 1of 7

SANCHEZ, LADY GENE R.

12 – RUBY DIGICLASS

-ˋ₊˚FILIPINO SA PILING LARANG‧₊°


꒰ ❛ MODYUL 4 - ARALIN 1: PAGSULAT NG MEMORANDUM❜ ꒱

SUBUKIN •ଓ.°
Panuto: PAGTUKOY SA PAGKAMAKATOTOHANAN NG PAHAYAG: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay
may katotohanan at MALI naman kung ito’y walang katotohanan.

_TAMA 1. Ang memorandum ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing


pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon,gawain, tungkulin, o utos.

_TAMA 2. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.

_ MALI 3. Ayon kay Bargo (2014) may apat na uri ng memorandum ayon sa layunin.

_TAMA_4. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon,o


organisasyon gayundin ang lugar kung saan matatagpuan ito at maging ang bilang ng numero
ng telepono.

_MALI_5. Ang detalyadong memo ay kailangang nagtataglay ng sumusunod ; sitwasyon,


problema at solusyon lamang.

BALIKAN •ଓ.°
Panuto: PAG-UNAWA SA BINASA: Narito ang halimbawa ng talumpating isinulat ni Manuel L.Quezon. Basahin
itong mabuti at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

6. Ano ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon?


➜ ᎒ Ang paksa ng talumpati ni Manuel L. Quezon ay tungkol sa kaisipang nais niyang
tandaan ng kaniyang mga kababayan, ang mga Pilipino. Hindi dapat makalimutan ng
mga Pilipino na ingatan ang bayang Pilipinas na handog ng Diyos hanggang sa
katapusan ng mundo. Nag bigay diin din siya na ang Pilipinas ay dakila dahil sa mga
sakripisyong nagawa ng mga bayani at ito ang nagsisilbing pundasyon na magkakaroon
maliwanag na kinabukasan ang isang bansa sa kanlurang Pasipiko, ang bansang
Pilipinas.
7. Ano ang uri ng talumpating ito ayon sa layunin at ayon sa hulwaran? Bakit?
➜ ᎒ Ang layunin ng talumpati na ito ay pampasigla sapagkat pumupukaw at nagpapasigla
ito sa damdamin at isipan ng mga tao- ang mga Pilipino tungkol sa pagpapahalaga sa
bayang Pilipinas. At ang hulwaran ng talumpati ay nasa topikal na hulwaran dahil ang
mga paghahanay ng mga ideya o materyales na napaloob sa talumpating ito ay
nakabatay sa pangunahing paksa na pagiging Pilipino.

SURIIN •ଓ.°
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa ,sagutin ang mga katanungan ukol dito.

1. Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum ?


➜ ᎒ Ang mga impormasyon na nilalaman ng isang memorandum ay maaring mahalagang
pinag uusapan o pinagkasunduan ng isang kompanya, negosyo, o maginh sa
pamahalaan. Mahalaga na matutunan ang kasanayan sa pagsulat ng memorandum o
memo dahil sa pamamagitan nito nagiging maaayos, organisado, at sistematiko ang
impormasyon ng isang pagpupulong, paalala, o balita na nais ipabatid sa ibang tao.

2. Anong uri ng memorandum ayon sa layunin ang nabasang halimbawa?


➜ ᎒ Ang nabasang halimbawa ng memorandum ay isang memorandum para sa kabatiran
ukol sa rebyu na mangyayari sa National Achievement Test ng mga estudyanteng nasa
baitang 6 ng Academy of Saint John.

3. Ano-anong mahahalagang elementong kailangan para sa isang maaayos na


pagpupulong?
➜ ᎒ Upang maging maayos ang isang pagpupulong kailangan na maisaalang-alang ang
mga mahahalang elementong ito: pagpapaplano, paghahanda, pagpoproseso, at
pagtatala magagawa ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulat memorandum, adyenda,
at katitikan ng pulong.

