You are on page 1of 28

FILIPINO SA PILING LARANGAN-

AKADEMIK
Pagsulat ng Akademikong Sulatin-
Katitikan ng Pulong
Kuwarter 2, Modyul 2
Filipino sa Piling Larangan-Akademik
Senior High School
Locally-Developed Module
Ikalawang Markahan-Modyul 2: Pagsulat ng Akademikong Sulatin-
Katitikan ng Pulong
Unang Edisyon, 2020

Reserbado ang lahat ng karapatan, kasama na ang karapatan sa


reproduksiyon at paggamit sa anomang anyo at paraan maliban kung may
nakasulat na pahintulot mula sa mayhawak ng kapatang-sipi.

Inilimbag ng Schools Division Office (SDO) Dagupan City


OIC, Schools Division Superintendent: Aguedo C. Fernandez
OIC, Asst Schools Division Superintendent: Ma. Criselda G. Ocang

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Kenneth Richard A. Carrera


Editor: Arnulfo M. Tirao
Tagasuri: Gemma M. Erfelo
Renata G. Rovillos
Tagalapat: Kenneth Richard A. Carrera
Lemuel Dino V. Visperas
Tagapamahala: Venus Maria SM. Estonilo
Maria Linda R. Ventenilla
Gemma M. Erfelo
Renata G. Rovillos

Department of Education-SDO Dagupan City


Office Address: Burgos Street, Poblacion Oeste, Dagupan City
Telefax: (075) 515-6009
E-mail Address: dagupan.city@deped.gov.ph
PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN - KATITIKAN NG
PULONG
Ang Modyul na ito ay tumatalakay sa mga wastong
proseso sa pagsulat ng piling akademikong sulatin at magamit ng
wastong format at teknik sa pagsulat nito.

Iyong matutuhan sa modyul na ito ang:

 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan


upang makabuo ng katitikan ng pulong at sintesis
(CS_FA11/12PN-0j-l-92)
 Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat
ng mga piniling akademikong sulatin (CS_FA11/12PU-0d-f-92)
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating
akademiko sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa
(CS_FA11/12PB-0m-o-102)

Bago isagawa ang paggamit ng


modyul na ito ang mga sumusunod
ay mahalagang paalala:
1. Sagutin nang may katapatan ang
panimulang pagsusulit.
2. Isagawa ang mga hinihinging
gawain,
3. Sagutan ang lahat ng
pagsasanay.
4. Sagutan ang pangwakas na
pagsusulit.
5. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

1
Nais kong malaman kung
hanggang saan na ang iyong
nalalaman hinggil sa ating bagong
aralin. Ngayon naman ay subukin
mong sagutin ang panimulang
pagsusulit.

PANUTO: Ibigay ang iyong palagay tungkol


Gaano kahalaga
ang isang Pulong sa makikitang tanong sa ibaba.
o meeting? Sa
tingin mo _____________________________________________
kailangang _____________________________________________
irekord ang mga _____________________________________________
napag-uusapan _____________________________________________
sa isang pulong?
_____________________________________________
_____________________________________________

Rubrik sa pagbibigay puntos sa kasagutan:


5 puntos– Maayos, malinaw at nasa punto ang kasagutan
4 puntos– Maayos ngunit hindi sinagot sa kompletong
pangungusap.
3 puntos– Paligoy-ligoy ang kasagutan.
2 puntos– Malayo ang sagot sa inaasahan,
1 puntos– Walang kinalaman ang kasagutan sa inaasahan.

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang


tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.
Matalas na isipan, malikhaing pagsulat at tiwala sa sarili ang
pinakamahalagang sangkap ng isang mahusay na mananalumpati.
Rubrik sa pagbibigay puntos sa kasagutan:
2
KATITIKAN NG PAGPUPULONG

Ito ay isang mahalagang


dokumento sa isang pagpupulong ng
orga-nisasyon. Isinusulat dito ang
tinatalakay sa pagpupulong na bahagi ng
adyenda. Pormal ang wikang gamit sa
pagsulat ng katitikan. May konsistensi sa
estilong gagamitin sa pormalidad ng
paksa. Minutes of the Meeting ang
katmbas nitong salita sa ingles.

Naririto ang kahalagahan ng Katitikang Pulong:

 Maipapaalam sa mga sangkot o kabilang sa pulong ang


mga nanagyari at napag-usapan.

 Nagsisilbi itong gabay upang matandaan ang lahat ng


detalye sa pinag-usapan o nangyari sa pulong.

 Maaaring isang mahalagang dokumentong


pangkasaysayan sa paglipas ng panahon.

 Magsisilbi itong hanguan o sanggunian sa mga susunod


pang pulong.

3
Basahin at pag-aralan ang halimbawa ng isang katitikang
Pulong.

KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS


TEACHERS ASSOCIATION(PTA) NG PAARALAN NG TAL-UT
NATIONAL HIGH SCHOOL
Ika-19 ng setyembre, 2017 Ika- 3 ng hapon Sa Covered Court ng
Tal-ut National High School
Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id – Kagawad
Kgg. Judith Bacus -Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punung- guro ng Tal-ut NHSG.
Ruben S. Duterte – Guro
G. Johnrey M. Rafols – Guro
G. Jurren B. Lacson – Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe – Guro
Gng. Angeline D. Amistad – Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra – Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo – Guro
Gng. Jonave A. Manayaga – Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang hanggang Ika-sampung-
Baitang
Gng. Jonave A. Manayaga – Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang hanggang Ika-sampung-
Baitang

Di Dumalo:
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng
Valencia

4
Panukalang Adyenda
1. Palarong Panlungsod 2017
2. Kabkaban Festival 2017

I. Pagsisimula ng Pulong Ang pagpupulong ay itinayo ni G.


Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ngTNHS sa ganap na ika-
3:00 ng hapon, at ito ay pinasimulan sa pamamagitan ng isang
panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City Hymn (audio).
Kasunod ayang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos
ay ipinahayag namayroong quorum.
II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong Nagpatuloy ang
pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldoang
Kalihim ng Faculty ng TNHS ng katitikan sa nakaraang
pagpupulong noongHunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa
mga tuntunin sa paaralan lalo napara sa mga transferee at bagong
mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong opisyales ng PTA.
III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda
- Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L.
Dela Cernasa kahalagahan ng pagkakaisa ng mga magulang at
opisyales ng Barangaypara sa kaunlaran ng paaralan.
- Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina
Hon.Bonifacio Yam-id at Hon. Judith Bacus sa magandang
maibubunga ng pagsuporta ng mga magulang sa kanilang mga
anak sa mga iba’t ibang Gawain ng paaralan.
- Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong
Panlungsod2017. Ipinaalam niya sa mga magulang na ang Tal-ut
NHS ay sasali saPalarong Panlungsod ngayong Setyembre 28,
2017 hanggang Oktubre 1,2017. Sa panghuling araw ng gawain ay
magkakaroon ng Mr. and Ms.Palarong Panlungsod na lalahukan
nina Jevy Christy Java at James BrianBanag kapwa mag-aaral sa
TNHS. Ang nasabing contest ay hindi madalisapagkat
nangangailangan ng malaking halaga para sa kanilang
kasuotan,make-up, trainor at transportasyon. Nangangailangn ng
6,000 pesos( package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang
paaralan ay wala nangbadyet sapagkat ginastos na rin sa iba pang
sasalihang laro. Ang Pangulo ngPTA na si Gng Marieta Lauron, ay
nanguna sa paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa nasabing
problema. Nagkaroon ng iba’t ibang suhestiyon ang mga magulang
at sa huli ay niminunghaki nilang hahatiin ang pera sabilang ng
mga mag-aaral.

55
Narito ang resulta:

6000 Php ( package- costumes, make-up, trainors fee, transpo )


262 bilang ng mag-aaral=
23.00 bawat bata ang ibabayad
Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.

-Kabkaban Festival 2017-Sumunod ay ang pagbanggit ni G. Ruben


S.Duterte sa darating na Kabkaban Festival ngayong Nobyembre
19, 2017 parasa kapistahan ng lungsod ng Carcar. Inanyayahan ang
paaralan na sumali, atmaganda sanang lumahok sapagkat
mararanasan ng mga mag-aaral saunang pagkakataon ang
makasali sa nasabing malaking festival, at malilinangang kanilang
kasanayan sa pagsasayaw. Ngunit dagdag pa ni G. Duterte
nakaakibat ng malaking responsibilida ang gawaing ito
sapagkatnangangailangan ng suporta ng magulang at barangay
lalung-lalo na na kuntilang ang pwersa ng mga guro. Isa pang
suliranin ay ang badyet na gagamitin.Maglalaan ang City Hall ng
pera (150,000 pesos) na ilalaan sa costumes, props, pagkain at iba
pa ngunit maaaring kulangin ang pera at kinakailanganang tulong ng
magulang at Barangay.Hiningan ni G. Duterte ng opinion at
suhestiyon ang mga magulang kungsang-ayon ba sila sa pagsali ng
paaralan. Maraming magulang ang maygusto.Nagpahayag naman si
Kgg. Judith Bacus na sana ang lahat ng opisyales ngbarangay ay
tumulong at magkaisa kahit na magkaiba ang
partidongsinusuportahan dahil ang barangay ang may malaking
papel sa gawaing ito.Sabi pa niya na kung kinakailangan bumunot
sila ng pera sa kanilang bulsaay gagawin nila. Dala ng mga bata sa
kanilang pagsali ang pangalan ngBarangay Valencia kaya nararapat
na magkaisa sila.Sinabi ni G. Duterte na hindi pa pinalang pagsali
ng paaralan, ngunit sana ay maging posible.
- Pupunta si G. Dela Cerna at Kgg. Boni Yam-id sa konseho upang
sabihin nalalahok ang paaralan ng Tal-ut sa Kabkaban Festival.