4. Ano ang nilalaman ng isang memo o memorandum? Saan at kalian ito ginagamit ?
➜ ᎒ Ang isang memorandum ay naglalaman ng layunin o pakay ng isang kapulungan o
paalala at ito ay dapat nakikitaan ng letterhead, pinaguukulan nito, nagpadala/gumawa
nito, kompletong petsa, paksa nito, mensahe, at lagda nito. Ginagamit ang memo sa
pagbibigay alam sa gagawing mga aktibidad o proyekto na isasagawa ng isang
kompanya/organisasyon, pakikipag-usap sa mga patakaran, o pamamaraan ng isang
kompanya/organisayon, o pagpupulong.

5. Ano-anong ang mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng memo?


➜ ᎒ Sa pagsulat ng memorandum dapat tandaan na magtataglay ito ng mga
impormasyon tulad ng letterhead (logo at pangalan ng kompanya o organisayon),
pinaguukulan (para sa/para kay/kina), gumawa o nagpadala (mula kay), kompletong
petsa, paksa (payak, malinaw, at tuwiran), mensahe (maikli at detalyado), at lagda ng
nagpadala. Karapat dapat din na ito ay nagatataglay ng malinaw, maikli, at wasto ang
gramatika ng mga ibinahaging impormasyon sa madaling salita ito ay dapat diretsahan.
PAGYAMANIN •ଓ.°
Panuto: PAGSASAAYOS SA MEMORANDUM AYON SA PORMAT. Ang pagsunod sa mga paalala at hakbang
sa pagsulat ng memo ay mahalaga upang maging maayos , malinaw at mabisa ang gawain. Ngayon, ayusin sa
wastong pormat ang mga detalye ng memo o memorandum sa ibaba. Isulat sa bondpaper.

Kagawaran ng Edukasyon
Ultra Complex , Meralco Avenue
Pasig City ,Metro Manila Philippines

Memorandum Pangkagawaran Blg. 24, s. 2016


Para sa: Direktor ng Kawanihan
Direktor Panrehiyon ,Tagapamanihala ng mga Paaralan
Pinuno ng mga Pampubliko at Pampribadong Paaralan

Mula kay: Sgd.


BR. ARMIN A. LUISTRO FSC
Kalihim

Petsa: Enero 18, 2016

Paksa: 2016 Buwan ng Wikang Pambansa

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay mangunguna sa pagdiriwang ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa
tuwing ika-1 hanggang ika-31 ng Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997. Ang
tema ng pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.

Ang layunin ng pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

a.Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;

b. Mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na
nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko;

c. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa

Ang lingguhang paksa sa loob ng isang buwang pagdiriwang ay ang mga sumusunod:

a. Filipino: Wika ng Edukasyon at Kalinangan;

b. Intelektuwalisadong Wikang Pambansa, Wika ng Umuunlad na Bansa;

c. Pagsasalin, Susi sa Pagtamo at Pagpapalaganap ng mga Kaalaman at Karunungan;

Ang mga nabanggit na lingguhang paksa ang patnubay at magsisilbing batayan ng lahat ng gawaing
bubuuin at isagawa sa isang buwang pagdiriwang. Ang mga ito ay hindi nakaayos ayon sa pagkakasunud-sunod
upang magkaroon ng Kalayaan ang lahat sa pagpaplano ng programa.

Para sa iba pang detalye o impormasyon , mangyaring makipag-ugnayan sa:


Komisyon ng Wikang Filipino(KWF)
Sangay ng Edukasyon at Networking (SEN)
Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel San Miguel , Maynila
Telepono; (02) 736-2525-; (02) 736-2524 ; (02) 736 -2519
Email: komfil@kwf.gov.ph
Komisyonsawikangfilipino@gmail.com
Website ; www.kwf.gov.ph.

Hinihiling ang mabilis na pagpapalaganap ng Memorandum na ito.


ISAISIP •ଓ.°
Panuto: PAGBUBUOD : Isulat sa isang talata ang kabuoan ng kaalamang naibabahagi sa iyo sa araling ito.

Ang memorandum o memo ay kasulatan na nagbibigay kabatiran sa isang


paalala o magaganap na pulong patungkol sa importanteng impormasyon, tungkulin,
o gawain. Sa pagbuo nito kinakailangan na mabatid ang layunin sa gagawing
pagpupulong o paalala upang mas madali at malinaw para sa mga pinaguukulan nito
ang mga aasahan mula sa kanila o pinal na desisyon ng kanilang kompanya o
organisayon. Madalas na maikli ngunit detalyado ang mga ito na naglalayong
maisakatapuran ang isang tiyak na tungkulin maaring ito ay isang pulong, pagbabago
ng polisiya at iba pa. Ito ay may tatlong uri ayon sa layunin nito- para sa kahingilingan,
kabatiran, at pagtugon. Upang mabuo ito ng malinaw at maayos dapat magtaglay ito
ng mga sumusunod na impormasyon: letterhead (logo at pangalan ng kompanya o
organisayon), pinaguukulan (para sa/para kay/kina), gumawa o nagpadala (mula kay),
kompletong petsa, paksa (payak, malinaw, at tuwiran), mensahe (maikli at detalyado),
at lagda ng nagpadala.

ISAGAWA •ଓ.°
Panuto; PAGSULAT NG MEMORANDUM: Sitwasyon: Ikaw ay kasalukuyang pangulo sa inyong klase o seksyon
sa ikalabindalawang baitang.Sumulat ka ng isang organisado, malikhain, at kapani-paniwalang memorandum para
sa klase sa layuning magkaroon kayo ng pagpupulong upang pag-usapan ang mga patakarang susundin klasrum
sa kalagayang New Normal bunga ng COVID-19 Pandemya. Isulat ito sa bondpaper.
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Gen. Wood Street, Mahayahay, Iligan City
Filipino para sa Piling Larangan

MEMORANDUM PARA SA PAGPUPULONG

PARA SA: Estudyante ng ika-12 na baitang ng seksyon Ruby

MULA KAY: Lady Gene R. Sanchez


Pangulo ng Ikalabindalawang Baitang ng Sekyong Ruby

PETSA: 18 Disyembre 2021

PAKSA: Mga patakarang susundin sa klasrum sa kalagayang New Normal bunga ng


COVID-19 pandemya

Inapbrupahan ng Department of Education (DepEd) ang limited face-to-face


classes sa mga piling paaralan dito sa Pilipinas na sinimulan noong Nobyemre 15,
2021. Isang-daang mga publikong paaralan sa bansa ang sumailalim sa pilot run ng
limited face-to-face classes at dalawanpung pribadong paarala naman noong
Nobyemre 22, 2021. Nagbigay pahintulot na ang pangulo na sumali rin ang iba pang
paaraln sa pilot run na ito.

At kamakailan lang napag-uusapan na ang pagbabalik ng face-to-face classes


na posibleng maganap sa ating paaralan, Iligan City National High School sa Enero
2022. Wala pang opisyal na anunsyo ang mga awtoridad ng paaralan patungkol sa
katunayan nito. Sapagkat, kailangan nating maghanda sa posibilidad nito.

Ang pagpupulong na ito ay naglalayon na magbigay alam sa inyo ukol sa pag


implementa ng mga patakarang susundin sa loob ng paaralan at silid-aralan kaugnay
sa New Normal bunga ng COVID-19 pandemya at ng makapaghanda sa posibilidad
limited face-to-face classes sa darating na Enero taong 2022 .

Magaganap ang pagpupulong sa darating na Disyembre 18, 2021 sa Room


2, Dagohoy Building ng Iligan City National High School at magsisimula ito sa 10 n.u
hanggang 11:30 n.u.. Pangungunahan ito ng pangulo ng klase kasama ang ibang
opisyales ng klase at mismong class adviser, Gng. Mary Ann Pascubillo.

Kinakailangan ang pagdalo ng bawat estudyante ng seksyon Ruby. Panatilihin


ang pagsunod sa safety protocols. Maraming salamat.
TAYAHIN •ଓ.°
Panuto: PAGTUKOY SA KATANGIAN NG MEMORANDUM: Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian ,
layunin , gamit , anyo (porma) ng Memorandum . Isulat ito sa start.