- Magkakaroon din pagpupulong ang barangay ng Valencia kaugnay


nito, atiminungkahi ng Kgg. Bacus na dumalo ang mga magulang
para madinig nilaang plano ng mga opisyales ng Barangay.
- Tatawag ng sunod na meeting ang paaralan kaugnay sa Kabkaban
Festival.

66
IV. Iba Pang Pinag-usapan
-Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21,
2017. Kalahok nito ay mga PTA Officers, LGU’s, guro at SSG
Officers.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong- Wala pang petsa.

VI. Pagtatapos ng PulongNatapos ang pagpupulong sa ganap na


4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:

KAREN THERESE G. REMOCALDO


Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:
MARIETA C. LAURON
PTA President

Inaprubahan ni:
JEKELL L. DELA CERNA
Punong-guro

77
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng katitikan ng Pulong

Sa pagsulat ng katitikan ng pulong ay mga dapat tandaan o


gawin. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

 Habang namamahagi ng ideya ang mga dumalo sa


pulong, inililista ang mga adyendang napag-usapan isa-
isa.
 Lahat ng kalahok ay dapat ipahayag ang kanilang mga
kaal
man, punto at/o opinyon.
 Dapat pag-usapan nang maayos ang mga mabubuti at
masamang naidudulot ng mga naibigay na mungkahi.
 Magkroon ng opisyal na ulat o talaan.
 Dapat ang mga salita na sinabi sa pagtalakay ay
nakasulat sa ulat, hindi dapat ibahin ang mga nagamit na
salita.
 Dapat malinaw ang pagkakasulat ng mga napag-usapan
sa pulong.
 Piliin lamang ang mga importanteng bahagi ng
pagtalakay sa pulong.

Mahusay mo bang
nasundan ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng
Katitkang Pulong? Ngayon
naman, alamin natin ang iyong
kahusayan gamit ang
naihandang gawain. Handa Ka
na Ba?

8
8
GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na


tanong ng hindi bababa sa dalawang
pangungusap.

1. Bakit mahalagang magsulat omagtala ng isang Katitikan ng


Pulong?

_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Sa isang pagpupulong, sino kaya ang naatasan o may


karapatang sumulat ng isang katitikang pulong?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

Rubrik sa pagbibigay puntos sa kasagutan:


5 puntos– Maayos, malinaw at nasa punto ang kasagutan
4 puntos– Maayos ngunit hindi sinagot sa kompletong
pangungusap.
3 puntos– Paligoy-ligoy ang kasagutan.
2 puntos– Malayo ang sagot sa inaasahan,
1 puntos– Walang kinalaman ang kasagutan sa inaasahan.

9
9
Mga Inererekord sa Katitikan ng Pulong

 Mga Napagpasyahang aksyon

 Rekomendasyon

 Mahahalagang isyung lumutang sa pulong

 Pagbabago sa mga polisiya o Tuntunin

 Pagbibigay ng mga Magandang Balita

Binabati kita sa
mahusay na pagsagot sa
unang gawain, dali gawin
naman natin ang susunod na
Gawain.

10
10
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:

 Paksa
 Petsa
 Oras
 Pook/ lugar na pagdarausan ng pulong
 Mga indibidwal na dumalo at hindi dumalo
 Oras ng pagsisimula
 Oras ng pagtatapos

Ito ang mga dapat gawin:

Habang Nagpupulong ay…

 Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa


pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
 Itala ang mga aksyon habang nangyayari ang mga
ito at hindi pagkatapos.

Pagkatapos ng Nagpulong ay…

 Repasuhin ang isinulat.