MEMORANDUM
isang sulatin na nagbibigay kabatiran sa mga gagawing pulong
KAHULUGAN o paaalala sa mga importanteng impormasyon, tungkulin, utos,
o gawain kaugnay sa isang kompanya o organisasyon
• madalas ay maikli lamang ngunit detalyado at naipapakilos
ang tao ayon sa tiyak na alituntunin na dapat maisagawa
KALIKASAN
• naglalahad ng impormasyon ng isang mahalagang balita at
pagbabago ng polisiya
maayos, organisado, at sistematiko ang nilalamang
KATANGIAN
impormasyon kaya madaling nauunawaan ng mga mambabasa
• magbigay kabatiran sa mga pulong, tungkulin, utos, o
gawain kaugnay sa kompanya o organisasyon
• pakilusin ang isang tao sa tiyak na alituntunin na dapat
LAYUNIN
maisakatupuran
• ayon kay Bargo (2014) may tatlong uri ito ayon sa layunin
para sa kahiligan, kabatiran, at paagtugon
• pagbatid ng importanteng impormasyon kagaya ng
pagpupulong, pagbubuod ng pulong, pagbabago ng mga
GAMIT patakaran, o balita
• paghingi ng impormasyon
• pagbati ng kasamahan sa trabaho
malinaw at oranisaado na nakikitaan ng sumusunod na
impormasyon
• letterhead na may logo, pangalan ng kompanya,
institusyon, o organisasyon, at lugar
• para sa/ para kay/ kina (pangalan ng pinaguukulan)
PORMA(ANYO) • mula kay (pangalan ng gumawa o nagpadala)
• kompletong petsa
• tuwiran at malinaw na paksa
• mensahe
• lagda (makikita sa ibabaw ng mula kay)

KARAGDAGANG GAWAIN •ଓ.°


Panuto: PAGLILISTA NG MGA ADYENDA :
Batay sa iyong naisulat na memorandum sa klase, maglista ka ng mga adyenda o paksang maaaring
talakayin. Lakipan mo ito ng mga kamag-aral na tatalakay at panahong igugugol.
ILIGAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Senior High School Department
Gen. Wood Street, Mahayahay, Iligan City
Filipino para sa Piling Larangan

ADYENDA NG PAGPUPULONG
PETSA: 18 Disyembre 2021 ORAS: 10 n.u – 11:30 n.u

LUGAR: Rm. 2, Dagohoy Building, Iligan City National High School

PAKSA/LAYUNIN: Magbigay alam sa inyo ukol sa pag implementa ng mga patakarang susundin
sa loob ng paaralan at silid-aralan kaugnay sa New Normal bunga ng COVID-19 pandemya

MGA DADALO:
1. Mary Ann Pascubillo (Adviser) 11. John Elmer Valenzuela (Peace Officer)
2. Lady Gene Sanchez (Presidente) 12. Gwen Montesclaros (Peace Officer)
3. Sittie Aynah Camal (Bise-Presidente) 13. Ann Marie Nicdao (Muse)
4. Dharlene Grace Epe (Kalihim) 14. Charles Pagsiat (Prince)
5. Aisah Amod (Kawaning Kalihim) 15. Nor-ain Nehal Arumpac
6. Carlos Inao (Ingat-yaman) 16. Ashayra Nicole Niez
7. Joseph Bangos (Tagapagsuri) 17. Nazel Gay Leyte
8. Joshvan Balcos (P.I.O) 18. Jaica Dionaldo
9. Louise Angela Mijares (Social Manager) 19. Cris Ann Jumawan
10. Reymor Soronio (Social Manager) 20. Mary Angel Baculio

PAKSA / AGENDA TAONG TATALAKAY ORAS


Pagtalakay sa suliranin ng estudyante,
magulang, at paaralan tungkol sa New • Mary Ann Pascubillo (Adviser) 10 minuto
Normal
• Sittie Aynah Camal (Bise-
Pagbahagi ng layunin sa pagsasagawa ng Presidente)
20 minuto
tama at ligtas na New Normal • Louise Angela Mijares (Social
Manager)
Pagbigay alam sa patakarang susundin sa • Lady Gene Sanchez
30 minuto
silid-aralan kaugnay ang New Normal (Presidente)
Pagsaalang-alang sa mga kalagayan sa
• Joshvan Balcos (P.I.O) 10 minuto
New Normal
• Gwen Montesclaros (Peace
Pagmungkahi sa suhestiyon ukol sa mga
Officer 20 minuto
napag-usapan
• Dharlene Grace Epe (Kalihim)

You might also like