 Kung mayroong mga bagay na hindi naunawaan ay
lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong
ang namamahala rito o ang iba pang mga
dumalo.
 Kapag tapos ng isulat ay ipabasa ito sa namumuno
sa pulong para mas maiwasto ang mga
nakatalang impormasyon.
 Mas mainam kung may numero ang bawat linya at
pahina upang madali itong matukoy sa
pagrepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.

11
11
GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang halimbawa Katitikan ng
Pulong at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Brgy. Ansci, Baler, Aurora


Mga Dumalo
Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan
KGG. Anthony Dominic
Sanchez
KGG. Mark Vincent Cabana
Daloy ng Usapan KGG. Elizar Valenzuela
Panalangin
KGG. Rendell Solano
Pagpapatibay ng Nakaraang
Katitikan KGG. Onille Paul Bernardino
PANIMULA: KGG. Von Andrew Lopez
7KGG. Zia Czarina Garcia
KGG. ANTHONY DOMINIC
SANCHEZ:
-Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng
umaga petsa ika-17 ng Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang
panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent Cabana.
-Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang
katitikan para narin sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi
ng katitikan.
-Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang
katitikan para narin sa kabatiran ng mga walang hawak na sipi
ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng


panggagalingan ng pondo sa ating nalalapit na Brgy. Night.
Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.

KGG. ADS: Sige

12
12
KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay
magsagawa ng isang Fun Run upang makalihim ng pondo.
Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting
sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito
ng pag hihikayat upang tayo ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat
KGG. Bernardino: May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng
Brgy. sari-sari store at ang tubo ng benta ay mapupunta sa
pondo ng ating barangay.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po
bang suhestyon?
KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-
Zumba. Tiyak na magugustuhan ito ng publiko.Maaaring isabay
ito sa pagtitinda ng barangay.
KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o
isang Colored Fun Run. Maraming mae-enganyong sumali rito
sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid at maging
sakanilang mga tatakbo.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May
iba pa po bang suhestyon?
KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?
KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng
suhestyon.
KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po
ay magkakaroon ng botohan upang mapag desisyonan kung ano
ang ating pipiliin.
KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka
madaming boto, ang Chroma ang nanalo. Ito an ating gagawin
para sa ating Fund Raising Activity.

13
13
KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund
Raising Activity. Magkano ang gusto ninyong maging registration
para dito?
KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga
pampakulay, aking iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po
bang suhestyon?
KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma
tulad ng tubig at iba pa, siguro 500.00php ang kakailanganin natin.
KGG. Bernardino: Masyado naman atang mahal pang limang
daan. Maaari na sigurong 300.00php.
KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.
KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:
Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo
Tubig = 500php/jug
Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler =
3000php
Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php
KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa
tayong 15,000.00php na maaari nating gamiting pampasimula ng
gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa Chroma ay 250 na tao,
mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity
na ito.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.


Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito

ZIA CZARINA GARCIA


Kalihim ng barangay
Pinapatunayang totoo:
KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ

14
14
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isaalang
alang ang mga impormasyon sa binasang halimbawa.

1. Ano ang iyong napansin sa binasang halimbawa ng katitikan ng


pulong?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________

2. Isinaalang-alang ba sa iyong binasa ang hakbang sa tamang


pagsulat ng kakitikan ng pulong?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________

3. Pansinin ang unang ibinigay na halimbawa, may mga nakikita ka


bang pagkakapareho at pagkakaiba sa kanilang nilalaman
atparaan ng pagkakasulat? Isa-isahin.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________

Rubrik sa pagbibigay puntos sa kasagutan:


5 puntos– Maayos, malinaw at nasa punto ang kasagutan
4 puntos– Maayos ngunit hindi sinagot sa kompletong
pangungusap.
3 puntos– Paligoy-ligoy ang kasagutan.
2 puntos– Malayo ang sagot sa inaasahan,
1 puntos– Walang kinalaman ang kasagutan sa inaasahan.

15
15
Bilang kasapi sa pulong na naatasang sumulat o itala ang
mga napag-usapan sa pagpupulong mahalagang:

- Unawain ang lahat ng detalyeng mapag-uusapan

- Maging alerto sa pagtatala.

- Isulat muna lahat ng napag-usapan dahil rerepa-

suhin mo naman ito sa huli.

Wow! Magaling
ang ipinakitang kahusayan
sa pagsagot sa Ikalawang
Gawain, malapit na tayong
matapos sa ating aralin

16
16
Iba Pang Gamit ng Katitikan ng Pulong

 Ginagamit ang Katitikan ng Pulong upang ipaalam sa


mga sangkot sa pulong, Nakadalo o hindi nakadalo ang
mga nangyari dito.

 Nagsisilbing permanenteng rekord.

 Sa pamamagitan ng katitikan ng Pulong, maaaring


magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga
nangyaring komunikasyon.

 Pagiging hanguan ng mga impormasyon para sa


susunod pang mga pulong.

 Ginagamit bilang ebidensya sakaling magkaroon ng


pagtatalo sa dalawa o higit pang indibidwal o grupo.

 Ginagamit upang ipaalala sa mga indibidwal ang


kanilang mga papel o responsibilidad sa kanilang
particular na proyekto o gawain.

17
17
GAWAIN 3

Panuto: Isulat ang T kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng


katotohanan at M naman kung hindi.

Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing tala ng mga bagay


na tinatalakay sa malaking organisasyon.
Ang katitikan ng pulong ay isang impormal na sulatin.
Ang mga pangalan ng mga dumalo at lumiban ay
kailangang Makita sa katitikan ng pulong.
Kailangang lagdaan ng naghanda ang katitikan ng pulong.

Ang katitikan ng pulong ay may inconsistent sa porma.

Sa isang pulong ay maaaring lahat ng kasapi ay magtala


ng mga naganap sa oras na iyon.
Maaaring palitan o baguhin ang anumang impormasyon o
detalye na nakatala sa katitikan ng pulong.
Kailangang maging alerto at mabilis sa pagtatala ang ta-
ong naatasang sumulat ng katitikan ng pulong.
Kung hindi nakapagtala ng mga napag-usapan sa ksalu-
kuyang pulong ay kopyahin at sipiin na lamang ang mga
napag-usapan sa nakaraang pagpupulong.
Ayos lamang na gumamit ng kahit anong wika dahil ang
mahalaga ay naitala nang maayos ang napag-usapan.

18
18
 Kailangang piliin at salain ang mga wika o salitang
gagamitin sa pagsulat ng katitikang pulong.

 Pormal at naaangkop palagi ang mga salitang gagamitin


dahil ang pagpupulong ay palaging pormal.

 Itala lamang ang pinakamahahalagang nilalaman ng


napag-usapan.

 Iribisa at repasuhing mabuti upang walang maging


aberya.

 Ang mga napag-usapan lamang sa pulong ang maaaring


ilagay o itala.

Nakakabilib! ang
ipinakitang kaga-lingan
sa pang-unawa sa Ikat-
long Gawain, ngayon ay
natitiyak kong handang-
handa ka na upang sagu-
tin ang pangwakas na
pagsusulit. Tara na!

19
19
I. Panuto: Sumulat ka ng isang maikling katitkan ng pulong.
Ipagpalagay na nagkaroon ng pagpupulong at ikaw
ang naatasang gumawa ng katitikan nito. Isulat ang
sagot sa ibaba. Isaalang-alang mo ang mga natalakay
na konsepto tungkol sa pagsulat ng katitikan ng
pulong.

20
20
II. Pangatwiranan bakit pormal na sulatin ang katititkan ng pulong?
Isulat ang katwiran na hindi bababa sa tatlong pangungusap.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________

21
21
22
22
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT PANIMULANG
PAGSUSULIT
(Rubrik sa Pagwawasto)
( I. Pagsulat ng sariling Replektibong
Sanaysay)
Gawain 1
Rubrik sa Pagwawasto: (Rubrik sa Pagwawasto)
Nilalaman - 8 puntos
Daloy/Kaayusan- 4 puntos
Gawain 2
Gramatika - 3 puntos (Rubrik sa Pagwawasto)
15 puntos
Gawain 3
( II. Pagsagot sa pagbuo ng Sariling 1. T
Pahayag) 2. M
3. T
Rubrik sa Pagwawasto: 4. T
Nilalaman - 5 puntos 5. M
6. M
paliwanag- 3 puntos 7. M
Gramatika - 2 puntos 8. T
9. M
10 puntos
10. M
Aklat:
Constantino, Pamela C. et. al. Filipino sa Piling Larangan. Rex
Bookstore, 2016.

Internet:
https://www.google.com/amp/s/
filipinosapilinglarangblog.wordpress.com/2017/10/13/katitikan-ng-
pulong-sa-barangay-isang-halimbawa/amp/
https://www.slideshare.net/mobile/MaryGladysAbao/katitikan
https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong

Learning Resource Material:


Deped Learning Portal (Filipino sa Piling Larang—Akademik)

23
24

You might also like